Ang Pagsamba Rito sa Lupa at Doon sa Langit
1May mga tuntunin ang unang kasunduan tungkol sa pagsamba at may sambahang gawa ng tao. 2Itong Toldang Sambahan na ginawa nila ay may dalawang silid. Ang unang silid ay ang Banal na Lugar, kung saan naroon ang ilawan, ang mesa, at ang tinapay na handog sa Dios. 3Ang ikalawang silid ay ang Pinakabanal na Lugar. 4Naroon ang gintong altar na pinagsusunugan ng insenso at ang Kahon ng Kasunduan na nababalutan ng ginto. Nasa loob ng Kahon ang lalagyang ginto na may lamang “manna”, ang tungkod ni Aaron na nagkasibol, at ang malapad na mga bato kung saan nakaukit ang mga utos ng Dios. 5Sa ibabaw ng Kahon ay may mga kerubin na nagpapahiwatig ng presensya ng Dios, at nilililiman ng mga pakpak nito ang lugar na iyon kung saan pinapatawad ng Dios ang mga kasalanan ng tao. Ngunit hindi namin ito maipapaliwanag nang detalyado sa ngayon.
6Ganoon ang pagkakaayos sa loob ng Toldang Sambahan. At araw-araw pumapasok ang mga pari sa unang silid ng Tolda para gampanan ang tungkulin nila. 7Ngunit ang punong pari lang ang nakakapasok sa Pinakabanal na Lugar at minsan lang sa isang taon. At sa tuwing papasok siya rito, naghahandog siya ng dugo para sa sarili niyang mga kasalanan at sa mga kasalanang nagawa ng mga tao nang hindi nila nalalaman. 8Sa ginagawa nilang ito, ipinapakita ng Banal na Espiritu na hindi makakapasok sa Pinakabanal na Lugar ang karaniwang tao hanggaʼt naroon pa ang dating Toldang Sambahan. 9Ang Toldang iyon ay larawan lang ng kasalukuyang panahon. Sapagkat ang mga handog at kaloob na iniaalay doon ng mga tao ay hindi nakapaglilinis ng kanilang konsensya. 10Ang mga ginagawa nilang itoʼy nauukol lang sa mga pagkain at inumin at mga seremonya ng paglilinis. Mga tuntuning panlabas lamang ito na ipinapatupad hanggang sa dumating ang bagong pamamaraan ng Dios.
11Ngunit dumating na si Cristo na punong pari ng bagong pamamaraan na higit na mabuti kaysa sa dati. Pumasok siya sa mas dakila at mas ganap na Tolda na hindi gawa ng tao, at wala sa mundong ito. 12Minsan lang pumasok si Cristo sa Pinakabanal na Lugar. At hindi dugo ng kambing o ng guya9:12 guya: sa Ingles, “calf.” ang dala niya kundi ang sarili niyang dugo. At sa pamamagitan ng kanyang dugo, tinubos niya tayo sa mga kasalanan natin magpakailanman. 13Ayon sa Kautusan, kung itinuturing na marumi ang isang tao, kailangan siyang wisikan ng dugo ng kambing at toro, at ng abo ng guya para maging malinis. 14Kung nakakalinis ang mga ito, di lalo na ang dugo ni Cristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Banal na Espiritu, inialay ni Cristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Dios. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan para matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Dios na buhay.
15Kaya si Cristo ang ginawang tagapamagitan sa atin at sa Dios sa bagong kasunduan. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, tinubos niya ang mga taong lumabag sa unang kasunduan. Dahil dito, matatanggap ng mga tinawag ng Dios ang walang hanggang pagpapala na ipinangako niya. 16Maihahalintulad ito sa isang huling testamento na kailangang mapatunayan na namatay na ang gumawa nito, 17dahil wala itong bisa habang nabubuhay pa siya. Nagkakabisa lang ang isang testamento kapag namatay na ang gumawa nito. 18Kaya maging ang unang kasunduan ay kinailangang pagtibayin sa pamamagitan ng dugo. 19Sapagkat nang ipahayag ni Moises ang Kautusan sa mga tao, kumuha siya ng dugo ng mga guyaʼt kambing, at hinaluan ng tubig. Isinawsaw niya rito ang balahibo ng tupa na kinulayan ng pula na nakatali sa sanga ng isopo. Pagkatapos, winisikan niya ang aklat ng Kautusan at ang mga tao. 20At sinabi niya: “Ito ang dugong nagpapatibay sa kasunduang ibinigay at ipinatutupad sa inyo ng Dios.”9:20 Exo. 24:8. 21Winisikan din niya ng dugo ang Toldang Sambahan at ang lahat ng bagay doon na ginagamit sa pagsamba. 22Ayon sa Kautusan, nililinis sa pamamagitan ng dugo ang halos lahat ng bagay na ginagamit sa pagsamba. At kung walang pagbubuhos ng dugo bilang handog sa Dios, wala ring kapatawaran ng mga kasalanan.
23Kaya kailangang linisin sa pamamagitan ng ganitong paraan ng paghahandog ang mga bagay sa sambahang ito na larawan lang ng mga bagay na nasa langit. Pero nangangailangan ng mas mabuting handog ang mga bagay na nasa langit. 24Sapagkat hindi pumasok si Cristo sa isang banal na lugar na gawa ng tao at larawan lang ng mga bagay na nasa langit, kundi sa langit mismo. Siya ngayon ay namamagitan para sa atin sa harap ng Dios. 25Ang punong pari ng mga Judio ay pumapasok sa Pinakabanal na Lugar bawat taon, na may dalang dugo ng hayop. Ngunit si Cristo ay minsan lamang naghandog ng kanyang sarili, at hindi na niya ito inulit-ulit pa. 26Dahil kung kailangang ulit-ulitin, maraming beses sanang nagdusa si Cristo mula pa nang likhain ang mundo. Pero minsan lamang siya naparito sa mundo para alisin ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang sarili. Ginawa niya ito nitong mga huling araw. 27Itinakda sa mga tao ang mamatay nang minsan at pagkatapos nitoʼy ang paghuhukom ng Dios. 28Ganoon din naman, minsan lang namatay si Cristo nang inihandog niya ang kanyang sarili para alisin ang kasalanan ng mga tao. At muli siyang babalik dito sa mundo, hindi na para akuing muli ang kasalanan ng mga tao, kundi para iligtas ang mga taong naghihintay sa kanya.
پرستشگاه پيمان اول
1به هر حال، آن پيمان اول كه خدا با قوم خود بست، با مقرراتی برای عبادت و محلی برای پرستش همراه بود. اين محل پرستش، خيمهای بود ساخته دست انسان. 2اين خيمه از دو قسمت تشكيل میشد. در قسمت اول كه «جايگاه مقدس» نام داشت، شمعدان طلايی، ميز و نان مقدس قرار میگرفت. 3قسمت دوم، «مقدسترین جايگاه» ناميده میشد و پردهای آن را از قسمت اول جدا میكرد. 4در اين جايگاه، يک آتشدان طلايی و «صندوق عهد» قرار داشت. روكش داخلی و بيرونی اين صندوق از طلای خالص بود. داخل صندوق، دو لوح سنگی قرار داشت كه بر روی آنها «ده فرمان» خدا حک شده بود. يک ظرف طلايی پر از «مَنّ» نيز در آن صندوق بود. «مَنّ» همان نانی است كه خدا در بيابان هر روز به بنیاسرائيل میداد. همچنين، عصای هارون نيز كه روزگاری شكوفه آورده بود، در اين صندوق گذاشته شده بود. 5سرپوش صندوق عهد، «تخت رحمت» ناميده میشد. بالای تخت رحمت، مجسمهٔ دو فرشته قرار داشت كه بالهايشان را بر فراز تخت گسترده بودند. اين دو فرشته كه «كروبی» نام داشتند، نماينده جلال خدا بودند. تمام اينها، معانی خاصی دارند كه الان فرصت نيست به شرح آنها بپردازم.
6به هر حال، اين وسايل به اين ترتيب قرار میگيرند و كاهنان نيز برای انجام وظايف خود، هر روز وارد قسمت اول پرستشگاه میشوند. 7اما به قسمت دوم، فقط كاهن اعظم میتواند وارد شود، آن هم فقط سالی يک بار! او همراه خود مقداری خون قربانی به داخل میبرد و بر تخت رحمت میپاشد، تا گناهان خود و گناهان قوم اسرائيل را كفاره كند.
8اما روحالقدس از طريق تمام اين ترتيبات، اين نكته را به ما خاطرنشان میسازد كه مطابق شريعت و روش قديم، تا زمانی كه قسمت اول پرستشگاه برپاست، مردم عادی هيچگاه نخواهند توانست وارد مقدسترین جايگاه گردند. 9امروز، از اين موضوع میتوانيم درس مهمی فرا بگيريم. طبق شريعت و روش قديم، مردم هدايا و قربانیها تقديم میكنند، اما هيچيک از اينها قادر نيست دل عبادتكننده را از آلودگیها پاک سازد؛ 10زيرا اين شريعت فقط با تشريفات ظاهری سروكار دارد و به مسايلی نظير خوردن و نوشيدن و غسل و طهارت و نظاير آن میپردازد. مردم نيز موظف بودهاند به اين دستورات عمل نمايند و با آنها سر كنند تا زمانی كه مسيح ظهور نمايد و از جانب خدا راه و روش جديد و بهتری بياورد.
خون مسيح و پيمان جديد
11سرانجام، مسيح در مقام كاهن اعظم و عطا كنندهٔ بركاتی كه نصيب ما شده است، ظاهر شد. او وارد خيمهٔ عاليتر و كاملتر آسمان گرديد، خيمهای كه نه ساخته دست انسان است و نه جزو عالم مخلوق. 12او يكبار برای هميشه به مقدسترین جايگاه وارد شد و خون قربانی را بر تخت رحمت پاشيد، اما نه خون بز يا گوساله، بلكه خون خود را، كه با آن نجات ابدی ما را فراهم ساخت.
13اگر مطابق شريعت و روش قديم، خون گاو و بز و خاكستر گوساله میتوانست بدن انسان را ظاهراً از آلودگی گناه پاک سازد، 14چقدر بيشتر خون مسيح، زندگی و قلب ما را دگرگون خواهد ساخت. قربانی مسيح ما را از شريعت و احكام بیروح سابق رهايی میدهد و در ما اين ميل را ايجاد میكند كه با اشتياق قلبی خدا را خدمت كنيم. زيرا مسيح نيز كه كامل و بدون گناه بود، به كمک روح پاک و ابدی خدا، خود را با كمال ميل به خدا تقديم كرد تا در راه گناهان ما فدا شود.
15به اين ترتيب، مسيح با اين پيمان جديد آمد تا تمام كسانی كه از جانب خدا دعوت شدهاند، بتوانند به سوی او آمده، بركات ابدی موعود را بيابند؛ زيرا مسيح در راه گناهان ايشان فدا شد تا ايشان را از مجازات گناهانی كه در چارچوب شريعت قديم مرتكب شدهاند، آزاد سازد.
16زمانی كه وصيتی از كسی باقی میماند، پيش از آنكه ارث تقسيم شود، بايد ابتدا فوت وصيتكننده ثابت گردد. 17به عبارت ديگر، وصيتنامه فقط بعد از مرگ وصيتكننده اعتبار میيابد، و تا زمانی كه او زنده است، هيچيک از وارثين نمیتواند سهم خود را دريافت كند.
18به همين دليل، حتی پيش از آنكه پيمان قديم به مرحله اجرا درآيد، به نشان جانبازی مسيح، خون پاشيده شد. 19به اين ترتيب كه موسی ابتدا تمام احكام خدا را به قوم اسرائيل اعلام كرد؛ سپس خون گوسالهها و بزها را گرفت و با آب و گياه زوفا و پشم قرمز، بر كتاب تورات و بر سر مردم پاشيد، 20و گفت: «اين خون، نشان آن عهد و پيمانی است كه خدا عطا كرده و میخواهد از آن اطاعت نماييد.» 21سپس به همان صورت، بر خيمهٔ مقدس و تمام وسايلی كه در مراسم عبادت به کار میرفت، خون پاشيد. 22در واقع میتوان گفت كه مطابق پيمان اول، تقريبا همه چيز بوسيلهٔ خون پاک میگردد و بدون ريختن خون، هيچ گناهی بخشيده نمیشود.
23به همين دليل، خيمهٔ مقدس زمينی و متعلقات آن، كه نمونه و سايهای از چيزهای آسمانی بود، میبايست همه با خون حيوانات پاک گردند. 24زيرا مسيح به خود آسمان داخل شد تا از جانب ما در پيشگاه خدا حاضر باشد. بلی، او وارد پرستشگاه زمينی نشد، چون اين فقط نمونهای از آن پرستشگاه آسمانی است. 25در ضمن، او خود را بارها قربانی نكرد، برخلاف آنچه كه كاهن اعظم بر روی زمين انجام میدهد؛ زيرا كاهن اعظم هر سال خون حيوانات قربانی را در مقدسترین جايگاه تقديم میكند. 26اگر چنين چيزی لازم میبود، مسيح مجبور میشد از ابتدای عالم تا حال دائماً جان خود را فدا كند. اما چنين نيست. مسيح يک بار و برای هميشه در اواخر عالم آمد تا جان خود را در راه ما فدا كند و تا ابد قدرت گناه را ريشهكن سازد. 27و درست همانگونه كه به حكم خداوند، انسان يک بار میميرد و بعد از آن نوبت داوری میرسد، 28مسيح نيز فقط يک بار جان خود را فدا كرد تا به عنوان قربانی، گناهان بسياری را پاک كند. اما بار ديگر خواهد آمد تا آنانی را كه با صبر و اشتياق چشم به راه او هستند، نجات بخشد.