Ang mga Hari na Natalo sa Silangan ng Jordan
1-2Sinakop na ng mga Israelita ang mga lupain sa silangan ng Ilog Jordan, mula sa Lambak ng Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon, kasama na rito ang lupain sa silangan ng Lambak ng Jordan.12:1-2 Lambak ng Jordan: Tingnan ang “footnote” sa 11:2a. Ganito rin sa talatang 3 at 7. Ito ang mga hari sa mga lugar na natalo ng mga Israelita:
Si Sihon na Amoreo na nakatira sa Heshbon. Sakop ng kaharian niya ang kalahati ng Gilead. Ito ay mula sa Aroer sa tabi ng Lambak ng Arnon, at mula sa gitna nito hanggang sa Lambak ng Jabok, na siyang hangganan ng lupain ng mga Ammonita. 3Sakop din niya ang silangan ng Lambak ng Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Bet Jeshimot, sa silangan ng Dagat na Patay12:3 Dagat na Patay: sa Hebreo, Dagat ng Araba, ang pinakamaalat na dagat. at hanggang sa timog sa ibaba ng libis ng Pisga.
4Ang ikalawa ay si Haring Og ng Bashan. Isa siya sa mga naiwan na Refaimeo. Nakatira siya sa Ashtarot at sa Edrei. 5Ang sakop ng kaharian niya ay ang Bundok ng Hermon, Saleca, ang buong Bashan hanggang sa hangganan ng Geshur at Maaca, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa hangganan ng Heshbon, na ang hari ay si Sihon. 6Tinalo sila ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng mga Israelita. Ibinigay ni Moises ang lupain ng mga ito sa lahi ni Reuben, Gad at sa kalahating lahi ni Manase bilang mana nila.
Ang mga Hari na Natalo sa Kanluran ng Jordan
7-8Sinakop din ni Josue at ng mga Israelita ang mga lupain sa kanluran ng Jordan, mula sa Baal Gad sa Lambak ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halak na paahon sa Seir. Ibinigay ni Josue ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila. Hinati niya ito ayon sa bawat lahi nila. Ang mga lupaing ito ay ang mga kabundukan, mga kaburulan sa kanluran,12:7-8 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela. ang Lambak ng Jordan, ang mga libis, ang disyerto sa timog, at ang Negev. Tinirhan ito dati ng mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hiveo, at mga Jebuseo. Ito ang mga hari ng mga lugar na iyon na tinalo ni Josue at ng mga Israelita:
9ang hari ng Jerico
ang hari ng Ai (malapit sa Betel)
10ang hari ng Jerusalem
ang hari ng Hebron
11ang hari ng Jarmut
ang hari ng Lakish
12ang hari ng Eglon
ang hari ng Gezer
13ang hari ng Debir
ang hari ng Geder,
14ang hari ng Horma
ang hari ng Arad
15ang hari ng Libna
ang hari ng Adulam
16ang hari ng Makeda
ang hari ng Betel
17ang hari ng Tapua
ang hari ng Hefer
18ang hari ng Afek
ang hari ng Lasharon
19ang hari ng Madon
ang hari ng Hazor
20ang hari ng Shimron Meron
ang hari ng Acshaf
21ang hari ng Taanac
ang hari ng Megido
22ang hari ng Kedesh
ang hari ng Jokneam (sa Carmel)
23ang hari ng Dor (sa Nafat Dor)
ang hari ng Goyim (sa Gilgal)
24ang hari ng Tirza.
Ang mga haring ito ay 31 lahat.
Israel Wins the Battle Over the Kings in the Land
1The Israelites took over the territory east of the Jordan River. The land they captured reached from the Arnon River valley to Mount Hermon. It included the whole east side of the Arabah Valley. Israel won the battle over the kings of that whole territory. Here are the lands Israel captured from the kings they won the battle over.
2They took over the land of Sihon. He was the king of the Amorites. He ruled in Heshbon.
The land he ruled over begins at Aroer. Aroer is on the rim of the Arnon River valley. Sihon ruled from the middle of the valley to the Jabbok River. The Jabbok is the border of Ammon. Sihon’s territory included half of Gilead.
3He also ruled over the east side of the Arabah Valley. That land begins at the Sea of Galilee. It goes to the Dead Sea and over to Beth Jeshimoth. Then it goes south, below the slopes of Pisgah.
4Israel also took over the territory of Og. He was the king of Bashan. He was one of the last of the Rephaites. He ruled in Ashtaroth and Edrei.
5He ruled over Mount Hermon, Salekah and the whole land of Bashan. Og’s kingdom reached all the way to the border of Geshur and Maakah. He ruled over half of Gilead. His land reached the border of Sihon, the king of Heshbon.
6Moses was the servant of the Lord. Moses and the Israelites won the battle over those two kings. He gave their land to the tribes of Reuben and Gad and half of the tribe of Manasseh. He gave it to them as their share.
7Joshua and the Israelites won the battle over the kings who ruled west of the Jordan River. The lands of those kings reached from Baal Gad in the Valley of Lebanon to Mount Halak, which rises toward Seir. Joshua gave their lands to the tribes of Israel as their very own. He divided them up and gave each tribe its share. 8Those lands included the central hill country, the western hills and the Arabah Valley. They also included the mountain slopes, the Desert of Judah and the Negev Desert. Those lands belonged to the Hittites, Amorites, Canaanites, Perizzites, Hivites and Jebusites.
Here are the kings Israel won the battle over.
The total number of kings was 31.