Kawikaan 1 – TCB & TNCV

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 1:1-33

Ang Kahalagahan ng Kawikaan

1Ito ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel.

2Sa pamamagitan ng mga kawikaang ito, magkakaroon ka ng karunungan, maitutuwid mo ang iyong ugali at mauunawaan mo ang mga aral na magbibigay sa iyo ng karunungan. 3Sa pamamagitan din nitoʼy magiging disiplinado ka, dahil itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay, mabuting pag-uugali, paggawa ng tama, at pagiging makatarungan. 4Makapagbibigay ito ng karunungan sa mga walang kaalaman at sa kabataaʼy magtuturo ng tamang pagpapasya. 5Sa pakikinig nito, ang marunong ay lalong magiging marunong at ang may pinag-aralan ay magiging dalubhasa, 6upang maunawaan nila ang kahulugan ng mga kawikaan, mga talinghaga, at mga bugtong ng marurunong.

7Ang pagkatakot sa Panginoon na may paggalang ang simula ng karunungan. Ngunit sa hangal,1:7 hangal: Ang salitang ito ay palaging makikita sa aklat ng Kawikaan; ang ibig sabihin nito ay isang taong hindi pinapahalagahan ang Dios at ang kanyang mga utos. walang halaga ang karunungan at ayaw niyang maturuan upang maituwid ang kanyang pag-uugali.

Payo sa Pag-iwas sa Masamang Tao

8Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang, 9dahil itoʼy makapagbibigay sa iyo ng karangalan katulad ng koronang gawa sa bulaklak at makapagpapaganda katulad ng kwintas.

10Anak, huwag kang padadala sa panghihikayat ng mga taong makasalanan. 11Huwag kang sasama kapag sinabi nilang, “Halika, sumama ka sa amin! Mag-abang tayo ng sinumang papatayin kahit walang dahilan. 12Kahit nasa kasibulan pa ng kanilang buhay, patayin natin sila para matulad sila sa mga taong pumunta sa lugar ng mga patay. 13Makakakuha tayo sa kanila ng mga mamahaling ari-arian, at pupunuin natin ang ating mga bahay ng ating mga nasamsam. 14Sige na, sumama ka na sa amin, at paghahatian natin ang ating mga nasamsam.”

15Anak, huwag kang sumama sa kanila; iwasan mo sila. 16Sapagkat mabilis sila sa paggawa ng masama at sa pagpatay ng tao. 17Walang kabuluhan ang paglalagay ng bitag kung ang ibong iyong huhulihin ay nakatingin. 18Alam ng ibon na mahuhuli siya, pero ang taong masasama, hindi nila alam na sila rin ang magiging biktima ng ginagawa nila.

19Ganyan ang mangyayari sa mga taong ang ari-arian ay nakuha sa masamang paraan. Mamamatay sila sa ganoon ding paraan.

Kapag Itinakwil ang Karunungan

20-21Ang karunungan ay katulad ng isang mangangaral na nagsasalita sa mga lansangan, plasa, pamilihan, at mga pintuang bayan. Sinasabi niya,

22“Kayong mga walang alam,

hanggang kailan kayo mananatiling ganyan?

Kayong mga nanunuya, hanggang kailan kayo matutuwa sa inyong panunuya?

Kayong mga hangal, hanggang kailan ninyo tatanggihan ang karunungan?

23Pakinggan ninyo ang pagsaway ko sa inyo.

Sasabihin ko sa inyo kung ano ang iniisip ko.

Ipapaalam ko sa inyo ang aking sasabihin laban sa inyo,

24sapagkat hindi ninyo pinansin ang panawagan ko na lumapit kayo sa akin,

25at binalewala ninyo ang lahat ng payo ko at pagsaway.

26-27Pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo;

kukutyain ko kayo kapag dumating sa inyo ang paghihirap at mga pangyayaring nakakatakot gaya ng ipu-ipo at bagyo.

28Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin.

Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita.

29Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa Panginoon.

30Tinanggihan ninyo ang mga payo ko at minasama ang aking pagsaway sa inyo.

31Kaya aanihin ninyo ang bunga ng inyong mga ginagawa at pinaplanong masama.

32Sapagkat ang katigasan ng ulo ng mga taong walang karunungan ang papatay sa kanila,

at ang pagsasawalang-bahala ng mga hangal ang magpapahamak sa kanila.

33Ngunit ang taong nakikinig sa akin ay mabubuhay ng matiwasay,

ligtas siya sa panganib at walang katatakutan.”

Thai New Contemporary Bible

สุภาษิต 1:1-33

จุดประสงค์และหัวใจของสุภาษิต

1สุภาษิตของกษัตริย์โซโลมอนแห่งอิสราเอล โอรสของดาวิด

2เพื่อบรรลุปัญญาและคำสั่งสอน

เพื่อให้เข้าใจถ้อยคำแห่งวิจารณญาณ

3เพื่อรับฟังคำสั่งสอนที่ทำให้เกิดไหวพริบปฏิภาณ

ทำสิ่งที่ถูกต้อง ยุติธรรม และเที่ยงธรรม

4เพื่อให้คนอ่อนต่อโลกรู้ทันเล่ห์เหลี่ยม

ให้เยาวชนมีความรู้และความเฉลียวฉลาด

5ให้ผู้ที่ฉลาดรับฟังและเพิ่มพูนความรู้

ให้ผู้ที่มีความเข้าใจได้รับการชี้แนะ

6เพื่อให้เข้าใจสุภาษิตและคำอุปมา

คำสอนและคำปริศนาของปราชญ์1:6 หรือเพื่อให้เข้าใจสุภาษิต ได้แก่ คำอุปมา / คำสอน และคำปริศนาของปราชญ์

7ความยำเกรงองค์พระผู้เป็นเจ้าเป็นบ่อเกิดของความรู้

ส่วนคนโง่1:7 ในภาษาฮีบรูคำว่าคนโง่ในพระธรรมสุภาษิตและที่อื่นๆ ในพันธสัญญาเดิมหมายถึงคนที่บกพร่องทางด้านศีลธรรมดูหมิ่นปัญญาและคำสั่งสอน

บทนำ

8ลูกเอ๋ย จงฟังคำสั่งสอนของพ่อเจ้า

และอย่าละเลยคำสอนของแม่เจ้า

9เพราะสิ่งเหล่านี้เป็นมาลัยประดับเกล้า

เป็นสร้อยประดับคอของเจ้า

10ลูกเอ๋ย หากคนบาปมาชักชวนเจ้า

อย่าคล้อยตามพวกเขา

11หากพวกเขากล่าวว่า “มากับเราเถิด

ให้เราซุ่มคอยเอาเลือดคน

ให้เราดักทำร้ายคนบริสุทธิ์เล่นเถิด

12ให้เราเป็นเหมือนหลุมฝังศพที่กลืนพวกเขาทั้งเป็น

กลืนพวกเขาทั้งตัวเหมือนคนตกลงไปในหลุมลึก

13เราจะยึดของมีค่าทุกชนิด

เอาของที่ปล้นมาเก็บไว้ให้เต็มบ้านของเรา

14มาเป็นพวกเราสิ

จะได้ใช้เงินกระเป๋าเดียวกับเรา”

15ลูกเอ๋ย อย่าไปร่วมทางกับพวกเขา

อย่าเดินในทางของพวกเขาเลย

16เพราะเท้าของพวกเขาวิ่งไปหาความหายนะ

พวกเขาจะเสียเลือดเสียเนื้อในไม่ช้า1:16 หรือทำให้เสียเลือดเสียเนื้ออย่างรวดเร็ว

17เปล่าประโยชน์ที่จะขึงตาข่าย

เพราะนกทุกตัวมองเห็น!

18คนเหล่านี้ซุ่มคอยเอาโลหิตของตัวเอง

เขาดักเอาชีวิตตัวเอง!

19นั่นแหละคือจุดจบของบรรดาผู้หากำไรมาโดยทุจริต

มันย่อมคร่าชีวิตตัวเขาเอง

คำเตือนไม่ให้ปฏิเสธปัญญา

20ปัญญาป่าวร้องอยู่บนท้องถนน

เปล่งเสียงในที่ชุมชน

21นางร้องเรียกอยู่บนยอดกำแพง1:21 หรือที่หัวถนน

นางร้องบอกที่ประตูเมืองว่า

22“พวกอ่อนต่อโลกเอ๋ย เจ้าจะรักความโง่ไปนานแค่ไหน?

คนมักเยาะเย้ยจะหลงใหลการเยาะเย้ยไปนานเพียงไร?

คนโง่จะชังความรู้ไปนานสักเท่าใด?

23จงกลับตัวกลับใจมาฟังคำเตือนของเรา!

เราจะเทความคิดจิตใจของเราแก่เจ้า

และจะให้เจ้าเข้าใจคำสั่งสอนของเรา

24แต่เนื่องจากเจ้าปฏิเสธเมื่อเราร้องเรียก

ไม่มีใครใส่ใจเมื่อเรากวักมือ

25เพราะเจ้าไม่แยแสคำแนะนำทั้งสิ้นของเรา

ไม่ยอมรับคำตักเตือนจากเรา

26ดังนั้นเราก็จะหัวเราะเยาะเจ้าเมื่อภัยพิบัติโจมตีเจ้า

เราจะเยาะเย้ยเจ้าเมื่อความหายนะมาถึงเจ้า

27เมื่อความหายนะมาถึงเจ้าดั่งพายุ

เมื่อความพินาศถาโถมเข้ามาดั่งพายุหมุน

เมื่อความเดือดร้อนลำเค็ญท่วมท้นเจ้า

28“เมื่อนั้นพวกเขาจะร้องเรียกเรา แต่เราจะไม่ตอบ

พวกเขาจะเสาะแสวงหาเรา แต่จะไม่พบ

29เพราะพวกเขาได้ชังความรู้

และเลือกที่จะไม่ยำเกรงองค์พระผู้เป็นเจ้า

30เพราะพวกเขาไม่ยอมรับคำแนะนำของเรา

ไม่ไยดีต่อคำตักเตือนของเรา

31พวกเขาจะได้รับผลจากวิถีทางของตัวเอง

และเต็มอิ่มกับผลจากแผนร้ายของตน

32เพราะคนอ่อนต่อโลกจะฆ่าตัวเองด้วยการหันออกนอกลู่นอกทาง

และคนโง่จะทำลายตัวเองด้วยความเฉยเมยของพวกเขา

33แต่ผู้ใดรับฟังเราจะอยู่อย่างปลอดภัย

จะสุขสบาย ไม่หวั่นเกรงภยันตรายใดๆ”