Genesis 35 – TCB & CCBT

Tagalog Contemporary Bible

Genesis 35:1-29

Binasbasan ng Dios si Jacob sa Betel

1Ngayon, sinabi ng Dios kay Jacob, “Maghanda ka, pumunta ka sa Betel at doon manirahan. Gumawa ka roon ng altar para sa akin, ang Dios na nagpakita sa iyo nang tumakas ka sa kapatid mong si Esau.”

2Kaya sinabi ni Jacob sa sambahayan niya at sa lahat ng kasama niya, “Itapon ninyo ang mga dios-diosan ninyo. Maging malinis kayo at magbihis ng damit bilang simbolo ng bago at malinis na buhay. 3Pagkatapos, pupunta tayo sa Betel, at gagawa ako roon ng altar para sumamba sa Dios na tumulong sa akin noong nasa kahirapan ako, at aking kasama kahit saan ako pumaroon.” 4Kaya ibinigay nila kay Jacob ang mga dios-diosan nila pati na ang mga hikaw nila na ginagamit bilang anting-anting. Ibinaon ni Jacob ang lahat ng ito sa ilalim ng punongkahoy na terebinto malapit sa Shekem. 5Nang umalis na sina Jacob, pinagharian ng takot mula sa Dios ang mga tao sa palibot ng mga bayan, kaya hindi sila lumusob at hindi nila hinabol sila Jacob.

6Nakarating sila Jacob at ang mga kasama niya sa Luz (na tinatawag ding Betel) doon sa Canaan. 7Gumawa siya roon ng altar. Tinawag niya ang lugar na iyon na El Betel35:7 El Betel: Ang ibig sabihin, Dios ng Betel. dahil nagpakita sa kanya roon ang Dios nang tumakas siya sa kanyang kapatid na si Esau.

8Namatay si Debora na tagapag-alaga ni Rebeka. Kaya inilibing siya sa ilalim ng punongkahoy na terebinto na nasa paanan ng Betel. Tinawag iyon na punongkahoy na Allon Bacut.35:8 Allon Bacut: Ang ibig sabihin, terebinto na iniyakan.

9Nang umuwi si Jacob mula sa Padan Aram,35:9 Padan Aram: Isang lugar sa Mesopotamia. muling nagpakita ang Dios sa kanya at binasbasan siya. 10Sinabi ng Dios sa kanya, “Jacob ang pangalan mo, pero mula ngayon hindi ka na tatawaging Jacob kundi Israel na.” Kaya naging Israel ang pangalan ni Jacob.

11Sinabi pa ng Dios sa kanya, “Ako ang Makapangyarihang Dios. Magkakaroon ka ng maraming anak. Magiging ama ka ng isang bansa at ng marami pang bansa, at magiging hari ang iba mong mga lahi. 12Ang lupain na ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac ay ibibigay ko rin sa iyo at sa mga lahi mo.” 13-14Pagkatapos, umalis ang Dios sa lugar na iyon kung saan nakipag-usap siya kay Jacob, at nagtayo roon si Jacob ng batong alaala. Binuhusan niya agad ng alak at langis ang bato para maging banal. 15Pinangalanan niya ang lugar na iyon na Betel.35:15 Betel: Ang ibig sabihin, tirahan ng Dios.

Ang Pagkamatay ni Raquel

16Umalis si Jacob at ang sambahayan niya sa Betel. Manganganak na noon si Raquel. Malayo pa sila sa bayan ng Efrata, sumakit na ang tiyan ni Raquel. 17Nang matindi na ang sakit, sinabi ng manghihilot sa kanya, “Huwag kang matakot Raquel, lalaki na naman ang anak mo.” 18Isinilang ang sanggol pero nasa bingit ng kamatayan si Raquel. Bago siya malagutan ng hininga, pinangalanan niya ang sanggol na Ben Oni.35:18 Ben Oni: Ang ibig sabihin, ang anak na isinilang sa hirap. Pero pinangalanan ni Jacob ang sanggol na Benjamin.35:18 Benjamin: Ang ibig sabihin, mapalad na anak.

19Namatay si Raquel at inilibing sa tabi ng daan na papunta sa Efrata (na tinatawag ngayong Betlehem). 20Nilagyan ni Jacob ng bato ang libingan ni Raquel bilang palatandaan, at hanggang ngayon naroon pa rin ang palatandaang ito.

21Nagpatuloy sina Jacob35:21 Jacob: sa tekstong Hebreo, Israel. Ganito rin sa 35:22a. sa kanilang paglalakbay. Pagdating nila sa kabilang panig ng Migdal Eder,35:21 Migdal Eder: Ang ibig sabihin, bantayan ng mga tupa. nagtayo sila roon ng mga tolda nila. 22Habang nakatira roon sila Jacob,35:22 Jacob: Tingnan ang “footnote” sa talatang 21a. sumiping si Reuben kay Bilha na isa sa mga asawa ng kanyang ama. Nang malaman iyon ni Jacob, galit na galit siya.35:22 galit na galit siya: Makikita ito sa tekstong Griego.

Ang mga Anak na Lalaki ni Jacob

(1 Cro. 2:1-2)

May 12 Anak na lalaki si Jacob.

23Ang mga anak niya kay Lea ay sina Reuben na panganay, pagkatapos ay sina Simeon, Levi, Juda, Isacar at Zebulun.

24Ang mga anak niya kay Raquel ay sina Jose at Benjamin.

25Ang mga anak niya kay Bilha na alipin ni Raquel ay sina Dan at Naftali.

26Ang mga anak niya kay Zilpa na alipin ni Lea ay sina Gad at Asher.

Silang lahat ang anak na lalaki ni Jacob na isinilang sa Padan Aram.

Ang Pagkamatay ni Isaac

27Pumunta si Jacob sa ama niyang si Isaac sa Mamre, malapit sa Kiriat Arba (na tinatawag ding Hebron). Ito ang lugar na tinitirhan ni Isaac na siya ring tinitirhan noon ni Abraham. 28Nabuhay si Isaac ng 180 taon. 29Namatay siya sa katandaan na kontento sa kanyang buhay, at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na. Inilibing siya ng mga anak niyang sina Esau at Jacob.

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

創世記 35:1-29

雅各遷往伯特利

1上帝對雅各說:「你到伯特利去住,你要在那裡為上帝築一座壇,祂在你逃避你哥哥以掃時曾向你顯現。」 2於是,雅各吩咐家人和所有的隨從:「你們要除掉你們當中的外族神像,沐浴更衣,潔淨自己。 3我們要上伯特利去,在那裡為上帝築一座壇,祂在我遭遇患難時聽了我的禱告,一路都與我同在。」 4他們把所有外族的神像和自己的耳環都交給雅各雅各把這些東西埋在示劍的橡樹下。

5他們就出發了,上帝使恐懼籠罩周圍的城邑,沒有人敢追趕他們。 6雅各和所有的隨從來到迦南路斯,也就是伯特利7他在那裡建造了一座壇,稱那地方為伊勒·伯特利35·7 伊勒·伯特利」意思是「伯特利的上帝」。,因為在他逃避哥哥的時候,上帝曾在那裡向他顯現。 8後來利百加的奶媽底波拉死了,葬在伯特利山谷下面的橡樹下,那棵樹叫亞倫·巴古35·8 亞倫·巴古」意思是「哭泣的橡樹」。

9雅各巴旦·亞蘭回來後,上帝又向他顯現,賜福給他。 10上帝對他說:「你叫雅各,但從今以後不要再叫雅各了,你要改名叫以色列。」這樣雅各改名為以色列11上帝又說:「我是全能的上帝,你要生養眾多,一國,甚至多國必從你而出,許多君王必出自你的子孫。 12我要把賜給亞伯拉罕以撒的土地賜給你和你的後代。」 13上帝說完就離開雅各升上天去。 14雅各在上帝跟他說話的地方立了一根石柱,又在柱子上奠酒、澆油, 15稱那地方為伯特利

拉結和以撒去世

16他們從伯特利繼續前行,離以法他還有一段路時,拉結難產。 17在難產的痛苦中,接生婆對她說:「不要害怕,你又添了一個兒子!」 18拉結臨死前給兒子取名叫便·俄尼35·18 便·俄尼」意思是「我在苦難中生的兒子」。雅各卻叫他便雅憫35·18 便雅憫」意思是「右手之子」,「右手」希伯來文有幸運或力量的意思。19拉結死後就葬在通往以法他的路旁,以法他伯利恆20雅各在她的墳上立了石碑,至今還在。 21以色列繼續前行,在以得塔附近搭起了帳篷。 22以色列在那裡居住時,呂便和父親的妾辟拉通姦,以色列也知道這件事。

雅各有十二個兒子。 23利亞生了雅各的長子呂便西緬利未猶大以薩迦西布倫24拉結生了約瑟便雅憫25拉結的婢女辟拉生了拿弗他利26利亞的婢女悉帕生了迦得亞設。他們都是雅各的兒子,是在巴旦·亞蘭出生的。

27雅各來到他父親以撒住的幔利,即基列·亞巴,也就是亞伯拉罕以撒寄居的地方。基列·亞巴就是希伯崙28以撒共活了一百八十歲, 29年紀老邁,壽終正寢。他的兒子以掃雅各把他安葬了。