Hageo 2 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

Hageo 2:1-23

Ang Kagandahan ng Bagong Templo

1-2Noong ika-21 ng sumunod na buwan,2:1-2 sumunod na buwan: sa literal, ikapitong buwan. sinugo ng Panginoon si Propeta Hageo para sabihin kina Zerubabel, Josue, at sa iba pang mga Israelitang nakabalik sa Israel: 3“Sino sa inyo ang nakakita ng kagandahan noon ng templong ito? Ano ngayon ang tingin ninyo rito kung ihahambing sa dati? Maaaring sabihin ninyo na balewala lang ito. 4Pero magpakatatag kayo! Ipagpatuloy ninyo ang paggawa ng templo dahil kasama ninyo ako, ang Makapangyarihang Panginoon. 5Ganito rin ang ipinangako ko sa inyong mga ninuno nang inilabas ko sila2:5 sila: sa Hebreo, kayo. sa Egipto. At ngayon, ang aking Espiritu ay mananatiling kasama ninyo, kaya huwag kayong matakot.

6Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi na hindi magtatagal ay minsan ko pang yayanigin ang langit at ang mundo, ang lupa at ang dagat. 7Yayanigin ko ang lahat ng bansa at dadalhin nila rito sa templo ang kanilang mga kayamanan. Kaya mapupuno ang templong ito ng mga mamahaling bagay. 8Sapagkat ang mga ginto at mga pilak ay akin. 9Magiging mas maganda ang bagong templo kaysa sa dati. At bibigyan ko ang lugar na ito2:9 ang lugar na ito: Ang templo o ang Jerusalem. ng kapayapaan at mabuting kalagayan sa buhay. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Ang Pangako ng Dios na Pagpapala

10Nang ika-24 ng ikasiyam na buwan, noong ikalawang taon ng paghahari ni Darius, sinabi ng Panginoon kay Hageo, 11“Tanungin mo ang mga pari kung ano ang sinasabi ng kautusan tungkol sa bagay na ito: 12Halimbawa, may isang tao na may dalang sagradong karne2:12 sagradong karne: Ang ibig sabihin, karneng handog sa Dios. sa kanyang damit, at nasagi ito sa tinapay, sabaw, inumin, langis, o anumang pagkain, maaapektuhan ba ang mga ito ng pagkasagrado ng karne?” Sumagot ang mga pari, “Hindi.” 13Kaya nagtanong pa si Hageo, “Kung halimbawa, ang mga pagkaing nabanggit ay nasagi ng taong itinuturing na marumi dahil nakahipo siya ng patay, magiging marumi rin ba ang mga pagkaing iyon?” Sumagot ang mga pari “Oo.” 14Sinabi ni Hageo, “Ganyan din noon ang mga mamamayan ng Israel, sabi ng Panginoon. Noon anuman ang kanilang mga ginawa at mga inihandog ay marumi sa paningin ng Panginoon. 15Mula ngayon, isipin ninyong mabuti ang mga nangyari sa inyo bago ninyo umpisahan ang pagtatayo ng templo ng Panginoon. 16Sapagkat noon, kapag pumunta kayo sa mga bunton ng inyong mga trigo na umaasang makakaipon ng mga 20 takal, ang nakukuha ninyo ay sampu lang. At kapag pumunta kayo sa pisaan ng inyong ubas na umaasang makakakuha ng 50 galon, ang nakukuha ninyo ay 20 galon lang. 17Sinira ng Panginoon ang inyong mga pananim sa pamamagitan ng mainit na hangin, peste, at pagpapaulan ng yelo na parang mga bato, pero hindi pa rin kayo nagbalik-loob sa kanya. 18Ika-24 na araw ngayon ng ikasiyam na buwan, at ngayong araw na ito natapos ang pundasyon ng templo. Tingnan ninyo kung ano ang mangyayari mula sa araw na ito. 19Kahit wala nang natirang trigo, at wala nang bunga ang mga ubas at ang mga kahoy ng igos, pomegranata, at olibo, pagpapalain naman kayo ng Panginoon simula sa araw na ito.”

Ang Pangako ng Dios kay Zerubabel

20Nang araw ding iyon,2:20 Nang araw ding iyon: sa literal, Nang ika-24 na araw ng buwan na iyon. muling nagsalita ang Panginoon kay Hageo. 21Sinabi niya, “Sabihin mo kay Zerubabel na yayanigin ko ang langit at ang mundo. 22Ibabagsak ko ang mga kaharian at wawakasan ang kapangyarihan nila. Ibubuwal ko ang kanilang mga karwahe at ang mga sakay nito. Mamamatay ang mga kabayo at magpapatayan ang mga mangangabayo. 23At sabihin mo rin kay Zerubabel na aking lingkod na sa araw na iyon ay pamamahalain ko siya sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, dahil siya ay hinirang ko. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

Аггей 2:1-23

Будущее величие нового храма

1В двадцать первый день седьмого месяца (17 октября 520 г. до н. э.) было слово Вечного через пророка Аггея:

2– Говори с наместником Иудеи Зоровавелем, сыном Шеалтиила, главным священнослужителем Иешуа, сыном Иехоцадака, и остальным народом. Спроси их: 3«Кто из вас ещё помнит этот дом в его прежней славе? Каким вы видите его сейчас? Разве он не кажется вам ничтожным?» 4Но сейчас ободрись, Зоровавель, – возвещает Вечный. – Ободрись, Иешуа, сын Иехоцадака, главный священнослужитель. Ободрись, и весь народ страны, – возвещает Вечный, – и трудитесь, потому что Я с вами, – возвещает Вечный, Повелитель Сил, – 5по соглашению, которое Я заключил с вами, когда вы вышли из Египта. Мой Дух пребывает с вами. Не бойтесь!

6Так говорит Вечный, Повелитель Сил:

– Вскоре Я снова сотрясу небо и землю, море и сушу. 7Я сотрясу все народы, и их сокровища придут сюда, и Я наполню этот дом славой, – говорит Вечный, Повелитель Сил. – 8Серебро и золото – Мои, – возвещает Вечный, Повелитель Сил. – 9Слава этого дома превзойдёт славу прежнего, – говорит Вечный, Повелитель Сил, – и здесь Я дарую благоденствие, – возвещает Вечный, Повелитель Сил.

Обличение народа

10В двадцать четвёртый день девятого месяца, во второй год правления царя Дария (18 декабря 520 г. до н. э.), было слово Вечного к пророку Аггею:

11– Так говорит Вечный, Повелитель Сил: Спроси священнослужителей, что говорит Закон: 12если кто-то несёт посвящённое Аллаху мясо в поле одежды и прикоснётся ею к лепёшке, похлёбке, вину, маслу или другой еде, станет ли эта еда тоже посвящённой Аллаху?

Священнослужители ответили:

– Нет.

13Тогда Аггей сказал:

– А если тот, кто осквернился, прикоснувшись к покойнику, коснётся одной из этих вещей, тогда эта вещь осквернится?

– Да, – ответили священнослужители, – тогда осквернится.

14И Аггей сказал:

– Так и с этим народом, с этим родом, что предо Мной, – возвещает Вечный. – Всё, что они делают, и всё, что они приносят там, нечисто.

Обещание благословения

15– Вспомните недавнее прошлое, до того, как камень был положен на камень в храме Вечного. 16Когда вы приходили к копне, в которой было двадцать мер, в ней оказывалось лишь десять. Когда вы приходили к давильне, чтобы начерпать пятьдесят мер, в ней оказывалось всего двадцать. 17Я поражал все труды ваших рук знойным ветром, плесенью и градом, но вы не обращались ко Мне, – возвещает Вечный. – 18Вспомните недавнее прошлое, начиная с сегодняшнего дня, двадцать четвёртого дня девятого месяца (18 декабря), когда были заложены основания храма Вечного. 19Остались ли ещё семена в закромах? Ни виноградная лоза, ни инжир, ни гранат, ни маслина до сих пор не принесли плода. Но с этого дня Я благословлю вас.

Зоровавель – избранник Аллаха

20В двадцать четвёртый день месяца (18 декабря) во второй раз к пророку Аггею было слово Вечного:

21– Скажи Зоровавелю, наместнику Иудеи, что Я сотрясу небо и землю. 22Я низвергну царские престолы и сломлю силу чужеземных царств. Я опрокину колесницы и колесничих; падут кони, и их наездники погибнут от мечей друг друга. 23В тот день, – возвещает Вечный, Повелитель Сил, – Я возьму тебя, Мой раб Зоровавель, сын Шеалтиила, – возвещает Вечный, – и уподоблю перстню с печатью2:23 Печать была знаком власти, а также удостоверяла личность её владельца и его право на собственность. Здесь Аллах в лице Зоровавеля обращает в благословение то проклятие, которое Он произнёс над его дедом, царём Иехонией (см. Иер. 22:24). Зоровавель таким образом становится прообразом аль-Масиха и залогом Его пришествия., потому что Я избрал тебя, – возвещает Вечный, Повелитель Сил.