Salmo 32 – TCB & APSD-CEB

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 32:1-11

Salmo 3232 Salmo 32 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang “maskil” na isinulat ni David.

Ang Paghahayag ng Kasalanan at Paghingi ng Kapatawaran sa Dios

1Mapalad ang isang tao na ang mga pagsuway at mga kasalanan ay pinatawad at kinalimutan na ng Panginoon.

2Mapalad ang tao na ang kasalanan ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon,

at walang pandaraya sa kanyang puso.

3Noong hindi ko pa ipinagtatapat ang aking mga kasalanan,

buong araw akoʼy nanlulumo at nanghihina ang aking katawan.

4Araw-gabi, hirap na hirap ako

dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin.32:4 hirap na hirap ako dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin: sa Hebreo, mabigat ang kamay mo sa akin.

Nawalan na ako ng lakas,

tulad ng natuyong tubig sa panahon ng tag-araw.

5Ngunit sa wakas, ipinagtapat ko ang aking mga kasalanan sa inyo;

hindi ko na ito itinago pa.

Sinabi ko nga sa sarili ko, “Ipagtatapat ko na ang aking mga kasalanan sa Panginoon.”

At pinatawad nʼyo ako.

6Kaya manalangin sana ang lahat ng matapat sa inyo,

habang may panahon pa.

Kung dumating man ang kapighatian na parang baha,

hindi sila mapapahamak.

7Kayo ang aking kublihan;

iniingatan nʼyo ako sa oras ng kaguluhan,

at pinalilibutan nʼyo ako ng mga awit ng kaligtasan.

8Sinabi ng Panginoon sa akin,

“Ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran.

Papayuhan kita habang binabantayan.

9Huwag kang tumulad sa kabayo o mola na walang pang-unawa,

na kailangan pang rendahan upang mapasunod.”

10Maraming hirap ang mararanasan ng taong masama,

ngunit mamahalin ng Panginoon ang sa kanya ay nagtitiwala.

11Kayong mga matuwid, magalak kayo at magsaya sa Panginoon.

Kayong mga namumuhay ng tama,

sumigaw kayo sa galak!

Ang Pulong Sa Dios

Salmo 32:1-11

Salmo 3232:0 Salmo 32 Ang ulohan sa Hebreo: Ang “maskil” ni David.

Pagsulti sa Sala ug Pagpangayo ug Pasaylo sa Dios

1Bulahan ang tawo kansang mga kalapasan gipasaylo,

kansang mga sala gipanas.

2Bulahan ang tawo nga wala na isipang sad-an sa Ginoo

ug walay gitagoang sala sa iyang kasingkasing.

3Sa wala ko pa masulti ang akong mga sala, nagluya ako,

daw sa nangagupok ang akong mga bukog tungod sa akong pag-agulo sa tibuok adlaw.

4Kay adlaw ug gabii gisilotan mo ako;

nawad-an na akog kusog nga daw sa nabulad ako sa init sa adlaw.

5Unya gisulti ko ang akong mga sala kanimo;

wala akoy gitago.

Miingon ako sa akong kaugalingon, “Isulti ko sa Ginoo ang akong mga sala,”

ug gipasaylo mo ako.

6Busa ang tanang matinud-anon kanimo angayng mag-ampo sa panahon sa kalisod aron dili sila maunsa,

labi na kon moabot kini nga daw usa ka baha.

7Ikaw ang akong tagoanan;

panalipdan mo ako sa panahon sa kalisod,

ug palibotan mo ako sa mga tawong nagahugyaw sa kalipay tungod sa imong pagluwas kanako.

8Miingon ka kanako,

“Tudloan ko ikaw sa dalan nga angay mong agian.

Tambagan ko ikaw samtang nagabantay ako kanimo.

9Ayaw pagpakasama sa kabayo o mula nga walay pagsabot,

nga kinahanglan pa unang busalan ug rendahan aron motuman.”

10Daghan ang mga kalisdanan nga moabot sa mga daotan,

apan ang nagasalig sa Ginoo higugmaon ug panalipdan gayod niya.

11Busa kamong mga matarong,

pagmaya kamo tungod sa gihimo sa Ginoo kaninyo!

Kamong nagkinabuhing matarong,

panghugyaw kamo sa kalipay!