Lucas 8 – TCB & APSD-CEB

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 8:1-56

Mga Babaeng Tumutulong kay Jesus

1Pagkatapos, nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon ng Galilea. Nangaral siya ng Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios. Kasama niya ang 12 apostol 2at ilang babaeng pinagaling niya sa sakit o pinalaya sa masasamang espiritu. Kabilang dito si Maria na taga-Magdala8:2 Maria na taga-Magdala: Sa ibang salin ng Biblia, Maria Magdalena. na pinalaya niya mula sa pitong masasamang espiritu, 3si Juana na asawa ni Cuza na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nina Jesus mula sa mga ari-arian nila.

Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik

(Mat. 13:1-9; Mar. 4:1-9)

4Isang araw, nagdatingan ang maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan at lumapit kay Jesus. Ikinuwento niya sa kanila ang talinghaga na ito:

5“May isang magsasakang naghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan, natapakan ito ng mga dumadaan at tinuka ng mga ibon. 6May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar. Tumubo ang mga ito, pero madaling nalanta dahil sa kawalan ng tubig. 7May mga binhi namang nahulog sa lupang may matitinik na damo. Sabay na tumubo ang mga binhi at mga damo, pero sa bandang huli ay natakpan ng mga damo ang mga tumubong binhi. 8Ang iba namaʼy nahulog sa mabuting lupa. Tumubo ang mga ito at namunga nang napakarami.”8:8 nang napakarami: sa literal, isang daang ulit ang dami. Pagkatapos, sinabi ni Jesus, “Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan!”8:8 Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan: sa literal, Ang may taingang nakakarinig ay dapat makinig.

Ang Layunin ng mga Talinghaga

(Mat. 13:10-17; Mar. 4:10-12)

9Tinanong si Jesus ng mga tagasunod niya kung ano ang kahulugan ng talinghaga na iyon. 10Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Dios, ngunit sa ibaʼy ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, upang ‘tumingin man silaʼy hindi makakita, at makinig man silaʼy hindi makaunawa.’ ”8:10 Isa. 6:9.

Ang Kahulugan ng Talinghaga tungkol sa Manghahasik

(Mat. 13:18-23; Mar. 4:13-20)

11Isinalaysay ni Jesus kung ano ang kahulugan ng talinghaga na iyon: “Ang binhi ay ang salita ng Dios. 12Ang tabi ng daan, kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios, ngunit dumating ang diyablo at kinuha iyon sa mga puso nila upang hindi sila sumampalataya at maligtas. 13Ang mabatong lugar, kung saan nahulog ang ibang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios at masaya itong tinanggap. Ngunit hindi taimtim sa puso nila ang pagtanggap, kaya hindi tumagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng mga pagsubok ay agad silang tumatalikod sa kanilang pananampalataya. 14Ang lupang may matitinik na damo, kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios. Ngunit sa katagalan, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay, kayamanan at kalayawan sa mundong ito. Kaya hindi sila lumago at hindi namunga. 15Ngunit ang mabuting lupang hinasikan ng binhi ay ang mga taong nakikinig sa salita ng Dios, at iniingatan ito sa kanilang malinis at tapat na puso, at pinagsisikapang sundin hanggang sa silaʼy mamunga.”

Ang Aral Mula sa Ilaw

(Mar. 4:21-25)

16Sinabi pa ni Jesus, “Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng palayok o ilalagay sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng pumapasok sa bahay. 17Ganoon din naman, walang natatagong hindi mahahayag at walang lihim na hindi malalaman at mabubunyag.8:17 Maaaring ang lihim na tinutukoy dito ay ang tungkol sa paghahari ng Dios na kailangang ihayag.

18“Kaya makinig kayong mabuti sa sinasabi ko, dahil ang taong sumusunod sa narinig niyang katotohanan ay bibigyan pa ng pang-unawa. Ngunit ang taong hindi sumusunod sa katotohanan, kahit ang inaakala niyang nauunawaan niya ay kukunin pa sa kanya.”

Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus

(Mat. 12:46-50; Mar. 3:31-35)

19Ngayon, pinuntahan si Jesus ng kanyang ina at mga kapatid, pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. 20Kaya may nagsabi kay Jesus, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at gusto kayong makita.” 21Sumagot si Jesus, “Ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Dios ang siya kong ina at mga kapatid.”

Pinatigil ni Jesus ang Malakas na Hangin at Alon

(Mat. 8:23-27; Mar. 4:35-41)

22Isang araw, sumakay ng bangka si Jesus kasama ang mga tagasunod niya. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabila ng lawa.” At ganoon nga ang ginawa nila. 23Nang naglalayag na sila, nakatulog si Jesus. Maya-mayaʼy lumakas ang hangin at pinasok ng maraming tubig ang bangka nila, kaya nalagay sila sa panganib. 24Nilapitan si Jesus ng mga tagasunod niya at ginising, “Guro!8:24 Guro: sa literal, Amo. Guro! Lulubog na tayo!” Bumangon si Jesus at pinatigil ang malakas na hangin at ang malalaking alon. Tumigil ang mga ito at biglang kumalma ang panahon. 25Pagkatapos, tinanong ni Jesus ang mga tagasunod niya, “Nasaan ang pananampalataya ninyo?” Namangha sila at natakot, at nag-usap-usap, “Sino kaya ito? Kahit ang hangin at ang alon ay inuutusan niya, at sinusunod siya!”

Pinagaling ni Jesus ang Taong Sinaniban ng Masamang Espiritu

(Mat. 8:28-34; Mar. 5:1-20)

26Nagpatuloy sila sa paglalayag hanggang sa makarating sila sa lupain ng mga Geraseno8:26 Geraseno: Sa ibang tekstong Griego, Gergeseno o, Gadareno. Ganito rin sa talatang 37. na katapat ng Galilea. 27Pagkababa ni Jesus sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking taga-roon na sinasaniban ng masasamang espiritu. Matagal na itong walang suot na damit at ayaw tumira sa bahay kundi sa mga kwebang libingan. 28Nang makita niya si Jesus, sumigaw siya at lumuhod sa harapan ni Jesus. At sinabi niya nang malakas, “Ano ang pakialam mo sa akin, Jesus na Anak ng Kataas-taasang Dios? Nakikiusap ako sa iyo, huwag mo akong pahirapan!” 29Sinabi niya ito dahil inutusan ni Jesus na lumabas ang masamang espiritu sa kanya. Matagal na siyang sinasaniban nito. At kahit tinatalian siya ng kadena sa kamay at paa at binabantayan, nilalagot niya ang kadena, at pinapapunta siya ng demonyo sa ilang. 30Tinanong siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” Sagot niya, “Kawan,” dahil maraming masamang espiritu ang pumasok sa kanya. 31Nagmakaawa ang masasamang espiritu kay Jesus na huwag silang papuntahin sa kailaliman at parusahan doon. 32Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. Nagmakaawa ang masasamang espiritu kay Jesus na payagan silang pumasok sa mga baboy, at pinayagan naman sila ni Jesus. 33Kaya lumabas ang masasamang espiritu sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang mga baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.

34Nang makita iyon ng mga tagapag-alaga ng mga baboy, tumakbo sila patungo sa bayan at sa mga karatig nayon at ipinamalita ang nangyari. 35Kaya pumunta roon ang mga tao para tingnan ang nangyari. Pagdating nila kay Jesus, nakita nila ang taong sinaniban dati ng masasamang espiritu na nakaupo sa paanan ni Jesus, nakadamit at matino na ang pag-iisip. At natakot ang mga tao. 36Ikinuwento sa kanila ng mga nakakita kung paano gumaling ang lalaking sinaniban ng masasamang espiritu. 37Nakiusap ang lahat ng Geraseno8:37 Geraseno: Tingnan ang footnote sa talatang 26. kay Jesus na umalis sa kanilang bayan dahil takot na takot sila. Kaya muling sumakay si Jesus sa bangka upang bumalik sa pinanggalingan niya. 38Nakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na isama siya. Pero hindi pumayag si Jesus. Sinabi niya, 39“Umuwi ka na sa inyo at sabihin mo sa kanila ang ginawa sa iyo ng Dios.” Umuwi nga ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Jesus.

Ang Anak ni Jairus at ang Babaeng Dinudugo

(Mat. 9:18-26; Mar. 5:21-43)

40Pagdating ni Jesus sa kabila ng lawa, masaya siyang tinanggap ng mga tao dahil hinihintay siya ng lahat. 41Dumating naman ang isang lalaking namumuno sa sambahan ng mga Judio, na ang pangalan ay Jairus. Lumuhod siya sa harap ni Jesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa bahay niya, 42dahil naghihingalo ang kaisa-isa niyang anak na babae na 12 taong gulang.

Habang papunta si Jesus sa bahay ni Jairus, nagsisiksikan sa kanya ang mga tao. 43May isang babae roon na 12 taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino. [Naubos na lahat ang mga ari-arian niya sa pagpapagamot.] 44Nang makalapit siya sa likuran ni Jesus, hinipo niya ang laylayan8:44 laylayan: o, borlas; sa Ingles, tassel. Tingnan sa Bil. 15:37-39 at Deu. 22:12. ng damit ni Jesus, at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo. 45Nagtanong si Jesus, “Sino ang humipo sa akin?” Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Guro, alam nʼyo naman po na napapaligiran kayo ng maraming taong nagsisiksikan papalapit sa inyo.” 46Pero sinabi ni Jesus, “May humipo sa akin, dahil naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin.” 47Nang malaman ng babae na hindi pala lihim kay Jesus ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Jesus. Pagkatapos, sinabi niya sa harapan ng lahat kung bakit niya hinipo si Jesus, at kung paanong gumaling siya kaagad. 48Sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling8:48 pinagaling: o, iniligtas. ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa.”

49Habang kausap pa ni Jesus ang babae, dumating ang isang lalaki galing sa bahay ni Jairus. Sinabi niya kay Jairus, “Patay na po ang anak ninyo. Huwag nʼyo nang abalahin ang guro.” 50Nang marinig iyon ni Jesus, sinabi niya kay Jairus, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli.” 51Pagdating nila sa bahay, wala siyang pinayagang sumama sa loob, maliban kina Pedro, Santiago at Juan, at ang mga magulang ng bata. 52Nag-iiyakan ang mga taong naroroon, kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong umiyak. Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” 53Pinagtawanan nila si Jesus dahil alam nilang patay na ang bata. 54Pero hinawakan ni Jesus ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, “Nene, bumangon ka.” 55At noon din ay bumalik ang kanyang espiritu at bumangon siya agad. At iniutos ni Jesus na pakainin ang bata. 56Labis na namangha ang mga magulang ng bata. Pero pinagbilinan sila ni Jesus na huwag sabihin kaninuman ang nangyari.

Ang Pulong Sa Dios

Lucas 8:1-56

Ang mga Babaye nga Nagtabang kang Jesus

1Pagkahuman niadto, milibot si Jesus sa mga lungsod ug mga baryo ug nagwali sa Maayong Balita mahitungod sa paghari sa Dios. Uban kaniya ang 12 ka mga apostoles, 2ug ang pipila sa mga babaye nga iyang giayo gikan sa mga daotang espiritu ug mga sakit. Ang usa kanila mao si Maria nga taga-Magdala8:2 taga-Magdala: Mao ang buot ipasabot sa pulong Magdalena. nga kanhi may pito ka daotang espiritu nga gipapahawa gikan kaniya. 3Uban usab kanila mao si Juana nga asawa ni Chuza nga mao ang sinaligan ni Herodes sa iyang palasyo. Mikuyog usab si Susana ug daghan pang kababayen-an. Kini nga mga babaye maoy nagahatag sa mga kinahanglanon nila ni Jesus gikan sa ilang katigayonan.

Ang Sambingay bahin sa Tigsabwag

(Mat. 13:1-9; Mar. 4:1-9)

4Daghang mga tawo nga gikan sa mga kalungsoran ang nagsige pag pangabot ug nagpundok didto kang Jesus. Gisultihan sila ni Jesus niini nga sambingay:

5“May usa ka mag-uuma nga nagsabwag ug binhi. Sa iyang pagsabwag, nasabwag ang uban sa daplin sa dalan, ug natumban kini sa mga nangagi ug gituka sa mga langgam. 6Ang uban nasabwag sa kabatoan. Miturok kini apan nalaya dayon tungod kay uga ang yuta. 7Ang uban nasabwag sa yuta nga may tunokon nga mga sagbot, ug nagdungan pagtubo kining sagbot ug ang binhi. Busa sa wala madugay natabonan kini sa mga sagbot. 8Ang uban nasabwag sa maayong yuta, mitubo ug namunga ug daghan.” Mipadayon pagsulti si Jesus kanila, “Kamo nga nagapaminaw, kinahanglan sabton gayod ninyo kining inyong nadungog.”

Ang Katuyoan sa mga Sambingay

(Mat. 13:10-17; Mar. 4:10-12)

9Gipangutana siya sa iyang mga tinun-an kon unsa ang kahulogan sa maong sambingay. 10Mitubag siya, “Ang mga tinago mahitungod sa paghari sa Dios gisulti kaninyo sa pamaagi nga masabtan ninyo, apan ngadto sa uban gisulti kini pinaagi sa mga sambingay aron nga ‘bisan magtan-aw sila dili sila makakita, ug bisan maminaw sila dili sila makasabot.’8:10 Tan-awa usab ang Isa. 6:9.

Gipasabot ni Jesus ang Sambingay bahin sa Tigsabwag

(Mat. 13:18-23; Mar. 4:13-20)

11Unya gipasabot ni Jesus ang kahulogan sa sambingay. Miingon siya, “Ang binhi mao ang pulong sa Dios. 12Ang daplin sa dalan nga nasabwagan ug binhi mao ang mga tawo nga nakadungog sa pulong sa Dios, apan miabot si Satanas ug gikuha niya ang pulong sa Dios sa ilang kasingkasing, aron dili sila motuo ug maluwas. 13Ang kabatoan nga nasabwagan ug binhi mao ang mga tawo nga nakadungog ug midawat sa pulong sa Dios nga may kalipay. Apan kini dili kinasingkasing, busa wala molungtad ang ilang pagtuo. Pag-abot sa mga pagsulay mitalikod dayon sila. 14Ang yuta nga may tunokon nga mga sagbot nga nasabwagan ug binhi mao ang mga tawo nga nakadungog sa pulong sa Dios. Apan ang ilang mga kabalaka, ang ilang mga kabtangan, ug ang mga kahilayan niining kalibotan nahimong babag sa ilang pagsunod sa kabubut-on sa Dios alang kanila. 15Apan ang maayo nga yuta nga nasabwagan ug binhi mao ang mga tawo nga nakadungog sa pulong sa Dios, ug gitipigan nila kini sa ilang hinlo ug matinud-anon nga kasingkasing ug naninguha sila sa pagtuman niini.”

Ang Sambingay bahin sa Suga

(Mar. 4:21-25)

16Miingon pa gayod si Jesus, “Walay magdagkot ug suga ug unya takloban lang dayon ug kolon o ibutang lang ilalom sa katre. Ibutang hinuon niya kini sa tungtonganan aron mahayagan ang mga tawo nga mosulod sa balay. 17Mao kana nga wala gayoy tinago nga dili mogawas sa kaulahian, ug walay tinagoan mahitungod sa paghari sa Dios nga dili mahibaloan ug madayag.

18“Busa paminaw kamo pag-ayo kanako, tungod kay ang tawo nga may pagsabot sa kamatuoran hatagan pa gayod. Apan ang tawo nga walay pagsabot sa kamatuoran, bisan ang gamay nga iyang nasabtan kuhaon pa kaniya.”

Ang Inahan ug ang mga Igsoon ni Jesus

(Mat. 12:46-50; Mar. 3:31-35)

19Unya miabot ang inahan ug ang mga igsoon ni Jesus. Tungod sa kadaghan sa mga tawo dili sila makaduol kaniya. 20Busa may miingon kang Jesus, “Ang imong inahan ug mga igsoon nagtindog didto sa gawas. Buot silang makigkita kanimo.” 21Apan miingon si Jesus kanila, “Ang akong inahan ug mga igsoon mao kadtong nagapaminaw ug nagatuman sa pulong sa Dios.”

Gipahunong ni Jesus ang Kusog nga Hangin ug Balod

(Mat. 8:23-27; Mar. 4:35-41)

22Usa ka adlaw niana misakay si Jesus ug ang iyang mga tinun-an sa sakayan. Miingon siya kanila, “Tana, motabok kita sa linaw.” Ug migikan sila. 23Samtang naglawig sila nakatulog si Jesus. Kalit lang nga mikusog ang hangin ug misulod na ang tubig sa ilang sakayan. Namiligro ang ilang kahimtang. 24Busa giduol nila si Jesus ug gipukaw, “Magtutudlo!8:24 Magtutudlo: kini nga pulong sa literal, Agalon. Magtutudlo! Malunod na kita!” Mibangon si Jesus ug gimandoan niya ang hangin ug ang mga balod nga mohunong. Ug diha-diha milinaw. 25Unya miingon si Jesus sa iyang mga tinun-an, “Hain na man ang inyong pagtuo?” Natingala gayod ang iyang mga tinun-an ug nahadlok. Miingon sila sa usag usa, “Kinsa gayod kaha kini, nga bisan gani ang hangin ug mga balod gimandoan niya ug mituman kaniya?”

Giayo ni Jesus ang Tawo nga Gigamhan sa mga Daotang Espiritu

(Mat. 8:28-34; Mar. 5:1-20)

26Nagpadayon sila paglawig hangtod nga nakaabot sila sa dapit sa mga Gerasenhon8:26 Gerasenhon: Sa uban nga mga kopya sa Griego, Gadarenhon o, Gergesenhon. atbang sa Galilea. 27Sa pagkawas ni Jesus, gisugat siya sa usa ka tawo nga gisudlan sa mga daotang espiritu. Kini nga tawo kanunayng hubo ug wala na mopauli sa iyang balay nga anaa sa lungsod. Didto siya magkanunayan sa mga langub nga lubnganan. 28Pagkakita niya kang Jesus misinggit siya ug miluhod sa iyang atubangan. Unya misulti siya sa makusog nga tingog, “Jesus, Anak sa Dios nga labaw sa tanan, unsay imong labot kanako? Nagapakilooy ako kanimo nga dili mo ako silotan.” 29Gisulti niya kini tungod kay gimandoan na ni Jesus ang daotang espiritu nga mogawas kaniya. Dugay na siya nga gigamhan sa daotang espiritu, ug bisan gikadenahan na sa mga tawo ang iyang mga kamot ug tiil ug binantayan pa siya, gipamugto lang niya kini, ug gidala siya sa daotang espiritu didto sa dapit nga awaaw. 30Gipangutana siya ni Jesus, “Unsay imong ngalan?” Mitubag siya, “Ako si Panon.” Mao kana ang iyang gitubag tungod kay daghan ang mga daotang espiritu nga misulod kaniya. 31Ug nagpakilooy ang mga daotang espiritu nga dili sila abugon ngadto sa kinahiladman sa yuta diin didto sila silotan.

32Duol didto, may daghang mga baboy nga nangungad sa bakilid. Nagpakilooy kang Jesus ang mga daotang espiritu nga tugotan sila nga mosulod sa mga baboy. Ug gitugotan sila ni Jesus. 33Busa migawas ang mga daotang espiritu gikan sa tawo ug misulod sila sa mga baboy. Unya mihaguros sa pagpanagan ang mga baboy padulhog sa bakilid diretso sa linaw ug nangalumos.

34Sa dihang nakita sa mga nagaatiman sa mga baboy ang nahitabo, nanagan sila, ug gisulti nila kini sa mga tawo sa lungsod ug sa kaumahan. 35Busa miadto ang mga tawo kang Jesus aron tan-awon ang nahitabo. Sa pag-abot nila didto nakita nila ang tawo nga kaniadto gigamhan sa mga daotang espiritu nga nagalingkod sa tiilan ni Jesus nga may bisti na ug maayo nag pangisip. Busa nangahadlok sila. 36Ang mga nakakita sa nahitabo misulti sa mga tawo kon giunsa pag-ayo ang tawo nga gigamhan kaniadto sa mga daotang espiritu. 37Unya ang tanang mga Gerasenhon8:37 Gerasenhon: Tan-awa ang usab sa bersikulo 26. ug ang mga tawo nga nagpuyo sa ilang palibot mihangyo kang Jesus nga mopahawa siya didto sa ilang dapit, tungod kay dako gayod ang ilang kahadlok. Busa misakay si Jesus sa sakayan ug mibalik sa iyang gigikanan. 38Ang tawo nga gigamhan kaniadto sa mga daotang espiritu nagpakilooy kang Jesus nga mouban kaniya. Apan miingon si Jesus kaniya, 39“Pauli na sa inyo ug isulti ang mga gihimo sa Dios kanimo.” Busa mipauli ang tawo, ug gisugilon niya sa tibuok lungsod ang tanang gihimo ni Jesus kaniya.

Ang Batang Babaye ni Jairus ug ang Babaye nga Nagdugo-dugo

(Mat. 9:18-26; Mar. 5:21-43)

40Sa pagdunggo ni Jesus balik sa pikas sa linaw, nalipay gayod ang mga tawo sa pag-abiabi kaniya tungod kay silang tanan nagpaabot kaniya. 41Pagkataudtaod may miabot nga tawo nga ang iyang ngalan si Jairus. Tigdumala siya sa simbahan sa mga Judio. Sa pagduol niya kang Jesus miluhod siya ug nagpakilooy nga moadto si Jesus didto sa iyang balay 42tungod kay himalatyon na ang iyang bugtong anak. Kining iyang anak nga babaye nagaedad ug 12 ka tuig. Sa dihang nagpadulong sila si Jesus sa balay ni Jairus nagdasok ang daghang mga tawo libot kaniya. 43May babaye didto nga nagdugo-dugo8:43 nagdugo-dugo: kini nga babaye may problema sa iyang regla. sulod na sa 12 ka tuig. [Nagasto na niya ang tanan niyang katigayonan sa pagpatambal.] Apan wala gayoy nakaayo kaniya. 44Miadto siya sa likod ni Jesus. Unya gihikap niya ang sidsid sa bisti ni Jesus, ug diha-diha mihunong ang iyang pagdugo-dugo. 45Unya miingon si Jesus, “Kinsa ang mihikap kanako?” Tanan sila misulti nga wala sila mohikap kaniya. Busa miingon si Pedro, “Ginoo, daghan ang mga tawo nga nagadasok palibot kanimo, nganong nangutana ka pa man kon kinsa ang mihikap kanimo?46Apan mitubag si Jesus, “May mihikap gayod kanako, tungod kay gibati ko nga may gahom nga migawas gikan kanako.” 47Sa dihang namatikdan sa babaye nga nahibaloan ni Jesus ang iyang gihimo, miduol siya nga nagkurog ug miluhod kang Jesus. Sa atubangan sa tanan gisulti niya kang Jesus kon nganong gihikap niya siya ug kon giunsa nga naayo siya dayon. 48Miingon si Jesus kaniya, “Anak, ang imong pagtuo maoy nakapaayo8:48 nakapaayo: o, nagluwas. kanimo. Sige, pauli nga malinawon.”

49Samtang nagsulti pa siya sa babaye may miabot gikan sa balay ni Jairus nga nagaingon, “Patay na ang imong anak. Ayaw na lang samoka ang magtutudlo.” 50Apan pagkadungog niini ni Jesus miingon siya kang Jairus, “Ayaw kahadlok, tuo lang ug mamaayo siya.” 51Pag-abot nila sa balay ni Jairus wala niya tugoti ang uban nga mokuyog kaniya ngadto sa sulod gawas lang kanila ni Pedro, Juan, ug Santiago, ug sa amahan ug inahan sa bata. 52Nagminatay ug hilak ang mga tawo didto. Busa miingon si Jesus kanila, “Ayaw kamo paghilak, tungod kay wala mamatay ang bata kondili natulog lang siya.” 53Gikataw-an nila si Jesus tungod kay nahibalo sila nga patay na gayod ang bata. 54Miduol si Jesus sa bata ug gikuptan niya ang kamot niini ug miingon, “Bangon Inday!” 55Ug diha-diha mibalik ang espiritu niini ug mibangon dayon kini. Misugo si Jesus nga pakan-on ang bata. 56Natingala gayod ang iyang mga ginikanan, apan gimandoan sila ni Jesus nga dili gayod isulti kang bisan kinsa ang nahitabo.