Kawikaan 31 – TCB & NASV

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 31:1-31

Ang mga Kawikaan ni Haring Lemuel

1Ito ang mga kawikaan ni Haring Lemuel na taga-Masa. Ito ang mga itinuro sa kanya ng kanyang ina:

2Anak, ipinanganak ka bilang sagot sa aking mga panalangin.

3Huwag mong sasayangin ang iyong lakas at pera sa mga babae, sapagkat sila ang dahilan kung bakit napapahamak ang mga hari.

4Lemuel, hindi dapat uminom ng alak ang isang hari. Ang mga namumuno ay hindi dapat maghangad ng inumin na nakalalasing.

5Sapagkat kapag nalasing na sila, kadalasan ay nakakalimutan na nila ang kanilang tungkulin, at hindi nila nabibigyan ng katarungan ang mga nasa kagipitan.

6-7Hayaan mong mag-inom ang mga taong nawalan na ng pag-asa31:6-7 nawalan na ng pag-asa: o, malapit nang mamatay. at naghihirap ang kalooban, upang makalimutan nila ang kanilang mga kasawian at kahirapan.

8Ipagtanggol mo ang karapatan ng mga taong kahabag-habag, na hindi maipagtanggol ang kanilang mga sarili.

9Humatol ka ng walang kinikilingan, at ipagtanggol ang karapatan ng mga mahihirap at nangangailangan.

Ang Mabuting Asawa

10Mahirap hanapin ang mabuting asawa. Higit pa sa mamahaling alahas ang kanyang halaga.

11Lubos ang tiwala sa kanya ng kanyang asawa, at wala na itong mahihiling pa sa kanya.

12Kabutihan at hindi kasamaan ang ginagawa niya sa kanyang asawa habang siya ay nabubuhay.

13Masigasig siyang humahabi ng mga telang linen at lana.

14Tulad siya ng barko ng mga mangangalakal; nagdadala siya ng mga pagkain kahit galing pa siya sa malayong lugar.

15Maaga siyang gumigising upang ipaghanda ng pagkain ang kanyang pamilya, at upang sabihan ang mga babaeng katulong ng mga dapat nilang gawin.

16Marunong siyang pumili ng lupa na kanyang bibilhin. At mula sa kanyang sariling ipon, pinapataniman niya ito ng ubas.

17Malakas, masipag at mabilis siyang gumawa.

18Magaling siyang magnegosyo, at matiyagang nagtatrabaho hanggang gabi.

19Siya rin ang gumagawa ng mga tela upang gawing damit.

20Matulungin siya sa mahihirap at mga nangangailangan.

21Hindi siya nag-aalala, dumating man ang taglamig, dahil may makakapal siyang tela para sa kanyang pamilya.

22Siya na rin ang gumagawa ng mga kobre-kama, at ang kanyang mga damit ay mamahalin at magaganda.

23Kilala ang asawa niya bilang isa sa mga tagapamahala ng bayan.

24Gumagawa rin siya ng damit at sinturon, at ipinagbibili sa mga mangangalakal.

25Malakas at iginagalang siya, at hindi siya nangangamba para sa kinabukasan.

26Nagsasalita siya nang may karunungan, at nagtuturo nang may kabutihan.

27Masipag siya, at inaalagaang mabuti ang kanyang pamilya.

28Pinupuri siya ng kanyang mga anak, at pinupuri rin ng kanyang kabiyak na nagsasabi, 29“Maraming babae na mabuting asawa, ngunit ikaw ang pinakamabuti sa kanilang lahat.”

30Ang pagiging kaakit-akit ay makapandaraya, at ang kagandahan ay kumukupas. Pero ang babaeng may takot sa Panginoon ay dapat purihin.

31Dapat siyang gantimpalaan sa kanyang ginawang kabutihan at parangalan sa karamihan.

New Amharic Standard Version

ምሳሌ 31:1-31

ንጉሥ ልሙኤል የተናገራቸው ምሳሌዎች

1ንጉሥ ልሙኤልን እናቱ ያስተማረችው ቃል ይህ ነው፤

2“ልጄ ሆይ፤ የማሕፀኔ ልጅ ሆይ፤

የስእለቴ ልጅ ሆይ፤31፥2 ወይም የጸሎቴ መልስ ሆይ

3ጕልበትህን በሴት አትጨርስ፤

ብርታትህንም ነገሥታትን ለሚያጠፉ አታውል።

4“ልሙኤል ሆይ፤ ነገሥታት ይህን ማድረግ የለባቸውም፤

ነገሥታት የወይን ጠጅ ሊጠጡ፣

ገዦችም የሚያሰክር መጠጥ ሊያስጐመጃቸው አይገባም፤

5አለዚያ ጠጥተው የሕጉን ድንጋጌ ይረሳሉ፤

የተጨቈኑትን ሁሉ መብት ይገፍፋሉ።

6ለሚጠፉት የሚያሰክር መጠጥ፣

በሥቃይ ላሉትም የወይን ጠጅ ስጧቸው፤

7ጠጥተው ድኽነታቸውን ይርሱ፤

ችግራቸውንም ከእንግዲህ አያስቡ።

8“ስለ ራሳቸው መናገር ለማይችሉት፣

ለችግረኞችም ሁሉ መብት ተሟገት።

9ተናገር፤ በቅንነትም ፍረድ፤

የምስኪኖችንና የድኾችን መብት አስከብር።”

መዝጊያ ክፍል፤ ጠባየ መልካም ሚስት

10ጠባየ መልካምን ሚስት ማን ያገኛታል?31፥10 ከ10-31 ያለው እያንዳንዱ ቍጥር የሚጀምረው በዕብራይስጡ ሆህያት ቅደም ተከተል መሠረት ነው።

ከቀይ ዕንእጅግ ትበልጣለች።

11ባሏ ሙሉ በሙሉ ይተማመንባታል፤

የሚጐድልበትም ነገር የለም።

12በሕይወት ዘመኗ ሁሉ፣

መልካም ታደርግለታለች እንጂ አትጐዳውም።

13የበግ ጠጕርና የተልባ እግር መርጣ፣

ሥራ በሚወዱ እጆቿ ትፈትላቸዋለች።

14እንደ ንግድ መርከብ፣

ምግቧን ከሩቅ ትሰበስባለች።

15ገና ሳይነጋ ትነሣለች፤

ለቤተ ሰቧ ምግብ፣

ለሴት አገልጋዮቿም ድርሻቸውን ትሰጣለች።

16ራሷ አስባ የዕርሻ መሬት ትገዛለች፤

በምታገኘውም ገንዘብ ወይን ትተክላለች።

17ብርታትን ታጥቃ ሥራዋን ታከናውናለች፤

ክንዶቿም ለሥራ ብርቱ ናቸው።

18ሥራዋ ትርፋማ መሆኑን ታስተውላለች፤

በሌሊትም መብራቷ አይጠፋም።

19በእጇ እንዝርት ትይዛለች፤

በጣቶቿም ዘንጉን ታሾራለች።

20ክንዶቿን ለድኾች ትዘረጋለች፣

እጆቿንም ለችግረኞች ፈታ ታደርጋለች።

21በረዶ ቢጥል ለቤተ ሰዎቿ አትሠጋም፤

ሁሉም ቀይ ልብስ ለብሰዋልና።

22ለመኝታዋ የዐልጋ ልብስ ትሠራለች፤

ቀጭን በፍታና ሐምራዊ ልብስ ለብሳለች።

23ባሏ በአገር ሽማግሌዎች መካከል

በአደባባይ በተቀመጠ ጊዜ የተከበረ ነው።

24የበፍታ መጐናጸፊያዎችን ሠርታ ትሸጣለች፤

ለነጋዴዎችም ድግ ታቀርባለች።

25ብርታትንና ሞገስን ተጐናጽፋለች፤

መጭውን ጊዜ በደስታ ትቀበላለች።

26በጥበብ ትናገራለች፤

በአንደበቷም ቀና ምክር አለ።

27የቤተ ሰቦቿን ጕዳይ በትጋት ትከታተላለች፤

የስንፍና እንጀራ አትበላም።

28ልጆቿ ተነሥተው ቡርክት ይሏታል፤

ባሏም እንዲሁ፣ ሲያመሰግናትም እንዲህ ይላል፤

29“ብዙ ሴቶች መልካም አድርገዋል፤

አንቺ ግን ሁሉንም ትበልጫለሽ።”

30ቍንጅና አታላይ ነው፤ ውበትም ይረግፋል፤

እግዚአብሔርን የምትፈራ ሴት ግን የተመሰገነች ናት።

31የሚገባትን ሽልማት ስጧት፤

ሥራዋም በየአደባባዩ ያስመስግናት።