Marcos 6 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

Marcos 6:1-56

Hindi Tinanggap si Jesus sa Nazaret

(Mat. 13:53-58; Luc. 4:16-30)

1Umalis si Jesus sa lugar na iyon at umuwi sa sarili niyang bayan. Kasama niya ang kanyang mga tagasunod. 2Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, pumunta siya sa sambahan ng mga Judio at nagturo roon. Nagtaka ang maraming taong nakikinig sa kanya. Sinabi nila, “Saan kaya niya nakuha ang karunungang iyan? At ano ang karunungang ito na ibinigay sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga himala? 3Hindi baʼt siya ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas at Simon? Hindi baʼt ang mga kapatid niyang babae ay dito rin nakatira sa atin?” At hindi siya pinaniwalaan. 4Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta ay iginagalang kahit saan, maliban sa kanyang sariling bayan at mga kamag-anak at mga kasambahay.” 5Iyan ang dahilan kung bakit hindi siya nakagawa ng mga himala roon maliban sa ilang maysakit na pinatungan niya ng kanyang kamay at pinagaling. 6Nagtaka siya sa kawalan nila ng pananampalataya sa kanya.

Sinugo ni Jesus ang Labindalawang Apostol

(Mat. 10:5-15; Luc. 9:1-6)

Nilibot ni Jesus ang mga kanayunan at nangaral sa mga tao. 7Tinawag niya ang 12 apostol at sinugo sila nang dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu. 8At ibinilin niya sa kanila, “Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay, kahit pagkain, pera o bag, maliban sa isang tungkod. 9Pwede kayong magsuot ng sandalyas, pero huwag kayong magdala ng bihisan. 10Kapag pinatuloy kayo sa isang bahay, doon na lang kayo manatili hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon. 11Kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan ng mga tao sa isang lugar, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa bilang babala laban sa kanila.” 12Kaya umalis ang 12 at nangaral sa mga tao na dapat nilang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan. 13Pinalayas nila ang maraming masamang espiritu at maraming may sakit ang pinahiran nila ng langis at pinagaling.

Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo

(Mat. 14:1-12; Luc. 9:7-9)

14Nabalitaan ni Haring Herodes ang tungkol kay Jesus dahil kilalang-kilala na siya kahit saan. May mga nagsasabi, “Siya ay si Juan na tagapagbautismo na muling nabuhay, kaya nakagagawa siya ng mga himala.” 15Ang sabi naman ng iba, “Siya ay si Elias.” At may mga nagsasabi rin na siya ay isang propeta na tulad ng mga propeta noong unang panahon.

16Pero nang mabalitaan ni Herodes ang mga sinabing iyon ng mga tao, sinabi niya, “Muling nabuhay si Juan na pinapugutan ko ng ulo!” 17Ipinahuli noon ni Herodes si Juan at ipinabilanggo, dahil tinutuligsa ni Juan ang relasyon niya kay Herodias. Si Herodias ay asawa ng kapatid ni Herodes na si Felipe. Pero kinuha siya ni Herodes bilang asawa. 18Laging sinasabihan ni Juan si Herodes na hindi tama na kunin niya ang asawa ng kanyang kapatid. 19Kaya nagkimkim ng galit si Herodias kay Juan, at gusto niya itong ipapatay. Pero hindi niya magawa, dahil ayaw pumayag ni Herodes. 20Takot si Herodes kay Juan dahil alam niyang matuwid at mabuting tao si Juan. Kaya ipinagtatanggol niya ito. Kahit nababagabag siya sa mga sinasabi ni Juan, gustong-gusto pa rin niyang makinig dito.

21Pero sa wakas ay dumating din ang pagkakataong hinihintay ni Herodias. Kaarawan noon ni Herodes at nagdaos siya ng malaking handaan. Inimbita niya ang mga opisyal ng Galilea, mga kumander ng mga sundalong Romano at iba pang mga kilalang tao roon. 22Nang oras na ng kasiyahan, pumasok ang anak na babae ni Herodias at nagsayaw. Labis na nasiyahan si Herodes at ang mga bisita niya. Kaya sinabi ni Herodes sa dalaga, “Humingi ka sa akin ng kahit anong gusto mo at ibibigay ko.” 23At sumumpa pa siya na ibibigay niya sa dalaga kahit ang kalahati pa ng kanyang kaharian. 24Lumabas muna ang dalaga at tinanong ang kanyang ina kung ano ang hihilingin niya. Sinabihan siya ng kanyang ina na hingin ang ulo ni Juan na tagapagbautismo. 25Kaya dali-daling bumalik ang dalaga sa hari at sinabi, “Gusto ko pong ibigay ninyo sa akin ngayon din ang ulo ni Juan na tagapagbautismo, na nakalagay sa isang bandehado.” 26Labis itong ikinalungkot ng hari, pero dahil nangako siya sa harap ng mga bisita niya, hindi siya makatanggi sa dalaga. 27Kaya pinapunta niya agad sa bilangguan ang isang sundalo upang dalhin sa kanya ang ulo ni Juan. Pumunta ang sundalo sa bilangguan at pinugutan ng ulo si Juan, 28inilagay niya ang ulo sa bandehado at ibinigay sa dalaga. At ibinigay naman ito ng dalaga sa kanyang ina. 29Nang mabalitaan ng mga tagasunod ni Juan ang nangyari, kinuha nila ang kanyang bangkay at inilibing.

Pinakain ni Jesus ang 5,000 Tao

(Mat. 14:13-21; Luc. 9:10-17; Juan 6:1-14)

30Bumalik ang mga apostol na inutusan ni Jesus na mangaral, at ikinuwento nila sa kanya ang lahat ng ginawa at ipinangaral nila. 31Dahil sa dami ng mga taong dumarating at umaalis, wala na silang panahon kahit kumain man lang. Kaya sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Iwan muna natin ang mga taong ito. Pumunta tayo sa ilang para makapagpahinga.” 32Kaya sumakay sila sa isang bangka at pumunta sa isang ilang.

33Pero marami ang nakakita at nakakilala sa kanila noong umalis sila. Kaya mabilis namang naglakad ang mga tao mula sa ibaʼt ibang bayan papunta sa lugar na pupuntahan nina Jesus. At nauna pa silang dumating doon. 34Kaya nang bumaba si Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Naawa siya sa kanila, dahil para silang mga tupa na walang pastol. Kaya tinuruan niya sila ng maraming bagay. 35Nang dapit-hapon na, lumapit kay Jesus ang mga tagasunod niya at sinabi, “Nasa ilang po tayo at malapit nang gumabi. 36Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatig nayon at bukid para makabili ng pagkain.” 37Pero sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Aabutin po ng walong buwang sahod ang gagastusin para sa kanila! Bibili po ba kami ng ganoong halaga ng tinapay para ipakain sa kanila?” 38Tinanong sila ni Jesus, “Ilan ba ang dala ninyong tinapay? Sige, tingnan nga ninyo.” Tiningnan nga nila, at sinabi kay Jesus, “Mayroon po tayong limang tinapay at dalawang isda.”

39Pagkatapos, inutusan ni Jesus ang kanyang mga alagad na paupuin ng grupo-grupo ang mga tao sa damuhan. 40Kaya umupo nga sila ng grupo-grupo, tig-100 at tig-50 bawat grupo. 41Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod niya para ipamigay sa mga tao. Ganoon din ang ginawa niya sa isda. 42Kumain silang lahat at nabusog. 43Pagkatapos, tinipon nila ang natirang tinapay at isda, at nakapuno sila ng 12 basket. 44Ang bilang ng mga lalaking kumain ay 5,000.

Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig

(Mat. 14:22-33; Juan 6:15-21)

45Pagkatapos, pinasakay agad ni Jesus sa bangka ang mga tagasunod niya at pinauna sa bayan ng Betsaida, sa kabila ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao. 46Nang makaalis na ang mga tao, umakyat siya sa isang bundok upang manalangin. 47Nang gumabi na, nasa laot na ang bangka at siya na lang ang naiwan. 48Nakita niyang hirap sa pagsagwan ang mga tagasunod niya, dahil salungat sila sa hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan na lang sana niya sila, 49-50pero nakita siya ng mga tagasunod niya na lumalakad sa ibabaw ng tubig. Natakot sila at nagsigawan, dahil akala nila ay multo siya. Pero nagsalita agad si Jesus, “Ako ito! Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob.” 51Sumakay siya sa bangka at biglang tumigil ang malakas na hangin. Namangha sila nang husto, 52dahil hindi pa rin sila nakakaunawa kahit nakita na nila ang himalang ginawa ni Jesus sa tinapay. Ayaw nilang maniwala dahil matigas ang puso nila.

Pinagaling ni Jesus ang mga May Sakit sa Genesaret

(Mat. 14:34-36)

53Nang makatawid na sila sa lawa, dumating sila sa Genesaret at doon nila idinaong ang bangka. 54Pagbaba nila, nakilala agad si Jesus ng mga tao roon. 55Kaya nagmamadaling pumunta ang mga tao sa mga karatig lugar, inilagay sa mga higaan ang mga may sakit at dinala kay Jesus saan man nila mabalitaang naroon siya. 56Kahit saan siya pumunta, sa nayon, sa bayan, o sa kabukiran, dinadala ng mga tao ang mga may sakit sa kanila sa mga lugar na pinagtitipunan ng mga tao. Nagmamakaawa sila kay Jesus na kung maaari ay pahipuin niya ang mga may sakit kahit man lang sa laylayan6:56 laylayan: sa Ingles, “tassel.” Tingnan sa Bil. 15:37-39 at Deu. 22:12. ng kanyang damit. At ang lahat ng nakahipo ay gumaling.

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

Марк 6:1-56

Отвержение Исы аль-Масиха в Его родном городе

(Мат. 13:54-58; Лк. 4:16-30)

1Иса вместе с учениками ушёл оттуда и пришёл в Свой родной город. 2Когда наступила суббота, Он начал учить в молитвенном доме. Многие, слушая Его, удивлялись:

– Откуда это у Него? Кто дал Ему такую мудрость? Как Он совершает такие чудеса? 3Разве Он не плотник, не сын Марьям и брат Якуба, Иосии, Иуды и Шимона? И разве не здесь, у нас, живут Его сёстры?

И они отвергли Его. 4Иса же сказал им:

– Пророка уважают везде, только не на его родине, не в его доме и не среди его родственников.

5И Он не мог совершить там ни одного чуда, лишь исцелил нескольких больных, возложив на них руки. 6Он удивлялся неверию этих людей.

Иса аль-Масих посылает двенадцать учеников на служение

(Мат. 10:1, 9-14; Лк. 9:1-6)

Иса ходил по окрестным селениям и учил. 7Он созвал двенадцать учеников и начал посылать их по двое, дав им власть изгонять нечистых духов. 8Он повелел им ничего не брать с собой в дорогу, кроме посоха: ни хлеба, ни сумки, ни денег в поясе, 9лишь обуться в сандалии и не брать запасной одежды.

10– В какой бы дом вы ни вошли, – говорил Он им, – оставайтесь там до тех пор, пока не покинете это место. 11А если где-либо вас не примут и не захотят слушать, то, уходя, отряхните пыль с ваших ног6:11 Благочестивые иудеи отряхивали пыль со своих ног, когда возвращались из других стран, как бы очищаясь от ритуального осквернения. Делая же это по отношению к другим иудеям, они приравнивали их к язычникам., пусть это будет свидетельством против них.

12Ученики отправились в путь и проповедовали людям, призывая их к покаянию. 13Они изгнали много демонов, и многих больных помазали оливковым маслом и исцелили.

Царь Ирод убивает пророка Яхию

(Мат. 14:1-12; Лк. 9:7-9)

14Об Исе услышал царь Ирод6:14 Это Ирод Антипа, сын Ирода Великого от самарянки Малфаки. Он правил Галилеей и Переей с 4 г. до н. э. по 39 г. н. э., поскольку имя Исы становилось всё более известным, и некоторые говорили:

– Это пророк Яхия воскрес из мёртвых, и поэтому в Нём такая чудодейственная сила.

15Другие говорили, что это пророк Ильяс6:15 Ильяс – пророк, призывавший исраильский народ оставить грешный путь и вновь обратиться к признанию Аллаха (см. 3 Цар. 17–4 Цар. 2).. А третьи утверждали, что Он пророк, подобный пророкам древности. 16Услышав эти разговоры, Ирод решил:

– Это Яхия, которого я обезглавил, он воскрес из мёртвых.

17В своё время Ирод приказал арестовать Яхию и бросить его в темницу из-за Иродиады, жены своего брата Филиппа6:17 Это Ирод Филипп I, сын Ирода Великого от Мариамны.. Ирод женился на ней, 18а Яхия говорил ему:

– Нельзя тебе жить с женой своего брата6:17-18 Женитьба Ирода на жене брата была нарушением Закона Аллаха (см. Лев. 18:16; 20:21)..

19Иродиада затаила злобу на Яхию и хотела убить его. Однако она не могла ничего сделать, 20потому что Ирод боялся Яхию, зная, что это справедливый и святой человек, и берёг его. Слушая Яхию, Ирод приходил в смущение, но тем не менее ему нравилось его слушать. 21Наконец Иродиаде представился подходящий случай. Ирод в день своего рождения устроил пир для своих приближённых, военачальников и самых уважаемых людей Галилеи. 22Дочь Иродиады вошла к ним и танцевала, и так понравилась Ироду и возлежавшим за столом гостям, что царь сказал девушке:

– Проси у меня чего хочешь, и я дам тебе! – 23и поклялся ей: – Чего ни попросишь, всё дам тебе, хоть половину моего царства.

24Девушка пошла к матери за советом:

– Чего мне просить?

А та сказала:

– Проси голову пророка Яхии.

25Девушка сразу же поспешила к царю и попросила:

– Хочу, чтобы ты сейчас же подал мне на блюде голову пророка Яхии.

26Царь сильно опечалился, но не решился ей отказать, так как поклялся перед возлежавшими за столом гостями. 27Он немедленно послал палача и приказал ему принести голову Яхии. Тот пошёл в темницу, обезглавил Яхию 28и принёс его голову на блюде девушке, а та отдала её своей матери. 29Когда об этом услышали ученики Яхии, они пришли, забрали тело и похоронили его.

Насыщение более пяти тысяч человек

(Мат. 14:13-21; Лк. 9:10-17; Ин. 6:1-13)

30Посланники Исы возвратились к Нему и рассказали Ему обо всём, что они делали и чему учили народ. 31Иса сказал им:

– Давайте отправимся в безлюдное место, и там вы сможете немного отдохнуть, – ведь всё время приходило и уходило много народа, и у них даже не было времени поесть. 32И они отправились на лодке в пустынное место. 33Но люди видели, как они отплыли, причём многие их узнали и устремились туда посуху из всех городов, так что оказались на месте даже раньше лодки.

34Когда Иса сошёл на берег и увидел большую толпу, Он сжалился над людьми, потому что они были как овцы без пастуха6:34 См. Чис. 27:17; 3 Цар. 22:17; Езек. 34:5., и начал их учить многим вещам.

35Уже поздно вечером ученики подошли к Нему и сказали:

– Место здесь пустынное, и уже поздно. 36Отпусти народ, пусть пойдут в окрестные селения и посёлки и купят себе поесть.

37Но Иса ответил:

– Вы дайте им есть.

Ученики удивились:

– Неужели Ты хочешь, чтобы мы купили им всем еды? Но ведь это будет стоить примерно двести серебряных монет6:37 Букв.: «двести динариев». Динарий – римская монета, примерно равная дневному заработку наёмного работника (см. Мат. 20:2)., никак не меньше!

38– Сколько у вас хлеба? – спросил Иса. – Пойдите посмотрите.

Они пошли, узнали и ответили:

– Пять лепёшек и две рыбы.

39Иса велел рассадить народ группами на зелёной траве. 40Люди возлегли, расположившись группами по сто и по пятьдесят человек. 41Иса взял пять лепёшек и две рыбы и, подняв глаза к небу, благословил пищу. Затем Он стал разламывать лепёшки и давать их Своим ученикам, чтобы те раздавали народу, и две рыбы тоже разделил на всех. 42Все ели и насытились, 43а когда собрали куски лепёшек и рыбы, то их набралось двенадцать полных корзин. 44Одних только мужчин ело пять тысяч.

Хождение Исы аль-Масиха по воде

(Мат. 14:22-33; Ин. 6:16-21)

45Сразу после этого Иса велел Своим ученикам сесть в лодку и переправиться на другую сторону озера, к Вифсаиде, а Сам Он оставался, пока не отпустил народ. 46Простившись с народом, Иса поднялся на гору помолиться. 47Когда наступила ночь, лодка была посреди озера, а Иса оставался один на берегу. 48Он увидел, что им приходится грести против ветра, и уже перед самым рассветом пошёл к ним, ступая по озеру. Он хотел уже приблизиться к ним6:48 Или: «Он хотел пройти мимо них»., 49но они, увидев Его идущим по воде, решили, что это призрак, и закричали, 50потому что они все видели Его и сильно испугались. Но Иса сразу же заговорил с ними:

– Успокойтесь, это Я, не бойтесь.

51Он вошёл к ним в лодку, и ветер утих. Ученики были поражены. 52Ведь они не поняли и чуда с лепёшками – их сердца были закрыты.

Исцеление больных в Генисарете

(Мат. 14:34-36)

53Переправившись на другую сторону озера, они пристали к берегу в Генисарете. 54Как только они вышли из лодки, люди сразу узнали Ису. 55Они обежали всю округу, рассказывая, где Он находится, и туда стали приносить на носилках больных. 56Где бы Он ни появлялся, в селениях, или в городах, или в деревнях, люди выносили на площади больных и просили Ису, чтобы Он позволил им прикоснуться хотя бы к кисточке на краю Его одежды6:56 К краям верхней мужской одежды иудеи пришивали кисточки, в которые обязательно вплетались голубые нити. Эти кисточки должны были напоминать иудеям о необходимости исполнять повеления Аллаха (см. Чис. 15:38-40; Втор. 22:12).. И все, кто прикасался, выздоравливали.