Leviticus 22 – TCB & BPH

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 22:1-33

Ang mga Handog sa Panginoon

1Inutusan ng Panginoon si Moises 2na sabihin ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki:

Huwag ninyong lapastanganin ang banal kong pangalan. Igalang ninyo ang mga handog na inihahandog sa akin ng mga Israelita. Ako ang Panginoon.

3Ang sinumang anak ni Aaron ngayon at sa susunod pang mga henerasyon na hihipo ng handog para sa akin ngunit siyaʼy itinuturing na marumi,22:3 marumi: Ang ibig sabihin, hindi siya karapat-dapat na makisama sa kanilang mga seremonyang pangrelihiyon. ay hindi na makapaglilingkod bilang pari. Ako ang Panginoon.

4-7Walang sinuman sa inyo ang maaaring kumain ng handog kung siyaʼy may malubhang sakit sa balat,22:4-7 malubhang sakit sa balat: sa ibang salin, ketong. Ang salitang Hebreo nito ay ginamit sa ibaʼt ibang uri ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13. o may sakit na tulo o nakahipo ng anumang bagay na marumi dahil nadikit ito sa patay, o nilabasan ng binhi, o nakahipo ng hayop o tao na itinuturing na marumi. Siyaʼy maaari lamang kumain ng mga handog kung siyaʼy nakapaligo na.22:4-7 nakapaligo na: isa sa mga gawain na ginagawa ng mga Israelita para silaʼy maging malinis at karapat-dapat na makisama sa kanilang mga seremonyang pangrelihiyon. Pero maghihintay siya hanggang sa paglubog ng araw at saka pa lang siya makakakain ng mga handog na pagkain niya bilang pari.

8Hindi kayo dapat kumain ng alin mang karne ng namatay na hayop o pinatay ng kapwa hayop, dahil kapag ginawa ninyo ito, kayoʼy ituturing na marumi. Ako ang Panginoon.

9Kaya dapat ninyong sundin ang mga iniuutos kong ito sa inyo para hindi kayo magkasala sa akin o mamatay. Ako ang Panginoong nagtalaga sa inyo para sa akin.

10Kayong mga pari at ang inyong sambahayan lang ang makakakain ng bahagi ng handog na para sa mga pari. Hindi maaaring kumain nito ang inyong mga panauhin o ang inyong mga upahang manggagawa. 11Pero maaaring kumain ang inyong aliping binili, o ipinanganak sa tahanan ninyo. 12Hindi rin maaaring kumain nito ang babaeng anak ng pari na nakapag-asawa ng hindi pari. 13Pero kung siyaʼy nabiyuda o naghiwalay sila ng kanyang asawa at wala silang anak, at muling tumira sa kanyang ama, siyaʼy maaaring kumain ng pagkaing tinatanggap ng kanyang ama bilang pari.

Tandaan ninyong mabuti na kayong mga pari lang at ang inyong sambahayan ang maaaring kumain ng bahagi ng handog na para sa inyo. 14Pero kung sa hindi inaasahang pangyayari ay may taong nakakain na hindi kabilang sa inyong sambahayan, dapat niyang palitan ang kanyang kinain at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ang halaga noon.

15Kayong mga pari, pakaingatan ninyo ang mga handog na inihahandog sa akin ng mga Israelita, 16para sa inyong pagkain nito ay hindi kayo magkasala at nang wala kayong pananagutan sa akin. Ako ang Panginoong nagtalaga sa inyo para sa akin.

Mga Tuntunin tungkol sa Pagpili ng Hayop na Ihahandog

17Inutusan ng Panginoon si Moises 18na sabihin ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, sa lahat ng mga Israelita pati na sa mga dayuhang naninirahang kasama nila:

Kung ang iaalay ay handog na sinusunog bilang handog para tuparin ang isang panata o handog na kusang-loob, 19ang kailangan ay lalaking baka o tupa, o kambing na walang kapintasan para tanggapin ko. 20Huwag kayong maghahandog ng may kapansanan dahil hindi ko iyon tatanggapin. 21Kung ang handog para sa mabuting relasyon sa akin ay inialay bilang handog para tuparin ang isang panata o handog na kusang-loob, itoʼy kailangang baka, tupa, o kambing na walang kapintasan upang itoʼy tanggapin ko. 22Huwag kayong maghahandog sa akin ng bulag, may bali, may sugat, o may sakit sa balat. Huwag ninyo itong ialay sa altar bilang handog sa akin sa pamamagitan ng apoy. 23Pero maaari kayong mag-alay ng handog na kusang-loob na baka o tupang bansot o may kapansanan ang isang bahagi ng katawan, pero hindi ito maaaring ialay bilang handog para tuparin ang isang panata. 24Huwag kayong maghahandog sa akin ng hayop na kinapon o may kapansanan ang itlog. Huwag ninyong gagawin iyon sa inyong lupain. 25Huwag din kayong bumili ng mga hayop na ganoong uri mula sa ibang lugar at ihandog sa akin, dahil hindi ko iyon tatanggapin.

26-27Ang bagong ipinanganak na baka, tupa, o kambing ay dapat manatili sa kanyang ina sa loob ng pitong araw. Pero mula sa ikawalong araw, maaari na itong ialay sa akin bilang handog sa pamamagitan ng apoy. 28Huwag ninyong ihahandog nang sabay sa isang araw ang baka o tupa at ang kanyang anak.

29Kung kayoʼy maghahandog sa akin ng handog ng pasasalamat, sundin ninyo ang tamang paraan sa paghahandog nito para tanggapin ko ito. 30At dapat ninyo itong kainin sa araw ding iyon ng paghahandog at huwag kayong magtitira hanggang sa kinabukasan. Ako ang Panginoon.

31Sundin ninyo ang aking mga utos. Ako ang Panginoon. 32Huwag ninyong lapastanganin ang banal kong pangalan, at akoʼy kilalanin ninyong banal. Ako ang Panginoong nagtalaga sa inyo para sa akin. 33Ako ang naglabas sa inyo sa Egipto para maging Dios ninyo. Ako ang Panginoon.

Bibelen på hverdagsdansk

3. Mosebog 22:1-33

De hellige offergaver

1Herren sagde til Moses: 2„Sig til Aron og hans sønner, at de må passe på ikke at krænke min hellighed ved at behandle folkets hellige offergaver skødesløst, for jeg er Herren. 3Derfor gælder følgende regel for jeres efterkommere, fra slægt til slægt: Hvis en præst er uren, men alligevel påtager sig at ofre dyr eller andre offergaver, som folket bringer til Herren, skal han dø,22,3 Eller: „må han aldrig igen bringe ofre ved alteret.” for jeg er Herren.

4Hvis en præst er uren på grund af en smitsom sygdom eller udflåd, må han ikke spise af offergaverne, før han er helbredt. Hvis han er uren efter at have rørt ved noget, som har været i nærheden af en død person, eller er uren som følge af sædafgang, 5eller hvis han rører ved et krybdyr eller ved en person, der af en eller anden grund er blevet uren, 6skal han regnes for uren indtil aften, og han må derfor ikke spise af offergaverne, før han har badet samme aften. 7Efter solnedgang vil han være renset, og da må han igen spise af offergaverne, for det er dem, han lever af. 8Han må ikke spise selvdøde dyr eller dyr, der er blevet dræbt af de vilde dyr, for gør han det, bliver han uren. Jeg er Herren. 9Du skal indprente overfor præsterne, at hvis de ikke følger mine instrukser meget omhyggeligt, skal de straffes med døden, for jeg er Herren, som gør dem hellige.

10Ingen uden for præstens egen familie må spise af de hellige offergaver, heller ikke hvis de bor hos ham eller arbejder for ham. 11En slave, som præsten selv har købt, må imidlertid gerne deltage i måltidet. Det samme gælder alle slaver, der er født i præstens hus. 12Hvis en præstedatter gifter sig med en mand uden for præsteslægten, afskærer hun dermed sig selv fra at tage del i måltidet. 13Men hvis hun bliver enke eller fraskilt og ikke har nogen sønner til at støtte sig økonomisk, og hun vender tilbage for at bo i sin fars hus, har hun lov til at spise af offergaverne igen. Grundreglen er altså, at kun medlemmer af præstens familie må deltage i måltidet.

14Hvis nogen uforvarende skulle komme til at spise af offergaverne, skal han godtgøre det, han har spist, ved at erstatte det med et tillæg på 20 procent. 15Præsterne skal sørge for at de hellige offergaver, som Israels folk bringer til Herren, ikke bliver vanhelliget ved, at nogle, som ikke er berettiget til det, spiser af dem, 16for gør de det, pådrager de sig skyld. Jeg er Herren, som gør dem hellige.”

17Og Herren sagde til Moses: 18„Sig til Aron og hans sønner og hele Israels folk, at hvis en israelit eller en fremmed iblandt jer gerne vil give en gave som et brændoffer til Herren, uanset om det er for at opfylde et løfte, han har givet Herren, eller det er et spontant, frivilligt offer, 19-20vil offeret kun blive godkendt af Herren, hvis det er et handyr uden skavanker. Det skal være enten en tyr, en vædder eller en gedebuk.

21Hvis nogen ønsker at bringe et takoffer fra hornkvæget eller småkvæget som indfrielse af et løfte eller som et frivilligt offer, må dyret for at kunne være et acceptabelt offer ikke have fysiske defekter. 22Det må hverken være blindt, skadet eller lemlæstet, og det må ikke have sår eller udslæt eller lide af nogen hudsygdom. 23Et stykke hornkvæg eller småkvæg, der er lidt vanskabt, må imidlertid godt bringes som et frivilligt offer, men ikke som et løfteoffer. 24Et dyr med beskadigede kønsdele, eller som er blevet kastreret, må under ingen omstændigheder ofres til Herren. Det vil jeg ikke tillade i det land, jeg vil give jer. 25I må heller ikke hos de fremmede, der bor iblandt jer, købe og bringe offerdyr med skavanker. Sådanne dyr kan ikke bruges som ofre til jeres Gud.”

26Herren sagde til Moses: 27„Efter at en kalv, et lam eller et kid er født, skal det nyfødte dyr blive hos sin mor i syv dage. Men fra den ottende dag kan det bruges som et offer til Herren. 28Afkommet må ikke slagtes samme dag som moderen, hvad enten moderen er en ko, et får eller en ged. 29-30Når I ofrer et taknemmelighedsoffer til Herren, skal I gøre det på behørig vis ved at spise offerdyret samme dag, det er slagtet. Intet af kødet må levnes til næste dag. Jeg er Herren.

31I skal nøje overholde alle mine befalinger, for jeg er Herren. 32I må ikke krænke mig ved at være ulydige. I skal vise mig ærefrygt og respekt, for jeg er Herren, der gør jer hellige. 33Jeg førte jer ud af Egypten, for at I skulle tilbede mig som jeres Gud. Jeg er Herren!”