Marcos 14 – TCB & MTDS

Tagalog Contemporary Bible

Marcos 14:1-72

Ang Planong Pagpatay kay Jesus

(Mat. 26:1-5; Luc. 22:1-2; Juan 11:45-53)

1Dalawang araw na lang noon bago sumapit ang Pista ng Paglampas ng Anghel14:1 Pista ng Paglampas ng Anghel: Tingnan sa Exo. 12:1-30 kung paano nagsimula ang pistang ito. at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ang mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay naghahanap ng pagkakataon upang lihim nilang madakip at maipapatay si Jesus. 2Sinabi nila, “Huwag nating gawin sa pista dahil baka magkagulo ang mga tao.”

Binuhusan ng Pabango si Jesus

(Mat. 26:6-13; Juan 12:1-8)

3Nang si Jesus ay nasa Betania, habang kumakain siya sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat, dumating ang isang babae. May dala siyang mamahaling pabango na nasa isang sisidlang yari sa batong alabastro. Ang pabangong ito ay puro at mula sa tanim na “nardo.” Binasag niya ang leeg ng sisidlan at saka ibinuhos ang pabango sa ulo ni Jesus. 4Nagalit ang ilang tao na naroon. Sinabi nila, “Bakit niya sinasayang ang pabango? 5Maipagbibili sana iyan sa halagang katumbas ng isang taong sweldo, at maibibigay ang pera sa mga mahihirap.” At pinagalitan nila ang babae. 6Pero sinabi ni Jesus, “Pabayaan ninyo siya! Bakit nʼyo siya ginugulo? Mabuti itong ginawa niya sa akin. 7Ang mga mahihirap ay lagi ninyong makakasama at maaari kayong tumulong sa kanila kahit anong oras, pero ako ay hindi nʼyo laging makakasama. 8Ginawa ng babaeng ito ang makakaya niya para sa akin. Binuhusan niya ng pabango ang katawan ko bilang paghahanda sa aking libing. 9Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kahit saan man ipapangaral ang Magandang Balita sa buong mundo, ipapahayag din ang ginawa niyang ito sa akin bilang pag-alaala sa kanya.”

Nakipagkasundo si Judas sa mga Kaaway ni Jesus

(Mat. 26:14-16; Luc. 22:3-6)

10Si Judas Iscariote na isa sa 12 tagasunod ay pumunta sa mga namamahalang pari upang ipagkanulo si Jesus. 11Natuwa sila nang malaman nila ang pakay ni Judas, at nangako silang bibigyan siya ng pera. Kaya mula noon, humanap si Judas ng pagkakataon upang maibigay si Jesus sa kanila.

Ang Huling Hapunan ni Jesus Kasama ang mga Tagasunod Niya

(Mat. 26:17-25; Luc. 22:7-14, 21-23; Juan 13:21-30)

12Dumating ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ito ang araw na inihahandog ang tupa na kinakain sa Pista ng Paglampas ng Anghel. Kaya tinanong si Jesus ng mga tagasunod niya, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda ng hapunan para sa Pista ng Paglampas ng Anghel?” 13-14Inutusan niya ang dalawa sa mga tagasunod niya, “Pumunta kayo sa lungsod ng Jerusalem, at doon ay may masasalubong kayong isang lalaking may pasan na isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya, at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong po ng Guro kung saan ang kwartong kakainan niya ng hapunan na kasama ang mga tagasunod niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’ 15Ituturo niya sa inyo ang isang malaking kwarto sa itaas, kumpleto na ng kagamitan at nakahanda na. Doon kayo maghanda ng hapunan natin.” 16Umalis ang dalawa niyang tagasunod. At nang dumating sila sa lungsod, nakita nila ang lahat ayon sa sinabi ni Jesus sa kanila. At inihanda nila roon ang hapunan para sa pista.

17Kinagabihan, dumating si Jesus at ang 12 tagasunod. 18Habang kumakain na sila sa mesa, sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang isa sa inyo na kasalo ko sa pagkain ay magtatraydor sa akin.” 19Nalungkot sila nang marinig ito, at isa-isa silang nagtanong sa kanya, “Hindi ako iyon, di po ba?” 20Sinabi ni Jesus sa kanila, “Isa siya sa inyong 12 na kasabay kong nagsasawsaw ng tinapay sa mangkok. 21Ako na Anak ng Tao ay papatayin ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ngunit nakakaawa ang taong magtatraydor sa akin. Mabuti pang hindi na siya ipinanganak.”

Huling Hapunan ni Jesus

(Mat. 26:26-30; Luc. 22:15-20; 1 Cor. 11:23-25)

22Habang kumakain sila, kumuha ng tinapay si Jesus. Nagpasalamat siya sa Dios at pagkatapos ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa mga tagasunod niya at sinabi, “Kunin ninyo at kainin; ito ang aking katawan.” 23Pagkatapos, kumuha siya ng inumin,14:23 inumin: sa literal, kopa. nagpasalamat sa Dios, at ibinigay sa kanila. At uminom silang lahat. 24Sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo na ibubuhos para sa maraming tao. Ito ang katibayan ng bagong kasunduan ng Dios sa mga tao. 25Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Dios. At sa araw na iyon, iinom ako ng bagong klase ng inumin.” 26Umawit sila ng papuri sa Dios at pagkatapos ay pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.

Sinabi ni Jesus na Ikakaila Siya ni Pedro

(Mat. 26:31-35; Luc. 22:31-34; Juan 13:36-38)

27Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Iiwan ninyo akong lahat, dahil sinabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Papatayin ko ang pastol at magsisipangalat ang mga tupa.’14:27 Zac. 13:7. 28Ngunit pagkatapos na ako ay muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.” 29Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Kahit iwanan po kayo ng lahat, hindi ko kayo iiwan.” 30Sinagot siya ni Jesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok nang pangalawang beses ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.” 31Pero iginiit pa rin ni Pedro, “Hinding-hindi ko kayo ikakaila, kahit na patayin pa akong kasama ninyo.” At ganoon din ang sinabi ng iba pa niyang kasamahan.

Nanalangin si Jesus sa Getsemane

(Mat. 26:36-46; Luc. 22:39-46)

32Pagkatapos, pumunta sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemane. Pagdating nila roon, sinabi ni Jesus sa kanila, “Maupo kayo rito habang nananalangin ako.” 33Isinama niya sina Pedro, Santiago, at Juan sa di-kalayuan. Balisang-balisa at nababahala si Jesus. 34Sinabi niya sa kanila, “Para akong mamamatay sa labis na kalungkutan. Dito lang kayo at magpuyat.” 35Lumayo siya nang kaunti, lumuhod sa lupa at nanalangin na kung maaari ay huwag na niyang danasin ang paghihirap na kanyang haharapin. 36Sinabi niya, “Ama, magagawa nʼyo ang lahat ng bagay. Kung maaari, ilayo nʼyo sa akin ang mga paghihirap na darating.14:36 ang mga paghihirap na darating: sa literal, ang kopang ito. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.”

37Binalikan ni Jesus ang tatlo niyang tagasunod at dinatnan silang natutulog. Sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka ba? Hindi ka ba makapagpuyat kahit isang oras lang?” 38At sinabi niya sa kanila, “Magpuyat kayo at manalangin para hindi kayo madaig ng tukso. Ang espiritu ay handang sumunod, ngunit mahina ang laman.”14:38 Ang espiritu ay handang sumunod, ngunit mahina ang laman: Maaaring ang ibig sabihin nito ay gusto ng kanilang espiritu na magpuyat at manalangin, kaya lang ay hindi kaya ng kanilang katawan.

39Muling lumayo si Jesus at nanalangin. Ganoon pa rin ang kanyang dalangin. 40Pagkatapos, muli niyang binalikan ang mga tagasunod niya at nadatnan na naman niya silang natutulog, dahil antok na antok na sila. At nang gisingin sila ni Jesus, nahiya sila at hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila kay Jesus. 41Sa ikatlong pagbalik ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Tama na iyan! Dumating na ang oras na ako na Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga makasalanan. 42Tayo na! Narito na ang nagtatraydor sa akin.”

Ang Pagdakip kay Jesus

(Mat. 26:47-56; Luc. 22:47-53; Juan 18:3-12)

43Nagsasalita pa si Jesus nang biglang dumating si Judas na isa sa 12 tagasunod. Marami siyang kasama na armado ng mga espada at pamalo. Isinugo sila ng mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga pinuno ng mga Judio. 44Ganito ang palatandaan na ibinigay ng traydor na si Judas sa mga huhuli kay Jesus: “Ang babatiin ko sa pamamagitan ng isang halik ang siyang pakay ninyo. Dakpin ninyo siya at dalhin, at bantayang mabuti.”

45Kaya nang dumating si Judas, agad siyang lumapit kay Jesus at bumati, “Guro!” sabay halik sa kanya. 46At dinakip agad ng mga tao si Jesus. 47Bumunot ng espada ang isa sa mga tagasunod ni Jesus at tinaga ang alipin ng punong pari, at naputol ang tainga nito. 48Sinabi ni Jesus sa mga humuli sa kanya, “Isa ba akong tulisan? Bakit kailangan pa ninyong magdala ng mga espada at mga pamalo para dakpin ako? 49Araw-araw ay nasa templo ako at nagtuturo, at naroon din kayo. Bakit hindi ninyo ako dinakip? Ngunit kailangang mangyari ito upang matupad ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa akin.” 50Iniwan siya noon din ng mga tagasunod niya at nagsitakas sila.

51May isang binata roon na sumunod kay Jesus na nakabalabal lang ng telang linen. Dinakip din siya ng mga sundalo, 52pero nakawala siya at tumakas nang hubad, dahil nahawakan nila ang kanyang balabal.

Dinala si Jesus sa Korte ng mga Judio

(Mat. 26:57-68; Luc. 22:54-55, 63-71; Juan 18:13-14, 19-24)

53Dinala nila si Jesus sa bahay ng punong pari. Nagtipon doon ang lahat ng namamahalang pari, mga pinuno ng mga Judio at ang mga tagapagturo ng Kautusan. 54Sumunod din doon si Pedro, pero malayu-layo siya kay Jesus. Pumasok siya sa bakuran ng bahay ng punong pari at nakiupo sa mga guwardya na nagpapainit sa tabi ng apoy. 55Doon sa loob, ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Korte ng mga Judio ay nagsisikap na makakuha ng mga ebidensya laban kay Jesus upang mahatulan siya ng kamatayan. Pero wala silang makuha. 56Marami ang sumasaksi ng kasinungalingan laban kay Jesus, pero magkakasalungat naman ang mga sinasabi nila.

57May ilang sumasaksi ng kasinungalingang ito laban kay Jesus. Sinabi nila, 58“Narinig po naming sinabi niya, ‘Gigibain ko ang templong ito na gawa ng tao, at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng ibang templo na hindi gawa ng tao!’ ” 59Pero hindi rin magkakatugma ang sinasabi nila.

60Tumayo sa gitna ang punong pari at tinanong si Jesus, “Wala ka bang maisasagot sa mga paratang na ito laban sa iyo?” 61Hindi sumagot si Jesus. Kaya tinanong siyang muli ng punong pari, “Ikaw ba ang Cristo na Anak ng Kapuri-puring Dios?” 62Sumagot si Jesus, “Ako nga, at ako na Anak ng Tao ay makikita ninyong nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Dios. At makikita rin ninyo ako sa mga ulap na paparating dito sa mundo.” 63Nang marinig ito ng punong pari, pinunit niya ang kanyang damit sa galit at sinabi, “Hindi na natin kailangan ng mga saksi! 64Narinig ninyo ang paglapastangan niya sa Dios. Ano ngayon ang hatol ninyo?” At hinatulan nila si Jesus ng kamatayan.

65Dinuraan siya ng ilang naroon. Piniringan din siya at sinuntok, at tinanong, “Sige nga, hulaan mo kung sino ang sumuntok sa iyo?” Pagkatapos, kinuha siya ng mga guwardya at pinagbubugbog.

Ipinagkaila ni Pedro na Kilala Niya si Jesus

(Mat. 26:69-75; Luc. 22:56-62; Juan 18:15-18, 25-27)

66Nang si Pedro ay nasa loob pa ng bakuran, dumaan ang isang babaeng utusan ng punong pari. 67Nang makita niya si Pedro na nagpapainit malapit sa apoy, tinitigan niya ito at sinabi, “Kasama ka rin ni Jesus na taga-Nazaret, hindi ba?” 68Pero itinanggi ito ni Pedro, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Pagkatapos, umalis siya roon at pumunta sa may labasan, at noon din ay tumilaok ang manok. 69Nakita na naman siya roon ng babaeng utusan, kaya sinabi ng babae sa mga taong naroon, “Ang taong iyan ay isa rin sa mga kasamahan ni Jesus.” 70Pero muling itinanggi ito ni Pedro. Maya-maya, sinabi ng mga taong naroon, “Isa ka nga sa mga kasamahan niya, dahil taga-Galilea ka rin!” 71Pero sumumpa si Pedro, “Kahit mamatay man ako, hindi ko talaga kilala ang taong sinasabi ninyo.” 72Noon din ay muling tumilaok ang manok, at naalala ni Pedro ang sinabi sa kanya ni Jesus, “Bago tumilaok ang manok ng dalawang beses, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.” At humagulgol siya.

Mushuj Testamento Diospaj Shimi

Marcos 14:1-72

Jesusta huañuchingapaj japinatami yuyarishcacuna

(Mat 26:1-5; Luc 22:1-2; Juan 11:45-53)

1Pascuapi levadura illajlla tandata micuna fiesta punllapajca, ishqui punllacunallami illarca. Chaimantami pushaj curacunapish, Mandashcata yachachijcunapish Jesustaca, ima shinapish umashpalla japishpa huañuchinata mashcarcacuna. 2Chaimantami: «Cai fiesta punllacunapica ama japishunchijchu, gentecunaca imatapish ningallatajmari» ninacurcacunami.

3Jesusca, Betaniapimi leproso nishca Simonpaj huasipi, meźapi tiyacurca. Chaipi tiyacujpimi shuj huarmica, alabastro botellapi mishquiman ashnacuj, achca valij nardo shuti aceiteta apashpa shamurca. Paica alabastro botellata pʼaquishpami, chai aceitetaca Jesuspaj umapi tallirca. 4Chashna rurajpimi, maijancunaca, shungullapi huañurishpa, cashna ninacurca:

—¿Ima nishpataj mishquiman ashnacujtaca cashna yanga tallinchu, imamí? 5Chaitaca, quimsa patsaj yalli denariocunapi cʼatushpamari, huajchacunaman cunchijman carca— nishpami, chai huarmitaca rimarcacuna.

6Ashtahuanpish Jesusca, cashnami nirca:

—Saquichij, ama pʼiñachijchu. Ñucapajca allitamari ruran. 7Huajchacunaca mana illangachu, paicunapaj ima allita rurasha nishpaca, ruracunguichijllami. Ashtahuanpish Ñucataca, mana cancunahuan charicunguichijllachu. 8Cai huarmica, pai rurai tucushcatami rurashca. Ñucata pambanapajmari, Ñuca aichataca ñaupaman allichishca. 9Tucui cai pachapica, maipipish cai alli huillaita huillacushpaca, cai huarmi imata rurashcatapishmi huillangacuna. Chaita uyashpaca, “Allitamari rurashca” ningacunami, chaica chashnatajmari— nircami.

10Chai qʼuipami, chunga ishquipuramanta Judas Iscarioteca, Jesusta japichisha nishpa, pushaj curacunapajman rirca. 11Pai japichisha nijpitajcarinpish paicunaca, achcata cushicushpami, cullquita cushun nircacuna. Chaimantami Judasca, ima shina japichinallata yuyacurca.

Jesusca Pai huañushcata yuyachij micuitami callarichishca

(Mat 26:17-29; Luc 22:7-23; Juan 13:21-30; 1 Cor 11:23-26)

12Levadura illaj tandata micuna fiesta callari punllapica, malta ovejata Diosman cushpa huañuchishpami, Pascua micuita rurajcuna carca. Chaimantami yachacujcunaca:

—Pascua punllapi can micuchunca, ¿maipitaj allichigrichun ningui?— nishpa tapurcacuna.

13Shina nijpimi, Paipaj yachacujcunamanta ishquita cashna nishpa cacharca:

—Jerusalenman richij. Chaiman chayajpica, yacu puñuta aparishca shuj runami tupanga. Paita catishpa ringuichijlla. 14Chai runa mai huasiman yaicujpica, chai huasiyuj runataca: “Ñucanchij Yachachijca: ‘¿Mai ucupitaj Ñuca yachacujcunandij Pascua micuitaca micusha?’ ninmi” ninguichij. 15Chashna nijpica paica, altibajopimi ña allichishca jatun ucuta ricuchinga. Ñucanchij micunapajca chaipi allichicunguichijlla— nishpami cacharca.

16Cachashca yachacujcuna puebloman chayajpica, Jesús nishca shinallataj pajtajpimi, Pascua micuita chaipi allichircacuna.

17Ña tutayamucujpimi, chunga ishqui yachacujcunandij shamurcacuna. 18Ña meźapi micushpa tiyacushpami, Jesusca:

—Ñucahuan micucuj, cancunapurallataj shujmi Ñucata japichinga, chaica chashnatajmi— nircami.

19Chashna nijpica llaquirinacushpami, caishuj chaishuj:

—¿Ñucachu cani?— nijpica, caishujpish —¿Ñucachu cani?— nishpa huashan tapurcacuna.

20Chaimantami Jesusca, cashna nirca:

—Chunga ishquipuramanta shujca, Ñucahuan cai platollapitajmi tandata llutacun. Paimi Ñucata japichinga. 21Runa Aichayujca, Paimanta Quillcashcapi nishca shinallatajmi tucunga. Ashtahuanpish Runa Aichayujta japichij runaca, ¡ai, imachari tucunga! Chai runaca mana huacharishca cashpachari, alli canman carca— nircami.

22Micucushpami Jesusca tandata japishpa, Diosta pagui nishpaca, chaupishpa cushpaca:

—Japichij, caica Ñuca aichami— nirca.

23Shinallataj ubyanatapish japishpa, Diosta pagui nishpa cujpica, chaitapish tucuicunami ubyarcacuna. 24Chaita ubyacujpimi cashna nirca:

—Caica, achcacunata quishpichingapaj, ari ninacushca mushuj ruranamanta jichana Ñuca yahuarta ricuchijmi. 25Dios mandacujpi ubyana punllacama uvas vinotaca, cutinca mana ubyashachu. Chaica chashnatajmi— nircami.

26Salmocunata cantashca qʼuipami, Olivos urcuman llujshircacuna.

Jesusca Pedro Paita ‘Mana rijsinichu’ ninatami huillashca

(Mat 26:30-35; Luc 22:31-34; Juan 13:36-38)

27Chaipimi Jesusca, cashna nirca:

—Cunan tutaca, tucuicunami Ñucataca shitahuanguichij. Dios Quillcachishcapica: “Michijtaca chugrichishami, ovejacunaca caita chaitami ringacuna” nicunmi. 28Ashtahuanpish causarishca qʼuipaca, cancunapaj ñaupami Galileaman risha— nircami.

29Chashna nijpimi, Pedroca:

—Tucuicuna pʼiñarishpa saquijpipish, ñucatajca manataj saquishachu— nircami.

30Shina nijpi, Jesusca:

—Cancarin cunan tutallatajmi, gallo ishqui cutin cantanapajca, quimsa cutin Ñucataca, “Mana rijsinichu” ningui— nircami.

31Ashtahuan sinchiyarishpami, Pedroca:

—Quiquinhuan huañuna cashpapish, ñucatajca manataj chashna nishachu— nirca.

Pai chashna nijpica, caishujcunapish, tucuicunami chashnallataj nircacuna.

Getsemaní huertapimi Jesús Diosta mañashca

(Mat 26:36-46; Luc 22:39-46)

32Chai qʼuipami, Getsemaní huertaman chayamurcacuna. Chaipimi Jesusca, Paipaj yachacujcunataca: «Diosta Ñuca mañangacama, caillapi tiyacuichij» nircami.

33Shina nishpa Pedrota, Jacobota, Juantapish pushashpaca, achcata llaquirishpami chujchui callarirca. 34Chaimantami paicunataca: «Ñuca almaca llaquihuan huañucunmari. Caillapi chaparashpa shuyacuichij» nircami.

35Jesusca chaimanta ashallata rishpaca, pambacama cumurishpami, ‘Ñuca apana cai llaquitaca, ima shinamanta anchuchinguimanpishchari’ nishpa, Diosta cashna mañarca: 36«“¡Abba! Ñuca Yayito, Quiquinpajca tucui imapish jahuallami. Cai ubyanataca, Ñucamanta anchuchipai. Ñuca shina nijpipish, ama Ñuca munashca shinaca rurapaichu, Can munashca shina rurapailla”» nircami.

37Chai qʼuipa tigramushpaca, dormicujta japishpami, Pedrotaca cashna nirca: «Simón, ¿dormicunguillachu? ¿Manachu ashallatapish rijcharishca cai tucungui? 38Mana alli yuyaicuna ama japichun chaparaichij, mañaraichij. Cancunapaj espirituca mañanata yuyacunmari, ashtahuanpish aichapica shaicushcamari canguichij» nircami.

39Cutin mañanaman rishpaca, ñaupaman nishca shinallatajmi mañarca. 40Chaimanta tigramushpaca, cutinllatajmi dormicujta japirca. Dorminaihuan ñahuicunapish huichcaricujpimi, imata mana ni tucurcacuna. 41Caihuanca, ña quimsa cutin tigramushpaca, cashnami nirca: «Cancunatajca, dormicunguichij, samaricunguichijllami. Riquichij, ñamari Runa Aichayujtaca juchayujcunapaj maquipi churana pajtamushca. 42¡Jatarichij! ¡Jacuchij! ¡Ñucata japichij runaca, ñami chayamucun!» nircami.

Jesustaca Judasmi japichishca

(Mat 26:47-56; Luc 22:47-53; Juan 18:2-11)

43Jesús rimacujpirajmi, Judasca ña chayamurca. Paica, chunga ishquipuramanta shujmi carca. Paihuanca, achca runacunami espadacunahuan, caspicunahuan shamurcacuna. Paicunaca pushaj curacuna, Mandashcata yachachijcuna, cunaj yuyajcuna cachajpimi shamurcacuna. 44Jesusta japichijca: «Maijantami ñuca muchani, chaita ricuranguichij. Paitaca japishpa, alli charirashpa apanguichijlla» nishpami yachachishca carca.

45Ña chayamushpaca, Jesuspajman cʼuchuyashpami:

—Yachachij, Yachachij— nishpa mucharca.

46Chaita ricushpaca, huaicashpami japircacuna. 47Ashtahuanpish chaipi cajcunamanta shujca, espadata surcushcahuanmi, curacunata mandaj curapaj servijtaca, shuj rinrinta pʼitirca. 48Cutin Jesusca, cashnami nirca:

—¿Ñucataca shuhuata shinachu espadacunahuan, caspicunahuan japij shamunguichij? 49Illu Diospaj huasipica, punllantamari cancunataca yachachicurcani. Chaipica mana japircanguichijca. Ashtahuanpish Dios Quillcachishca pajtachunmi, chashnaca ruranguichij— nircami.

50Chashna nijpica tucui yachacujcuna, shitashcahuanmi miticushpa rircacuna. 51Shuj mosoca, linsohuan pillurishcallami, Jesusta caticushca carca. Paitapish japircacunami. 52Ashtahuanpish paica, pillurishca linsota shitashpami, lluchulla miticugrirca.

Tandanacushca mandajcunapajmanmi Jesusta apashcacuna

(Mat 26:57-68; Luc 22:54-55; Juan 18:12-14, 19-24)

53Jesustaca, curacunata mandajpajmanmi pushamurcacuna. Chaimanca, pushaj curacunapish, cunaj yuyajcunapish, Mandashcata yachachijcunapishmi tandanacurcacuna. 54Pedroca, huasha huashalla catishpami, curacunata mandaj curapaj huasi canllacama rirca. Chaipimi, huasita cuidajcunahuan tandalla ninapi cunushpa tiyacurca.

55Pushaj curacunapish, tucui tandanacushca mandajcunapish, Jesusta huañuchingapajmi, ima juchachina shinata pi ricushca uyashca cashpaca huillachun mashcarcacuna. Ashtahuanpish imata mana juchachi tucurcacunachu. 56Achcacuna llullashpalla Jesusta juchachishpapish, shujta shujtami nircacuna. 57Chaimantami shujcunaca, ñapish shayarishpa, cashna llullashpa juchachircacuna:

58—Ñucanchijca: “Diosta yuyaringapaj maquillahuan rurashca cai huasitaca urmachishami. Chaipaj randica, shujtajtami quimsa punllallapi shayachisha. Chaitaca, mana maquihuan rurashachu” nijtami uyarcanchij— nircacunami.

59Chashna huillashpapish, manataj shujlla yuyaiman chayarcacunachu. 60Chaimantami curacunata mandaj curaca, chaupipi shayarishcahuan Jesustaca:

—Canta cai tucuita juchachicujpipish, ¿manachu imata cutichingui?— nishpami tapurca.

61Ashtahuanpish Paica, imata mana nircachu. Curacunata mandajca cutinllatajmi:

—¿Canca, sumaj Diospaj Churi, Quishpichij Cristochu cangui?— nishpa tapurca.

62Chashna nijpimi Jesusca:

—Ñucaca, chaitajmi cani. Runa Aichayuj Ñucataca, Tucuita Rurai Tucuj Diospaj alli ladopi tiyacujtapish, jahua pachamanta pʼuyupi shamucujtapishmi ricunguichij— nircami.

63Shina nijpica, curacunata mandajca, paipaj quiquin churanata lliquishpami cashna nirca:

—Paita juchachishpa, pi shujtaj huillajcunataca, ña mana ninchijchu. 64Dios tucushpa chashna rimaricujtaca, cancunapaj rinrinhuantajmi uyashcanguichij. Cunanca, ¿imatataj yuyanguichij?— nircami.

Chashna nijpica tucuicunami: “¡Cai runaca huañunatajmi can!” nishpa juchachircacuna.

65Chaimantami maijancunaca, Jesusta ñahuipi chʼucashpa, linsohuan ñahuita huatashpa huajtarcacuna.

Chaimantaca:

—Huillaiari, ¿maijantaj huajtanchij?— nircacunami.

Huasita cuidajcunapish, ñahuipi huajtarcacunami.

Pedromi Jesustaca ‘Mana rijsinichu’ nishca

(Mat 26:69-75; Luc 22:56-62; Juan 18:15-18, 25-29)

66Pedro huasi canllapi cajpimi, curacunata mandaj curapaj servij huarmicunamanta shujca shamurca. 67Paica, Pedro cunucujta ricushpami, paipaj ñahuita chaparashpa:

—Canpish, Nazaretmanta Jesus-huanmari puricurcangui— nirca.

68Ashtahuanpish Pedroca:

—Pipishchari, mana rijsinichu. Imatapishchari nicungui, mana yachanichu— nircami.

Chashna nishpa huasi canlla punguman llujshijpica, galloca cantarcallami. 69Chai huarmillataj cutin ricushpaca:

—Cai runaca paicunapuratajmari— nishpami, chaipi cajcunaman huillai callarirca.

70Pedropish cutinllatajmi, ‘Mana rijsinichu’ nirca. Chai qʼuipallami, chaipi cajcunaca cutintaj Pedrotaca:

—Cashcatatajmari nicunchij, canpish paicunapuratajmari cangui. Rimaipish rijsinallamari, galileocuna shinallatajmari rimangui— nircacuna.

71Chaimantami Pedroca:

—Ñuca llullajpica, ima llaquipish japichunlla. ¡Chai runataca mana rijsinichu, pitapishchari nicunguichij, mana rijsinichu!— nircami.

72Pedro chashna nicujpica, galloca ñapish cati cuti cantarcallami. Chaipimi Pedroca: «Gallo cati cuti cantanapajca, quimsa cutinmi Ñucataca ‘Mana rijsinichu’ nihuangui» nishpa, Jesús nishcata yuyarirca. Chaita yuyarishpami, Pedroca huacacurca.