Kawikaan 2 – TCB & NRT

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 2:1-22

Ang Kahalagahan ng Karunungan

1Anak, tanggapin at ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo at iniuutos ko sa iyo. 2Pakinggan mo kung ano ang makapagbibigay sa iyo ng karunungan at kaalaman. 3Pagsikapan mong magkaroon ng pang-unawa, 4na parang naghahanap ka ng pilak o anumang nakatagong kayamanan. 5Kung gagawin mo ito, malalaman mo kung ano ang pagkatakot sa Panginoon at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya. 6Sapagkat ang Panginoon ang nagbibigay ng karunungan, kaalaman, at ng pang-unawa. 7-8Iniingatan niya ang namumuhay nang matuwid, matapat, at walang kapintasan. Binibigyan din niya sila ng katagumpayan.2:7-8 katagumpayan: o, tamang kaalaman.

9Kung makikinig ka sa akin, malalaman mo ang dapat mong gawin, ang tama, matuwid at nararapat. 10Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan. 11Kapag nakakaunawa ka at marunong magpasya nang tama, iingatan ka nito. 12Ilalayo ka ng karunungan sa masamang pag-uugali at sa mga taong nagsasalita ng masama. 13Pinili ng mga taong ito na iwanan ang magandang pag-uugali at sumunod sa pamamaraan ng mga nasa kadiliman. 14Natutuwa sila sa paggawa ng masama at nasisiyahan sa mga kalikuan nito. 15Masama ang pag-uugali nila at hindi matuwid ang kanilang pamumuhay.

16Ilalayo ka ng karunungan sa masamang babaeng gustong umakit sa iyo sa pamamagitan ng kanyang matatamis na salita. 17Iniwan ng ganyang babae ang napangasawa niya noong kanyang kabataan. Kinalimutan niya ang pangako niya sa Dios nang silaʼy ikasal. 18Kapag pumunta ka sa bahay niya, para ka na ring pumunta sa kamatayan. Sapagkat ito ang daan tungo sa daigdig ng mga patay. 19Kung sino man ang pupunta sa kanya ay hindi na makakauwi; makakalimutan na niya ang daan patungo sa lugar ng mga buhay. 20Kaya tularan mo ang pamumuhay ng mabubuting tao at mamuhay ka ng matuwid. 21Sapagkat ang taong namumuhay nang matuwid at walang kapintasan ay mabubuhay nang matagal dito sa daigdig. 22Ngunit ang masasama at mga mandaraya ay palalayasin. Bubunutin sila na parang mga damo.

New Russian Translation

Притчи 2:1-22

Достоинства мудрости

1Сын мой, если ты примешь мои слова

и повеления мои сохранишь в себе,

2обратив свое ухо к мудрости

и склонив свое сердце к пониманию,

3если будешь взывать о разуме

и призывать понимание,

4если будешь искать его, как серебра,

и разыскивать, словно клад,

5то поймешь, что такое страх перед Господом,

и обретешь познание Бога.

6Потому что Господь дает мудрость,

и из уст Его – знание и понимание.

7Он бережет победу для праведных;

щит Он для тех, чей шаг непорочен.

8Он хранит стези справедливых

и оберегает путь верных Ему.

9Тогда ты поймешь, что такое праведность,

справедливость и честность – всякий добрый путь.

10Мудрость войдет в твое сердце,

и знание будет приятно твоей душе.

11Рассудительность охранит тебя,

и понимание тебя сохранит.

12Мудрость спасет тебя от пути злодеев,

от тех, чьи слова превратны,

13кто оставляет стези прямые,

чтобы ходить по путям тьмы;

14от тех, кто веселится, делая зло,

и радуется извращенности зла,

15чьи дороги кривы, и кто плутает по своим путям.

16Так убережешься от чужой жены,

от жены другого с ее обольщающими словами,

17которая оставила супруга своей юности

и забыла союз, что она заключила пред Богом2:17 Или: «завет с ее Богом»..

18Дом ее ведет к смерти,

и пути ее – к духам умерших.

19Никто из идущих к ней не возвращается

и не выходит уже на стези живых.

20Так ты будешь ходить по пути добрых

и хранить стези праведников,

21ведь праведные будут жить на земле,

и непорочные останутся на ней;

22а нечестивые будут истреблены с земли,

и неверные будут искоренены.