Leviticus 7 – TCB & NIVUK

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 7:1-38

Mga Karagdagang Tuntunin Tungkol sa Handog na Pambayad ng Kasalanan

1Ito ang mga tuntunin tungkol sa handog na pambayad ng kasalanan. Napakabanal ng handog na ito.

2Ang handog na pambayad ng kasalanan ay doon papatayin sa pinagpapatayan ng mga handog na sinusunog. At ang dugo nitoʼy iwiwisik sa paligid ng altar. 3Ang lahat ng taba nito ay ihahandog – ang matabang buntot, ang tabang bumabalot sa lamang-loob, 4ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay. 5Lahat ng itoʼy susunugin ng pari sa altar bilang handog sa Panginoon sa pamamagitan ng apoy. Itoʼy handog na pambayad ng kasalanan. 6Ang matitira ay maaaring kainin ng mga anak na lalaki ng mga pari, pero dapat nila itong kainin doon sa banal na lugar dahil napakabanal nito. 7Iisa ang tuntunin sa handog sa paglilinis at sa handog na pambayad ng kasalanan. Ang karne sa mga handog na ito ay para sa paring naghandog nito. 8Ang balat naman ng hayop na inialay bilang handog na sinusunog ay para rin sa paring nag-alay nito. 9Ganoon din sa lahat ng handog na butil na inialay bilang handog na pagpaparangal sa Panginoon, na niluto sa hurno o sa kawali. 10At ang lahat ng handog na pagpaparangal, may halo man itong langis o wala ay para na sa mga paring mula sa angkan ni Aaron at paghahati-hatian nila ito ng pantay-pantay.

Mga Karagdagang Tuntunin para sa Handog para sa Mabuting Relasyon

11Ito ang mga tuntunin tungkol sa handog para sa mabuting relasyon7:11 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. na iniaalay sa Panginoon.

12Kung ang hayop na handog para sa mabuting relasyon ay inialay bilang handog ng pagpapasalamat sa Panginoon, sasamahan niya ito ng tinapay. Magdadala siya ng tinapay na walang pampaalsa katulad ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis, manipis na tinapay na pinahiran ng langis, at tinapay na mula sa magandang klaseng harina na hinaluan ng langis. 13Maliban dito, magdadala rin siya ng tinapay na may pampaalsa. 14Siyaʼy maghahandog mula sa bawat uri ng tinapay na ito bilang kaloob sa Panginoon. At ang mga tinapay na ito na inihandog ay para na sa paring nagwiwisik ng dugo ng hayop na handog para sa mabuting relasyon. 15Ang karne ng hayop na inihandog bilang pagpapasalamat sa Panginoon ay dapat kainin ng taong naghandog nito at ng sambahayan niya at ng mga pari sa araw ding iyon, at dapat walang matira kinaumagahan.

16Pero kung ang kanyang handog para sa mabuting relasyon ay inialay niya bilang handog para tuparin ang isang panata o handog na kusang-loob, ang karne ay makakain sa araw ng paghahandog at ang matitira ay maaari pa ring kainin kinabukasan. 17At kung mayroon pa ring matira hanggang sa pangatlong araw, dapat na itong sunugin. 18Kapag may kumain pa nito sa pangatlong araw, hindi na tatanggapin ng Panginoon ang handog na ito at magiging walang kabuluhan ang handog niya. Ang handog na ito ay ituturing na kasuklam-suklam at magiging pananagutan pa ng sinumang kumain nito. 19Kapag ang karne ay hindi sinasadyang nadikit sa anumang bagay na itinuturing na marumi, hindi na iyon dapat kainin, kundi susunugin na lang. Tungkol sa mga karneng maaaring kainin, itoʼy maaaring kainin ng sinumang itinuturing na malinis ayon sa batas. 20Pero ang sinumang itinuturing na marumi7:20 marumi: Ang ibig sabihin, hindi karapat-dapat na makisama sa kanilang seremonyang pangrelihiyon. at kakain ng karneng handog para sa mabuting relasyon ay huwag ninyong ituring na kababayan. 21Ang sinumang nakahipo ng mga bagay na itinuturing na marumi, katulad ng dumi o sakit ng taong nakakahawa, hayop na itinuturing na marumi, o anumang bagay na kasuklam-suklam at pagkatapos ay kumain ng karne na inihandog sa Panginoon ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

Pagbabawal ng Pagkain ng Dugo at Taba

22Nag-utos ang Panginoon kay Moises 23na sabihin ito sa mga taga-Israel:

Huwag kayong kakain ng taba ng baka, tupa o kambing. 24Ang taba ng hayop na namatay o pinatay ng ibang hayop ay maaari ninyong gamitin sa anumang nais ninyo, pero huwag ninyong kakainin. 25Ang sinumang kakain ng taba ng hayop na maaaring ihandog7:25 maaaring ihandog: o, inihandog. sa Panginoon ay huwag na ninyong ituring na kababayan. 26At saan man kayo tumira, huwag kayong kakain ng dugo ng hayop o ibon. 27Ang sinumang kakain ng dugo ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

Ang Bahagi ng mga Pari sa mga Handog

28Nag-utos din ang Panginoon kay Moises 29na sabihin ito sa mga taga-Israel:

Ang sinumang mag-aalay ng handog para sa mabuting relasyon ay dapat magbukod ng bahagi ng handog na iyon para sa Panginoon na ibibigay sa mga pari. 30At ang bahaging iyon ng handog ay dadalhin mismo ng maghahandog sa altar upang ialay sa Panginoon bilang handog sa pamamagitan ng apoy. Dadalhin niya ang taba at pitso ng hayop, at itataas niya ang pitso sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas. 31Pagkatapos, susunugin ng paring namumuno ng seremonya ang taba sa altar, pero ang pitso ay para kay Aaron at sa kanyang angkan. 32-33Ang kanang hita ng hayop na inihandog ay ibibigay sa paring naghahandog ng dugo at taba nito. 34Sapagkat ibinibigay ng Panginoon ang pitso at paa ng inyong handog kay Aaron at sa kanyang mga angkan. Ito ang bahaging para sa kanila magpakailanman.

35Iyon ang bahagi ng mga handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon na ibinigay kay Aaron at sa kanyang mga angkan mula sa araw na silaʼy itinalagang maglingkod sa Panginoon bilang mga pari. 36Nang araw na inordinahan sila, nag-utos ang Panginoon sa mga taga-Israel na dapat nilang ibigay ang bahaging iyon ng mga pari na para sa kanila magpakailanman, at dapat nila itong sundin hanggang sa susunod pang mga henerasyon.

37Iyon ang tuntunin tungkol sa handog na sinusunog, handog sa paglilinis, handog na pambayad ng kasalanan, handog sa pagtatalaga at handog para sa mabuting relasyon. 38Ang mga tuntuning ito ay ibinigay ng Panginoon kay Moises doon sa ilang sa Bundok ng Sinai, noong nag-utos ang Panginoon sa mga taga-Israel na maghandog sa kanya.

New International Version – UK

Leviticus 7:1-38

The guilt offering

1‘ “These are the regulations for the guilt offering, which is most holy: 2the guilt offering is to be slaughtered in the place where the burnt offering is slaughtered, and its blood is to be splashed against the sides of the altar. 3All its fat shall be offered: the fat tail and the fat that covers the internal organs, 4both kidneys with the fat on them near the loins, and the long lobe of the liver, which is to be removed with the kidneys. 5The priest shall burn them on the altar as a food offering presented to the Lord. It is a guilt offering. 6Any male in a priest’s family may eat it, but it must be eaten in the sanctuary area; it is most holy.

7‘ “The same law applies to both the sin offering7:7 Or purification offering; also in verse 37 and the guilt offering: they belong to the priest who makes atonement with them. 8The priest who offers a burnt offering for anyone may keep its hide for himself. 9Every grain offering baked in an oven or cooked in a pan or on a griddle belongs to the priest who offers it, 10and every grain offering, whether mixed with olive oil or dry, belongs equally to all the sons of Aaron.

The fellowship offering

11‘ “These are the regulations for the fellowship offering anyone may present to the Lord:

12‘ “If they offer it as an expression of thankfulness, then along with this thank-offering they are to offer thick loaves made without yeast and with olive oil mixed in, thin loaves made without yeast and brushed with oil, and thick loaves of the finest flour well-kneaded and with oil mixed in. 13Along with their fellowship offering of thanksgiving they are to present an offering with thick loaves of bread made with yeast. 14They are to bring one of each kind as an offering, a contribution to the Lord; it belongs to the priest who splashes the blood of the fellowship offering against the altar. 15The meat of their fellowship offering of thanksgiving must be eaten on the day it is offered; they must leave none of it till morning.

16‘ “If, however, their offering is the result of a vow or is a freewill offering, the sacrifice shall be eaten on the day they offer it, but anything left over may be eaten on the next day. 17Any meat of the sacrifice left over till the third day must be burned. 18If any meat of the fellowship offering is eaten on the third day, the one who offered it will not be accepted. It will not be reckoned to their credit, for it has become impure; the person who eats any of it will be held responsible.

19‘ “Meat that touches anything ceremonially unclean must not be eaten; it must be burned. As for other meat, anyone ceremonially clean may eat it. 20But if anyone who is unclean eats any meat of the fellowship offering belonging to the Lord, they must be cut off from their people. 21Anyone who touches something unclean – whether human uncleanness or an unclean animal or any unclean creature that moves along the ground7:21 A few Hebrew manuscripts, Samaritan Pentateuch, Syriac and Targum (see 5:2); most Hebrew manuscripts any unclean, detestable thing – and then eats any of the meat of the fellowship offering belonging to the Lord must be cut off from their people.” ’

Eating fat and blood forbidden

22The Lord said to Moses, 23‘Say to the Israelites: “Do not eat any of the fat of cattle, sheep or goats. 24The fat of an animal found dead or torn by wild animals may be used for any other purpose, but you must not eat it. 25Anyone who eats the fat of an animal from which a food offering may be7:25 Or offering is presented to the Lord must be cut off from their people. 26And wherever you live, you must not eat the blood of any bird or animal. 27Anyone who eats blood must be cut off from their people.” ’

The priests’ share

28The Lord said to Moses, 29‘Say to the Israelites: “Anyone who brings a fellowship offering to the Lord is to bring part of it as their sacrifice to the Lord. 30With their own hands they are to present the food offering to the Lord; they are to bring the fat, together with the breast, and wave the breast before the Lord as a wave offering. 31The priest shall burn the fat on the altar, but the breast belongs to Aaron and his sons. 32You are to give the right thigh of your fellowship offerings to the priest as a contribution. 33The son of Aaron who offers the blood and the fat of the fellowship offering shall have the right thigh as his share. 34From the fellowship offerings of the Israelites, I have taken the breast that is waved and the thigh that is presented and have given them to Aaron the priest and his sons as their perpetual share from the Israelites.” ’

35This is the portion of the food offerings presented to the Lord that were allotted to Aaron and his sons on the day they were presented to serve the Lord as priests. 36On the day they were anointed, the Lord commanded that the Israelites give this to them as their perpetual share for the generations to come.

37These, then, are the regulations for the burnt offering, the grain offering, the sin offering, the guilt offering, the ordination offering and the fellowship offering, 38which the Lord gave Moses at Mount Sinai in the Desert of Sinai on the day he commanded the Israelites to bring their offerings to the Lord.