Gawa 3 – TCB & SNC

Tagalog Contemporary Bible

Gawa 3:1-26

Ang Paggaling ng Taong Lumpo

1Isang araw, bandang alas tres ng hapon, pumunta si Pedro at si Juan sa templo. Oras noon ng pananalangin. 2Sa pintuan ng templo na tinatawag na “Maganda” ay may isang taong lumpo mula nang ipinanganak. Araw-araw siyang dinadala roon para humingi ng limos sa mga taong pumapasok sa templo. 3Nang makita niya sina Pedro at Juan na papasok sa templo, humingi siya ng limos. 4Tinitigan siya nina Pedro at Juan. Pagkatapos, sinabi ni Pedro sa kanya, “Tumingin ka sa amin.”

5Tumingin ang lalaki sa kanila na naghihintay na malimusan. 6Pero sinabi ni Pedro sa kanya, “Wala akong pera.3:6 pera: sa literal, pilak o ginto. Ngunit may ibibigay ako sa iyo: Sa pangalan3:6 pangalan: Ang ibig sabihin, kapangyarihan o awtoridad. ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, lumakad ka!” 7At hinawakan ni Pedro ang kanang kamay nito at pinatayo siya. Biglang lumakas ang kanyang mga paa at bukong-bukong. 8Tumayo siya agad at lumakad-lakad. Pagkatapos, sumama siya kina Pedro at Juan sa templo. Palakad-lakad at patalon-talon siyang nagpupuri sa Dios. 9Nakita ng lahat na lumalakad siya at nagpupuri sa Dios. 10Napansin nila na siya pala ang taong palaging nakaupo at humihingi ng limos doon sa pintuan ng templo na tinatawag na “Maganda.” Kaya lubos ang kanilang pagkamangha sa nangyari sa kanya.

Nagsalita si Pedro sa Balkonahe ni Solomon

11Parang ayaw nang humiwalay ng taong iyon kina Pedro at Juan. Lagi siyang nakahawak sa kanila habang naglalakad sila sa lugar na tinatawag na “Balkonahe ni Solomon.” Nagtakbuhan ang lahat ng tao palapit sa kanila, dahil manghang-mangha sila. 12Pagkakita ni Pedro sa mga tao, sinabi niya sa kanila, “Mga kababayan kong mga Israelita, bakit kayo namangha sa pangyayaring ito? Bakit ninyo kami tinititigan? Akala ba ninyoʼy napalakad namin ang taong ito dahil sa aming kapangyarihan at kabanalan? 13Hindi! Ang Dios ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob ang siyang gumawa nito upang parangalan niya ang kanyang lingkod na si Jesus. Ang Jesus na ito ang siyang ibinigay ninyo sa mga may kapangyarihan at itinakwil ninyo sa harapan ni Pilato, kahit napagpasyahan na niyang pakawalan siya. 14Banal siya at matuwid, ngunit itinakwil nʼyo at hiniling kay Pilato na pakawalan ang isang mamamatay-tao sa halip na siya. 15Pinatay nʼyo ang nagbibigay ng buhay, ngunit binuhay siyang muli ng Dios. At makapagpapatunay kami na nabuhay siyang muli. 16Ang pananampalataya kay Jesus3:16 kay Jesus: sa literal, sa pangalan ni Jesus. ang siyang nagpalakas sa taong ito na inyong namukhaan at nakikita ngayon. Kayo man ay mga saksi na gumaling siya. Nangyari ito dahil sa pananampalataya kay Jesus.

17“Mga kapatid, alam kong nagawa ninyo at ng inyong mga pinuno ang mga bagay na iyon kay Jesus dahil hindi nʼyo alam kung sino talaga siya. 18Ipinahayag na ng Dios noon sa pamamagitan ng mga propeta na si Cristo ay kinakailangang magdusa. At sa inyong ginawa sa kanya, natupad ang sinabi ng Dios. 19Kaya ngayon, kailangang magsisi na kayo at lumapit sa Dios, para patawarin niya ang inyong mga kasalanan, 20at matanggap nʼyo ang bagong kalakasan mula sa Panginoon. Pagkatapos, ipapadala niya si Jesus, ang Cristo na itinalaga niya noon para sa inyo. 21Ngunit kinakailangang manatili muna si Jesus sa langit hanggang sa dumating ang panahon na mabago ng Dios ang lahat ng bagay. Iyan din ang sinabi ng Dios noon sa pamamagitan ng kanyang mga propeta. 22Katulad ng sinabi ni Moises, ‘Ang Panginoon na ating Dios ay magbibigay sa inyo ng isang propetang katulad ko at kalahi ninyo. Kinakailangang sundin ninyo ang lahat ng sasabihin niya sa inyo. 23Ang hindi susunod sa sinasabi ng propetang ito ay ihihiwalay sa bayan ng Dios at lilipulin.’3:23 Deu. 18:15, 18, 19. 24Ganyan din ang sinabi ng lahat ng propeta mula kay Samuel. Silang lahat ay nagpahayag tungkol sa mga bagay na mangyayari ngayon. 25Ang mga ipinangako ng Dios sa pamamagitan ng kanyang mga propeta ay para talaga sa atin na mga Judio, at kasama tayo sa kasunduan na ginawa ng Dios sa ating mga ninuno, dahil sinabi niya kay Abraham, ‘Pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo sa pamamagitan ng iyong lahi.’ 26Kaya sinugo ng Dios ang kanyang piniling Lingkod, una sa atin na mga Judio, para tulungan niya tayong talikuran ang kasamaan.”

Slovo na cestu

Skutky 3:1-26

Petr uzdravuje chromého žebráka

1Petr a Jan šli jednou ve tři hodiny do chrámu, aby se zúčastnili pravidelných odpoledních modliteb. 2Mezi četnými žebráky tam byl také muž chromý od narození, kterého jeho přátelé každý den přinesli a posadili u chrámových vrat, zvaných Krásná brána. Chodilo tudy hodně lidí a on je prosil o almužnu. 3Tak požádal i Petra s Janem. 4Zastavili se u něho a Petr mu řekl: „Podívej se na nás!“ 5Žebrák dychtivě zvedl oči, protože čekal dobrou almužnu. 6Petr však pokračoval: „Peníze nemám, ale dám ti cennější dar. Ve jménu Ježíše Krista Nazaretského, vstaň a choď!“ 7Pak uchopil žebráka za napřaženou pravici, pozvedl ho a v tom okamžiku do ochrnutých nohou vstoupila síla. 8Postavil se, zkusil chodit a za chvíli už mohl jít dovnitř chrámu spolu s apoštoly. Dokonce radostně poskakoval a hlasitě chválil Boha. 9-11Lidé nevěřili svým očím, ale jasně poznávali, že dlouholetý mrzák, který žebrával u Krásné brány, teď chodí a z vděčnosti k Bohu prozpěvuje. Sbíhali se kolem uzdraveného i kolem apoštolů, kteří zatím došli do Šalomounova podloubí.

Petr káže v chrámu

12A tak k nim Petr začal mluvit: „Přátelé, proč se divíte? Snad si nemyslíte, že jsme toho člověka uzdravili vlastní mocí nebo mimořádnou zbožností? 13Kdepak! To Bůh, kterého vyznáváte, Bůh našich praotců – Abrahama, Izáka a Jákoba – tu právě před vámi dokázal moc svého Syna Ježíše. 14Toho Ježíše, kterého vy jste vydali Římanům a veřejně jste se ho zřekli před Pilátem, ačkoliv ho chtěl zprostit obžaloby. A když vám dal vybrat, koho má propustit, vy jste se zřekli svatého a spravedlivého muže a vyžádali jste milost pro vraha. 15Toho, kdo vám chtěl dát věčný život, jste zabili! Ale Bůh ho vzkřísil z mrtvých a my to můžeme osobně dosvědčit. 16Protože v něho věříme, dal nám sílu uzdravit tohoto muže, kterého znáte po léta jako bezmocného. To, že je teď zdráv, je výsledkem víry v Ježíše Krista.

Odpuštění je pro všechny – i pro Ježíšovy vrahy

17Uvědomuji si však, bratři, že jste se Ježíše zřekli z nevědomosti a že ani vaši vůdcové netušili, o koho se jedná. 18Bůh tak vlastně dopustil, aby Kristus trpěl, jak to už dávno předpověděl ústy svých proroků. 19Přiznejte svou vinu na tomto hrozném činu a proste Boha, aby vám odpustil. 20Pak se i vy budete moci těšit na dobu, kdy Bůh znovu pošle Ježíše jako vašeho osvoboditele. 21Teď je v nebi a zůstane tam až do chvíle, kdy se Bůh rozhodne obnovit celý svět, jak to také předpovídali proroci. 22Tak například Mojžíš přece řekl:

‚Z vašeho národa jednou Bůh povolá nového proroka,

podobně jako k vám poslal mne,

ale toho budete skutečně poslouchat na slovo.

23Kdo by se mu nepodřídil,

nebude už náležet mezi Boží vyvolené.‘

24Samuel a všichni další proroci mluvili často o době, kterou my právě prožíváme. 25Vy jste syny těch proroků a máte dědický podíl v úmluvě mezi Bohem a Abrahamem. Bůh přece Abrahamovi slíbil: ‚Tvůj potomek bude požehnáním pro všechny národy země.‘ 26Vám na prvním místě poslal Bůh svého Syna Ježíše, aby vám přinesl všechno dobré a odvrátil vás od vašich špatností.“