Tagalog Contemporary Bible

Santiago 1:1-27

1Mula kay Santiago na lingkod1:1 lingkod: sa literal, alipin. ng Dios at ng Panginoong Jesu-Cristo.

Mahal kong mga mananampalataya na nagsipangalat saan man sa mundo.1:1 mga mananampalataya … mundo: sa literal, 12 lahi na nagsipangalat.

Ang Pananampalataya at Karunungan

2Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. 3Sapagkat alam ninyong nagdudulot ito ng katatagan sa inyong pananampalataya. 4Kaya tiisin ninyo ang mga pagsubok upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay nʼyo. 5Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo sa karunungan, humingi siya sa Dios at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat. 6Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na tinatangay at pinapadpad ng hangin. 7Ang ganitong tao ay hindi dapat umasa na may matatanggap mula sa Panginoon 8dahil nagdadalawang-isip siya at walang katiyakan sa mga ginagawa niya.

Mga Mahihirap at Mayayaman

9Dapat ikagalak ng mga mahihirap na kapatid kay Cristo ang pagpaparangal ng Dios sa kanila. 10Ang mga mayayaman naman na kapatid kay Cristo ay dapat ding ikarangal ang pagkakababa sa kanila ng Dios, dahil lilipas sila katulad ng mga bulaklak sa parang.1:10 bulaklak sa parang: o, bulaklak ng damo. 11Natutuyo ang mga damo sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang mga bulaklak nito, at kumukupas ang ganda. Ganoon din naman ang isang mayaman, mamamatay siya sa kasagsagan ng paghahanapbuhay niya.

Mga Pagsubok at Tukso

12Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios sa mga nagmamahal sa kanya. 13Kung dumaranas ng tukso ang isang tao, hindi niya dapat isiping galing ito sa Dios, dahil hindi maaaring matukso ang Dios sa kasamaan, at hindi rin siya nanunukso sa kahit kanino. 14Natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa. 15At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ng kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantong ito sa kamatayan.

16Kaya huwag kayong magpadaya, mga minamahal kong kapatid. 17Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Dios na siyang lumikha ng mga bagay sa langit na nagbibigay-liwanag. At kahit pabago-bago at paiba-iba ang anyo ng anino ng mga ito, ang Dios ay hindi nagbabago. 18Ayon sa kanyang kalooban, ginawa niya tayong mga anak niya sa pamamagitan ng pagkilala natin sa katotohanan,1:18 pagkilala natin sa katotohanan: sa literal, salita ng katotohanan. upang maging higit tayo sa lahat ng nilikha niya.

Pagdinig at Pagsunod

19Tandaan nʼyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit. 20Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa paningin ng Dios. 21Kaya talikuran nʼyo na ang lahat ng kasamaan at maruruming gawain, at tanggapin nang may pagpapakumbaba ang salita ng Dios na itinanim sa inyong puso na siyang makapagliligtas sa inyo.

22Huwag lang kayong maging tagapakinig ng salita ng Dios kundi sundin nʼyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang sarili ninyo. 23Dahil kung nakikinig lang ang isang tao sa salita ng Dios pero hindi naman niya tinutupad ang sinasabi nito, katulad siya ng isang taong tumitingin sa salamin 24na pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at agad kinakalimutan ang ayos niya. 25Ngunit ang taong nagsasaliksik at tumutupad sa Kautusang ganap na nagpapalaya, at hindi tagapakinig lang na nakakalimot agad, ay ang taong pagpapalain ng Dios sa mga ginagawa niya.

26Kung may nag-aakalang siya ay relihiyoso pero hindi naman magawang pigilan ang dila niya, walang silbi ang pagiging relihiyoso niya at niloloko lang niya ang kanyang sarili. 27Ang pagkarelihiyosong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Dios Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kahirapan nila, at ang pagtalikod sa lahat ng kasamaan sa mundong ito.

New Serbian Translation

Јаковљева 1:1-27

Увод

1Јаков, слуга Бога и Господа Исуса Христа, поздравља дванаест племена Израиљевих расејаних по свету.

Искушења

2Браћо моја, сматрајте за чисту радост кад год вас задесе свакојака искушења, 3знајући да кушање ваше вере изграђује истрајност. 4Истрајност, пак, нека се покаже савршеном, да бисте ви били савршени и потпуни и без икаквог недостатка.

5Ако коме од вас недостаје мудрости, нека тражи од Бога који свима даје великодушно и без прекора, и он ће му је дати. 6Само нека тражи са вером, без икакве сумње, јер онај који сумња сличан је морском таласу који ветар подиже и ваља. 7Такав човек нека и не помишља да ће што примити од Господа, 8јер је колебљив, те стога непостојан у свим својим поступцима.

9Сиромашни брат нека се хвали својом узвишеношћу, 10а онај који је богат – својом понизношћу, јер ће свенути као цвет у трави. 11Јер, кад сунце гране са жегом, трава се суши, а цвет у њој вене, те му лепота пропада. Тако ће и богати проћи са својим пословима.

12Блажен је човек који истрајно одолева искушењима, јер ће, будући прекаљен, примити венац живота који је Бог обећао онима који га воле.

13Када је неко изложен искушењу, нека не каже: „Бог ме искушава“, јер Бог се не може искушавати злом, нити он сам кога искушава. 14Свако, наиме, подлеже искушењу тако што га његова властита зла жеља одвлачи и мами. 15Зла жеља, затим, будући зачета, рађа грех, а учињени грех рађа смрт.

16Не варајте се, браћо моја вољена. 17Сваки добар дар и савршен поклон долази нам одозго, од Оца светлости, који се не мења као сенка. 18Он нас је по својој вољи родио речју истине, да будемо први међу његовим створењима.

Слушање и извршавање

19А ово знајте, вољена моја браћо: нека свако буде брз да чује, спор да одговори, и спор да се разгневи; 20јер, човеков гнев не постиже праведност коју Бог тражи. 21Зато одбаците сву нечистоту и преосталу злоћу те кротко прихватите реч усађену у вас, која може да вас спасе.

22Не будите они који само слушају реч и тако себе варају; будите они који је извршавају. 23Јер онај који слуша реч, а не извршава је, сличан је човеку који посматра своје лице у огледалу; 24погледао се, наиме, па отишао, одмах заборављајући како је изгледао. 25Али ко се загледа у савршени Закон слободе, те истраје у њему, и не буде заборавни слушач, него онај који га извршава – тај ће бити блажен у ономе што чини.

26Ако неко себе сматра побожним, а не зауздава свој језик, тај вара себе; његова побожност ништа не вреди. 27Ово је чиста и неокаљана побожност коју Бог и Отац прихвата: заузимати се за сиромашне и удовице у њиховим неприликама и чувати себе неокаљаним од света.