Job 40 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Job 40:1-24

1Sinabi pa ng Panginoon kay Job, 2“Makikipagtalo ka ba sa akin na Makapangyarihang Dios? Sinasabi mong nagkamali ako. Ngayon, sagutin mo ako.” 3Kaya sinagot ni Job ang Panginoon,

4“Hindi po ako karapat-dapat na sumagot sa inyo. Tatahimik na lang po ako. 5Marami na akong nasabi, kaya hindi na po ako magsasalita.” 6Muling sinabi ng Panginoon kay Job mula sa ipu-ipo,

7“Ihanda mo ang iyong sarili, at sagutin mo ang mga tanong ko.

8“Gusto mo bang patunayan na mali ako para palabasin na ikaw ang tama? 9Ikaw baʼy makapangyarihang tulad ko? Magagawa mo bang parang kulog ang tinig mo na katulad ng sa akin? 10Kung magagawa mo iyan, patunayan mo na ikaw ngaʼy makapangyarihan, marangal at dakila. 11-12Ipakita mo ang matindi mong galit sa taong mayayabang at ibagsak sila. Wasakin mo ang taong masasama sa kanilang kinatatayuan. 13Ilibing mo silang lahat sa lupa, sa lugar ng mga patay. 14Kapag nagawa mo ang mga ito, ako ang pupuri sa iyo at tatanggapin ko na may kakayahan ka ngang iligtas ang iyong sarili.

15“Tingnan mo ang hayop na Behemot,40:15 hayop na Behemot: Maaaring isang elepante o hipopotamus o dambuhalang hayop panlupa. nilalang ko rin siya katulad mo. Kumakain ito ng damo na tulad ng baka, 16pero napakalakas nito, at napakatibay ng katawan. 17Ang buntot niyaʼy tuwid na tuwid na parang kahoy ng sedro, at ang mga hitaʼy matipuno. 18Ang mga buto nitoʼy kasintibay ng tubong tanso o bakal. 19Kahanga-hanga siya sa lahat ng aking nilalang. Pero ako na Manlilikha niya ay hindi niya matatalo. 20Nanginginain siya sa mga kabundukan habang naglalaro ang mga hayop sa gubat malapit sa kanya. 21Nagpapahinga siya sa matitinik na halamang natatabunan ng talahib. 22Ang mga halamang matinik at ang iba pang mga punongkahoy sa tabi ng batis ay nagiging kanlungan niya. 23Hindi siya natatakot kahit na rumaragasa ang tubig sa ilog. Tahimik pa rin siya kahit halos natatabunan na siya ng tubig sa Ilog ng Jordan. 24Sino ang makakahuli sa kanya sa pamamagitan ng pagbulag sa kanya? Sino ang makakabitag sa kanya at makakakawit sa ilong niya?

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

约伯记 40:1-24

1耶和华又对约伯说:

2“强辩者岂可与全能者争论?

与上帝辩驳的人请作出答复。”

3约伯回答耶和华说:

4“我这样卑微,怎能答复你?

我只有用手掩口。

5我说了一次,不能答复;

说了两次,不敢再说。”

6耶和华从旋风中对约伯说:

7“你要像勇士一样束腰备战,

我来提问,你来回答。

8你要推翻我的公义,

归罪于我而自以为义吗?

9你有上帝那样的臂膀吗?

你能像祂那样发出雷鸣吗?

10请展示你的荣耀和光辉,

披上你的尊荣和威严;

11发泄你满腔的怒火,

鉴察骄傲者,贬抑他;

12鉴察骄傲者,制服他,

将恶人原地践踏;

13将他们一起埋进尘土,

藏入幽冥。

14这样,我就承认你的右手能拯救自己。

15“你看河马,

它和你都是我造的,

它像牛一样吃草。

16你看它腰间的气力,

它腹部肌肉的力量。

17它尾巴挺直如香柏树,

大腿的筋紧密相连,

18骨头如铜管,

四肢像铁棍。

19它是上帝创造的杰作,

创造主赐给它利刃40:19 创造主赐给它利刃”或译“只有创造主能持利刃接近它”。

20群山供应它食物,

百兽在那里玩耍。

21它躺在莲叶之下,

藏在泥沼的芦苇间,

22莲叶为它遮荫,

溪畔的柳树环绕它。

23河水泛滥,它不惊惧;

约旦河涨到它口边,它也无忧。

24谁能在它警觉时捕捉它,

或用钩子穿透它的鼻子?