Lucas 7 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 7:1-50

Pinagaling ni Jesus ang Alipin ng Kapitan

(Mat. 8:5-13)

1Pagkatapos ipangaral ni Jesus sa mga tao ang mga bagay na ito, pumunta siya sa Capernaum. 2May isang kapitan doon ng hukbong Romano na may aliping malubha ang sakit at naghihingalo. Mahal niya ang aliping ito. 3Kaya nang mabalitaan ng kapitan ang tungkol kay Jesus, sinugo niya ang ilang mga pinuno ng mga Judio para pakiusapan si Jesus na pumunta sa bahay niya at pagalingin ang kanyang alipin. 4Pagdating nila kay Jesus, nakiusap silang mabuti sa kanya, “Kung maaari po sanaʼy tulungan nʼyo ang kapitan, dahil mabuti siyang tao. 5Mahal niya tayong mga Judio at ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sambahan.”

6Kaya sumama sa kanila si Jesus. Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, sinugo ng kapitan ang ilang mga kaibigan niya para salubungin si Jesus at sabihin, “Panginoon, huwag na po kayong mag-abalang pumunta sa bahay ko, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan nʼyo ang tahanan ko. 7Kaya nga hindi na rin ako naglakas-loob na lumapit dahil hindi ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Sabihin nʼyo na lang po at gagaling na ang utusan ko. 8Alam ko ito dahil nasa ilalim ako ng nakakataas na opisyal, at may nasasakupan din akong mga sundalo. Kapag sinabi ko sa isa, ‘Pumunta ka roon,’ pumupunta siya. Kapag sinabi kong, ‘Halika,’ lumalapit siya. At kahit ano pa ang iutos ko sa aking alipin ay sinusunod niya.” 9Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya sa kapitan at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Hindi pa ako nakakita ng isang tao sa Israel na may ganitong pananampalataya.” 10Nang bumalik sa bahay ang mga sinugo ng kapitan, nakita nilang magaling na ang alipin.

Binuhay ni Jesus ang Patay na Binata

11Pagkatapos, pumunta si Jesus sa bayan ng Nain. Sumama sa kanya ang mga tagasunod niya at ang maraming tao. 12Nang malapit na sila sa pintuan ng bayan ng Nain, nakasalubong nila ang libing ng kaisa-isang anak ng isang biyuda. Marami ang nakikipaglibing. 13Nahabag ang Panginoon sa biyuda nang makita niya ito. Sinabi niya sa biyuda, “Huwag kang umiyak.” 14Nilapitan ni Jesus at hinawakan ang kinalalagyan ng patay upang tumigil ang mga nagdadala nito. Sinabi ni Jesus, “Binata, bumangon ka!” 15Umupo ang patay at nagsalita. At ibinigay siya ni Jesus sa kanyang ina. 16Kinilabutan ang mga tao at nagpuri sila sa Dios. Sinabi nila, “Inalala tayo ng Dios. Isinugo niya sa atin ang isang dakilang propeta.” 17At kumalat sa buong Judea at sa lahat ng lugar sa palibot nito ang balita tungkol kay Jesus.

Si Jesus at si Juan na Tagapagbautismo

(Mat. 11:2-19)

18Ang lahat ng pangyayaring iyon ay ibinalita kay Juan ng mga tagasunod niya. 19Kaya tinawag ni Juan ang dalawa sa mga tagasunod niya at pinapunta sa Panginoon upang tanungin, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” 20Pagdating nila kay Jesus, sinabi nila, “Pinapunta po kami rito ni Juan na tagapagbautismo upang itanong sa inyo kung kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” 21Nang mga sandaling iyon, maraming pinagaling si Jesus na mga may sakit, at pinalayas niya ang masasamang espiritu sa mga tao. Pinagaling din niya ang mga bulag. 22Kaya sinabi niya sa mga tagasunod ni Juan, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang nakita at narinig ninyo: Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga lumpo, gumagaling ang mga may malubhang sakit sa balat, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. 23Mapalad ang taong hindi nagdududa7:23 nagdududa: o, nabibigo. sa akin.”

24Nang makaalis na ang mga taong inutusan ni Juan, nagtanong si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan, “Noong pumunta kayo kay Juan sa ilang, ano ang inaasahan ninyong makita? Isang taong tulad ng talahib na humahapay sa ihip ng hangin? 25Pumunta ba kayo roon upang makita ang isang taong magara ang pananamit? Ang mga taong magara ang pananamit at namumuhay sa karangyaan ay sa palasyo ninyo makikita. 26Pumunta kayo roon para makita ang isang propeta, hindi ba? Totoo, isa nga siyang propeta. At sinasabi ko sa inyo, higit pa siya sa isang propeta. 27Siya ang binabanggit ng Dios sa Kasulatan, ‘Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo.’7:27 Tingnan ang Mal. 3:1. 28Sinasabi ko sa inyo, walang taong isinilang na mas dakila pa kay Juan. Ngunit mas dakila pa sa kanya ang pinakahamak sa mga taong kabilang sa kaharian ng Dios.”

29Nang marinig ng mga tao, pati ng mga maniningil ng buwis, ang pangangaral ni Jesus, sumang-ayon sila na matuwid ang layunin ng Dios, dahil nagpabautismo pa nga sila kay Juan. 30Pero ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan ay tumanggi sa layunin ng Dios para sa buhay nila, dahil hindi sila nagpabautismo kay Juan.

31Sinabi pa ni Jesus, “Sa anong bagay ko maihahambing ang mga tao ngayon? Kanino ko sila maihahalintulad? 32Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sinasabi sa kanilang kalaro, ‘Tinugtugan namin kayo ng tugtuging pangkasal, pero hindi kayo sumayaw! Umawit kami ng awit para sa patay pero hindi kayo umiyak!’ 33Katulad nila kayo, dahil pagdating dito ni Juan na nakita ninyong nag-aayuno at hindi umiinom ng alak, sinabi ninyo, ‘Sinasaniban siya ng masamang espiritu.’ 34At nang dumating naman ako na Anak ng Tao, nakita ninyong kumakain ako at umiinom, ang sabi naman ninyo, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’ 35Ganoon pa man, ang mga taong sumusunod sa kalooban ng Dios ay sumasang-ayon sa ipinapagawa ng Dios sa amin.”7:35 o, Gayunman, ang karunungan na ipinangangaral namin ay napatunayang totoo sa buhay ng mga taong tumanggap nito.

Binuhusan ng Pabango si Jesus

36Inanyayahan si Jesus ng isang Pariseo na kumain sa bahay niya. Pumunta naman si Jesus at kumain doon. 37Sa bayang iyon ay may isang babaeng kilala sa pagiging makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Jesus sa bahay ng Pariseo, kaya pumunta siya roon at nagdala ng pabango na nasa isang sisidlang yari sa batong alabastro. 38Lumapit siya sa likuran ni Jesus sa bandang paanan. Doon ay umiyak ang babae at tumulo ang luha niya sa paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ito ng kanyang buhok, hinalikan at binuhusan ng pabango.

39Nang makita iyon ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya, “Kung talagang propeta ang taong ito, alam sana niyang masama ang babaeng ito na humihipo sa kanya.” 40Pero alam ni Jesus ang nasa isip niya, kaya sinabi ni Jesus, “Simon, may sasabihin ako sa iyo.” Sumagot si Simon, “Ano po iyon, Guro?” 41Sinabi ni Jesus, “May isang lalaking inutangan ng dalawang tao. Ang isaʼy umutang sa kanya ng 500, at ang isa namaʼy 50. 42Nang kapwa sila hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sa palagay mo, sino sa dalawa ang lalong magmamahal sa nagpautang?” 43Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po, ang may mas malaking utang.” “Tama ang sagot mo,” sabi ni Jesus. 44Pagkatapos ay nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon, “Tingnan mo ang babaeng ito. Nang pumasok ako sa bahay mo, hindi mo ako binigyan ng tubig na ipanghuhugas sa paa ko. Pero ang babaeng itoʼy sariling luha ang ipinanghugas sa paa ko at ang buhok pa niya ang ipinunas dito. 45Hindi mo ako hinalikan bilang pagtanggap, pero siyaʼy walang tigil sa paghalik sa mga paa ko mula nang dumating ako. 46Hindi mo pinahiran ng langis ang ulo ko, pero pinahiran niya ng mamahaling pabango ang mga paa ko. 47Kaya sinasabi ko sa iyo na ang malaking pagmamahal na ipinakita niya sa akin ay nagpapatunay na pinatawad na ang marami niyang kasalanan. Pero ang taong kaunti lang ang kasalanang pinatawad ay kaunti rin ang ipinapakitang pagmamahal.” 48Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa babae, “Pinatawad na ang mga kasalanan mo.” 49Ang mga kasama niya sa pagkain ay nagtanong sa kanilang sarili, “Sino kaya ito na pati kasalanan ay pinapatawad?” 50Sinabi ni Jesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa.”

Persian Contemporary Bible

لوقا 7:1-50

ايمان عجيب يک افسر رومی

1هنگامی كه عيسی اين سخنان را به پايان رسانيد، به كفرناحوم بازگشت.

2در آن شهر، يک افسر رومی، غلامی داشت كه برايش خيلی عزيز بود. از قضا آن غلام بيمار شد و به حال مرگ افتاد. 3وقتی افسر از آمدن عيسی باخبر شد، چند نفر از بزرگان يهود را فرستاد تا از او خواهش كنند كه بيايد و غلامش را شفا بخشد. 4پس آنان با اصرار، به عيسی التماس كردند كه همراه ايشان برود و آن غلام را شفا دهد. ايشان گفتند: «اين افسر مرد بسيار نيكوكاری است. اگر كسی پيدا شود كه لايق لطف تو باشد، همين شخص است. 5زيرا نسبت به يهوديان مهربان بوده و عبادتگاهی نيز برای ما ساخته است!»

6عيسی با ايشان رفت. اما پيش از آنكه به خانه برسند، آن افسر چند نفر از دوستان خود را فرستاد تا به عيسی چنين بگويند: «سَروَر من، به خود زحمت ندهيد كه به خانه من بياييد، چون من لايق چنين افتخاری نيستم. 7خود را نيز لايق نمی‌دانم كه به حضورتان بيايم. از همانجا كه هستيد، فقط دستور بدهيد تا غلام من شفا يابد! 8من خود، زير دست افسران ارشد هستم و از طرف ديگر، سربازانی را تحت فرمان خود دارم. فقط كافی است به سربازی دستور بدهم ”برو“ تا برود. يا بگويم ”بيا“ تا بيايد، و به غلام خود بگويم ”چنين و چنان كن“ تا بكند. پس شما نيز فقط دستور بدهيد تا خدمتگزار من بهبود يابد!»

9عيسی وقتی اين را شنيد، تعجب كرد و رو به جمعيتی كه همراهش بودند، نمود و گفت: «در ميان تمام يهوديان اسرائيل، حتی يک نفر را نديده‌ام كه چنين ايمانی داشته باشد.» 10وقتی دوستان آن افسر به خانه بازگشتند، غلام كاملاً شفا يافته بود.

عيسی مرده‌ای را زنده می‌كند

11چندی بعد، عيسی با شاگردان خود به شهری به نام نائين رفت و مانند هميشه، گروه بزرگی از مردم نيز همراه او بودند. 12وقتی به دروازه شهر رسيدند، ديدند كه جنازه‌ای را می‌برند. جوانی كه تنها پسر يک بيوه‌زن بود، مرده بود. بسياری از اهالی آن شهر، با آن زن عزاداری می‌كردند.

13وقتی عيسای خداوند، آن مادر داغديده را ديد، دلش به حال او سوخت و فرمود: «گريه نكن!» 14سپس نزديک تابوت رفت و دست بر آن گذارد. كسانی كه تابوت را می‌بردند، ايستادند. عيسی فرمود: «ای جوان، به تو می‌گويم، برخيز!»

15بلافاصله، آن جوان برخاست و نشست و با كسانی كه دور او را گرفته بودند، مشغول گفتگو شد! به اين ترتيب، عيسی او را به مادرش بازگردانيد.

16تمام كسانی كه اين معجزه را ديدند، با ترس و احترام، خدا را شكر كرده، می‌گفتند: «نبی بزرگی در ميان ما ظهور كرده است! خداوند به ياری ما آمده است!» 17آنگاه خبر اين معجزه در سراسر ايالت يهوديه و در سرزمينهای اطراف منتشر شد.

پيغام عيسی به يحيی

18هنگامی كه يحيی خبر كارهای عيسی را از زبان شاگردان خود شنيد، 19دو نفر از ايشان را نزد او فرستاد تا بپرسند: «آيا تو همان مسيح موعود هستی يا هنوز بايد منتظر آمدن او باشيم؟»

20‏-22آن دو شاگرد هنگامی نزد عيسی رسيدند كه او افليج‌ها، كورها و بيماران مختلف را شفا می‌بخشيد و ارواح پليد را از وجود ديوانگان اخراج می‌كرد. آنان سؤال يحيی را به عرض او رساندند. عيسی در جواب فرمود: «نزد يحيی بازگرديد و آنچه ديديد و شنيديد، برای او بيان كنيد كه چگونه نابينايان بينا می‌شوند، لنگان راه می‌روند، جذامیان شفا می‌يابند، ناشنوایان شنوا می‌گردند، مردگان زنده می‌شوند و فقرا پيغام نجاتبخش خدا را می‌شنوند. 23سپس به او بگوييد، خوشا به حال كسی كه به من شک نكند.»

24وقتی آن دو فرستاده رفتند، عيسی درباره يحيی با مردم سخن گفت و فرمود: «آن مرد كه برای ديدنش به بيابان يهوديه رفته بوديد، كه بود؟ آيا مردی بود سست چون علف، كه از وزش هر بادی بلرزد؟ 25آيا مردی بود با لباسهای گرانبها؟ اگر شخص عياش و خوشگذرانی بود، در قصرها زندگی می‌كرد، نه در بيابان! 26آيا رفته بوديد پيامبری را ببينيد؟ بلی، به شما می‌گويم كه يحيی از يک پيامبر نيز بزرگتر است. 27او همان رسولی است كه كتاب آسمانی درباره‌اش می‌فرمايد: ”من رسول خود را پيش از تو می‌فرستم تا راه را برايت باز كند.“ 28در ميان تمام انسانهايی كه تا به حال به دنیا آمده‌اند، كسی بزرگتر از يحيی نبوده است. با وجود اين، كوچكترين فرد در ملكوت خدا از يحيی بزرگتر است!

29«تمام كسانی كه پيغام يحيی را شنيدند، حتی مأمورين باج و خراج، تسليم خواست خدا گرديده، از دست او غسل تعميد گرفتند. 30ولی فريسی‌ها و علمای دين، دعوت خدا را رد كردند و حاضر نشدند از او تعميد بگيرند.

31«پس درباره اين قبيل اشخاص چه بگويم؟ ايشان را به چه چيز تشبيه كنم؟ 32مانند كودكانی هستند كه در كوچه‌ها به هنگام بازی، با بی‌حوصلگی به همبازيهای خود می‌گويند: ”نه به ساز ما می‌رقصيد، و نه به نوحهٔ ما گريه می‌كنيد.“ 33زيرا درباره يحيای تعميددهنده كه اغلب روزه‌دار بود و شراب هم نمی‌نوشيد، می‌گفتيد كه ديوانه است! 34و درباره من كه می‌خورم و می‌نوشم، می‌گوييد كه شخصی است پرخور و ميگسار و همنشين گناهكاران! 35اگر عاقل بوديد، چنين نمی‌گفتيد و می‌دانستيد چرا او چنان می‌كرد و من چنين!»

زن بدكاره آمرزيده می‌شود

36روزی يكی از فريسيان عيسی را برای صرف غذا به خانه خود دعوت كرد. عيسی نيز دعوت او را پذيرفت و به خانه او رفت. وقتی سر سفره نشسته بودند، 37زنی بدكاره كه شنيده بود عيسی در آن خانه است، شيشه‌ای نفيس پر از عطر گرانبها برداشت، 38و وارد شد و پشت سر عيسی، نزد پايهايش نشست و شروع به گريستن كرد. قطره‌های اشک او روی پايهای عيسی می‌چكيد و او با گیسوانش آنها را پاک می‌كرد. سپس پاهای عيسی را بوسيد و روی آنها عطر ريخت.

39صاحب خانه يعنی آن فريسی، وقتی اين وضع را مشاهده نمود و آن زن را شناخت، با خود گفت: «اگر اين مرد فرستاده خدا بود، يقيناً متوجه می‌شد كه اين زن گناهكار و ناپاک است!»

40عيسی خيالات دل او را درک كرد و به او گفت: «شمعون، می‌خواهم چيزی به تو بگويم.»

شمعون گفت: «بفرما استاد!»

41آنگاه عيسی داستانی برای او تعريف كرد و گفت: «شخصی از دو نفر طلب داشت، از يكی ۵۰۰ سكه و از ديگری ۵۰ سكه. 42اما هيچيک از آن دو، نمی‌توانست بدهی خود را بپردازد. پس آن مرد مهربان هر دو را بخشيد و از طلب خود چشم‌پوشی كرد! حال، به نظر تو كدام يک از آن دو او را بيشتر دوست خواهد داشت؟»

43شمعون جواب داد: «به نظر من، آن كه بيشتر بدهكار بود.»

عيسی فرمود: «درست گفتی!»

44سپس به آن زن اشاره كرد و به شمعون گفت: «به اين زن كه اينجا زانو زده است خوب نگاه كن! وقتی به خانهٔ تو آمدم به خودت زحمت ندادی كه برای شستشوی پايهايم، آب بياوری. اما او پايهای مرا با اشک چشمانش شست و با مويهای سرش خشک كرد. 45به رسم معمول، صورتم را نبوسيدی؛ اما از وقتی كه داخل شدم، اين زن از بوسيدن پايهای من دست نكشيده است. 46تو غفلت كردی كه به رسم احترام، روغن بر سرم بمالی، ولی او پايهای مرا عطرآگين كرده است. 47از اينروست كه او محبت بيشتری نشان می‌دهد، چون گناهان بسيارش آمرزيده شده است. اما هر كه كمتر بخشيده شده باشد، محبت كمتری نشان می‌دهد.»

48آنگاه رو به آن زن كرد و فرمود: «گناهان تو بخشيده شد!»

49اشخاصی كه بر سر سفره حضور داشتند، با خود می‌گفتند: «اين مرد كيست كه گناهان مردم را نيز می‌آمرزد؟»

50عيسی به آن زن فرمود: «ايمانت باعث نجاتت شده است! برخيز و آسوده‌خاطر برو.»