Leviticus 2 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 2:1-16

Handog ng Pagpaparangal sa Panginoon

1Kapag may nag-aalay ng handog ng pagpaparangal2:1 handog ng pagpaparangal: sa ibang salin, handog na pagkain. Ganito rin sa talatang 9. sa Panginoon, gagamitin niya ang magandang klaseng harina, at lalagyan niya ng langis2:1 langis: Ito ay nagmula sa bunga ng puno ng olibo. at insenso. 2Dadalhin niya ito sa mga paring mula sa angkan ni Aaron. Kukuha ang pari ng isang dakot na pinagsama-samang harina at langis, at susunugin niya ito sa altar kasama na ang insenso na inilagay sa harina. Susunugin niya ito na pinakaalaala sa Panginoon.2:2 pinakaalaala sa Panginoon: Pag-alala na siya ang nagbibigay ng pagkain o siyaʼy karapat-dapat na tumanggap ng handog. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy2:2 handog … apoy: Tingnan ang “footnote” sa 1:9. ay makalulugod sa Panginoon. 3Ang natirang harina ay para kay Aaron at sa kanyang angkan, at ito ang pinakabanal na bahagi na mula sa handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.

4Kapag may naghahandog ng tinapay na niluto sa hurno para parangalan ang Panginoon, kailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at hindi nilagyan ng pampaalsa. Maaaring maghandog ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis o ang manipis na tinapay na pinahiran ng langis.

5Kung ang tinapay na ihahandog ay niluto sa kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at may halong langis, pero walang pampaalsa. 6Pipira-pirasuhin ito at lalagyan ng langis. Itoʼy handog ng pagpaparangal.

7Kung ang tinapay na ihahandog ay niluto sa kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at nilagyan ng langis.

8Ang ganitong uri ng mga handog ay dadalhin sa pari para ihandog sa Panginoon doon sa altar. 9Babawasan ito ng pari at ang ibinawas na iyon ay susunugin niya sa altar na pinakaalaala sa Panginoon. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon. 10Ang natirang harina ay para kay Aaron at sa kanyang angkan, at ito ang pinakabanal na bahagi na mula sa handog sa pamamagitan ng apoy na inihandog para sa Panginoon.

11Huwag kayong mag-alay ng mga handog na may pampaalsa bilang handog ng pagpaparangal sa Panginoon, dahil hindi kayo dapat magsunog ng mga pampaalsa o pulot sa inyong paghahandog sa Panginoon ng handog sa pamamagitan ng apoy. 12Maaari ninyong ihandog ang pampaalsa o pulot bilang handog mula sa una ninyong ani,2:12 ani: o, bunga. pero huwag ninyong susunugin sa altar. 13Lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog ng pagpaparangal, dahil ang asin ay tanda ng inyong walang hanggang kasunduan sa Panginoon. Kaya lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog.

14Kapag maghahandog kayo mula sa una ninyong ani para parangalan ang Panginoon, maghandog kayo ng mga giniling na butil2:14 giniling na butil: sa Ingles, “milled grain.” na binusa. 15Lagyan ninyo ito ng langis at insenso. Itoʼy handog ng pagpaparangal. 16At mula sa handog na itoʼy kukuha ang pari ng giniling na butil na nilagyan ng langis at insenso at susunugin na pinakaalaala sa Panginoon. Itoʼy handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

利未记 2:1-16

献素祭的条例

1“如果有人献素祭给耶和华,要用细面粉作祭物。要在细面粉上浇油、加乳香, 2带到祭司——亚伦的子孙那里。祭司要抓一把浇了油的细面粉,连同所有乳香,作为象征放在坛上焚烧。这是蒙耶和华悦纳的馨香火祭。 3剩下的素祭要归亚伦及其子孙,这在献给耶和华的火祭中是至圣的。

4“如果献用炉子烤的素祭,要献调油的无酵细面饼,或涂油的无酵薄饼。

5“如果献用平底锅烤的素祭,要献调油的无酵细面饼。 6要把饼掰成碎块,浇上油。这是素祭。

7“如果献用煎锅煎的素祭,要献用细面粉和油做的祭物。

8“要把做好的素祭带到耶和华面前,交给祭司献在祭坛上。 9祭司要从中取出一部分,作为象征放在祭坛上焚烧。这是蒙耶和华悦纳的馨香火祭。 10剩下的素祭要归亚伦及其子孙。在献给耶和华的火祭中,这是至圣之物。

11“献给耶和华的任何素祭都不可含酵,因为你们不可把酵或蜜当作火祭献给耶和华。 12你们可以把酵和蜜作为初熟之祭献给耶和华,但不可作为馨香之祭烧在祭坛上。 13所有素祭中都要放盐,借此提醒你们与上帝所立的约。所有祭物中都要放盐。

14“如果将初熟的谷物献给耶和华作素祭,要用烘好后压碎的新麦穗, 15加上油和乳香。这是素祭。 16祭司要将一些压碎的麦穗、油及所有乳香作为象征焚烧。这是献给耶和华的火祭。”