Isaias 49 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 49:1-26

Ang mga Gawain ng Lingkod ng Dios

1Makinig kayo sa akin, kayong mga naninirahan sa malalayong lugar:49:1 malalayong lugar: o, mga isla; o, mga lugar na malapit sa dagat. Hindi pa man ako isinilang, tinawag na ako ng Panginoon para maglingkod sa kanya. 2Ginawa niyang kasintalim ng espada ang mga salita ko. Iningatan niya ako sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Ginawa niya akong parang makinang na pana na handa nang itudla. 3Sinabi niya sa akin, “Israel, ikaw ay lingkod ko. Sa pamamagitan mo, pararangalan ako ng mga tao.” 4Pero sinabi ko, “Ang paghihirap koʼy walang kabuluhan; sinayang ko ang lakas ko sa walang kabuluhan.” Pero ipinaubaya ko ito sa Panginoon na aking Dios. Siya ang magbibigay ng gantimpala sa aking mga gawa.

5Ang Panginoon ang pumili sa akin na maging lingkod niya, para pabalikin sa kanya at tipunin ang mga Israelita. Pinarangalan ako ng Panginoon na aking Dios at binigyan ng lakas. 6Sinabi niya, “Ikaw na lingkod ko, marami pang mga gawain ang ipapagawa ko sa iyo, maliban sa pagpapabalik sa mga Israelita na aking kinakalinga. Gagawin pa kitang49:6 Gagawin pa kitang: o, Ginawa kitang. ilaw ng mga bansa para maligtas ang buong mundo.”49:6 buong mundo: sa literal, sa pinakadulo ng mundo.

7Ang Panginoon, ang Tagapagligtas at Banal na Dios ng Israel ay nagsabi sa taong hinahamak at kinasusuklaman ng mga bansa at ng lingkod ng mga pinuno, “Makikita ng mga hari kung sino kang talaga at tatayo sila para magbigay galang sa iyo. Ang mga pinuno ay yuyuko sa iyo. Mangyayari ito dahil sa akin, ang Panginoong tapat, ang Banal na Dios ng Israel. Ako ang pumili sa iyo.”

Muling Itatayo ang Jerusalem

8Ito ang sinabi ng Panginoon, “Sa tamang panahon49:8 Sa tamang panahon: o, Sa oras na ipakita ko ang aking kabutihan. ay tutugunin kita, sa araw ng pagliligtas ay tutulungan kita. Iingatan kita, at sa pamamagitan mo gagawa ako ng kasunduan sa mga tao. Muli mong itatayo ang lupain ng Israel na nawasak, at muli mo itong ibibigay sa aking mga mamamayan. 9Sasabihin mo sa mga Israelitang binihag at piniit sa kadiliman, ‘Lumabas kayo! Malaya na kayo!’

“Matutulad sila sa mga tupang nanginginain sa tabi ng mga daan at mga burol. 10Hindi sila magugutom o mauuhaw. Hindi sila maiinitan ng matinding init ng araw o ng mainit na hangin sa ilang. Sapagkat akong nagmamalasakit sa kanila ay magpapatnubay sa kanila sa mga bukal. 11Gagawin kong daanan ang aking mga bundok na kanilang dadaanan. Ang mga lugar na matataas ay magiging pangunahing daan. 12Darating ang aking mga mamamayan mula sa malayo. Manggagaling ang iba sa hilaga, ang iba namaʼy sa kanluran, at ang ibaʼy galing pa sa Sinim.”49:12 Sinim: Sa ibang tekstong Hebreo, Aswan. Itoʼy isang lugar sa timog ng Egipto.

13Umawit ka sa tuwa, O langit. At magalak ka, O mundo! Umawit kayo, kayong mga bundok. Sapagkat kaaawaan at aaliwin ng Panginoon ang kanyang mga mamamayang nahihirapan. 14Pero sinabi ng mga taga-Jerusalem,49:14 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. “Pinabayaan na kami ng Panginoon; nakalimutan na niya kami.”

15Pero sumagot ang Panginoon, “Makakalimutan ba ng isang ina ang kanyang anak? Hindi ba niya pagmamalasakitan ang isinilang niyang sanggol? Maaaring makalimot ang isang ina, pero ako, hindi makalilimot sa inyo!

16“O Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan. Isinulat ko ang pangalan mo sa aking mga palad. Palagi kong iniisip na maitayong muli ang iyong mga pader. 17Malapit nang dumating ang muling magtatayo sa iyo,49:17 ang muling magtatayo sa iyo: Ito ang nasa ibang mga lumang teksto. Sa Hebreo, ang iyong mga anak (o lahi). at ang mga nagwasak sa iyo ay paaalisin na. 18Tingnan mo ang iyong paligid; nagtitipon na ang iyong mga mamamayan para umuwi sa iyo. At bilang Dios na buhay, sumusumpa akong ipagmamalaki mo sila katulad ng pagmamalaki ng nobyang ikakasal sa mga alahas na kanyang suot-suot. 19Nawasak ka at pinabayaang giba, pero ngayon ay titirhan ka na ng iyong mga mamamayan. Hindi na sila halos magkakasya sa iyo. At ang mga nagwasak sa iyo ay lalayo na. 20Sasabihin ng mga anak ninyong ipinanganak sa panahon ng inyong pagdadalamhati,49:20 sa panahon ng inyong pagdadalamhati: Ang ibig sabihin ay panahon ng pagkawasak ng Jerusalem at pagkabihag ng mga mamamayan nito. ‘Ang lugar na itoʼy napakaliit para sa amin. Kailangan namin ng mas malaking lugar.’ 21At sasabihin mo sa iyong sarili, ‘Sino ang nanganak ng mga ito para sa akin? Namatay ang karamihan ng aking mga mamamayan,49:21 mga mamamayan: sa literal, mga anak. Ganito rin sa talatang 22. at dahil doon akoʼy nagluksa. Ang iba sa kanila ay binihag at dinala sa ibang bansa, at nag-iisa na lamang ako. Kaya saan galing ang mga ito? Sino ang nag-alaga sa kanila?’ ”

22Ito ang sinabi ng Panginoong Dios: “Sesenyasan ko ang mga bansa at ibabalik nila sa iyo ang iyong mga mamamayan na parang mga sanggol na kanilang kinalinga.49:22 Silaʼy parang sanggol na kinakalinga dahil tutulungan sila ng mga taga-Persia sa kanilang pag-uwi. 23Maglilingkod sa iyo ang mga hari at mga reyna. Sila ang mag-aalaga sa iyo. Luluhod sila sa iyo bilang paggalang, at magpapasakop sa iyo.49:23 magpapasakop sa iyo: sa literal, didilaan nila ang alikabok sa mga paa mo. Sa ganoon malalaman mong ako ang Panginoon, at ang mga nagtitiwala sa akin ay hindi mabibigo.”

24Mababawi mo pa ba ang mga sinamsam ng mga sundalong malulupit?49:24 malulupit: Ito ang nasa Dead Sea Scrolls, Syriac, at Latin Vulgate. Sa tekstong Masoretic, matuwid. Maililigtas pa ba ang mga binihag nila?

25Pero ito ang sagot ng Panginoon, “Oo, maililigtas mo pa ang mga binihag ng mga sundalong malulupit at mababawi mo pa ang mga sinamsam nila. Sapagkat lalabanan ko ang mga lumalaban sa iyo at ililigtas ko ang iyong mga mamamayan.49:25 mga mamamayan: sa literal, mga anak. 26Ipapakain ko sa mga umaapi sa iyo ang sarili nilang katawan, at magiging parang mga lasing sila sa sarili nilang dugo. Dahil dito, malalaman ng lahat na ako, ang Panginoon, ang iyong Tagapagligtas at Tagapagpalaya, ay ang Makapangyarihang Dios ni Jacob.”

New International Reader’s Version

Isaiah 49:1-26

The Servant of the Lord

1People who live on the islands, listen to me.

Pay attention, you nations far away.

Before I was born the Lord chose me to serve him.

Before I was born the Lord spoke my name.

2He made my words like a sharp sword.

He hid me in the palm of his hand.

He made me into a sharpened arrow.

He took good care of me and kept me safe.

3He said to me, “You are my true servant Israel.

I will show my glory through you.”

4But I said, “In spite of my hard work,

I feel as if I haven’t accomplished anything.

I’ve used up all my strength.

It seems as if everything I’ve done is worthless.

But the Lord will give me what I should receive.

My God will reward me.”

5The Lord formed me in my mother’s body to be his servant.

He wanted me to bring the family of Jacob back to him.

He wanted me to gather the people of Israel to himself.

The Lord will honor me.

My God will give me strength.

6Here is what the Lord says to me.

“It is not enough for you as my servant

to bring the tribes of Jacob back to their land.

It is not enough for you to bring back

the people of Israel I have kept alive.

I will also make you a light for the Gentiles.

Then you will make it possible for the whole world to be saved.”

7The Lord sets his people free.

He is the Holy One of Israel.

He speaks to his servant, who is looked down on and hated by the nations.

He speaks to the servant of rulers. He says to him,

“Kings will see you and stand up to honor you.

Princes will see you and bow down to show you their respect.

I am the Lord. I am faithful.

I am the Holy One of Israel.

I have chosen you.”

Israel Is Brought Back to Their Land

8The Lord says to his servant,

“When it is time to have mercy on you, I will answer your prayers.

When it is time to save you, I will help you.

I will keep you safe.

You will put into effect my covenant with the people of Israel.

Then their land will be made like new again.

Each tribe will be sent back to its territory that was left empty.

9I want you to say to the prisoners, ‘Come out.’

Tell those who are in their dark cells, ‘You are free!’

“On their way home they will eat beside the roads.

They will find plenty to eat on every bare hill.

10They will not get hungry or thirsty.

The heat from the desert sun will not beat down on them.

The God who has tender love for them will guide them.

Like a shepherd, he will lead them beside springs of water.

11I will make roads across the mountains.

I will build wide roads for my people.

12They will come from far away.

Some of them will come from the north.

Others will come from the west.

Still others will come from Aswan in the south.”

13Shout for joy, you heavens!

Be glad, you earth!

Burst into song, you mountains!

The Lord will comfort his people.

He will show his tender love to those who are suffering.

14But the city of Zion said, “The Lord has deserted me.

The Lord has forgotten me.”

15The Lord answers, “Can a mother forget the baby

who is nursing at her breast?

Can she stop having tender love

for the child who was born to her?

She might forget her child.

But I will not forget you.

16I have written your name on the palms of my hands.

Your walls are never out of my sight.

17Your people will hurry back.

Those who destroyed you so completely will leave you.

18Look up. Look all around you.

All your people are getting together

to come back to you.

You can be sure that I live,”

announces the Lord.

“And you can be just as sure that your people

will be like decorations you will wear.

Like a bride, you will wear them proudly.

19“Zion, you were destroyed. Your land was left empty.

It was turned into a dry and empty desert.

But now you will be too small to hold all your people.

And those who destroyed you will be far away.

20The children born during your time of sorrow

will speak to you. They will say,

‘This city is too small for us.

Give us more space to live in.’

21Then you will say to yourself,

‘Whose children are these?

I lost my children.

And I couldn’t have any more.

My children were taken far away from me.

And no one wanted them.

Who brought these children up?

I was left all alone.

So where have these children come from?’ ”

22The Lord and King continues,

“I will call out to the nations.

I will give a signal to them.

They will bring back your sons in their arms.

They will carry your daughters on their hips.

23Their kings will become like fathers to you.

Their queens will be like mothers who nurse you.

They will bow down to you with their faces toward the ground.

They will kiss the dust at your feet to show you their respect.

Then you will know that I am the Lord.

Those who put their hope in me will not be ashamed.”

24Can goods that were stolen by soldiers be taken away from them?

Can prisoners be set free from the powerful Babylonians?

25“Yes, they can,” the Lord answers.

“Prisoners will be taken away from soldiers.

Stolen goods will be taken back from the powerful Babylonians.

Zion, I will fight against those who fight against you.

And I will save your people.

26I will make those who treat you badly eat the flesh of others.

They will drink blood and get drunk on it as if it were wine.

Then everyone on earth will know

that I am the one who saves you.

I am the Lord. I set you free.

I am the Mighty One of Jacob.”