Mangangaral 11 – TCB & CCBT

Tagalog Contemporary Bible

Mangangaral 11:1-10

Ang Gawain ng Taong Marunong

1Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo at sa kalaunan ay kikita ka.11:1 Ipuhunan … ka: o, Bukas-palad kang magbigay at hindi magtatagal ikaw din ay magkakaroon. 2Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang11:2 ibaʼt ibang: sa literal, pito o walo. negosyo,11:2 Ilagay … negosyo: o, Magbigay ka sa maraming tao. dahil hindi mo alam kung anong kalamidad ang darating dito sa mundo. 3Kapag makapal na ang ulap, magbubuhos ito ng ulan sa mundo. At kung saan natumba ang puno, doon iyon mananatili.11:3 Maaaring ang tinutukoy dito ay ang mga nangyayari sa mundo, katulad ng mga kalamidad na hindi mapipigilan ng tao. 4Kung palagi ka lang maghihintay ng magandang panahon, hindi ka makakapagtanim at wala kang aanihin.

5Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, ganoon din ang ginagawa ng Dios na gumagawa ng lahat ng bagay, hindi mo rin ito maiintindihan.

6Maghasik ka ng binhi sa umaga hanggang gabi, dahil hindi mo alam kung alin sa itinanim mo ang tutubo, o kung lahat ito ay tutubo. 7Masarap mabuhay, kaya mas mabuting mabuhay. 8Kaya sa buong buhay mo ay maging masaya ka, gaano man ito kahaba. Ngunit, alalahanin mong darating ang kamatayan at magtatagal iyon. Lahat ng mangyayari ay walang kabuluhan.

9Kayong mga kabataan, magsaya kayo habang kayoʼy bata pa. Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin, pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Dios ayon sa inyong mga ginawa. 10Huwag kayong mag-alala o mabalisa man dahil ang panahon ng kabataan ay lumilipas lang.

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

傳道書 11:1-10

1當慷慨施捨11·1 當慷慨施捨」或譯「當把你的資財投入海外貿易」。

因為日後必有收穫。

2當把你的資財分給多人,

因為你不知道日後會有什麼災難臨到世上。

3雲中滿了水,就會下雨。

樹不論倒向南或倒向北,

倒在哪裡就躺在哪裡。

4你若等待完美的天氣,

必無法撒種,無法收割。

5正如你不知道風的路線,不知道骨骼在母胎中如何形成,你也無法瞭解創造萬物之上帝的作為。 6你要早晚不停地撒種,因為你不知道什麼時候撒的種子會發芽生長,或許所撒的都會帶來收穫。 7光真美好,能夠看見陽光真好! 8人一生不論活多久,都要活得快樂,但不要忘記死後有許多黑暗的日子。將來的一切都是虛空。 9年輕人啊,在年輕時要快樂,要在青春歲月裡使自己的心歡暢。心裡想做什麼就去做,眼睛想看什麼就去看。然而,要切記:上帝必照你所行的一切審判你。 10所以,你要拋開心中的煩惱和肉體的痛苦,因為青春年華轉瞬即逝。