Leviticus 8 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 8:1-36

Pagtatalaga kay Aaron at sa mga Anak Niyang Lalaki

(Exo. 29:1-37)

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2-3“Papuntahin mo si Aaron at ang mga anak niyang lalaki roon sa pintuan ng Toldang Tipanan, at tipunin mo ang lahat ng taga-Israel doon. Sabihin mo sa mga pari na dalhin nila ang kanilang mga damit pampari, ang langis na pamahid, ang toro na handog sa paglilinis, ang dalawang lalaking tupa, at ang basket na may tinapay na walang pampaalsa.”

4Sinunod ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon, at nagtipon ang mga taga-Israel sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 5Sinabi sa kanila ni Moises na ang gagawin niya ay iniutos sa kanya ng Panginoon. 6Dinala niya sa gitna si Aaron at ang mga anak niyang lalaki at silaʼy pinaliguan. 7Ipinasuot niya kay Aaron ang damit bilang punong pari: ang damit-panloob, ang sinturon, ang damit-panlabas, at ang espesyal na damit8:7 espesyal na damit: sa Hebreo, efod. at binigkisang mabuti ng hinabing sinturon na maganda ang pagkakagawa. 8Ipinalagay din ni Moises ang isang lalagyan sa dibdib at doon inilagay ang “Urim” at “Thummim”.8:8 “Urim” at “Thummim”: Dalawang bagay na ginagamit para malaman ang kalooban ng Dios. 9At ipinasuot din niya ang turban sa ulo ni Aaron at sa harap ng turban ay ikinabit ang gintong sagisag ng pagtatalaga kay Aaron para sa Panginoon. Ginawang lahat ito ni Moises ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.

10Pagkatapos, kinuha ni Moises ang langis at winisikan ang Tolda at ang lahat ng nasa loob bilang pagtatalaga ng lahat ng ito para sa Panginoon. 11Winisikan din niya ng langis ang altar ng pitong beses at ang lahat ng kagamitan na naroon, pati ang planggana at ang patungan nito. Ginawa ito para ihandog sa Panginoon. 12Pagkatapos, binuhusan niya ng langis ang ulo ni Aaron bilang pagtatalaga sa kanya sa Panginoon. 13At pinalapit niya sa gitna ang mga anak na lalaki ni Aaron at ipinasuot sa kanila ang kasuotan nila na pampari at nilagyan ng sinturon. Ipinasuot din sa kanila ang kanilang mga turban. Ginawa ito ni Moises ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon. 14Pagkatapos nitoʼy ipinakuha ni Moises ang baka na handog sa paglilinis. At ipinatong ni Aaron at ng mga anak niya ang mga kamay nila sa ulo ng baka. 15Pagkatapos, pinatay ni Moises ang baka at kumuha siya ng dugo. Inilubog niya ang kanyang daliri sa dugo at pinahiran niya ang parang sungay sa mga sulok ng altar para luminis ito. At ang natirang dugo ay ibinuhos niya sa ilalim ng altar. Sa ganitong paraan niya itinalaga ang altar para sa Panginoon upang maging karapat-dapat na lugar na pinaghahandugan ng mga pantubos sa kasalanan. 16Kinuha rin ni Moises ang lahat ng taba ng lamang-loob ng baka, ang maliit na bahagi ng atay, ang mga bato pati ang taba nito, at sinunog niya ang lahat ng ito roon sa altar. 17Ang mga natirang bahagi ng baka, katulad ng laman, balat at lamang-loob ay sinunog niya sa labas ng kampo. Ginawa ito ni Moises ayon sa iniutos ng Panginoon. 18Pagkatapos, ipinakuha ni Moises ang lalaking tupa bilang handog na sinusunog. Ipinatong ni Aaron at ng mga anak niyang lalaki ang kanilang mga kamay sa ulo ng tupa. 19At pinatay ni Moises ang tupa at iwinisik ang dugo sa paligid ng altar. 20-21Kinatay niya ang tupa at hinugasan ang mga lamang-loob at paa, at saka sinunog lahat doon sa altar pati na ang ulo at taba bilang handog na sinusunog. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon. Ginawa ito ni Moises ayon sa utos sa kanya ng Panginoon. 22Ipinakuha rin ni Moises ang pangalawang lalaking tupa. Ito ang handog para sa pagtatalaga. Ipinatong ni Aaron at ng mga anak niyang lalaki ang mga kamay nila sa ulo ng tupa. 23At pinatay ni Moises ang tupa, kumuha siya ng dugo nito at ipinahid sa ibabang bahagi ng kanang tainga ni Aaron at sa kanang hinlalaki ng kamay at paa niya. 24Pinapunta rin ni Moises sa gitna ang mga lalaking anak ni Aaron at pinahiran din niya ng dugo sa ibabang bahagi ng kanang tainga nila, at ang kanang hinlalaki ng kanilang kamay at paa. Pagkatapos, iwinisik niya ang natirang dugo sa palibot ng altar. 25Kinuha rin niya ang mga taba, ang matabang buntot, ang lahat ng taba sa lamang-loob, ang maliit na bahagi ng atay, ang mga bato pati ang taba nito, at ang kanang hita. 26-27Pagkatapos, kumuha rin si Moises ng tinapay mula sa basket na inihandog sa Panginoon – isang makapal na tinapay na walang pampaalsa, isang tinapay na may halong langis at isang tinapay na manipis. Pinahawakan niya ang lahat ng ito kay Aaron at sa mga anak nito pati na ang lahat ng taba at ang kanang hita ng tupa. At itinaas nila ito sa Panginoon bilang handog na itinataas. 28Pagkatapos, kinuha iyon ni Moises sa kanila at sinunog sa altar kasama ng handog na sinusunog. Iyon ang handog bilang pagtatalaga sa kanila. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon. 29Kinuha rin ni Moises ang pitso ng tupa at itinaas sa Panginoon bilang handog na itinataas. Ito ang bahagi niya sa tupang handog ng pagtatalaga. Ang lahat ng itoʼy ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.

30Pagkatapos, kumuha si Moises ng banal na langis8:30 banal na langis: o, langis na pamahid. at ng dugo roon sa altar at winisikan niya si Aaron at ang mga anak niya pati na ang kanilang mga damit. Sa ganitong paraan niya sila inihandog pati ang kanilang mga damit sa Panginoon. 31At sinabi ni Moises kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, “Lutuin ninyo ang karne malapit sa pintuan ng Toldang Tipanan, at ayon sa iniutos ko sa inyo kainin ninyo ito kasama ang mga tinapay na nasa basket na handog para sa pagtatalaga. 32Ang matitirang karne at tinapay ay susunugin ninyo. 33Huwag kayong aalis dito sa loob ng pitong araw hanggaʼt hindi natatapos ang pagtatalaga sa inyo. 34Ang Panginoon ang nag-utos sa atin na gawin natin ang ating ginagawa ngayon, para matubos kayo sa inyong mga kasalanan. 35Kinakailangang manatili kayo rito araw at gabi sa loob ng pitong araw, at gawin ninyo ang ipinapagawa sa inyo ng Panginoon para hindi kayo mamatay, dahil ito ang iniutos sa akin ng Panginoon na dapat ninyong gawin.” 36Kaya sinunod ni Aaron at ng mga anak niya ang lahat ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

Persian Contemporary Bible

لاويان 8:1‏-36

مراسم تقديس هارون و پسرانش

(خروج 29‏:1‏-37)

1‏-3خداوند به موسی فرمود: «هارون و پسرانش را با لباسهای مخصوص ايشان و روغن تدهين، گوسالهٔ قربانی گناه، دو قوچ و يک سبد نان بدون خميرمايه دم در خيمهٔ عبادت بياور و تمام قوم اسرائيل را در آنجا جمع كن.»

4موسی طبق فرمان خداوند عمل كرد. همهٔ قوم اسرائيل دم در خيمهٔ عبادت جمع شدند. 5موسی به ايشان گفت: «آنچه اكنون انجام می‌دهم طبق فرمان خداوند است.»

6آنگاه موسی، هارون و پسرانش را فرا خواند و ايشان را با آب غسل داد. 7پيراهن مخصوص كاهنی را به هارون پوشانيد و كمربند را به كمرش بست. سپس ردا را بر تن او كرد و ايفود8‏:7 «ايفود» جليقهٔ مخصوصی بود که کاهن روی لباسهای خود می‌پوشيد.‏ را بوسيلهٔ بند كمر آن بر او بست. 8بعد سينه‌بند را بر او بست و اوريم و تُميم8‏:8 اوريم و تميم دو شیئی بودند که جهت پی بردن به خواست خدا، بوسيلهٔ کاهن بکار می‌رفتند.‏ را در آن گذاشت، 9و چنانكه خداوند فرموده بود، عمامه را بر سر هارون نهاد و نيم تاج مقدس را كه از طلا بود جلو عمامه نصب كرد.

10آنگاه موسی روغن مسح را گرفت و آن را بر خيمهٔ عبادت و هر چيزی كه در آن بود پاشيد و آنها را تقديس نمود. 11سپس مقداری از روغن را برداشت و آن را هفت مرتبه بر قربانگاه، لوازم آن، حوض و پايه‌اش پاشيد و آنها را نيز تقديس كرد. 12بعد قدری از روغن مسح را بر سر هارون ريخت و به اين ترتيب او را برای خدمت كاهنی تقديس نمود. 13سپس موسی به امر خداوند پسران هارون را فرا خواند و پيراهنها را به آنان پوشانيد و كمربندها را به كمرشان بست و کلاهها را بر سرشان گذاشت.

14بعد گوسالهٔ قربانی گناه را جلو آورد و هارون و پسرانش دستهای خود را روی سر آن گذاشتند. 15موسی گوساله را ذبح كرد و قدری از خون آن را با انگشت بر چهار شاخ قربانگاه ماليد تا آن را طاهر سازد. باقيماندهٔ خون را به پای قربانگاه ريخت. به اين ترتيب قربانگاه را تقديس كرده، برای آن كفاره نمود. 16سپس تمام پيه داخل شكم، سفيدی روی جگر، قلوه‌ها و چربی روی آنها را گرفت و همه را روی قربانگاه سوزانيد، 17و همانطور كه خداوند فرموده بود، لاشه و پوست و سرگين گوساله را در خارج از اردوگاه سوزانيد.

18بعد قوچ قربانی سوختنی را جلو آورد و هارون و پسرانش دستهای خود را روی سر آن گذاشتند. 19موسی قوچ را ذبح كرد و خونش را بر چهار طرف قربانگاه پاشيد. 20سپس لاشهٔ قوچ را قطعه‌قطعه كرد و آنها را با كله و پيه حيوان سوزانيد. 21دل و روده و پاچه‌ها را با آب شست و آنها را نيز بر قربانگاه سوزانيد. پس همانطور كه خداوند به موسی دستور داده بود تمام آن قوچ بر قربانگاه سوزانده شد. اين قربانی سوختنی كه بر آتش تقديم شد، مورد پسند خداوند بود.

22پس از آن موسی قوچ دوم را كه برای تقديس كاهنان بود جلو آورد و هارون و پسرانش دستهای خود را روی سر آن گذاشتند. 23موسی قوچ را ذبح كرده، قدری از خونش را بر نرمهٔ گوش راست هارون و شست دست راست او و شست پای راستش ماليد. 24بعد قدری از خون را بر نرمهٔ گوش راست و شست دست راست و شست پای راست پسران هارون ماليد. بقيهٔ خون را بر چهار طرف قربانگاه پاشيد.

25پس از آن پيه، دنبه، پيه داخل شكم، سفيدی روی جگر، قلوه‌ها و چربی روی آنها و ران راست قوچ را گرفت 26و از داخل سبد نان بدون خميرمايه كه در حضور خداوند بود، يک قرص نان بدون خميرمايه، يک قرص نان روغنی و يک نان نازک برداشت و آنها را روی پيه و ران راست گذاشت. 27سپس، همهٔ اينها را بر دستهای هارون و پسرانش قرار داد تا به عنوان هديهٔ مخصوص، آنها را جلو قربانگاه تكان دهند و به خداوند تقديم كنند. 28پس از انجام اين تشريفات، موسی آنها را از هارون و پسرانش گرفت و با قربانی سوختنی بر قربانگاه سوزانيد. اين قربانی تقديس كه بر آتش تقديم شد، مورد پسند خداوند بود. 29موسی سينهٔ قربانی را گرفت و آن را به عنوان هديهٔ مخصوص تكان داده، به خداوند تقديم كرد، درست همانطور كه خداوند به او دستور داده بود. اين سهم خود موسی از قوچی بود كه برای مراسم تقديس ذبح می‌شد.

30سپس موسی قدری از روغن مسح و قدری از خونی را كه بر قربانگاه بود گرفت و بر هارون و لباسهای او و بر پسران او و لباسهای ايشان پاشيد و به اين ترتيب هارون و پسرانش و لباسهای آنها را تقديس كرد.

31آنگاه موسی به هارون و پسرانش گفت: «همانطور كه خداوند فرموده است، گوشت را دم در خيمهٔ عبادت بپزيد و در آنجا آن را با نان مراسم تقديس كه در سبد است، بخوريد. 32هر چه از گوشت و نان باقی ماند بايد سوزانده شود. 33هفت روز از در خيمهٔ عبادت بيرون نرويد تا روزهای تقديستان سپری شود، زيرا مراسم تقديس شما هفت روز طول می‌كشد. 34آنچه امروز انجام شد به فرمان خداوند بود تا به اين ترتيب برای گناه شما كفاره داده شود. 35شما بايد هفت شبانه روز دم در خيمهٔ عبادت بمانيد و آنچه را كه خداوند فرموده است انجام دهيد و گرنه خواهيد مرد. اين دستور خداوند است.»

36بنابراين هارون و پسرانش هر چه را كه خداوند توسط موسی امر فرموده بود، انجام دادند.