Josue 19 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Josue 19:1-51

Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Simeon

1Ang ikalawang pinartihan ng lupa ay ang sambahayan ng lahi ni Simeon. Ang lupain nila ay nasa gitna ng lupaing ibinigay sa lahi ni Juda. 2Kasama rito ang Beersheba (o Sheba),19:2 Beersheba (o Sheba): o, Beersheba, Sheba. Molada, 3Hazar Shual, Bala, Ezem, 4Eltolad, Betul, Horma, 5Ziklag, Bet Marcabot, Hazar Susa, 6Bet Lebaot at Sharuhen – 13 bayan kasama ang mga baryo sa paligid nito. 7Dagdag pa rito ang Ayin, Rimon, Eter at Ashan – 4 na bayan, kasama ang lahat ng mga baryo sa paligid nito, 8hanggang sa Baalat Beer (na siyang Rama) sa Negev.

Ito ang lupaing natanggap ng lahi ni Simeon na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan. 9Ang ibang bahagi ng lupang ito ay galing sa parte ng lahi ni Juda dahil ang ibinigay sa kanila ay sobrang maluwang para sa kanila. Kaya natanggap ng lahi ni Simeon ang kanilang lupain sa gitna ng lupain ng lahi ni Juda.

Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Zebulun.

10Ang ikatlong pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Zebulun.

Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Sarid. 11Mula roon, papunta ito sa kanluran: sa Marala, sa Dabeshet, at patuloy sa daluyan ng tubig sa silangan ng Jokneam. 12Mula sa kabilang bahagi ng Sarid, papunta ito sa silangan sa hangganan ng Kislot Tabor, at patuloy sa Daberat hanggang Jafia. 13Mula roon, papunta ito sa silangan sa Gat Hefer, sa Et Kazin, sa Rimon at paliko papuntang Nea. 14Ang hangganan ng Zebulun sa hilaga ay dumaraan sa Hanaton at nagtatapos sa Lambak ng Ifta El: 15Lahat ay 12 bayan, kasama ang mga baryo sa paligid nito. Kasama rin ang mga bayan ng Katat, Nahalal, Shimron, Idala at Betlehem. 16Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Zebulun na hinati ayon sa bawat sambahayan.

Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Isacar

17Ang ikaapat na pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Isacar. 18Ito ang mga lungsod na sakop nila: Jezreel, Kesulot, Shunem, 19Hafaraim, Shion, Anaharat, 20Rabit, Kishion, Ebez, 21Remet, En Ganim, En Hada at Bet Pazez. 22Ang hangganan ng lupain ay umaabot sa Tabor, Shahazuma at sa Bet Shemesh at nagtatapos sa Ilog ng Jordan – 16 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito. 23Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Isacar na hinati ayon sa bawat sambahayan.

Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Asher

24Ang ikalimang pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Asher. 25Ito ang mga bayan na sakop nila:

Helkat, Hali, Beten, Acshaf, 26Alamelec, Amad at Mishal. Ang hangganan nitong lupain sa kanluran ay umaabot sa Carmel at Shihor Libnat, 27paliko ito pasilangan papuntang Bet Dagon at umaabot sa Zebulun at sa Lambak ng Ifta El. Pagkatapos, papunta ito sa hilaga papuntang Bet Emek at Niel. Papunta pa ito sa hilaga hanggang Cabul, 28Ebron,19:28 Ebron: o, Abdon. Rehob, Hammon, Kana at hanggang sa Malaking Sidon. 29Pagkatapos, liliko ito patungong Rama at sa napapaderang bayan ng Tyre, at papuntang Hosa, at nagtatapos sa Dagat ng Mediteraneo. Ang iba pang mga bayan na sakop nila ay ang Mehebel, Aczib, 30Uma, Afek at Rehob – 22 bayan lahat, kasama ang mga bayan sa paligid nito. 31Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Asher na hinati ayon sa bawat sambahayan.

Ang Lupaing Ibinigay sa Lahi ni Naftali

32Ang ikaanim na pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Naftali.

33Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Helef at sa puno ng terebinto sa Zaananim papuntang Adami Nekeb at Jabneel hanggang sa Lakum, at nagtapos sa Ilog ng Jordan.

34Mula roon, paliko ito sa kanluran papuntang Aznot Tabor, pagkatapos sa Hukok, hanggang sa hangganan ng Zebulun sa timog, sa hangganan ng Asher sa kanluran at sa Ilog ng Jordan19:34 sa Ilog ng Jordan: Ito ang nasa tekstong Griego. Sa Hebreo, sa Juda, sa Ilog ng Jordan. sa silangan. 35Ang mga napapaderang lungsod na sakop ng lupaing ito ay ang: Zidim, Zer, Hamat, Rakat, Kineret, 36Adama, Rama, Hazor, 37Kedesh, Edrei, En Hazor, 38Iron, Migdal El, Horem, Bet Anat at Bet Shemesh – 19 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito. 39Iyon ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Naftali na hinati ayon sa bawat sambahayan.

Ang Lupaing Ibinigay sa Angkan ni Dan

40Ang ikapitong pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Dan. 41Ito ang mga bayan na sakop nila: Zora, Estaol, Ir Shemesh, 42Shaalabin, Ayalon, Itla, 43Elon, Timnah, Ekron, 44Elteke, Gibeton, Baalat, 45Jehud, Bene Berak, Gat Rimon, 46Me Jarkon at Rakon, pati rin ang lupain na nakaharap sa Jopa. 47Nahirapan ang mga lahi ni Dan sa pag-agaw ng lupain nila, kaya nilusob nila ang Leshem19:47 Leshem: o, Laish. at pinatay ang mga naninirahan dito. Naagaw nila ito at doon sila tumira. Pinalitan nila ang pangalan nito ng Dan ayon sa pangalan ng ninuno nilang si Dan.

48Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Dan na hinati ayon sa bawat sambahayan.

Ang Lupaing Ibinigay kay Josue

49Pagkatapos hatiin ng mga Israelita ang lupain nila, binigyan nila si Josue na anak ni Nun ng bahagi niya. 50Ayon sa iniutos ng Panginoon, ibinigay nila sa kanya ang bayan na hinihiling niya – ang Timnat Sera sa kabundukan ng Efraim. Ipinatayo niyang muli ang bayan at doon tumira. 51Ang naghati-hati ng lupain ay sina Eleazar na pari, Josue na anak ni Nun at ang mga pinuno ng bawat lahi ng Israel. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng palabunutan sa presensya ng Panginoon, sa pintuan ng Toldang Tipanan doon sa Shilo. Kaya natapos na ang paghahati ng lupain.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约书亚记 19:1-51

西缅支派分到的土地

1西缅支派按宗族得到第二签,所得的产业在犹大人的疆界内, 2别示巴摩拉大3哈萨·书亚巴拉以森4伊利多拉比土力何珥玛5洗革拉伯·玛加博哈萨·苏撒6伯·利巴勿沙鲁险共十三座城及其附近的乡村, 7还有亚因利门以帖亚珊四座城及其村庄, 8包括周围所有的村庄,远至巴拉·比珥,即南边的拉玛。这些都是西缅支派按宗族所得的产业。 9西缅人的产业是从犹大人的产业中拨出来的,因为犹大支派所分到的地区过于广大,所以要拨出一部分来分给西缅人。

西布伦支派分到的土地

10西布伦人按宗族得了第三签,他们分到的土地远至撒立11撒立向西到玛拉拉大巴设,直到约念东边的小河; 12撒立向东到吉斯绿·他泊的边界,经大比拉、直到雅非亚13再往东,经迦特·希弗以特·加汛临门,直到尼亚14北上转向哈拿顿,直到伊弗他·伊勒山谷。 15还有加他拿哈拉伸仑以大拉伯利恒,共十二座城及其附近的乡村。 16以上这些城邑和乡村是西布伦人按宗族所得的产业。

以萨迦支派分到的土地

17以萨迦人按宗族得了第四签, 18他们的土地包括耶斯列基苏律书念19哈弗连示按亚拿哈拉20拉璧基善亚别21利蔑隐·干宁隐·哈大伯·帕薛22他泊沙哈洗玛伯·示麦,直到约旦河,共十六座城及其附近的乡村。 23这些城邑和乡村都是以萨迦支派按宗族分到的产业。

亚设支派分到的土地

24亚设支派按宗族得了第五签, 25他们得到的土地包括黑甲哈利比田押煞26亚拉米勒亚末米沙勒,西至迦密希曷·立纳27然后向东到伯·大衮西布伦,北到伊弗他·伊勒谷,经伯·以墨尼业直到迦步勒的北部; 28再经义伯仑利合哈门加拿直到西顿大城; 29再转到拉玛、坚固的泰尔城,然后转到何萨亚革悉一带,直到地中海。 30还有乌玛亚弗利合,共二十二座城及其附近的乡村。 31这些城邑和乡村都是亚设支派按宗族分到的产业。

拿弗他利支派分到的土地

32拿弗他利人按宗族得了第六签, 33他们的边界从希利弗撒拿音的橡树、亚大米·尼吉雅比聂拉共,再到约旦河; 34又向西到亚斯纳·他泊户割,南接西布伦,西接亚设,东接约旦19:34 约旦河”參照七十士译本,希伯来文作“约旦河的犹大”。35还包括以下坚城:西丁侧耳哈末拉甲基尼烈36亚大玛拉玛夏琐37基低斯以得来隐·夏琐38以利隐密大·伊勒和琏伯·亚纳伯示麦,共十九座城及其附近的乡村。 39这些城邑和乡村都是拿弗他利支派按宗族分到的产业。

但支派分到的土地

40支派按宗族得了第七签, 41他们的土地包括琐拉以实陶伊珥·示麦42沙拉宾亚雅仑伊提拉43以伦亭拿他以革伦44伊利提基基比顿巴拉45伊胡得比尼·比拉迦特·临门46美·耶昆拉昆约帕对面的一带。 47支派无法夺取他们的土地,于是就去攻打利善城,杀了城内的居民,占据了这座城,用他们祖先的名字把城改为48这些城邑和村庄都是支派按宗族得到的产业。

约书亚分得之地

49以色列各族把地分配完毕以后,又从中划出土地给嫩的儿子约书亚50以色列人遵从耶和华的吩咐,把约书亚想要的以法莲山区的亭拿·西拉城分给他。约书亚重修那城,住在那里。

51以上是祭司以利亚撒的儿子约书亚以色列各支派的首领,在示罗的会幕门口,在耶和华面前抽签所分配的土地。至此,他们把地分完了。