Hukom 1 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

Hukom 1:1-36

Nabihag ng Lahi ni Juda at ng Lahi ni Simeon si Adoni Bezek

1Pagkamatay ni Josue, nagtanong ang mga Israelita sa Panginoon kung sino sa mga lahi nila ang unang makikipaglaban sa mga Cananeo. 2Sumagot ang Panginoon, “Ang lahi ni Juda, dahil ipinagkatiwala ko sa kanila ang lupaing iyon.” 3Kaya sinabi ng lahi ni Juda sa lahi ni Simeon na kanilang kadugo, “Tulungan nʼyo kaming sakupin ang lugar ng mga Cananeo na para sa amin at tutulungan din namin kayo na sakupin ang lugar na para sa inyo.” Kaya tinulungan sila ng lahi ni Simeon sa labanan. 4-5Nang lumusob ang angkan ni Juda, pinagtagumpay sila ng Panginoon laban sa mga Cananeo at Perezeo. May 10,000 tao ang napatay nila sa Bezek. Habang nakikipaglaban sila sa Bezek, nakalaban nila roon si Adoni Bezek na hari sa lugar na iyon. 6Tumakas si Adoni Bezek, pero hinabol siya ng mga Israelita at nahuli. Pinutol nila ang mga hinlalaki nito sa kamay at paa. 7Sinabi ni Adoni Bezek, “Noon, may 70 hari ang pinutulan ko ng hinlalaki sa kamay at paa at namulot sila ng mumo sa ilalim ng aking mesa. Ngayon, sinisingil na ako ng Dios sa ginawa ko sa kanila.” At dinala nila si Adoni Bezek sa Jerusalem, at doon siya namatay.

8Nilusob ng mga lahi ni Juda ang Jerusalem at sinakop nila ito. Pinatay nila ang mga naninirahan doon at sinunog ang lungsod. 9Pagkatapos, kinalaban nila ang mga Cananeo na nakatira sa mga kabundukan, sa Negev at sa mga kaburulan sa kanluran.1:9 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela. 10Nilusob din nila ang mga Cananeo na nakatira sa Hebron (na noon ay tinatawag na Kiriat Arba), at pinatay nila sina Sheshai, Ahiman at Talmai.

Sinakop ni Otniel ang Lungsod ng Debir

(Josue 15:13-19)

11Mula sa Hebron, nilusob din nila ang mga nakatira sa Debir (na noon ay tinatawag na Kiriat Sefer). 12Sinabi ni Caleb, “Ibibigay ko bilang asawa ang anak kong si Acsa sa lalaking makakaagaw ng Kiriat Sefer.” 13Si Otniel na anak ni Kenaz na nakababatang kapatid ni Caleb ang nakaagaw ng lungsod. Kaya sa kanya ibinigay ni Caleb ang anak niyang si Acsa para maging asawa. 14Nang ikinasal na sila, hinikayat ni Acsa ang asawa niya na humingi sila ng dagdag na lupain sa ama nito. Pagkatapos, pumunta si Acsa kay Caleb, at nang makababa na siya sa kanyang asno, tinanong siya ni Caleb kung ano ang kailangan niya. 15Sumagot si Acsa, “Hihingi po sana ako ng pabor sa inyo, gusto ko po sanang bigyan nʼyo ako ng lupaing may mga bukal, dahil ang lupaing ibinigay nʼyo sa akin sa Negev ay walang bukal.” Kaya ibinigay sa kanya ni Caleb ang lugar na may mga bukal sa itaas at sa ibaba ng Negev.

Ang mga Pananakop ng lahi ni Juda at ng lahi ni Benjamin

16Pag-alis ng lahi ni Juda sa lungsod ng Jerico,1:16 lungsod ng Jerico: sa Hebreo, lungsod ng mga palma. sumama sa kanila ang mga Keneo, na mula sa angkan ng biyenan ni Moises, papunta sa ilang ng Juda. Tumira sila kasama ng mga tao roon, malapit sa bayan ng Arad sa Negev.

17Pagkatapos, ang lahi naman ni Simeon ang tinulungan ng lahi ni Juda na sakupin ang lungsod ng Zefat na tinitirhan din ng mga Cananeo. Winasak nila nang husto1:17 Winasak … husto: Ang kahulugan nito sa Hebreo ay ang mga bagay na ibinigay sa Panginoon bilang handog o winasak ang mga ito. ang lungsod, kaya tinawag itong Horma.1:17 Horma: Ang ibig sabihin, pagkawasak. 18Sinakop din nila ang mga lungsod ng Gaza, Ashkelon at Ekron, pati ang mga teritoryo nito sa paligid.

19Tinulungan ng Panginoon ang mga lahi ng Juda. Sinakop nila ang mga kabundukan, pero hindi nila madaig ang mga tao na nakatira sa mga kapatagan dahil may mga karwahe silang yari sa bakal. 20At tulad ng ipinangako ni Moises, ibinigay kay Caleb ang Hebron. Itinaboy ni Caleb ang tatlong pamilya na nakatira sa lugar na ito, na mula sa angkan ni Anak. 21Hindi itinaboy ng lahi ni Benjamin ang mga Jebuseo na nakatira sa Jerusalem. Kaya hanggang ngayon, naninirahan pa rin ang mga ito kasama ng mga lahi ni Benjamin.

Sinakop ng Dalawang Lahi ni Jose ang Betel

22-23Ngayon, nilusob ng mga lahi ni Jose ang lungsod ng Betel (na noon ay tinatawag na Luz), at tinulungan sila ng Panginoon. Nang nagpadala sila ng mga tao para mag-espiya sa Betel, 24may nakita ang mga espiya na isang tao na papalabas mula sa lungsod na iyon. Sinabi nila sa kanya, “Tulungan mo kami kung paano makapasok sa lungsod at hindi ka namin gagalawin.” 25Tinuruan niya sila, at pinatay nila ang lahat ng nakatira sa lungsod na iyon. Pero hindi nila pinatay ang tao na nagturo sa kanila pati ang buong sambahayan nito. 26Ang taong itoʼy pumunta sa lupain ng mga Heteo, at doon nagtayo ng isang lungsod na tinawag niyang Luz. Ito pa rin ang pangalan nito hanggang ngayon.

Ang mga Tao na Hindi Itinaboy ng mga Israelita sa Kanilang mga Lupain

27Hindi itinaboy1:27 Hindi itinaboy: o, Hindi maitaboy. ng lahi ni Manase ang mga nakatira sa Bet Shan, Taanac, Dor, Ibleam, Megido, at ang mga bayan sa paligid ng mga ito dahil determinado ang mga Cananeo na huwag umalis sa lupaing iyon. 28Nang naging makapangyarihan na ang mga Israelita, pinilit nila ang mga Cananeo na magtrabaho para sa kanila, pero hindi nila itinaboy ang mga ito.

29Hindi rin itinaboy ng lahi ni Efraim ang mga nakatira sa Gezer. Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama nila.

30Hindi rin itinaboy ng lahi ni Zebulun ang mga Cananeo na naninirahan sa mga lungsod ng Kitron at Nahalol. Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama nila. Pero pinilit silang magtrabaho para sa kanila.

31Hindi rin itinaboy ng lahi ni Asher ang mga nakatira sa Aco, Sidon, Aczib, Helba, Afek at Rehob. 32Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo roon kasama ng lahi ni Asher.

33Hindi rin itinaboy ng lahi ni Naftali ang mga nakatira sa Bet Shemesh at Bet Anat. Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama ng lahi ni Naftali. Pero pinilit silang magtrabaho para sa kanila.

34Hindi naman pinahintulutan ng mga Amoreo na tumira sa kapatagan ang mga lahi ni Dan, kaya nanatili na lamang sila sa kabundukan. 35Determinado ang mga Amoreo na huwag umalis sa Bundok ng Heres, Ayalon at Saalbim. Pero nang lumakas ang kapangyarihan ng mga angkan ni Jose, pinilit nila ang mga Amoreo na magtrabaho para sa kanila. 36Ang hangganan ng lupain ng mga Amoreo ay mula sa Daang Paakyat ng Akrabim at paakyat pa mula sa Sela.

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

Судьи 1:1-36

Исраил ведёт войну с оставшимися хананеями

(Иеш. 15:15-19)

1После смерти Иешуа исраильтяне спросили Вечного1:1 Вечный – на языке оригинала: «Яхве». Под этим именем Всевышний открылся Мусе и народу Исраила (см. Исх. 3:13-15). См. пояснительный словарь.:

– Кому из нас первым идти воевать с хананеями?

2Вечный ответил:

– Первым пусть идёт Иуда. Я отдаю землю в его руки.

3Тогда воины Иуды сказали своим братьям шимонитам:

– Идите с нами в землю, которая нам досталась, воевать с хананеями. А потом мы, в свой черёд, пойдём с вами в вашу землю.

И шимониты пошли с ними. 4Когда Иуда со своими людьми вышел на бой, Вечный отдал хананеев и перизеев в их руки, и они сразили в Везеке десять тысяч человек. 5Там они и нашли царя Адони-Везека, сразились с ним и разбили хананеев и перизеев. 6Адони-Везек бежал, но они погнались за ним, схватили его и отрубили ему большие пальцы на руках и на ногах.

7Адони-Везек сказал:

– Семьдесят царей с отрубленными большими пальцами на руках и на ногах собирали крохи под моим столом. Теперь Аллах воздал мне за то, что я сделал.

Его отвели в Иерусалим, где он и умер.

8Воины Иуды напали на Иерусалим и взяли город. Они предали город мечу и огню. 9После этого воины Иуды отправились на битву с хананеями, которые жили в нагорьях, в Негеве и в западных предгорьях. 10Они выступили против хананеев Хеврона (прежде он назывался Кириат-Арба) и разбили Шешая, Ахимана и Талмая1:10 Это были потомки Анака (см. ст. 20), род которого был известен своим высоким ростом и наводил страх на исраильтян (см. Чис. 13:22; Иеш. 15:14).. 11Оттуда они пошли на жителей Девира (который прежде назывался Кириат-Сефер).

12Халев сказал:

– Я отдам свою дочь Ахсу в жёны тому, кто нападёт на Кириат-Сефер и возьмёт его.

13Отниил, сын Кеназа, младшего брата Халева, взял город, и Халев отдал ему в жёны свою дочь Ахсу.

14Однажды, по дороге к отцу, она получила разрешение Отниила попросить у её отца поле. Когда она слезла со своего осла, Халев спросил её:

– Чего ты хочешь?

15Она ответила:

– Окажи мне особую милость. Ты дал мне землю в Негеве – так дай мне и источники воды.

И Халев дал ей верхние и нижние источники.

16Потомки тестя Мусы, кенея, пошли с народом Иуды из города Иерихона1:16 Букв.: «из города Пальм», также в 3:13. в Иудейскую пустыню, что в Негеве, рядом с городом Арадом, и поселились среди народа.

17Воины Иуды пошли со своими братьями шимонитами, напали на хананеев, которые жили в Цефате, и полностью уничтожили город. Поэтому он получил название Хорма («уничтожение»). 18Ещё воины Иуды взяли города Газу, Ашкелон и Экрон с их окрестностями. 19Вечный был с воинами Иуды. Они овладели нагорьями, но не смогли прогнать жителей равнин, потому что у тех были железные колесницы. 20Как и обещал Муса, Хеврон был отдан Халеву, который прогнал оттуда троих анакитов.

21Вениамитяне не смогли выселить иевусеев, которые жили в Иерусалиме. Иевусеи живут там с вениамитянами до сегодняшнего дня.

22Потомки Юсуфа напали на Вефиль, и Вечный был с ними. 23Когда они послали лазутчиков разведать Вефиль (прежде он назывался Луз), 24лазутчики увидели мужчину, выходящего из города, и сказали ему:

– Покажи нам, как попасть в город, и мы не причиним тебе вреда.

25Он показал им, и они предали город мечу, но пощадили того человека и всю его семью. 26Этот человек пошёл в землю хеттов, где построил город, который назвал Луз. Так он называется и до сегодняшнего дня.

27Но Манасса не прогнал жителей Бет-Шеана, Таанаха, Дора, Ивлеама и Мегиддо, а также их окрестных поселений; и хананеи продолжали жить на этой земле. 28Когда Исраил окреп, они сделали хананеев подневольными, но не изгнали их полностью. 29И Ефраим не прогнал хананеев, которые жили в Гезере, и хананеи продолжали жить там среди них. 30И Завулон не прогнал хананеев, живших в Китроне и в Нахалоле, которые остались среди них, но сделались подневольными. 31И Ашир не изгнал жителей Акко, Сидона, Ахлава, Ахзива, Хелбы, Афека и Рехова, 32и поэтому народ Ашира жил среди хананеев, обитателей той земли. 33И Неффалим не прогнал жителей Бет-Шемеша и Бет-Аната: неффалимиты жили среди хананеев, обитателей той земли, а жителей Бет-Шемеша и Бет-Аната сделали подневольными. 34Данитянам аморреи отрезали путь с нагорий на равнину. 35Аморреи продолжали жить на горе Херес, в Аялоне и в Шаалбиме, но когда сила потомков Юсуфа возросла, они тоже стали подневольными. 36Граница аморреев шла от Скорпионовой возвышенности1:36 Или: «возвышенности Акраббим»., от Селы и далее.