Mateo 2 – TCB & CRO

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 2:1-23

Ang Pagdalaw ng mga Taong Galing sa Silangan

1Ipinanganak si Jesus sa bayan ng Betlehem sa lalawigan ng Judea noong si Herodes ang hari. Isang araw, dumating sa Jerusalem ang ilang taong dalubhasa2:1 dalubhasa: sa Griego, magoi. Hindi sigurado kung ano ang ibig sabihin ng magoi. Pero posibleng dalubhasa sa pag-aaral ng mga bituin. galing sa silangan. 2Nagtanong sila, “Saan ba ipinanganak ang hari ng mga Judio? Nakita namin ang kanyang bituin sa silangan, at naparito kami upang sambahin siya.”

3Nang mabalitaan ito ni Herodes, nabagabag siya at pati na rin ang buong Jerusalem. 4Kaya ipinatawag ni Herodes ang lahat ng namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan, at tinanong sila kung saan isisilang ang Cristo. 5Sumagot sila, “Sa Betlehem na sakop ng Juda, dahil ganito ang isinulat ng propeta:

6‘Ikaw, Betlehem sa lupain ng Juda,

hindi ka huli sa mga pangunahing bayan ng Juda;

dahil magmumula sa iyo ang isang pinuno

na magsisilbing pastol ng mga mamamayan kong Israelita.’ ”2:6 Micas 5:2.

7Nang marinig ito ni Herodes, palihim niyang ipinatawag ang mga taong galing sa silangan at inalam kung kailan talaga nila unang nakita ang bituin. 8Pagkatapos, pinapunta niya sila sa Betlehem. Ibinilin niya sa kanila, “Lumakad na kayo at hanaping mabuti ang sanggol. At kapag nakita ninyo, balitaan nʼyo ako kaagad upang makapunta rin ako at makasamba sa kanya.” 9-10Pagkatapos nilang marinig ang bilin ng hari, umalis na sila. Habang sila ay naglalakbay, muling lumitaw ang bituin na nakita nila sa silangan, at lubos ang kanilang kagalakan. Nanguna sa kanila ang bituin hanggang makarating sila sa kinaroroonan ng sanggol. 11Pagpasok nila sa bahay, nakita nila ang sanggol at ang ina nitong si Maria. Lumuhod sila at sumamba sa sanggol. Inilabas din nila at inihandog sa sanggol ang mga dala nilang ginto, insenso at pabangong mira.

12Nang pauwi na sila, binalaan sila ng Dios sa pamamagitan ng isang panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes. Kaya nag-iba na sila ng daan pauwi.

Ang Pagtakas Patungo sa Egipto

13Nang makaalis na ang mga taong galing sa silangan, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi ng anghel sa kanya, “Bumangon kaʼt dalhin ang bata at ang kanyang ina sa Egipto. Doon muna kayo hanggaʼt hindi ko sinasabing bumalik kayo, dahil hinahanap ni Herodes ang sanggol para patayin.”

14Kaya nang gabi ring iyon, umalis papuntang Egipto si Jose, kasama ang bata at ang ina nitong si Maria. 15At nanatili sila roon hanggang sa mamatay si Herodes.

Sa gayon, natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tinawag ko mula sa Egipto ang aking anak.”2:15 Hos. 1:1.

Ipinapatay ni Herodes ang mga Batang Lalaki

16Galit na galit si Herodes nang malaman niyang nilinlang siya ng mga taong galing sa silangan. Kaya iniutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem at sa mga lugar sa paligid nito, mula dalawang taong gulang pababa. Sapagkat ayon sa nalaman niya sa mga taong galing sa silangan, dalawang taon na ang nakalipas mula nang una nilang makita ang bituin.

17Sa ginawang kalupitan ni Herodes, natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias,

18“May narinig na iyakan at malakas na panaghoy sa Rama.

Iniiyakan ni Raquel ang pagkamatay ng kanyang mga anak,

at ayaw niyang magpaaliw

dahil patay na ang mga ito.”2:18 Jer. 31:15.

Ang Pagbabalik Mula sa Egipto

19Nang mamatay na si Herodes, ang anghel ng Panginoon ay muling nagpakita sa panaginip ni Jose doon sa Egipto 20at sinabi nito sa kanya, “Bumangon kaʼt iuwi na ang bata at ang kanyang ina sa bayan ng Israel, dahil patay na ang mga nagtatangka sa buhay ng bata.” 21Kaya bumangon si Jose, at dinala ang mag-ina pauwi sa Israel.

22Pero nang malaman ni Jose na si Arkelaus ang naghahari sa Judea kapalit ng ama nitong si Herodes, natakot siyang pumunta roon. Binalaan siyang muli ng Dios sa pamamagitan ng panaginip, kaya tumuloy siya sa lalawigan ng Galilea, 23at nanirahan sila sa bayan ng Nazaret. Kaya natupad ang sinabi ng mga propeta na tatawagin ang Cristo na Nazareno.

Knijga O Kristu

Matej 2:1-23

Dar zvjezdoznanaca

1Isus se rodio u gradu Betlehemu u Judeji za vladavine kralja Heroda. U to vrijeme neki mudraci s Istoka stignu u Jeruzalem 2i stanu se raspitivati: “Gdje je taj novorođeni kralj Židova? Vidjeli smo njegovu zvijezdu na istoku pa smo mu se došli pokloniti.”

3To veoma uznemiri kralja Heroda, a i sav Jeruzalem. 4Kralj sazove svećeničke poglavare i pismoznance da se raspita gdje se Krist treba roditi. 5“U Betlehemu u Judeji”, odgovore mu, “jer je prorok napisao:

6‘Betleheme, ti nisi samo nevažno judejsko selo,

jer će iz tebe poteći vladar

koji će voditi moj narod, Izrael.’”2:6 Mihej 5:2; 2 Samuelova 5:2.

7Tada Herod potajno pošalje po mudrace da od njih dozna vrijeme pojavka zvijezde. 8Zatim ih pošalje u Betlehem: “Pođite i pomnjivo se raspitajte za dijete. Kad ga pronađete, vratite se i javite mi da mu se i ja pođem pokloniti.”

9Poslušali su kralja i pošli. I gle! Zvijezda koju su vidjeli da izlazi išla je pred njima sve dok se nije zaustavila iznad mjesta gdje se nalazilo dijete. 10Kad su ju ugledali, silno su se razveselili. 11Uđu u kuću i ugledaju dijete s njegovom majkom Marijom te padnu ničice i poklone mu se. Zatim otvore škrinje s blagom i daruju mu zlato, tamjan i smirnu. 12Poslije toga su u snu dobili upute da se ne vraćaju k Herodu, te su se u svoju zemlju vratili drugim putem.

Bijeg u Egipat

13Kad su otišli, anđeo se Gospodnji ukaže u snu Josipu. “Ustani i bježi u Egipat s djetetom i s njegovom majkom”, reče anđeo, “i ostani ondje sve dok ti ne kažem da se vratiš jer će kralj Herod tražiti dijete da ga ubije.”

14Josip ustane i još se iste noći zaputi u Egipat s Marijom i djetetom. 15Ostao je ondje sve do Herodove smrti. Time se ispunilo što je Gospodin rekao preko proroka: “Pozvao sam svojega sina iz Egipta.”2:15 Hošea 11:1.

16Kad uvidi da su ga mudraci izigrali, Herod se silno razgnjevi i pošalje vojnike da u Betlehemu i po svoj okolici pobiju sve dječake od dvije godine i mlađe, prema vremenu izlaska zvijezde za koje se raspitao u mudraca. 17Tada se ispunilo ono što je rekao prorok Jeremija:

18“U Rami se čuje glas,

zapomaganje i gorak plač;

to Rahela oplakuje svoju djecu

i ne dade se utješiti jer ih više nema.”

Povratak iz Egipta

19Kad je Herod umro, u Egiptu se anđeo Gospodnji ukaže Josipu u snu 20i reče mu: “Ustani i povedi dijete i njegovu majku natrag u izraelsku zemlju, jer su oni koji su ga pokušavali ubiti mrtvi.” 21On ustane, uzme dijete i majku i vrati se u Izrael. 22Putem dozna da je novim kraljem postao Arhelaj, Herodov sin, pa se prestraši. Tada i u snu dobije upozorenje da ne ide u Judeju, te umjesto toga ode u Galileju 23i nastani se u Nazaretu. Time se ispunilo što su o Mesiji napisali proroci: “Zvat će se Nazarećanin.”