Hebreo 2 – TCB & NVI

Tagalog Contemporary Bible

Hebreo 2:1-18

Babala sa mga Lumilihis ng Landas

1Kaya dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin para hindi tayo maligaw. 2Isipin ninyo: Ang Kautusang ibinigay ng Dios sa pamamagitan ng mga anghel ay napatunayang totoo, at tumanggap ng kaukulang parusa ang bawat taong lumabag o sumuway dito. 3Kaya hindi tayo makakaligtas kung babalewalain natin ang dakilang kaligtasang ito. Ang Panginoon mismo ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig sa kanya. 4Pinatunayan din ito ng Dios sa pamamagitan ng mga himala at mga kamangha-manghang gawa, at ibaʼt ibang kakayahang kaloob ng Banal na Espiritu na ipinamahagi niya ayon sa kanyang kalooban.

Dumating ang Kaligtasan sa Pamamagitan ni Cristo

5Ngayon, tungkol sa mundong darating na sinasabi namin, hindi ito ipinamahala ng Dios sa mga anghel. 6Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan:

O Dios, ano ba ang tao upang inyong alalahanin?

Sino nga ba siya upang inyong kalingain?

7Sa maikling panahon ginawa ninyong mas mababa ang kalagayan niya kaysa sa mga anghel.

Ngunit pinarangalan nʼyo siya bilang hari, 8at ipinasakop nʼyo sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay.”2:8 Salmo 8:4-6.

Ang sinasabi ng Kasulatan na ipinasakop ang lahat ng bagay sa tao ay nangangahulugang darating ang araw na walang anumang bagay na hindi maipapasakop sa tao. Pero ngayon, hindi pa natin nakikita na sakop ng tao ang lahat ng bagay. 9Ngunit kung tungkol kay Jesus, alam natin na sa maikling panahon naging mas mababa ang kalagayan niya kaysa sa mga anghel, para maranasan niyang mamatay para sa lahat sa pamamagitan ng biyaya ng Dios. At ngayon, binigyan siya ng karangalan at kadakilaan dahil tiniis niya ang kamatayan. 10Ginawa ng Dios ang lahat ng bagay, at ginawa niya ito para sa sarili niya. Kaya marapat lang na pumayag siyang maghirap si Jesus, para lubos na magampanan ni Jesus ang nararapat bilang pinagmumulan ng kaligtasan. Sa ganoon, maraming mga tao ang magiging kanyang mga anak na kanyang mapaparangalan. 11Si Jesus ang naglilinis ng ating mga kasalanan. At ang kanyang Ama ay siya rin nating Ama. Kaya hindi niya ikinakahiya na ituring tayong mga kapatid niya. 12Ito ang sinabi niya sa kanyang Ama:

“Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang mga ginawa mo, at aawit ako ng papuri sa iyo sa piling ng mga sumasamba sa iyo.”2:12 Salmo 22:22.

13Sinabi rin niya,

“Magtitiwala ako sa Dios.”2:13 Isa. 8:17.

At idinagdag pa niya,

“Narito ako, kasama ang mga anak ng Dios na kanyang ibinigay sa akin.”2:13 Isa. 8:18.

14At yamang ang mga anak ng Dios na binanggit niya ay mga taong may laman at dugo, naging tao rin si Jesus upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay malupig niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. 15Sa ganitong paraan, pinalaya niya sila na naging alipin ng takot sa kamatayan sa buong buhay nila. 16Kaya malinaw na hindi ang mga anghel ang tinutulungan ni Jesus kundi ang lahi ni Abraham. 17Ito ang dahilan kung bakit kinailangang magkatawang-tao ni Jesus, upang maging katulad siya ng mga kapatid niya sa lahat ng bagay. Sa ganoon, siya ay magiging punong pari nila na maawain at tapat, na makapaghahandog sa Dios para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng tao. 18At dahil siya mismo ay nakaranas ng paghihirap nang tinukso siya, matutulungan niya ang mga dumaranas ng tukso.

Nueva Versión Internacional

Hebreos 2:1-18

Advertencia a prestar atención

1Por eso es necesario que prestemos más atención a lo que hemos oído, no sea que perdamos el rumbo. 2Porque, si el mensaje anunciado por los ángeles tuvo validez y toda transgresión y desobediencia recibió su justo castigo, 3¿cómo escaparemos nosotros si descuidamos una salvación tan grande? Esta salvación fue anunciada primeramente por el Señor y los que la oyeron nos la confirmaron. 4A la vez, Dios ratificó su testimonio acerca de ella con señales, prodigios, diversos milagros y dones distribuidos por el Espíritu Santo según su voluntad.

Jesús, hecho igual a sus hermanos

5Dios no puso bajo el dominio de los ángeles el mundo venidero del que estamos hablando. 6Como alguien ha atestiguado en algún lugar:

«¿Qué es el hombre para que en él pienses?

¿Qué es el hijo del hombre para que lo tomes en cuenta?

7Lo hiciste poco2:7 poco. Alt. por un poco de tiempo; también en v. 9. menor que los ángeles

y lo coronaste de gloria y de honra;

8todo lo pusiste bajo sus pies».2:8 Sal 8:4-6.

Si Dios puso bajo él todas las cosas, entonces no hay nada que no esté bajo su dominio. Ahora bien, es cierto que todavía no vemos que todo esté sometido a él. 9Sin embargo, vemos a Jesús, quien fue hecho un poco menor a los ángeles, coronado de gloria y honra por haber padecido la muerte. Así, por la gracia de Dios, la muerte que él sufrió resulta en beneficio de todos.

10En efecto, a fin de llevar a muchos hijos a la gloria, convenía que Dios, para quien y por medio de quien todo existe, perfeccionara mediante el sufrimiento al autor de la salvación de ellos. 11Tanto el que santifica como los que son santificados tienen un mismo origen, por lo cual Jesús no se avergüenza de llamarlos hermanos, 12cuando dice:

«Proclamaré tu nombre a mis hermanos;

en medio de la congregación te alabaré».2:12 Sal 22:22.

13En otra parte dice:

«Yo confiaré en él».2:13 Is 8:17.

Y añade:

«Aquí me tienen, con los hijos que Dios me ha dado».2:13 Is 8:18.

14Por tanto, ya que ellos son de carne y hueso,2:14 carne y hueso. Lit. sangre y carne. él también compartió esa naturaleza humana para anular, mediante la muerte, al que tiene el dominio de la muerte —es decir, al diablo—, 15y librar a todos los que por temor a la muerte estaban sometidos a esclavitud durante toda la vida. 16Pues, ciertamente, no vino en auxilio de los ángeles, sino de los descendientes de Abraham. 17Por eso era preciso que en todo se pareciera a sus hermanos, para ser un sumo sacerdote fiel y compasivo al servicio de Dios, a fin de obtener el perdón de los pecados del pueblo. 18Por haber sufrido él mismo la tentación, puede socorrer a los que son tentados.