Genesis 41 – TCB & NIV

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 41:1-57

Ipinaliwanag ni Jose ang Panaginip ng Faraon

1Pagkalipas ng dalawang taon, nanaginip ang Faraon41:1 Faraon: o, hari ng Egipto. Ganito rin sa sumusunod na mga talata. na nakatayo siya sa pampang ng Ilog ng Nilo. 2Sa kanyang panaginip, biglang may umahon na pitong maganda at matabang baka na kumakain ng damo. 3Maya-maya paʼy may umahon din na pitong pangit at payat na baka, 4nilapitan ng pitong pangit at payat na baka ang pitong maganda at matabang baka, at kinain. At nagising agad ang Faraon.

5Muling nakatulog ang Faraon at nanaginip na naman. Sa kanyang panaginip, nakakita siya ng pitong uhay na mataba ang butil na sumulpot sa isang sanga. 6At sa sanga ring iyon, sumulpot ang pitong uhay na payat ang butil na natuyo dahil sa mainit na hangin na galing sa silangan.41:6 hangin na galing sa silangan: Kung nasa Israel ka, galing sa bandang silangan. Pero kung nasa Egipto ka, galing sa bandang timog. 7Kinain agad ng mapapayat na uhay ang pitong matatabang uhay. At nagising agad ang hari. Akala niyaʼy totoo iyon pero panaginip lang pala.

8Kinaumagahan, litong-lito ang isip ng Faraon tungkol sa mga panaginip niya, kaya ipinatawag niya ang lahat ng salamangkero at matatalinong tao sa Egipto. Sinabi niya sa kanila ang mga panaginip niya, pero wala ni isa man sa kanila ang makapagpaliwanag kung ano ang kahulugan nito.

9Pagkatapos, lumapit ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at nagsabi, “Naalala ko na po ngayon ang mga kasalanan ko. 10Hindi po baʼt nagalit kayo noon sa akin at sa pinuno ng mga panadero, at ipinakulong nʼyo po kami sa bahay ng kapitan ng mga guwardya sa palasyo? 11Isang gabi noon, nanaginip kaming dalawa, at magkaiba po ang kahulugan ng panaginip namin. 12May kasama kami roon na binatang Hebreo, na alipin ng kapitan ng mga guwardya sa palasyo. Sinabi po namin sa kanya ang panaginip namin at ipinaliwanag niya sa amin ang kahulugan nito. 13Nagkatotoo ang sinabi niya tungkol sa amin: Pinabalik nʼyo po ako sa trabaho ko at ipinabitin ninyo sa puno ang bangkay ng kasama ko.”

14Kaya ipinatawag ng Faraon si Jose, at pinalabas siya agad sa bilangguan. Pagkatapos siyang gupitan at ahitan, nagpalit siya ng damit at pumunta sa Faraon.

15Sinabi ng Faraon sa kanya, “Nanaginip ako pero walang makapagpaliwanag ng kahulugan nito. May nagsabi sa akin na marunong kang magpaliwanag ng kahulugan ng mga panaginip.”

16Sumagot si Jose, “Hindi po ako, Mahal na Hari, kundi ang Dios ang siyang magbibigay ng kahulugan ng mga panaginip ninyo para sa ikabubuti ninyo.”

17Sinabi ng Faraon ang panaginip niya kay Jose. Sinabi niya, “Nanaginip ako na nakatayo ako sa pampang ng Ilog Nilo. 18Biglang may umahon na pitong maganda at matabang baka, at kumain sila ng damo. 19Maya-maya paʼy may umahon ding pitong pangit at payat na baka. Wala pa akong nakitang baka sa buong Egipto na ganoon kapangit. 20Kinain ng mga pangit at payat na baka ang pitong matatabang baka na unang nagsiahon. 21Pero pagkakain nila, hindi man lang halata na nakakain sila ng ganoon dahil ganoon pa rin sila kapapayat. At bigla akong nagising.

22“Pero nakatulog ulit ako at nanaginip na naman. Nakakita ako ng pitong uhay na mataba ang butil na sumulpot sa isang sanga. 23At sa sanga ring iyon, sumulpot din ang pitong uhay na payat ang butil at natuyo dahil sa mainit na hangin na galing sa silangan. 24At kinain ng mga payat na uhay ang pitong matatabang butil na uhay. Sinabi ko na ito sa mga salamangkero, pero wala ni isa man sa kanila ang makapagpaliwanag ng kahulugan nito.”

25Sinabi ni Jose sa Faraon, “Mahal na Hari, ang dalawang panaginip po ninyo ay iisa lang ang kahulugan. Sa pamamagitan ng mga panaginip ninyo, ipinapahayag sa inyo ng Dios kung ano ang kanyang gagawin. 26Ang pitong matatabang baka at pitong matatabang uhay ay parehong pitong taon ang kahulugan. 27Ang pitong payat at pangit na baka at ang pitong payat na butil na uhay na pinatigas ng mainit na hangin na galing sa silangan ay nangangahulugan po ng pitong taong taggutom.

28“Gaya po ng sinabi ko sa inyo, Mahal na Faraon, ipinapahayag sa inyo ng Dios kung ano po ang kanyang gagawin. 29Sa loob po ng darating na pitong taon, magiging labis ang kasaganaan sa buong Egipto. 30Pero susundan po agad ito ng pitong taon na taggutom, at makakalimutan na ng mga tao ang naranasan nilang kasaganaan dahil ang taggutom ay nagdulot ng pinsala sa lupain ng Egipto. 31Matinding taggutom po ang darating na parang hindi nakaranas ng kasaganaan ang lupain ng Egipto. 32Dalawang beses po kayong nanaginip, Mahal na Faraon, para malaman nʼyo na itinakda ng Dios na mangyayari ito at malapit na itong mangyari.

33“Kaya ngayon, Mahal na Faraon, iminumungkahi ko po na dapat kayong pumili ng isang matalinong tao para mamahala sa lupain ng Egipto. 34Maglagay din po kayo ng mga opisyal sa buong Egipto para ihanda41:34 para ihanda: o, para mangolekta ng 20 porsiyento ng lahat ng ani. ang lugar na ito sa loob ng pitong taon na kasaganaan. 35Sa mga panahong iyon, ipaipon nʼyo rin po sa kanila ang lahat ng makokolekta ninyo galing sa mga ani at sa ilalim ng inyong pamamahala, ipatago po ninyo sa kanila ang mga ani sa mga kamalig ng mga lungsod. 36Ang mga pagkaing ito ay ilalaan para sa mga tao kapag dumating na ang pitong taong taggutom sa Egipto, para hindi sila magutom.”

Ginawang Tagapamahala si Jose sa Egipto

37Nagustuhan ng hari at ng kanyang mga opisyal ang mungkahi ni Jose. 38Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Wala na tayong makikita pang ibang tao na kagaya ni Jose na ginagabayan ng Espiritu ng Dios.”

39Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Sapagkat sinabi sa iyo ng Dios ang mga bagay na ito, wala na sigurong iba pang tao na may kaalaman at pang-unawa na kagaya mo. 40-41Gagawin kita ngayon na tagapamahala ng aking kaharian at gobernador ng buong Egipto, at susunod sa iyo ang lahat ng tauhan ko. Pero mas mataas pa rin ang karapatan ko kaysa sa iyo.” 42Tinanggal agad ng Faraon ang kanyang singsing na pangtatak at isinuot sa daliri ni Jose. Pinasuotan niya si Jose ng espesyal na damit na gawa sa telang linen at pinasuotan ng gintong kwintas. 43Ipinagamit din niya kay Jose ang kanyang pangalawang karwahe,41:43 ang kanyang pangalawang karwahe: o, ang karwahe ng opisyal na pangalawa sa kanya. at may mga tagapamalita na mauuna sa kanya na sumisigaw, “Lumuhod kayo sa gobernador!” Kaya simula noon, naging gobernador si Jose sa buong lupain ng Egipto.

44Sinabi pa ng Faraon kay Jose, “Ako ang hari rito sa Egipto, Pero walang sinuman ang gagawa ng kahit ano rito sa Egipto nang walang pahintulot mo.” 45Pinangalanan niya si Jose ng Zafenat Panea. Pinag-asawa rin niya si Jose kay Asenat na anak ni Potifera na pari mula sa lungsod ng On. Bilang gobernador, si Jose na ang namahala sa Egipto.

46Si Jose ay 30 taong gulang pa lang nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Umalis siya sa palasyo at umikot sa buong Egipto.

47Tunay ngang naging masagana ang ani sa loob ng pitong taong kasaganaan. 48At sa panahong iyon, ipinaipon ni Jose ang lahat ng nakolekta galing sa mga ani.41:48 Tingnan ang 47:24. Ipinatago niya sa bawat lungsod ang mga ani na galing sa bukid sa palibot nito. 49Napakarami ng trigong naipon ni Jose; parang kasing dami ng buhangin sa tabing-dagat. Itinigil na lang niya ang pagtatakal nito dahil hindi na ito makayanang takalin.

50Bago dumating ang taggutom, ipinanganak ang dalawang anak ni Jose kay Asenat na anak ni Potifera na pari ng lungsod ng On. 51Pinangalanan ni Jose ang panganay na Manase41:51 Manase: Maaaring ang ibig sabihin, kinalimutan. dahil ayon sa kanya, “Dahil sa tulong ng Dios, nakalimutan ko ang mga paghihirap ko at ang aking pananabik sa sambahayan ng aking ama.” 52Pinangalanan niya ang pangalawa niyang anak na Efraim.41:52 Efraim: Maaaring ang ibig sabihin, nagbunga o naging masagana. Sapagkat ayon sa kanya, “Dahil sa tulong ng Dios, naging masagana ako sa lugar kung saan nakaranas ako ng mga paghihirap.”

53Natapos na ang pitong taong kasaganaan sa Egipto, 54at nagsimula na ang pitong taong taggutom katulad ng sinabi ni Jose. May taggutom sa ibaʼt ibang lugar pero may pagkain sa buong Egipto. 55Dumating ang panahon na naramdaman din ng mga taga-Egipto ang taggutom, kaya humingi sila ng pagkain sa hari. Sinabi ng hari sa kanila, “Pumunta kayo kay Jose dahil siya ang magsasabi sa inyo kung ano ang gagawin ninyo.”

56Lumaganap ang taggutom kahit saan. At dahil sa matinding taggutom sa buong Egipto, pinabuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at pinagbilhan ng pagkain ang mga taga-Egipto. 57Pumunta rin sa Egipto ang halos lahat ng bansa para bumili ng pagkain kay Jose dahil matindi ang taggutom sa kanilang bansa.

New International Version

Genesis 41:1-57

Pharaoh’s Dreams

1When two full years had passed, Pharaoh had a dream: He was standing by the Nile, 2when out of the river there came up seven cows, sleek and fat, and they grazed among the reeds. 3After them, seven other cows, ugly and gaunt, came up out of the Nile and stood beside those on the riverbank. 4And the cows that were ugly and gaunt ate up the seven sleek, fat cows. Then Pharaoh woke up.

5He fell asleep again and had a second dream: Seven heads of grain, healthy and good, were growing on a single stalk. 6After them, seven other heads of grain sprouted—thin and scorched by the east wind. 7The thin heads of grain swallowed up the seven healthy, full heads. Then Pharaoh woke up; it had been a dream.

8In the morning his mind was troubled, so he sent for all the magicians and wise men of Egypt. Pharaoh told them his dreams, but no one could interpret them for him.

9Then the chief cupbearer said to Pharaoh, “Today I am reminded of my shortcomings. 10Pharaoh was once angry with his servants, and he imprisoned me and the chief baker in the house of the captain of the guard. 11Each of us had a dream the same night, and each dream had a meaning of its own. 12Now a young Hebrew was there with us, a servant of the captain of the guard. We told him our dreams, and he interpreted them for us, giving each man the interpretation of his dream. 13And things turned out exactly as he interpreted them to us: I was restored to my position, and the other man was impaled.”

14So Pharaoh sent for Joseph, and he was quickly brought from the dungeon. When he had shaved and changed his clothes, he came before Pharaoh.

15Pharaoh said to Joseph, “I had a dream, and no one can interpret it. But I have heard it said of you that when you hear a dream you can interpret it.”

16“I cannot do it,” Joseph replied to Pharaoh, “but God will give Pharaoh the answer he desires.”

17Then Pharaoh said to Joseph, “In my dream I was standing on the bank of the Nile, 18when out of the river there came up seven cows, fat and sleek, and they grazed among the reeds. 19After them, seven other cows came up—scrawny and very ugly and lean. I had never seen such ugly cows in all the land of Egypt. 20The lean, ugly cows ate up the seven fat cows that came up first. 21But even after they ate them, no one could tell that they had done so; they looked just as ugly as before. Then I woke up.

22“In my dream I saw seven heads of grain, full and good, growing on a single stalk. 23After them, seven other heads sprouted—withered and thin and scorched by the east wind. 24The thin heads of grain swallowed up the seven good heads. I told this to the magicians, but none of them could explain it to me.”

25Then Joseph said to Pharaoh, “The dreams of Pharaoh are one and the same. God has revealed to Pharaoh what he is about to do. 26The seven good cows are seven years, and the seven good heads of grain are seven years; it is one and the same dream. 27The seven lean, ugly cows that came up afterward are seven years, and so are the seven worthless heads of grain scorched by the east wind: They are seven years of famine.

28“It is just as I said to Pharaoh: God has shown Pharaoh what he is about to do. 29Seven years of great abundance are coming throughout the land of Egypt, 30but seven years of famine will follow them. Then all the abundance in Egypt will be forgotten, and the famine will ravage the land. 31The abundance in the land will not be remembered, because the famine that follows it will be so severe. 32The reason the dream was given to Pharaoh in two forms is that the matter has been firmly decided by God, and God will do it soon.

33“And now let Pharaoh look for a discerning and wise man and put him in charge of the land of Egypt. 34Let Pharaoh appoint commissioners over the land to take a fifth of the harvest of Egypt during the seven years of abundance. 35They should collect all the food of these good years that are coming and store up the grain under the authority of Pharaoh, to be kept in the cities for food. 36This food should be held in reserve for the country, to be used during the seven years of famine that will come upon Egypt, so that the country may not be ruined by the famine.”

37The plan seemed good to Pharaoh and to all his officials. 38So Pharaoh asked them, “Can we find anyone like this man, one in whom is the spirit of God41:38 Or of the gods?”

39Then Pharaoh said to Joseph, “Since God has made all this known to you, there is no one so discerning and wise as you. 40You shall be in charge of my palace, and all my people are to submit to your orders. Only with respect to the throne will I be greater than you.”

Joseph in Charge of Egypt

41So Pharaoh said to Joseph, “I hereby put you in charge of the whole land of Egypt.” 42Then Pharaoh took his signet ring from his finger and put it on Joseph’s finger. He dressed him in robes of fine linen and put a gold chain around his neck. 43He had him ride in a chariot as his second-in-command,41:43 Or in the chariot of his second-in-command; or in his second chariot and people shouted before him, “Make way41:43 Or Bow down!” Thus he put him in charge of the whole land of Egypt.

44Then Pharaoh said to Joseph, “I am Pharaoh, but without your word no one will lift hand or foot in all Egypt.” 45Pharaoh gave Joseph the name Zaphenath-Paneah and gave him Asenath daughter of Potiphera, priest of On,41:45 That is, Heliopolis; also in verse 50 to be his wife. And Joseph went throughout the land of Egypt.

46Joseph was thirty years old when he entered the service of Pharaoh king of Egypt. And Joseph went out from Pharaoh’s presence and traveled throughout Egypt. 47During the seven years of abundance the land produced plentifully. 48Joseph collected all the food produced in those seven years of abundance in Egypt and stored it in the cities. In each city he put the food grown in the fields surrounding it. 49Joseph stored up huge quantities of grain, like the sand of the sea; it was so much that he stopped keeping records because it was beyond measure.

50Before the years of famine came, two sons were born to Joseph by Asenath daughter of Potiphera, priest of On. 51Joseph named his firstborn Manasseh41:51 Manasseh sounds like and may be derived from the Hebrew for forget. and said, “It is because God has made me forget all my trouble and all my father’s household.” 52The second son he named Ephraim41:52 Ephraim sounds like the Hebrew for twice fruitful. and said, “It is because God has made me fruitful in the land of my suffering.”

53The seven years of abundance in Egypt came to an end, 54and the seven years of famine began, just as Joseph had said. There was famine in all the other lands, but in the whole land of Egypt there was food. 55When all Egypt began to feel the famine, the people cried to Pharaoh for food. Then Pharaoh told all the Egyptians, “Go to Joseph and do what he tells you.”

56When the famine had spread over the whole country, Joseph opened all the storehouses and sold grain to the Egyptians, for the famine was severe throughout Egypt. 57And all the world came to Egypt to buy grain from Joseph, because the famine was severe everywhere.