Panaghoy 3 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

Panaghoy 3:1-66

1Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng Panginoon dahil sa kanyang galit. 2Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag. 3Paulit-ulit niya akong pinarusahan araw at gabi. 4Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto. 5Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa. 6Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay. 7Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas. 8Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan. 9Hinarangan niya ng pader ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan. 10Para siyang oso o leon na nag-aabang upang salakayin ako. 11Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan. 12Iniumang niya ang kanyang pana at itinutok sa akin. 13Pinana niya ako at tumagos ito sa puso ko. 14Naging katawa-tawa ako sa aking mga kalahi. Buong araw nila akong inaawitan ng pangungutya. 15Pinuno niya ako ng labis na kapaitan. 16Nabungi ang mga ngipin ko dahil pinakain niya ako ng graba, at saka tinapak-tapakan niya ako sa lupa. 17Inalis niya ako sa maganda kong kalagayan at hindi ko na naranasan ang kasaganaan.

18Nawala na ang karangalan ko at lahat ng pag-asa sa Panginoon. 19Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa ko. 20At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako. 21Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. 23Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon! 24Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang Panginoon ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.” 25Mabuti ang Panginoon sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya. 26Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng Panginoon. 27Mabuti para sa isang tao na kahit bata pa ay matuto nang sumunod. 28Kapag tinuturuan tayo ng Panginoon, tumahimik tayo at pag-isipan itong mabuti. 29Magpakumbaba tayo sa harap ng Panginoon at huwag mawalan ng pag-asa. 30Kapag sinampal ka sa isang pisngi, ibigay mo pa ang kabila. At tanggapin mo rin ang pangungutya ng iyong mga kaaway. 31Dahil hindi tayo itatakwil ng Panginoon magpakailanman. 32Pero kahit nagpaparusa siya, ipinapakita pa rin niya ang kanyang habag at ang napakalakiʼt walang hanggan niyang pag-ibig sa atin. 33Dahil hindi siya natutuwa na tayoʼy saktan o pahirapan.

34Ayaw ng Panginoon na apihin ang mga bilanggo, 35o balewalain ang karapatan ng tao. 36Ayaw din ng Kataas-taasang Dios na ipagkait ang katarungan sa sinumang tao. Nakikita niya ang lahat ng ito.

37Walang anumang bagay na nangyayari na hindi pinahihintulutan ng Panginoon. 38Ang Kataas-taasang Dios ang nagpapasya kung ang isang bagay na mabuti o masama ay mangyayari. 39Kaya bakit tayo magrereklamo kung pinarurusahan tayo dahil sa ating kasalanan? 40Ang dapat ay siyasatin natin ang ating pamumuhay at magbalik-loob sa Panginoon. 41Buksan natin ang ating mga puso at itaas ang ating mga kamay sa Dios na nasa langit at sabihin: 42Panginoon, nagkasala po kami at naghimagsik sa inyo, at hindi nʼyo kami pinatawad. 43Nagalit kayo sa amin at inusig kami at walang awang pinatay. 44Tinakpan nʼyo ng mga ulap ang inyong sarili para hindi nʼyo marinig ang aming mga dalangin. 45Ginawa nʼyo kaming parang basura sa paningin ng ibaʼt ibang bansa. 46Kinutya kami ng lahat ng aming mga kaaway. 47Dumanas kami ng matinding takot, panganib, pagkasira at kapahamakan.”

48Napaluha ako dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi.

49Patuloy akong iiyak 50hanggang sa tumunghay ang Panginoon mula sa langit. 51Labis akong nasaktan sa sinapit ng mga kababaihan ng aking lungsod.

52Hinahabol ako ng aking mga kaaway na parang isang ibon, kahit na wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila. 53Sinubukan nila akong patayin sa pamamagitan ng pambabato at paghulog sa balon. 54Halos malunod na ako at ang akala koʼy mamamatay na ako.

55Doon sa ilalim ng balon, tumawag ako sa inyo Panginoon. 56Pinakinggan nʼyo ang pagmamakaawa ko at paghingi ng tulong. 57Dumating kayo nang akoʼy tumawag at sinabi nʼyong huwag akong matakot. 58Tinulungan nʼyo ako sa problema ko Panginoon, at iniligtas nʼyo ang buhay ko. 59Panginoon, nakita nʼyo ang kasamaang ginawa sa akin ng aking mga kaaway, kaya bigyan nʼyo ako ng katarungan. 60Alam nʼyo kung paano nila ako pinaghigantihan at ang lahat ng binabalak nila laban sa akin. 61Napakinggan nʼyo, O Panginoon, ang mga pangungutya nila at alam nʼyo ang lahat ng binabalak nila laban sa akin. 62Buong araw nilang pinag-uusapan ang pinaplano nilang masama laban sa akin. 63Masdan nʼyo, nakaupo man sila o nakatayo, kinukutya nila ako sa pamamagitan ng pag-awit. 64Panginoon, parusahan nʼyo sila ayon sa kanilang ginagawa. 65Patigasin nʼyo ang mga puso nila at sumpain nʼyo sila. 66Sa galit nʼyo Panginoon, habulin nʼyo sila at lipulin nang mawala na sila sa mundong ito.

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

Плач 3:1-66

Великая верность Аллаха

1Я человек, испытавший горе,

потому что Вечный покарал меня

жезлом Своего гнева.

2Он погнал меня и ввёл

во тьму, а не в свет.

3Несомненно, Он обратил Свою руку против меня

и обращает её снова и снова в течение всего дня.

4Он состарил кожу мою и плоть мою,

сокрушил кости мои.

5Он осадил меня и окружил

горечью и тяготою.

6Погрузил меня во мрак,

как давно умерших.

7Окружил меня стеной, чтобы я не мог выйти,

заковал меня в тяжёлые цепи.

8Даже когда я взываю и прошу о помощи,

Он не обращает внимания на мою молитву.

9Камнями Он преградил мне путь,

искривил стези мои.

10Он подобен медведю в засаде

или затаившемуся льву.

11Сбил меня с пути и растерзал меня,

оставив без помощи.

12Натянул Он Свой лук

и сделал меня мишенью для стрел Своих.

13Он пронзил моё сердце

стрелами из Своего колчана.

14Стал я посмешищем для всего моего народа,

весь день в песнях насмехаются надо мной.

15Он напоил меня горькими травами

и насытил горечью.

16Камнями сокрушил зубы мои,

втоптал меня в пыль.

17Лишена душа моя мира,

я позабыл о благоденствии.

18И сказал я: «Исчезло величие моё

и надежда моя на Вечного».

19Помню лишь о страдании и скитании,

во мне лишь горечь и желчь.

20Сильна память об этом,

поникла душа моя.

21Но вот что говорю я себе,

вот что даёт мне надежду:

22«Милость Вечного никогда не иссякает3:22 Или: «По милости Вечного мы не исчезли, потому что…»,

сострадание Его не истощается.

23Они обновляются3:23 Или: «Оно обновляется». каждое утро;

велика верность Твоя!»

24Я сказал себе: «Вечный – часть моя,

потому я буду надеяться на Него».

25Благ Вечный к тем, кто уповает на Него,

к тем, кто ищет Его.

26Благо тому, кто молча ожидает

спасения от Вечного.

27Благо человеку, который несёт ярмо

в юности своей.

28Пусть сидит в уединении и молчании,

потому что бремя это возложил на него Вечный.

29Пусть склонится в смирении,

может быть, есть ещё надежда.

30Пусть подставляет щёку свою бьющему

и насыщается бесчестием,

31ведь Владыка не отвергает людей навеки!

32И хотя Он посылает страдания,

Он же потом и помилует

по Своей великой любви.

33Ведь не по изволению сердца Своего

Он приносит бедствие и горе людям.

34А когда топчут ногами

всех узников земли,

35лишают человека правосудия

перед лицом Высочайшего,

36притесняют человека на суде –

разве Владыка всего этого не видит?

37Кто может сказать – и исполнится,

если Владыка не повелит этому случиться?

38Не по слову ли Высочайшего

приходят бедствие и благо?

39Для чего жаловаться человеку,

ведь он остался жив, хоть и был наказан за грехи свои?

40Проверим же пути наши и испытаем их

и вернёмся к Вечному.

41Вознесём сердца наши и руки

к Аллаху на небесах и скажем:

42«Мы согрешили и восстали против Тебя,

и Ты не простил нас.

43Ты покрыл Себя гневом и преследовал нас,

губя без пощады.

44Ты скрыл Себя облаком,

чтобы не доходила наша молитва.

45Ты сделал нас грязью и сором

среди народов.

46Все враги наши широко разинули

пасть свою на нас.

47Мы страдали от ужаса и западни,

опустошения и разорения».

48Ручьями слёзы текут из глаз моих,

потому что народ мой уничтожен.

49Слёзы мои будут течь,

не останавливаясь,

без перерыва,

50пока Вечный не посмотрит с небес

и не увидит.

51Я смотрю, и горечь наполняет душу мою

за всех дочерей моего города.

52Без причины враги мои пытались

поймать меня, словно птицу,

53бросили меня в яму

и камнями закидали меня.

54Воды сомкнулись над моей головой,

и я подумал: «Погиб я».

55Я воззвал к имени Твоему, о Вечный,

из ямы глубокой.

56Ты услышал голос мой;

не закрывай же ухо Своё

от моей мольбы и плача моего.

57Ты приближался, когда я взывал к Тебе,

и говорил: «Не бойся»3:57 Ср. Иер. 1:7-8..

58О Владыка, Ты защищал дело души моей,

искуплял жизнь мою.

59Ты видишь, Вечный, угнетение моё,

рассуди же тяжбу мою.

60Ты видишь всю их мстительность,

все их заговоры против меня.

61О Вечный, Ты слышишь их оскорбления,

все их заговоры против меня,

62как враги перешёптываются

обо мне весь день.

63Взгляни на них! Сидят ли они, стоят ли,

они насмехаются надо мною в своих песнях.

64Воздай им, Вечный,

по делам их рук.

65Мраком покрой их сердца,

и пусть проклятие Твоё будет на них.

66Преследуй их в гневе

и истреби их из поднебесья, о Вечный.