1Ang taong tumatanggap ng pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay nagnanais ng karunungan, ngunit ang taong ayaw tumanggap ay hangal.
2Ang mabuting tao ay kinalulugdan ng Panginoon, ngunit ang taong nagpaplano ng masama ay kanyang pinarurusahan.
3Ang taong gumagawa ng masama ay walang katatagan, ngunit ang taong matuwid ay matatag tulad ng isang punongkahoy na malalim ang ugat.
4Ang mabuting maybahay ay kasiyahan at karangalan ng kanyang asawa, ngunit parang kanser sa buto ang nakakahiyang asawa.
5Ang iniisip ng taong matuwid ay tama, ngunit ang mga payo ng taong masama ay pandaraya.
6Ang salita ng taong masama ay nakamamatay, ngunit ang salita ng taong matuwid ay nakapagliligtas.
7Mapapahamak at maglalaho ang mga taong masama, ngunit mananatili ang lahi ng mga taong matuwid.
8Pinararangalan ang taong may karunungan, ngunit hinahamak ang taong masama ang kaisipan.
9Mas mabuti ang taong simple pero kayang magbayad ng katulong kaysa sa taong nagkukunwaring mayaman ngunit kahit makain ay wala naman.
10Ang taong matuwid ay mabait sa kanyang mga alagang hayop, ngunit ang taong masama ay malupit at walang awa sa kanyang mga hayop.
11Ang magsasakang masipag ay laging sagana sa pagkain, ngunit ang walang sapat na pang-unawa ay nagsasayang ng oras sa mga walang kabuluhang gawain.
12Ang taong masama ay laging kasamaan ang ginagawa, kaya hindi matatag ang kanyang kalagayan; ngunit ang taong matuwid ay matatag gaya ng punongkahoy na malalim ang ugat.
13Ang kasamaang sinasabi ng taong masama ay nagdudulot sa kanya ng gulo, ngunit ang taong matuwid ay umiiwas sa gulo.
14Ang bawat isa ay tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang sinabi o ginawa.
15Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo.
16Ang hangal ay madaling magalit kapag iniinsulto, ngunit ang taong may karunungan ay hindi pinapansin ang pang-iinsulto sa kanya.
17Ang tapat na saksi ay nagsasabi ng katotohanan, ngunit ang hindi tapat na saksi ay nagsasabi ng kasinungalingan.
18Ang pabigla-biglang salita ay nakakasugat ng damdamin, ngunit ang magandang salita ay nagpapagaling.
19Ang katotohanan ay mananatili kailanman, ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.
20Pandaraya ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng masama, ngunit kagalakan ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng mabuti.
21Walang mangyayaring masama sa taong matuwid, ngunit sa masama, pawang kaguluhan ang mararanasan.
22Nasusuklam ang Panginoon sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan.
23Hindi ipinagyayabang ng taong marunong ang kanyang nalalaman, ngunit ang hangal ay ibinibida ang kanyang kahangalan.
24Ang taong masipag ay magiging pinuno, ngunit ang tamad ay magiging alipin.
25Nakapagpapalungkot sa tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang pananalita ay kaaliwan.
26Ginagabayan ng taong matuwid ang kanyang kaibigan, ngunit ililigaw ka ng taong masama.
27Hindi makakamit ng taong tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang taong masipag maganda ang hinaharap.
28Ang matuwid na pamumuhay ay patungo sa buhay, at maililigtas ka nito sa kamatayan.
1كسی میتواند دانا شود كه تأديب را دوست داشته باشد. هر كه از اصلاح شدن نفرت داشته باشد احمق است.
2خداوند از اشخاص نيک خشنود است، اما كسانی را كه نقشههای پليد میكشند محكوم میكند.
3انسان با كارهای بد نمیتواند برای خود امنيت به وجود آورد، اما اشخاص درستكار پا برجا خواهند ماند.
4زن خوب، تاج سر شوهرش است، ولی زن بیحيا مانند خوره جان او را میخورد.
5انسان خوب فكرش پر از درستكاری است، اما فكر آدم بدكار انباشته از دروغ و نيرنگ است.
6حرفهای بدكاران مردم را به دام هلاكت میكشاند، اما سخنان نيكان مردم را رهايی میبخشد.
7بدكاران نابود میشوند، اما نيكان پايدار میمانند.
8آدم عاقل را همه میستايند، اما شخص كوتهفكر را حقير میشمارند.
9بهتر است انسان شخص مهمی به حساب نيايد اما زندگی او تأمين باشد تا اينكه خود را آدم بزرگی نشان دهد ولی محتاج نان باشد.
10شخص خداشناس حتی به فكر آسايش حيواناتش نيز هست، اما رحم و مروت خدانشناسان چيزی بهجز ستمگری نيست.
11هر كه در زمين خود زراعت كند نان كافی خواهد داشت، اما كسی كه وقت خود را به بيهودگی بگذراند آدم احمقی است.
12اشخاص خدانشناس چشم طمع به اموالی كه بدكاران غارت كردهاند دارند، در حالی که خداشناسان از اموال خود به يكديگر كمک میكنند.
13دروغ انسان را در دام گرفتار میكند، ولی راستی و صداقت موجب خلاصی میگردد.
14پاداش تو بستگی به گفتار و رفتار تو دارد. هر چه بكاری همان را درو خواهی كرد.
15آدم نادان فكر میكند هر کاری میكند درست است و احتياج به نصيحت ندارد، اما شخص دانا به نصايح ديگران گوش میدهد.
16آدم نادان در مقابل توهين ديگران زود عصبانی میشود، ولی شخص دانا خونسردی خود را حفظ میكند.
17وقتی كه حقيقت را میگويی عدالت اجرا میگردد، اما دروغ به بیعدالتی منجر میشود.
18هستند كسانی كه با حرفهای نسنجيدهٔ خود زخم زبان میزنند، ولی سخنان مرد دانا تسكين دهنده و شفابخش است.
19عمر دروغ كوتاه است، اما حقيقت تا ابد پايدار میماند.
20افكار توطئهگران پر از نيرنگ است، اما دلهای آنانی كه خيرانديش هستند آكنده از شادی میباشد.
21هيچ بدی به خداشناسان نمیرسد، اما بدكاران هميشه گرفتار بلا میشوند.
22خدا كسانی را كه به قول خود وفا میكنند دوست دارد، ولی از اشخاص بدقول بيزار است.
23آدم عاقل علم و دانش خود را به نمايش نمیگذارد، ولی شخص نادان حماقت خود را آشكار میسازد.
24كار و كوشش، انسان را به قدرت میرساند؛ اما تنبلی، او را نوكر ديگران میسازد.
25غم و غصه انسان را گرانبار میكند، اما سخن دلگرم كننده او را سبكبار و شاد میسازد.
26شخص درستكار مردم را به راه راست هدايت میكند، اما آدم بدكار آنها را منحرف میسازد.
27آدم تنبل حتی دنبال شكار خود نيز نمیرود. تلاش و كوشش، گنج گرانبهای انسان است.
28راهی كه خداشناسان در آن گام برمیدارند به حيات منتهی میشود و در آن مرگ نيست.