Leviticus 13 – TCB & NUB

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 13:1-59

Mga Tuntunin Tungkol sa Nakakahawang Sakit sa Balat

1Ang mga tuntuning ito ay ibinigay ng Panginoon kina Moises at Aaron: 2Kung ang balat ng isang tao ay namamaga, may mga butlig at namumuti, iyon ay tanda ng malubhang sakit sa balat.13:2 malubhang sakit sa balat: sa ibang salin, ketong. Ang Hebreong salita nito ay ang tawag sa ibaʼt ibang uri ng sakit sa balat na itinuturing na marumi. Ito rin ang salitang ginagamit sa mantsa (13:47-59) at amag (14:33-53). Siyaʼy dapat dalhin sa paring si Aaron o sa isa sa mga paring mula sa angkan niya. 3Susuriin ng pari ang balat niya, at kung makita niyang ang balahibo ay namumuti at parang tagos sa laman, may nakakahawang sakit sa balat ang taong iyon. Ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay itinuturing na marumi.13:3 marumi: Ang ibig sabihin, hindi siya maaaring makisama sa kanilang mga seremonyang pangrelihiyon. 4Pero kung ang namumuting balat ay hindi tagos sa laman at hindi rin namumuti ang balahibo, ibubukod siya ng pari sa mga tao sa loob ng pitong araw. 5Sa ikapitong araw, susuriin siyang muli ng pari, at kung makita niyang ganoon pa rin ang kanyang balat, at hindi kumalat, siyaʼy ibubukod pa rin ng pari sa mga tao sa loob pa rin ng pitong araw. 6At sa ikapitong araw, muli siyang susuriin ng pari. At kung gumaling na ang kanyang sakit sa balat at hindi ito kumalat, ipapahayag ng pari na siyaʼy malinis13:6 malinis: Maaari na siyang makisama sa kanilang mga seremonyang pangrelihiyon. na, dahil itoʼy butlig lang. Pagkatapos nito, lalabhan ng tao ang kanyang damit,13:6 lalabhan … damit: Tingnan ang “footnote” sa 11:24-28b. at siyaʼy ituturing na malinis na. 7Pero kung kumalat ang mga butlig sa kanyang balat pagkatapos na siyaʼy magpasuri sa pari at ipinahayag na siyaʼy malinis na, dapat muli siyang magpasuri sa pari. 8At kung kumalat na ang mga butlig, muling ipapahayag ng pari na marumi siya dahil may sakit siya sa balat na nakakahawa.

9Ang sinumang may nakakahawang sakit sa balat ay dapat magpasuri sa pari. 10Kung sa tingin ng pari ay namumuti ang namamagang balat o namumuti ang balahibo, at nagkakasugat na, 11itoʼy isang sakit na paulit-ulit at nakakahawa. Kaya ipapahayag ng pari na marumi siya. Hindi na kailangang ibukod pa siya para suriin dahil tiyak nang marumi siya.

12Kung sa pagsusuri ng pari ay kumalat na ang sakit sa buong katawan ng tao, 13kailangan pa rin niya itong suriing mabuti. At kung talagang kumalat na nga sa buong katawan ang sakit, at namumuti na ang lahat ng kanyang balat, ipapahayag ng pari na siyaʼy malinis.13:13 Itoʼy isang uri ng sakit na itinuturing ng mga Israelita na hindi marumi dahil hindi ito namamaga o nakikita ang laman o nagkakaroon ng sugat kundi naiiba lang ang kulay ng balat ng isang tao. 14-15Pero kung sa pagsusuri ng pari ay nagkakasugat na ang kanyang sakit sa balat, ipapahayag niya na ang taong itoʼy marumi at may sakit sa balat na nakakahawa. At ang lumalabas sa sugat ay ituturing na marumi. 16Ngunit kung gumaling ang sugat at pumuti ang balat, muli siyang magpapasuri sa pari. 17At kung makita ng pari na talagang magaling na ito, ipapahayag ng pari na malinis na siya.

18Kung ang isang taoʼy may bukol na gumaling, 19pero muling namaga o namuti, itoʼy dapat ipasuri sa pari. 20At kung nagkasugat at ang mga balahibo ay pumuti, ipapahayag ng pari na marumi ang taong iyon, dahil ang taong itoʼy may sakit sa balat na nakakahawa at nagsimula ito sa bukol. 21Pero kung sa pagsusuri ng pari ay nakita niyang hindi naman nagkakasugat ang balat at hindi rin namumuti ang balahibo at parang gumagaling na ito, ibubukod siya ng pari sa mga tao sa loob ng pitong araw. 22Ngunit kung itoʼy kumalat sa ibang bahagi ng balat, ipapahayag ng pari na siyaʼy marumi dahil iyon ay tanda na may sakit siya sa balat na nakakahawa. 23Pero kung hindi naman kumalat, at itoʼy peklat lang ng gumaling na bukol, ipapahayag ng pari na siyaʼy malinis.

24Kung ang isang tao ay napaso at naimpeksiyon ito, at ito ay namumuti o namumula, 25itoʼy dapat ipasuri sa pari at kung itoʼy nagkakasugat at ang balahibo ay namumuti, may sakit siya sa balat na nagsimula sa paso. Itoʼy nakakahawa kaya ipapahayag ng pari na siyaʼy marumi. 26Pero kung sa pagsusuri ng pari ay wala namang nagkakasugat at hindi rin namumuti ang balahibo, at parang gumagaling na ito, ibubukod siya ng pari sa mga tao sa loob ng pitong araw. 27At sa ikapitong araw, muli siyang susuriin ng pari kung ang sakit ay kumalat sa ibang bahagi ng balat, ipapahayag ng pari na marumi siya dahil iyon ay tanda ng sakit sa balat na nakakahawa. 28Pero kung hindi naman kumakalat at medyo gumagaling na, pamamaga lang iyon ng napaso. Kaya ipapahayag ng pari na siyaʼy malinis.

29Kung ang isang tao13:29 tao: sa literal, lalaki o babae. Katulad din sa talatang 38. ay may tanda ng nakakahawang sakit sa balat sa ulo o sa baba, 30dapat ipasuri niya iyon sa pari. Kung iyon ay sugat na nga, at ang buhok o balbas ay naninilaw at madalang ang pagtubo, ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay marumi, dahil may sakit siya sa balat na nakakahawa sa ulo o baba. 31Pero kung sa pagsusuri ng pari ay nakita niya na hindi naman lumalalim ang sugat at wala ng maitim na buhok o balbas, ibubukod siya ng pari sa mga tao sa loob ng pitong araw. 32At sa ikapitong araw, muling susuriin ng pari ang kanyang sakit sa balat. At kung hindi naman kumalat at hindi rin nagkasugat ang balat at hindi rin naninilaw ang buhok o balbas, 33dapat niyang kalbuhin ang kanyang buhok o ahitin ang kanyang balbas, maliban sa bahaging may sakit sa balat. At muli siyang ibubukod ng pari ng pitong araw pa. 34At sa ikapitong araw, muling susuriin ng pari ang kanyang sakit. At kung hindi na kumalat ang sakit sa balat at hindi rin nagkasugat, ipapahayag ng pari na siyaʼy malinis. Kaya lalabhan niya ang kanyang damit, at ituturing na siyang malinis. 35Pero kung ang sakit sa balat ay muling kumalat sa kanyang katawan pagkatapos na maipahayag ng pari na malinis na siya, 36muli siyang susuriin ng pari. At kung kumalat na ang sakit sa kanyang balat, hindi na niya kailangang magpasuri pa sa pari kung may buhok o balbas na naninilaw dahil tiyak na marumi siya. 37Pero kung sa pagsusuri ng pari ay hindi iyon kumalat, at may itim na buhok o balbas na tumutubo, magaling na iyon. Kaya ipapahayag ng pari na siyaʼy malinis.

38Kung may namumuti sa balat ng isang tao, 39kinakailangang magpasuri siya sa pari. At kung ang mga namumuting balat ay maputla, iyon ay mga butlig lang na tumutubo sa balat. Kaya ang taong iyon ay ituturing na malinis.

40-41Kung ang isang tao ay nakakalbo sa bandang noo o sa gitna ng ulo, malinis siya. 42-44Pero kung may namumula at namamaga sa nakakalbong bahagi ng kanyang ulo, dapat siyang magpatingin sa pari. At kung ang namumula at namamaga ay katulad sa nakakahawang sakit sa balat na tumutubo sa ibang bahagi ng katawan, ipapahayag ng pari na marumi siya.

45Ang taong may sakit sa balat na nakakahawa ay dapat magsuot ng punit na damit, guluhin niya ang kanyang buhok, at takpan ang ibabang bahagi ng kanyang mukha. At siyaʼy sisigaw, “Akoʼy marumi! Akoʼy marumi!” 46Siyaʼy ituturing na marumi habang siyaʼy hindi gumagaling sa sakit niyang iyon. At dapat siyang tumirang nag-iisa sa labas ng kampo.

Mga Tuntunin Tungkol sa Amag sa Damit

47-50Kung ang may sakit sa balat na nakakahawa ay magkakaroon ng amag13:47-50 amag: sa wikang Hebreo, ang katumbas na salita ay tumutukoy sa maraming klase ng sakit sa balat na parang ketong. sa damit na lana o linen o anumang gamit na yari sa balat, itoʼy dapat ipasuri sa pari. Pagkatapos suriin ng pari ang damit o balat, ibubukod niya iyon sa loob ng pitong araw. 51-52Sa ikapitong araw, muli itong titingnan ng pari. At kung kumalat pa ang amag, ituturing na marumi ang damit o balat na iyon, at dapat sunugin dahil ang amag na ito ay kumakalat 53Pero kung sa pagsusuri ng pari ay nakita niyang hindi naman ito kumakalat, 54palalabhan niya ang damit o balat na iyon, at ibubukod sa loob ng pitong araw. 55Pagkatapos ng pitong araw, muli itong titingnan ng pari. Kung ang amag ay hindi nagbabago ang kulay, ang damit o balat na iyon ay ituring na marumi kahit hindi na kumalat ang amag, at dapat sunugin, nasa labas man o nasa loob ng damit ang amag. 56Pero kung sa pagsusuri ng pari ay nakita niyang kumukupas ang amag, punitin na lang niya ang bahaging iyon ng damit o balat na may amag. 57Ngunit kung may lumitaw pa ring amag at kumalat, dapat nang sunugin ang damit o balat. 58Kung nawala ang amag pagkatapos labhan ang damit o balat, muli itong labhan at itoʼy ituturing na malinis na. 59Ito ang mga tuntunin kung papaano malalaman ang malinis o maruming damit na lana o linen o anumang gamit na yari sa balat na nagkaroon ng amag.

Swedish Contemporary Bible

3 Moseboken 13:1-59

Regler vid misstänkt spetälska

1Herren talade till Mose och Aron: 2”Om någon lägger märke till en svullnad, ett utslag, en böld eller en ljus fläck på sin hud kan man misstänka spetälska.13:2 Det hebreiska ordet för spetälska är mer omfattande än vårt ord och betecknar även andra (vanligen inflammatoriska) hudsjukdomar. Han måste då föras till prästen Aron eller till någon av dennes söner som är präst 3för att undersökas av prästen. Om håret på det sjuka stället har vitnat, och om det ser ut som om fläcken trängt djupare än huden, är det spetälska och prästen måste när han konstaterar detta förklara honom oren.

4Men om den vita fläcken inte tycks ha trängt djupare ner än till huden och håret på det angripna stället inte har vitnat, ska prästen hålla honom isolerad i sju dagar. 5Sedan ska prästen undersöka honom igen på den sjunde dagen och om fläcken inte har förändrats och inte spritt sig, måste prästen hålla honom isolerad i ytterligare sju dagar. 6Därefter ska han undersöka honom än en gång på den sjunde dagen och om märkena av sjukdomen har bleknat och inte spritt sig, ska prästen meddela att han är ren. Det var då bara utslag och mannen behöver bara tvätta sina kläder för att bli ren.

7Men om fläcken sprider sig på huden sedan han en gång varit hos prästen för att bli förklarad ren, måste han visa upp sig för prästen igen 8och om denne då konstaterar att fläcken har spritt sig, måste han förklaras som oren. Då är det spetälska.

9När någon har spetälska ska han föras till prästen 10och prästen ska se efter om det finns en vit svullnad med vitnat hår på det angripna stället eller om det bildats nytt svullet kött där. 11Då är det spetälska och prästen ska förklara honom för oren. Mannen behöver inte isoleras för han är oren.

12Men om prästen ser att spetälskan har brutit ut och spritt sig över hela kroppen, från huvudet till fötterna, 13då ska prästen förklara honom ren när han har blivit alldeles vit13:13 Den sjuke har då uppenbarligen inga öppna sår. Se följande vers.. Han är ren. 14Men om det bildas nytt svallkött är han oren igen. 15När prästen ser svallköttet ska han förklara honom oren. För svallköttets skull är han nu oren. Det är spetälska. 16Men om svallköttet förändras och blir vitt, ska den spetälske gå tillbaka till prästen 17för att bli undersökt på nytt. Om fläckarna verkligen har blivit vita, ska prästen förklara honom ren. Då är han ren.

18Om någon har en böld på sin kropp och denna läks 19men det sedan på samma ställe uppstår en vit upphöjning eller en rödvit fläck, måste mannen visa sig för prästen. 20Prästen ska undersöka honom. Om det har trängt ner under huden och om håret på det angripna stället har blivit vitt, ska prästen förklara honom oren för spetälska har uppstått genom bölden. 21Men om prästen ser att det inte finns några vita hår på stället, om fläcken tycks vara helt ytlig och har mist sin färg, ska prästen hålla honom isolerad i sju dagar. 22Om det onda sprider sig under den tiden, måste prästen förklara honom oren; det är spetälska. 23Men om fläcken inte förändras och inte blir större är den bara ett ärr efter bölden och prästen ska förklara honom ren.

24Om någon bränner sig och det i brännsåret blir en rödvit eller vit fläck 25måste prästen undersöka den. Om håret vid brännsåret har blivit vitt och det ser ut att ha trängt djupare än huden är det spetälska som har utvecklats och prästen måste förklara honom oren; det är spetälska. 26Men om prästen inte upptäcker några vita hår på den ljusa fläcken och inte anser att den har trängt djupare ner än till huden och att den bleknar, ska prästen hålla honom isolerad i sju dagar 27och undersöka honom igen på den sjunde dagen. Om fläcken sprider sig på huden, måste prästen förklara honom oren; det är spetälska. 28Men om den ljusa fläcken inte ändrat sig eller spritt sig över huden eller om den bleknat, är den bara ett ärr efter brännskadan och prästen ska förklara mannen ren. Det är inget annat än ett ärr efter brännskadan.

29Om en man eller en kvinna har ett sår på huvudet eller hakan 30ska prästen undersöka det. Om det ser ut att vara en infektion under huden och man upptäcker gula hår i såret, måste prästen förklara den personen för oren. Det är skorv, spetälska på huvudet eller hakan. 31Men om prästens undersökning visar att såret inte trängt djupare än huden och att det är svarta hår i det, då ska den som undersökts hållas isolerad i sju dagar 32och sedan undersökas igen på den sjunde dagen. Om såret inte har spritt sig och inga gula hår visar sig och om infektionen inte tycks ha gått djupare än huden, 33ska man raka av håret runt det angripna stället – men inte i själva såret – och prästen ska hålla den som undersökts isolerad i ytterligare sju dagar. 34Prästen ska undersöka skorven igen på den sjunde dagen och om fläcken då inte har spritt sig och inte tycks ha trängt djupare än huden, ska prästen förklara honom ren och sedan han tvättat sina kläder är han ren. 35Men om fläcken senare, efter att han förklarats för ren, börjar sprida sig, 36ska prästen efter en ny undersökning kunna förklara honom oren utan att behöva bekräfta att det finns gula hår. 37Fast om det visar sig att såret inte sprider sig och svart hår växer upp på det angripna stället, då är han ren och prästen ska förklara honom ren.

38Om en man eller kvinna har vita fläckar på huden, 39ska prästen undersöka honom. Och om dessa fläckar sedan blir svagare är det inte spetälska utan en ofarlig hudinfektion. Han är ren.

40Om en man tappar håret på hjässan är han skallig men ren. 41Om håret faller av från främre delen av huvudet är det bara vanlig skallighet; han är ren. 42Men om det på det skalliga stället upptill eller framtill visar sig en rödvit fläck, kan det vara spetälska som brutit ut. 43I så fall ska prästen undersöka honom och om han finner en rödvit upphöjning upptill eller framtill som ser ut som spetälska, 44är han spetälsk och prästen ska förklara honom oren. Hans huvud är angripet.

45Den som konstateras ha spetälska måste riva sönder sina kläder, låta håret vara oordnat, täcka nedre delen av ansiktet och ropa ut där han går fram: ’Oren, oren!’ 46Så länge sjukdomen varar är han oren och måste bo avskilt utanför lägret.

47Om spetälskemögel angriper kläder av ylle eller lin 48eller något som är vävt eller virkat av lin, ylle eller något som är gjort av läder 49och det finns grön- eller rödaktiga fläckar på plagget, lädret, det som vävts eller virkats eller tillverkats av läder, är det spetälskemögel och i så fall måste det visas upp för prästen. 50Prästen ska undersöka plagget och hålla det isolerat i sju dagar. 51Den sjunde dagen ska han undersöka det igen. Om fläcken har spritt sig på något av de plagg han lämnade till prästen är det skadligt mögel. Det angripna är då orent. 52Han ska bränna upp det – vad det än må vara för plagg, vävt eller virkat av ull eller lin eller gjort av läder som har blivit angripet av spetälskemögel. Det måste brännas upp.

53Men om prästen finner att möglet inte har spritt sig på klädesplagget eller på det vävda eller virkade eller det som tillverkats av läder när han undersöker det igen, 54ska han låta tvätta det angripna och sedan isolera det i ytterligare sju dagar. 55Om det inte ändrat sig efter tvätten och möglet inte spridit sig när prästen undersöker det, är det orent. Det ska brännas. Det är spetälskemögel, på vilken sida det än förekommer. 56Men om prästen ser att fläcken har bleknat sedan den tvättats, ska han skära bort den från kläderna eller lädern eller det vävda eller det virkade. 57Om den sedan kommer tillbaka på klädesplagget eller det vävda eller virkade eller av läder tillverkade föremålet är det mögel och han måste då bränna det angripna föremålet. 58Om det inte efter tvättningen syns något på klädesplagget eller det vävda eller virkade eller det som gjorts är av läder, är föremålet rent efter ännu en tvättning.”

59Detta är lagen beträffande mögel på kläder av ylle eller lin eller saker som är vävda eller virkade liksom föremål av läder för att det ska kunna fastställas om föremålen ska förklaras som rena eller orena.