Job 16 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Job 16:1-22

Sumagot si Job

1Sumagot si Job, 2“Napakinggan ko na iyan noon pa. Sa halip na aliwin ninyo ako, lalo nʼyo pang pinabigat ang paghihirap ko. 3Hindi na ba kayo titigil sa pagsasalita ng walang kabuluhan? Ano bang gumugulo sa isipan nʼyo at wala kayong tigil sa pakikipagtalo sa akin? 4Kung kayo ang nasa kalagayan ko, masasabi ko rin ang katulad ng mga sinasabi ninyo sa akin. Pagsasabihan ko kayo at kukutyain pa. 5Pero hindi ko gagawin iyon. Sa halip, magsasalita ako ng mga salitang makapagpapalakas at makapagpapaaliw sa inyo. 6Ngunit sa ngayon, patuloy pa rin ang paghihirap ko kahit ano pa ang sabihin ko. At kung tumahimik man ako, hindi rin ito mawawala.

7O Dios, pinanghina nʼyo ako at winasak ang buong sambahayan ko. 8Pinapayat nʼyo ako; butoʼt balat na lang ako, at ayon sa iba ito ang katunayan na akoʼy nagkasala. 9Sa galit nʼyo, O Dios, sinalakay nʼyo ako. Para kayong mabangis na hayop na lumuray ng aking laman. Nagngangalit ang inyong ngipin at tinititigan nʼyo ako na parang akoʼy inyong kaaway.

10“Kinukutya ako at pinagtatawanan ng mga tao. Sinasampal para hiyain. Nagkaisa sila laban sa akin. 11Ipinaubaya ako ng Dios sa kamay ng taong masasama at makasalanan. 12Maganda ang kalagayan ko noon, pero sinira niya ako. Hinawakan niya ako sa leeg, inilugmok, at ginawa niya akong puntiryahan. 13Pinalibutan ako ng mga tagapana niya at walang awang pinagpapana. Tinamaan ang aking bato, at ang apdo koʼy bumulwak sa lupa. 14Paulit-ulit niya akong sinusugatan. Sinasalakay niya akong parang mandirigma. 15Nagdamit ako ng sako at naupo sa lupa para magluksa. 16Namumula na ang mukha ko at namumugto na ang mga mata sa kakaiyak. 17Wala akong nagawang kasalanan at tapat ang aking panalangin.

18“Ang katulad koʼy isang taong pinatay na nakikiusap sa lupa na huwag tatabunan ang kanyang dugo hanggaʼt hindi niya nakakamtan ang katarungan. 19Kahit ngayon ang saksi16:19 saksi: Maaaring isa sa makalangit na nilalang. koʼy nasa langit. Siya ang magpapatunay na wala akong kasalanan. 20Hinahamak ako ng mga kaibigan ko; pero umiiyak ako sa Dios at humihingi ng tulong sa kanya. 21Ang saksi ko ang siyang magmamakaawa sa Dios para sa akin, katulad ng taong nakikiusap para sa kanyang kaibigan. 22Sapagkat malapit na akong pumanaw at hindi na babalik pa.

New International Reader’s Version

Job 16:1-22

Job’s Reply

1Job replied,

2“I’ve heard many of these things before.

All of you are terrible at comforting me!

3Your speeches go on forever.

Won’t they ever end?

What’s wrong with you?

Why do you keep on arguing?

4If you and I changed places,

I could say the same things you are saying.

I could make fine speeches against you.

I could shake my head at you.

5But what I might say would give you hope.

My words of comfort would help you.

6“If I speak, it doesn’t help me.

And if I keep quiet, my pain doesn’t go away.

7God has worn me out completely.

He has destroyed my whole family.

8People can see the condition he has put me in.

My thin body stands as a witness against me.

9God is angry with me.

He attacks me and tears me up.

He grinds his teeth at me.

He stares at me as if he were my enemy.

10People make fun of me.

They slap my face and laugh at me.

All of them join together against me.

11God has turned me over to sinful people.

He has handed me over to them.

12Everything was going well with me.

But he broke me into pieces like a clay pot.

He grabbed me by the neck and crushed me.

He has taken aim at me.

13He shoots his arrows at me from all sides.

Without pity, he stabs me in the kidneys.

He spills my insides on the ground.

14He smashes through me as if I were a wall.

He rushes at me like a fighting man.

15“I’ve sewed rough clothing over my skin.

All I can do is sit here in the dust.

16My face is red from crying.

I have dark circles under my eyes.

17But I haven’t harmed anyone.

My prayers to God are pure.

18“Earth, please don’t cover up my blood!

May God always hear my cry for help!

19Even now my witness is in heaven.

The one who speaks up for me is there.

20My go-between is my friend

as I pour out my tears to God.

21He makes his appeal to God to help me

as a person pleads for a friend.

22“Only a few years will pass by.

Then I’ll take the path of no return.