Salmo 118 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 118:1-29

Salmo 118

Pasasalamat dahil sa Pagtatagumpay

1Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti;

ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.

2Ang lahat ng mamamayan ng Israel ay magsabi, “Ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”

3Ang lahat ng mga angkan ni Aaron ay magsabi, “Ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”

4Ang lahat ng may takot sa Panginoon ay magsabi, “Ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”

5Sa aking kagipitan, dumulog ako sa Panginoon,

at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas.

6Kasama ko ang Panginoon, kaya hindi ako matatakot.

Ano ang magagawa ng tao sa akin?

7Kasama ko ang Panginoon, siya ang tumutulong sa akin.

Makikita ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway.

8Mas mabuting manalig sa Panginoon, sa halip na magtiwala sa tao.

9Mas mabuting manalig sa Panginoon, sa halip na magtiwala sa mga pinuno.

10Napaligiran ako ng maraming bansang kaaway ko,

ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.

11Totoong pinaligiran nila ako,

ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.

12Sinalakay nila ako na parang mga pukyutan,

ngunit silaʼy napatigil agad na parang sinusunog na dayami na madali lang mapawi ng apoy.

Dahil sa kapangyarihan ng Panginoon, silaʼy tinalo ko.

13Puspusan nila akong sinalakay,

at halos magtagumpay na sila,

ngunit tinulungan ako ng Panginoon.

14Ang Panginoon ang aking kalakasan

at siya ang aking awit.

Siya ang nagligtas sa akin.

15-16Naririnig ang masayang sigawan ng mga mamamayan ng Dios sa kanilang mga tolda dahil sa kanilang tagumpay.

Ang Panginoon ang nagbigay sa kanila ng tagumpay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan!

Ang kapangyarihan ng Panginoon ang nagbibigay ng tagumpay!

17Hindi ako mamamatay, sa halip ay mabubuhay,

at isasaysay ko ang mga ginawa ng Panginoon.

18Kahit napakatindi ng parusa ng Panginoon sa akin, hindi niya niloob na akoʼy mamatay.

19Buksan ninyo ang pintuan ng templo ng Panginoon para sa akin dahil papasok ako at siyaʼy aking pasasalamatan.

20Ito ang pintuan ng Panginoon na ang mga matuwid lang ang makakapasok.

21Magpapasalamat ako sa inyo Panginoon, dahil sinagot nʼyo ang aking dalangin.

Kayo ang nagligtas sa akin.

22Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay siyang naging batong pundasyon.

23Ang Panginoon ang may gawa nito at tunay na kahanga-hanga sa ating paningin.

24Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.

25Panginoon, patuloy nʼyo kaming iligtas.

Pagtagumpayin nʼyo kami sa lahat ng aming ginagawa.

26Pinagpapala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.

Pagpalain sana kayo ng Panginoon mula sa kanyang templo.

27Ang Panginoon ay Dios at napakabuti niya sa atin.

Magdala tayo ng mga sanga ng punongkahoy para sa pagdiriwang ng pista, at pumarada paikot sa altar.

28Panginoon, kayo ang aking Dios;

nagpapasalamat ako at nagpupuri sa inyo.

29Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti;

ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

诗篇 118:1-29

第 118 篇

为胜利而感恩

1你们要称谢耶和华,

因为祂是美善的,

祂的慈爱永远长存。

2以色列人说:

“祂的慈爱永远长存。”

3亚伦家说:

“祂的慈爱永远长存。”

4愿那些敬畏耶和华的人说:

“祂的慈爱永远长存。”

5我在苦难中求告耶和华,

祂就答应我,救我脱离困境。

6有耶和华与我同在,

我必不惧怕,

人能把我怎么样?

7耶和华与我同在,帮助我,

我必看见那些恨我的人一败涂地。

8投靠耶和华胜过倚靠人。

9投靠耶和华胜过倚靠权贵。

10列国围住我,

但我靠着耶和华消灭了他们。

11他们四面围住我,

但我靠着耶和华消灭了他们。

12他们如蜜蜂围住我,

然而他们必像燃烧的荆棘,

转瞬消逝;

我靠着耶和华必消灭他们。

13我受到猛烈的攻击,

几乎要倒下了,

但耶和华帮助了我。

14耶和华是我的力量,

是我的诗歌;

祂拯救了我。

15义人的帐篷里传出胜利的欢呼声:

“耶和华伸出右手施展了大能!

16耶和华高举右手,

耶和华的右手施展了大能!”

17我必不至于死,

我要活着,

并要述说耶和华的作为。

18耶和华虽然重重地惩罚我,

却没有置我于死地。

19给我打开圣殿的门吧,

我要进去称谢耶和华。

20这是耶和华的门,

义人都可以进去。

21耶和华啊!我称谢你,

因为你听了我的祷告,

拯救了我。

22工匠丢弃的石头已成了房角石。

23这是耶和华的作为,

在我们看来奇妙莫测。

24这是耶和华得胜的日子,

我们要欢喜快乐。

25耶和华啊,求你拯救我们;

耶和华啊,求你使我们亨通。

26奉耶和华之名而来的当受称颂!

我们要在耶和华的殿中祝福你们。

27耶和华是上帝,

祂的光照亮我们。

要用绳索拴住祭牲,

牵到祭坛的角那里。

28你是我的上帝,我要称谢你;

你是我的上帝,我要尊崇你。

29你们要称谢耶和华,

因为祂是美善的,

祂的慈爱永远长存。