Habakuk 2 – TCB & APSD-CEB

Tagalog Contemporary Bible

Habakuk 2:1-20

1Sinabi ni Habakuk, “Aakyat ako sa tore, sa aking bantayan at hihintayin ko kung ano ang sasabihin sa akin ng Panginoon at kung ano ang kanyang sagot sa aking hinaing.”

Ang Sagot ng Dios kay Habakuk

2Ito ang sagot ng Panginoon kay Habakuk: “Isulat nang malinaw sa sulatang bato ang pahayag na ito para madaling basahin. 3Isulat mo muna ito dahil hindi pa dumarating ang takdang panahon para mangyari ito. Ngunit hindi magtatagal at tiyak na mangyayari ito. Kahit magtagal nang kaunti, hintayin mo lang, dahil tiyak na mangyayari ito sa takdang panahon.”

4Ito ang isulat mo:

“Tingnan mo ang mga taong mapagmataas. Hindi matuwid ang kanilang pamumuhay. Pero ang taong matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pananampalataya.2:4 Pero … pananampalataya: o, Pero ang itinuring na matuwid dahil sa kanyang pananampalataya ay mabubuhay. 5Ang totoo, hindi maaasahan ang kayamanan.2:5 kayamanan: Ito ang nasa Dead Sea Scrolls. Sa ibang tekstong Hebreo, alak. At ang mga taong mapagmataas na sakim sa kayamanan ay laging balisa at walang kasiyahan. Tulad nilaʼy kamatayan na hindi makukuntento. Kaya binibihag nila ang maraming bansa. 6Pero kukutyain sila ng mga bansang iyon sa pamamagitan ng mga salitang ito,

“ ‘Nakakaawa naman kayo, kayong nangunguha ng mga bagay na hindi sa inyo at nagpapayaman sa pamamagitan ng pandaraya. Hanggang kailan pa ninyo ito gagawin? 7Bigla nga kayong gagantihan ng mga bansang binihag ninyo,2:7 mga bansang binihag ninyo: sa literal, ang inyong mga inutangan; o, ang mga nangutang sa inyo. at dahil sa kanila ay manginginig kayo sa takot, at sila naman ang sasamsam ng inyong mga ari-arian. 8Dahil maraming bansa ang sinamsaman ninyo ng mga ari-arian, kayo naman ang sasamsaman ng mga natitirang tao sa mga bansang iyon. Mangyayari ito sa inyo dahil sa inyong pagpatay ng mga tao at pamiminsala sa kanilang mga lupain at mga bayan.

9“ ‘Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng mga bahay2:9 nagpapatayo … bahay: o, nagpapalago ng kaharian. sa pamamagitan ng perang nakuha ninyo sa masamang paraan. Pinatitibay ninyo ang inyong mga bahay upang makaligtas kayo kapag dumating ang kapahamakan. 10Dahil sa pagpatay ninyo ng maraming tao, kayo rin ay papatayin at wawasakin ang inyong mga bahay.2:10 bahay: o, kaharian. 11Ang mga bato ng pader at ang mga biga ng bahay ay parang tao na hihingi ng tulong dahil mawawasak na ang buong bahay.

12“ ‘Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng lungsod sa pamamagitan ng kalupitan. Handa kayong pumatay maitayo lamang ito. 13Pero ang mga ipinatayo ninyo sa mga tao na binihag ninyo ay susunugin lang, kaya mawawalan ng kabuluhan ang inyong pinagpaguran. Itinakda na iyan ng Panginoong Makapangyarihan. 14Sapagkat kung paanong ang karagatan ay puno ng tubig, ang lahat ng tao sa mundo ay mapupuno rin ng kaalaman tungkol sa kadakilaan ng Panginoon.

15“ ‘Nakakaawa kayo! Sa inyong poot ay ipinahiya ninyo ang inyong mga karatig bansa. Parang nilalasing ninyo sila upang makita ninyo silang huboʼt hubad. 16Ngayon kayo naman ang ilalagay sa kahihiyan sa halip na parangalan, dahil parurusahan kayo ng Panginoon. Kayo naman ang paiinumin niya sa tasa ng kanyang galit, at kapag lasing na kayo, makikita ang inyong kahubaran2:16 makikita ang inyong kahubaran: sa literal, makikita ang inyong mga ari na hindi tuli. Sa iba namang lumang teksto, susuray-suray kayo. at malalagay kayo sa kahihiyan. 17Pinutol ninyo ang mga puno sa Lebanon, at dahil dito, namatay ang mga hayop doon. Kaya ngayon, kayo naman ang pipinsalain at manginginig sa takot. Mangyayari ito sa inyo dahil sa pagpatay ninyo ng mga tao at pagpinsala sa kanilang mga lupain at mga bayan.

18“ ‘Ano ang kabuluhan ng mga dios-diosan? Gawa lang naman ang mga ito ng tao mula sa kahoy o metal, at hindi makapagsasabi ng katotohanan. At bakit nagtitiwala sa mga dios-diosang ito ang mga taong gumawa sa kanila? Ni hindi nga makapagsalita ang mga ito? 19Nakakaawa kayong nagsasabi sa rebultong kahoy o bato, “Gumising ka at tulungan kami.” Ni hindi nga iyan makapagtuturo sa inyo. At kahit pa balot iyan ng ginto at pilak, wala namang buhay. 20Pero ang Panginoon ay nasa kanyang banal na templo. Kaya ang buong mundo ay manahimik sa kanyang presensya.’ ”

Ang Pulong Sa Dios

Habakuk 2:1-20

1Mobarog ako sa akong bantayanan ug magpahimutang ako diha sa mga tore; ako motan-aw aron pagsuta kon unsay iyang isulti kanako, ug unsa nga tubag ang akong ihatag niining mga reklamo.

Ang Tubag sa Ginoo

2Ug ang Ginoo mitubag, “Isulat ang gipadayag himoa kini klaro sa papan nga bato, aron ang mensahero modagan uban niini. 3Kay ang gipadayag magpaabut sa gitakda nga panahon; nagsulti kini mahitungod sa katapusan ug dili kini mapamatud-an nga bakak. Bisan tuod madugay kini, paabuta kini; muabut gayud kini ug dili malangay. 4Lantawa ang mga kaaway mapagarbohon; ang iyang tinguha dli tarong-apan ang matarong nga tawo mabuhi sa pagkamatinud-anon. 5Tinuod, ang bino moluib kaniya; siya aroganti ug dili makapahulay. Tungod kay siya hakog sama sa lubnganan, ug sama sa kamatayon dili gayud matagbaw, iyang gitipon diha niya ang kanasuran ug gihimo niyang binihag ang tanang katawhan. 6Dili ba ang tanan magatamay man niya uban ang bugal-bugal ug panghimaraot. Nagaingon, ‘Alaot sila nga nagatigom sa kinawat nga mga butang ug naghimo niyang sapian pinaagi sa pangilkil. Hangtud kanus-a man sila magpadayon.’

7“Dili ba unya ang inyong tig-pautang mobangon? Dili ba sila unya momata ug mopakurog ninyo? Ug unya sila mahimo kaninyo nga inyong makaon. 8Kay inyong gikurakot ang inyong kanasuran, ang mga tawo nga nahabilin mokarakot sab nimo. Kay ikaw imong gipaagas ang dugo sa tawo; imong giguba ang yuta ug ang mga siyudad ug ang tanan niini.”

9“Alaot siya nga nagtukod ug balay gikan sa dili maayong kinitaan, nagpahiluna sa iyang saag sa itaas aron lang makalingkawas sa pagkupot sa kalag-lagan! 10Imong giplanohan ang pagkaguba sa mga tawo, nagpaka-ulaw sa imong balay ug nagpildi sa imong kinabuhi. 11Ang mga bato sa paril mosinggit, ug ang mga sagbayan sa gitrabahong kahoy mopalanug niini.

12“Alaot siya nga nagtukod sa siyudad diha sa gipaagas nga dugo, ug nagaugmad sa lungsod sa inhustisya. 13Dili ba nga ang Makagagahum nga Dios mao may Naglatid niini. Nga ang paghago sa tawo sugnod lang alang sa kalayo, nga ang kanasuran naningkamot alang sa wala?” 14Kay ang kalibotan mapuno sa kahibalo sa himaya sa Ginoo ingon nga ang tubig nagtakob sa kadagatan.

15“Alaot siya nga naghatag ug mainom sa iyang silingan, gibubo sa sudlanang panit sa bino hangtud nga kini mahubog, haron siya makatan-aw sa hubo niining lawas. 16Mapuno ikaw sa kaulawan inay sa himaya. Karon na usab ang imong turno! Inom ug ang imong pagkahubo ipadayag. Ang kupa gikan sa tuong kamot sa Ginoo, miabot sa palibot nimo, ug ang kaulawan motakub sa imong himaya. 17Ang kapungot nga imong gibuhat sa Lebanon makapahingangha kanimo, ug ang kadaut sa mga hayupan makapahadlok kanimo. Kay gipaagasan mo ug dugo sa tawo; kay gilumpag mo ang kayutaan ug mga siyudad ug ang tanan niini.

18“Unsa may kapuslanan sa idolo nga gikulit sa magkukulit? O imahen nga nagtudlo ug bakak? Kay siya nga naghimo niini misalig sa iyang hinimo; naghimo siya ug idolo nga dili makasulti. 19Alaot siya nga moingo sa kahoy, dali ug pagpakabuhi, o sa walay kinabuhi nga bato, pagmata! Makahatag ba kini ug paggiya? Giputos kini bulawan ug plata; wala kini gininhawa. 20Ang Ginoo anaa sa iyang balaang templo. Itugot nga ang tibuok kalibutan magpakahilum sa iyang atubangan.”