Mateo 21 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 21:1-46

Ang Matagumpay na Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem

(Mar. 11:1-11; Luc. 19:28-40; Juan 12:12-19)

1Malapit na sina Jesus sa Jerusalem. Pagdating nila sa nayon ng Betfage na nasa Bundok ng mga Olibo, pinauna ni Jesus ang dalawa niyang tagasunod 2at sinabi, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Makikita ninyo roon ang isang asno na nakatali, kasama ang bisiro nito. Kalagan ninyo ang mga ito at dalhin dito sa akin. 3Kapag may sumita sa inyo, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon, at hahayaan na niya kayo.” 4Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng propeta:

5“Sabihin ninyo sa mga naninirahan sa Zion na paparating na ang kanilang hari!

Mapagpakumbaba siya, at nakasakay sa asno, sa isang bisirong asno.”21:5 Zac. 9:9.

6Lumakad nga ang mga tagasunod at ginawa ang iniutos ni Jesus. 7Dinala nila ang asno at ang bisiro nito kay Jesus. Sinapinan nila ang mga ito ng kanilang mga balabal at sumakay si Jesus. 8Maraming tao ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga ng kahoy at inilatag din sa daan. 9Ang mga tao sa unahan ni Jesus at ang mga nasa hulihan ay sumisigaw, “Purihin ang Anak ni David!21:9 Anak ni David: Ito ang tawag ng mga Judio sa Mesias o Cristo dahil sa paniniwalang siyaʼy mula sa angkan ni David. Pagpalain ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Dios!”21:9 Salmo 118:26. 10Nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, nagkagulo ang buong lungsod, at nagtanungan ang mga tao, “Sino ang taong iyan?” 11Sumagot ang mga kasama ni Jesus, “Siya ang propetang si Jesus na taga-Nazaret, na sakop ng Galilea.”

Ang Pagmamalasakit ni Jesus sa Templo

(Mar. 11:15-19; Luc. 19:45-48; Juan 2:13-22)

12Pumunta si Jesus sa templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapating inihahandog sa templo. 13Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang bahay ko ay bahay-panalanginan.’21:13 Isa. 56:7. Pero ginawa ninyong pugad ng mga tulisan!”21:13 Jer. 7:11.

14May mga bulag at pilay na lumapit kay Jesus doon sa templo, at pinagaling niya silang lahat. 15Nagalit ang mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga himalang ginawa ni Jesus, at nang marinig nila ang mga batang sumisigaw doon sa templo ng “Purihin ang Anak ni David!”21:15 Anak ni David: Ito ang tawag ng mga Judio sa Mesias o Cristo dahil sa paniniwalang siyaʼy mula sa angkan ni David. 16Sinabi nila kay Jesus, “Naririnig mo ba ang sinasabi nila?” Sumagot si Jesus, “Oo. Hindi ba ninyo nabasa ang sinabi sa Kasulatan na kahit ang maliliit na bata ay tinuruan ng Dios na magpuri sa kanya?”21:16 Salmo 8:2. 17Pagkatapos, iniwan sila ni Jesus. Lumabas siya ng lungsod at nagpunta sa Betania, at doon siya nagpalipas ng gabi.

Isinumpa ni Jesus ang Puno ng Igos

(Mar. 11:12-14, 20-24)

18Kinaumagahan, nang pabalik na sina Jesus sa lungsod ng Jerusalem, nagutom siya. 19May nakita siyang puno ng igos sa tabi ng daan, kaya nilapitan niya ito. Pero wala siyang nakitang bunga kundi puro mga dahon. Kaya sinabi niya sa puno, “Hindi ka na mamumunga pang muli!” At agad na natuyo ang puno. 20Namangha ang mga tagasunod ni Jesus nang makita nila iyon. Sinabi nila, “Paanong natuyo kaagad ang puno?” 21Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo at walang pag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos. At hindi lang iyan, maaari rin ninyong sabihin sa bundok, ‘Lumipat ka sa dagat!’ at lilipat nga ito. 22Anumang hilingin ninyo sa Dios sa panalangin ay matatanggap ninyo kung sumasampalataya kayo.”

Ang Tanong tungkol sa Awtoridad ni Jesus

(Mar. 11:27-33; Luc. 20:1-8)

23Bumalik sa templo si Jesus, at habang nagtuturo siya, nilapitan siya ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Judio at tinanong, “Ano ang awtoridad mong gumawa ng mga bagay na ginagawa mo? Sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na iyan?” 24Sumagot si Jesus, “Tatanungin ko rin kayo. At kapag sinagot ninyo, sasabihin ko kung ano ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito. 25Kanino galing ang awtoridad ni Juan para magbautismo, sa Dios21:25 sa Dios: sa literal, sa langit. o sa tao?” Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Dios, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’ 26Pero kung sasabihin nating mula sa tao, magagalit sa atin ang mga tao, dahil naniniwala silang si Juan ay propeta ng Dios.” 27Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.”

Ang Talinghaga tungkol sa Dalawang Anak

28Sinabi pa ni Jesus sa kanila, “Ano sa palagay ninyo ang kahulugan ng talinghagang ito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa panganay at sinabi, ‘Anak, pumunta ka ngayon sa ating ubasan at magtrabaho.’ 29Sumagot siya, ‘Ayaw ko po.’ Pero maya-maya ay nagbago ang isip niya at pumunta rin. 30Lumapit din ang ama sa bunso at ganoon din ang sinabi. Sumagot ang bunso, ‘Opo,’ pero hindi naman siya pumunta. 31Sino ngayon sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?” Sumagot sila, “Ang panganay.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay nauuna pa sa inyo na mapabilang sa kaharian ng Dios. 32Sapagkat dumating sa inyo si Juan na tagapagbautismo, at itinuro sa inyo ang tamang daan sa matuwid na pamumuhay, pero hindi kayo naniwala. Pero ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaeng bayaran ay naniwala sa kanya. At kahit na nakita ninyo ito, hindi pa rin kayo nagsisi sa mga kasalanan ninyo at naniwala sa kanya.”

Ang Talinghaga tungkol sa Masasamang Magsasaka

(Mar. 12:1-12; Luc. 20:9-19)

33Muling nagsalita si Jesus sa kanila, “Makinig kayo sa isa pang talinghaga: May isang taong may bukid na pinataniman niya ng ubas. Pinabakuran niya ito at nagpagawa ng pisaan ng ubas. Nagtayo rin siya ng isang bantayang tore. At pagkatapos ay pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar. 34Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang kanyang mga alipin sa mga magsasakang umuupa sa ubasan niya para kunin ang kanyang parte. 35Pero sinunggaban ng mga magsasaka ang mga alipin. Binugbog nila ang isa, pinatay ang isa at binato naman ang isa pa. 36Nagsugo ulit ang may-ari ng mas maraming alipin, at ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. 37Nang bandang huli, pinapunta ng may-ari ang kanyang anak. Ang akala niyaʼy igagalang nila ito. 38Pero nang makita ng mga magsasaka ang anak ng may-ari, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya para mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’ 39Kaya sinunggaban nila ang anak, dinala sa labas ng ubasan at pinatay.”

40Pagkatapos, nagtanong si Jesus, “Ano kaya ang gagawin ng may-ari sa mga magsasakang iyon sa kanyang pagbabalik?” 41Sumagot ang mga tao, “Tiyak na papatayin niya ang masasamang taong iyon, at pauupahan niya ang kanyang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay sa kanya ng parte niya sa bawat panahon ng pamimitas.” 42Sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang talatang ito sa Kasulatan?

‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay

ang siyang naging batong pundasyon.21:42 batong pundasyon: sa literal, batong panulukan.

Gawa ito ng Panginoon

at kahanga-hanga ito sa atin!’21:42 Salmo 118:22-23.

43“Kaya tandaan ninyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Dios kundi ang mga taong sumusunod sa kanyang kalooban. [44Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, ngunit ang mahulugan nito ay madudurog.]”

45Nang marinig ng mga namamahalang pari at ng mga Pariseo ang talinghagang iyon, alam nilang sila ang tinutukoy ni Jesus. 46Kaya gusto nilang dakpin si Jesus, pero natatakot sila sa mga tao na naniniwalang si Jesus ay isang propeta.

New International Reader’s Version

Matthew 21:1-46

Jesus Comes to Jerusalem as King

1As they all approached Jerusalem, they came to Bethphage. It was on the Mount of Olives. Jesus sent out two disciples. 2He said to them, “Go to the village ahead of you. As soon as you get there, you will find a donkey tied up. Her colt will be with her. Untie them and bring them to me. 3If anyone says anything to you, say that the Lord needs them. The owner will send them right away.”

4This took place so that what was spoken through the prophet would come true. It says,

5“Say to the city of Zion,

‘See, your king comes to you.

He is gentle and riding on a donkey.

He is riding on a donkey’s colt.’ ” (Zechariah 9:9)

6The disciples went and did what Jesus told them to do. 7They brought the donkey and the colt. They placed their coats on them for Jesus to sit on. 8A very large crowd spread their coats on the road. Others cut branches from the trees and spread them on the road. 9Some of the people went ahead of him, and some followed. They all shouted,

“Hosanna to the Son of David!”

“Blessed is the one who comes in the name of the Lord!” (Psalm 118:26)

“Hosanna in the highest heaven!”

10When Jesus entered Jerusalem, the whole city was stirred up. The people asked, “Who is this?”

11The crowds answered, “This is Jesus. He is the prophet from Nazareth in Galilee.”

Jesus Clears Out the Temple

12Jesus entered the temple courtyard. He began to drive out all those who were buying and selling there. He turned over the tables of the people who were exchanging money. He also turned over the benches of those who were selling doves. 13He said to them, “It is written that the Lord said, ‘My house will be called a house where people can pray.’ (Isaiah 56:7) But you are making it ‘a den for robbers.’ ” (Jeremiah 7:11)

14Blind people and those who were disabled came to Jesus at the temple. There he healed them. 15The chief priests and the teachers of the law saw the wonderful things he did. They also saw the children in the temple courtyard shouting, “Hosanna to the Son of David!” But when they saw all this, they became angry.

16“Do you hear what these children are saying?” they asked him.

“Yes,” replied Jesus. “Haven’t you ever read about it in Scripture? It says,

“ ‘Lord, you have made sure that children and infants

praise you.’ ” (Psalm 8:2)

17Then Jesus left the people and went out of the city to Bethany. He spent the night there.

Jesus Makes a Fig Tree Dry Up

18Early in the morning, Jesus was on his way back to Jerusalem. He was hungry. 19He saw a fig tree by the road. He went up to it but found nothing on it except leaves. Then he said to it, “May you never bear fruit again!” Right away the tree dried up.

20When the disciples saw this, they were amazed. “How did the fig tree dry up so quickly?” they asked.

21Jesus replied, “What I’m about to tell you is true. You must have faith and not doubt. Then you can do what was done to the fig tree. And you can say to this mountain, ‘Go and throw yourself into the sea.’ It will be done. 22If you believe, you will receive what you ask for when you pray.”

The Authority of Jesus Is Questioned

23Jesus entered the temple courtyard. While he was teaching there, the chief priests and the elders of the people came to him. “By what authority are you doing these things?” they asked. “Who gave you this authority?”

24Jesus replied, “I will also ask you one question. If you answer me, I will tell you by what authority I am doing these things. 25Where did John’s baptism come from? Was it from heaven? Or did it come from human authority?”

They talked to one another about it. They said, “If we say, ‘From heaven,’ he will ask, ‘Then why didn’t you believe him?’ 26But what if we say, ‘From human authority’? We are afraid of the people. Everyone believes that John was a prophet.”

27So they answered Jesus, “We don’t know.”

Jesus said, “Then I won’t tell you by what authority I am doing these things either.

The Story of the Two Sons

28“What do you think about this? A man had two sons. He went to the first and said, ‘Son, go and work today in the vineyard.’

29“ ‘I will not,’ the son answered. But later he changed his mind and went.

30“Then the father went to the other son. He said the same thing. The son answered, ‘I will, sir.’ But he did not go.

31“Which of the two sons did what his father wanted?”

“The first,” they answered.

Jesus said to them, “What I’m about to tell you is true. Tax collectors and prostitutes will enter the kingdom of God ahead of you. 32John came to show you the right way to live. And you did not believe him. But the tax collectors and the prostitutes did. You saw this. But even then you did not turn away from your sins and believe him.

The Story of the Renters

33“Listen to another story. A man who owned some land planted a vineyard. He put a wall around it. He dug a pit for a winepress in it. He also built a lookout tower. He rented the vineyard out to some farmers. Then he moved to another place. 34When harvest time approached, he sent his slaves to the renters. He told the slaves to collect his share of the fruit.

35“But the renters grabbed his slaves. They beat one of them. They killed another. They threw stones at the third to kill him. 36Then the man sent other slaves to the renters. He sent more than he did the first time. The renters treated them the same way. 37Last of all, he sent his son to them. ‘They will respect my son,’ he said.

38“But the renters saw the son coming. They said to one another, ‘This is the one who will receive all the owner’s property someday. Come, let’s kill him. Then everything will be ours.’ 39So they took him and threw him out of the vineyard. Then they killed him.

40“When the owner of the vineyard comes back, what will he do to those renters?”

41“He will destroy those evil people,” they replied. “Then he will rent the vineyard out to other renters. They will give him his share of the crop at harvest time.”

42Jesus said to them, “Haven’t you ever read what the Scriptures say,

“ ‘The stone the builders didn’t accept

has become the most important stone of all.

The Lord has done it.

It is wonderful in our eyes’? (Psalm 118:22,23)

43“So here is what I tell you. The kingdom of God will be taken away from you. It will be given to people who will produce its fruit. 44Anyone who falls on that stone will be broken to pieces. But the stone will crush anyone it falls on.”

45The chief priests and the Pharisees heard Jesus’ stories. They knew he was talking about them. 46So they looked for a way to arrest him. But they were afraid of the crowd. The people believed that Jesus was a prophet.