Gawa 27 – TCB & MTDS

Tagalog Contemporary Bible

Gawa 27:1-44

Ang Biyahe ni Pablo Papuntang Roma

1Nang mapagpasyahan nilang papuntahin kami sa Italia, ipinagkatiwala nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo kay Julius. Si Julius ay isang kapitan ng mga sundalong Romano na tinatawag na Batalyon ng Emperador. 2Doon sa Cesarea ay may isang barkong galing sa Adramitium at papaalis na papunta sa mga daungan ng lalawigan ng Asia. Doon kami sumakay. Sumama sa amin si Aristarcus na taga-Tesalonica na sakop ng Macedonia. 3Kinabukasan, dumaong kami sa Sidon. Mabait si Julius kay Pablo. Pinahintulutan niya si Pablo na dumalaw sa kanyang mga kaibigan doon para matulungan siya sa kanyang mga pangangailangan. 4Mula sa Sidon, bumiyahe uli kami. At dahil salungat sa amin ang hangin, doon kami dumaan sa kabila ng isla ng Cyprus na kubli sa hangin. 5Nilakbay namin ang karagatan ng Cilicia at Pamfilia, at dumaong kami sa Myra na sakop ng Lycia. 6Nakakita roon si Kapitan Julius ng isang barko na galing sa Alexandria at papunta sa Italia, kaya pinalipat niya kami roon.

7Mabagal ang biyahe namin. Tumagal ito ng maraming araw, at talagang nahirapan kami hanggang sa nakarating kami malapit sa Cnidus. At dahil salungat ang hangin, hindi kami makatuloy sa pupuntahan namin. Kaya bumiyahe kami sa kabila ng isla ng Crete na kubli sa hangin, at doon kami dumaan malapit sa Salmone. 8Namaybay kami, pero talagang nahirapan kami bago makarating sa lugar na tinatawag na “Magagandang Daungan.” Malapit ito sa bayan ng Lasea.

9Nagtagal kami roon hanggang inabot kami ng panahong mapanganib ang pagbibiyahe, dahil nakalipas na ang Araw ng Pag-aayuno.27:9 Araw ng Pag-aayuno: Ito ang tinatawag na “Yom Kippur” o “Day of Atonement.” Pagkalipas ng panahong ito, lumalakas na ang hangin at mapanganib nang bumiyahe sa dagat. Kaya sinabi ni Pablo sa aming mga kasama, 10“Ang tantiya ko, mapanganib na kung tutuloy tayo, at hindi lang ang mga karga at ang barko ang mawawala baka pati na rin ang ating buhay.” 11Pero mas naniwala ang kapitan ng mga sundalo sa sinabi ng kapitan ng barko at ng may-ari nito kaysa sa payo ni Pablo. 12At dahil sa hindi ligtas sa malakas na hangin ang daungan doon, karamihan sa mga kasama namin ay sumang-ayon na magbiyahe. Nagbakasakali silang makakarating kami sa Fenix at doon magpapalipas ng tag-unos. Sapagkat ang Fenix ay isang daungan sa Crete na may magandang kublihan kung tag-unos.

Ang Malakas na Hangin at Alon sa Dagat

13Nang umihip ang mahinang hangin galing sa timog, ang akala ng mga kasamahan namin ay pwede na kaming bumiyahe. Kaya itinaas nila ang angkla at nagbiyahe kaming namamaybay sa isla ng Crete. 14Hindi nagtagal, bumugso ang malakas na hilagang-silangang hangin mula sa isla ng Crete. 15Pagtama ng malakas na hangin sa amin, hindi na kami makaabante,27:15 hindi na kami makaabante: o, hindi namin maiharap ang barko sa hangin. kaya nagpatangay na lang kami kung saan kami dalhin ng hangin. 16Nang nasa bandang timog na kami ng maliit na isla ng Cauda, nakapagkubli kami nang kaunti. Kahit nahirapan kami, naisampa pa namin ang maliit na bangka na dala ng barko para hindi ito mawasak. 17Nang mahatak na ang bangka, itinali ito nang mahigpit sa barko. Sapagkat natatakot sila na baka sumayad ang barko malapit sa Libya,27:17 Libya: sa Griego, Syrtis. ibinaba nila ang layag at nagpatangay sa hangin. 18Tuloy-tuloy pa rin ang malakas na bagyo, kaya kinabukasan, nagsimula silang magtapon ng mga kargamento sa dagat. 19Nang sumunod pang araw, ang mga kagamitan na mismo ng barko ang kanilang itinapon. 20Sa loob ng ilang araw, hindi na namin nakita ang araw at mga bituin, at tuloy-tuloy pa rin ang bagyo, hanggang sa nawalan na kami ng pag-asang makakaligtas pa.

21Ilang araw nang hindi kumakain ang mga tao, kaya sinabi ni Pablo sa kanila, “Mga kaibigan, kung nakinig lang kayo sa akin na hindi tayo dapat umalis sa Crete, hindi sana nangyari sa atin ang mga kahirapan at mga kapinsalaang ito. 22Pero ngayon, hinihiling ko sa inyo na lakasan ninyo ang inyong loob dahil walang mamamatay sa atin. Ang barko lang ang masisira. 23Sapagkat kagabi, nagpakita sa akin ang isang anghel. Ipinadala siya ng Dios na nagmamay-ari sa akin at aking pinaglilingkuran. 24Sinabi niya, ‘Pablo, huwag kang matakot. Dapat kang humarap sa Emperador sa Roma. At sa awa ng Dios, ang lahat mong kasama rito sa barko ay maliligtas dahil sa iyo.’ 25Kaya mga kaibigan, huwag na kayong matakot, dahil nananalig ako sa Dios na matutupad ang kanyang sinabi sa akin. 26Pero ipapadpad tayo sa isang isla.”

27Ika-14 na ng gabi nang tinangay kami ng bagyo sa Dagat ng Mediteraneo. At nang mga hatinggabi na, tinantiya ng mga tripulante na malapit na kami sa tabi ng dagat. 28Kaya sinukat nila ang lalim ng dagat at nalaman nilang mga 20 dipa ang lalim. Maya-mayaʼy sinukat nilang muli ang lalim, at mga 15 dipa na lang. 29At dahil sa takot na bumangga kami sa mga batuhan, naghulog sila ng apat na angkla sa hulihan ng barko. At nanalangin sila na mag-umaga na sana. 30Gusto sana ng mga tripulante na lisanin na ang barko. Kaya ibinaba nila sa dagat ang maliit na bangka at kunwariʼy maghuhulog lang sila ng mga angkla sa unahan ng barko. 31Pero sinabi ni Pablo sa kapitan at sa mga sundalo, “Kung aalis ang mga tripulante sa barko hindi kayo makakaligtas.” 32Kaya pinutol ng mga sundalo ang mga lubid ng bangka at pinabayaan itong maanod.

33Nang madaling-araw na, pinilit silang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Dalawang linggo na kayong naghihintay na lumipas ang bagyo, at hindi pa kayo kumakain. 34Kaya kumain na kayo upang lumakas kayo, dahil walang mamamatay sa inyo kahit isa.” 35Pagkatapos magsalita ni Pablo, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat siya sa Dios. Pinira-piraso niya ang tinapay at kumain. 36Lumakas ang kanilang loob at kumain silang lahat. 37(276 kaming lahat na sakay ng barko.) 38Nang makakain na ang lahat at busog na, itinapon nila sa dagat ang kanilang mga dalang trigo para gumaan ang barko.

Ang Pagkasira ng Barko

39Nang mag-umaga na, hindi alam ng mga tripulante kung saang isla kami napadpad, pero may nakita silang isang look na may dalampasigan, kaya nagkasundo sila na doon nila isadsad ang barko. 40Kaya pinutol nila ang mga lubid na nakatali sa angkla. Kinalag din nila ang mga tali ng timon. At itinaas nila ang layag sa unahan para tangayin ng hangin ang barko papuntang dalampasigan. 41Pero sumayad ang barko sa mababaw na parte ng tubig. Bumaon ang unahan nito at hindi na makaalis. Ang hulihan naman ay nawasak dahil sa salpok ng malalakas na alon.

42Papatayin na sana ng mga sundalo ang lahat ng bilanggo para walang makalangoy papuntang dalampasigan at makatakas. 43Pero pinigilan sila ng kanilang kapitan dahil gusto niyang maligtas si Pablo. Nag-utos siya na lumukso muna ang lahat ng marunong lumangoy, at mauna na sa dalampasigan. 44Pagkatapos, pinasunod niya ang iba na nakakapit sa tabla at sa mga parte ng barko na lumulutang. Ganoon ang aming ginawa, at lahat kami ay ligtas na nakarating sa dalampasigan.

Mushuj Testamento Diospaj Shimi

Hechos 27:1-44

Romamanmi Pablota cachashca

1Ña ñucanchijta Italiaman cachana tucushpaca, Pablotapish shujtaj preźucunatapishmi, Augusto nishca soldadocunamanta patsaj soldadocunata mandaj Juliopaj maquipi churarca. 2Paihuanmi, Adramitio pueblomanta caj shuj barcopi huichiyarcanchij. Chai barcomi, Asia llajta yacu uri pueblocunaman yaicuchij shayanacunapi shayarina carca. Macedonia llajtapi caj Tesalónica pueblomanta Aristarcomi, ñucanchijhuan chai barcopi ricurca.

3Chai cayandij punllaca, Sidonmanmi chayarcanchij. Chaipimi Julioca, Pablotaca paipaj alli rijsishcacuna imallatapish cuchun nishpa, rijsishcacunapajman richun saquirca. Pablota achcata llaquishpami chashna rurarca. 4Ña Sidonmanta rishpaca, huaira jarcacujpimi Chipre llajta alli ladota rircanchij. 5Cilicia, Panfilia llajtacuna chʼimbapura cuchata rishpaca, Licia llajtapi caj Mira pueblomanmi chayarcanchij. 6Chaipimi, patsaj soldadocunata mandajca, Alejandriamanta Italiaman ricuj barcota japishpa, ñucanchijtaca chaipi huichiyachirca. 7Huaira jarcajpi achcata shaicushpa, allimantalla rishpami, tauca punllacunapi Gnido pueblo chʼimbapurallaman chayarcanchij. Ñucanchij rina yacucunapica, sinchi huairami jarcacurca. Chaimantami Salmón chʼimbapurata rishpa, Creta llajta huashanijta muyurcanchij. 8Achcata shaicushpami allimantalla rircanchij. Chashnami Lasea pueblo uranijllapi caj “Alli Shayarina” shuti shayanaman chayarcanchij.

9Chashnami yallitaj uniyashpa, tauca punllacuna tucurca. Ayunana punllacunapish ñami tucurirca. Yacuta ashtahuan ringapajpish, yallitaj sinchimi tucurca. Chaimantami Pabloca, paicunata yuyachisha nishpa, 10cashna nirca: «Mandajcuna, cashnalla punllacunapi rishpaca, jatun llaquimari tucushun. Cai tucui imalla apacushcacunapish, yacupi chingaringamari. Ñucanchijllatajpish huañunchijman» nircami. 11Pablo chashna nijpipish patsaj soldadocunata mandajca mana uyasha nircachu. Paita uyanapaj randica, barcoyujhuan, barcota purichijhuan ima nishcatami caźurca. 12Tamya punllacuna usyaringacama chaipi canaca mana alli carcachu. Chaimantami usyaringacama tucuicuna Fenice puebloman rinata yuyarircanchij. Cretapica Chai pueblopimi barcocuna shayarij carca. Usyaringacamami chaipi cashun yuyarcanchij. Fenicemantaca inti llujshin ura ladomanpish, inti llujshin janaj ladomanpish barcocuna rinallami carca.

Mama cuchapi jatun huaira jatarishpami achcata llaquichishca

13Ashalla huichi huaira tiyajpimi, ‘Ña cunantajca rinallami’ yuyarcanchij. Chashna yuyashpami, barcota charij fierrota huichi tandashpaca, Creta llajta cʼuchuta rircacuna. 14Manaraj achcata rijpimi, ñapish janaj inti llujshin ladomanta jatun huaira shamushpaca, barcota apai callarirca. 15Barcota huaira apajpi ña mana imata rurai tucushpaca, huaira tʼangashcata richun saquircanchijllami. 16Ña mana achca huaira tiyajpimi yacu chaupipi caj Cauda shuti uchilla llajta huashanijta rircanchij. Barco aisashpa ricushca uchilla canoatapish achcata shaicushpami huichiyachircanchij. 17Chaicunata huichiyachishpaca, barco ama pʼaquirichunmi, huascacunahuan huatarcacuna. Chashna cajpipish yacu chaupipi tandanacushca, Sirte nishca tʼiyupi pambarinatami mancharcacuna. Chaimantami barcota purichij linsocunata huichi huatashpaca, huaira tʼangashcata richun saquircacuna. 18Cayandij punllapish manchanayaj huairallataj catijpimi, barcopi imallata apacushcacunataca yacupi shitai callarircacuna. 19Ña quimsa punllata chashnalla cajpimi, barcota purichingapaj imalla charishcacunatapish ñucanchij maquihuan yacupi shitarcanchij. 20Ña achca punllacunatami intipish, luźerocunapish mana ricurirca. Jatun tamya, huairallami catirca. Chaimantami, ‘Ña mana causashunchu’ yuyarcanchij.

21Ña tauca punllacunatami, mana micurcanchij. Chaimantami Pabloca, tucui chaipi cajcunapaj chaupipi shayarishpa, cashna nirca: «Uyaichij, ñuca nishcata caźushpa, Cretamantaca manamari llujshinachu carcanguichij. Chaimanta mana shamushca cashpaca, mana cashna llaquita tucunchijmanchu carca. Imatapish mana shitanchijmanchu carca. 22Cunanllapish ñuca nishcata uyaichigari. Cʼari cʼari caichijlla, shujllapish mana huañunguichijchu. Cai barcollami huashicunga. 23Ñucaca Diospajmi cani, Paitami servicuni. Chaimantami cunan tuta Taita Diospaj ángel ñucapajman shamurca. 24Paimi ñucataca: “Pablo, ama manchaichu. Canca, Cesarpajman chayanatajmi cangui. Canmantami Taita Diosca, tucui canhuan rijcunata, huañuimanta quishpichinga” nirca. 25Chaimanta, tucuicuna ama manchaichijchu. Taita Diosca, Paipaj angelta huillanaman cachashcata pajtachina cashcata crinimi. 26Shina cajpipish yacu chaupipi caj mai llajtamanpish chayanatajmi canchij» nircami.

Adria shuti cuchapimi tʼiyupi barco pambarishca

27Ña chunga chuscu tutatami, Adria shuti mama cuchapica, huaira apashcata huambucurcanchijlla. Ñapish chai chaupi tutataca barcota purichijcunaca, ña allpaman chayacushcata yuyarcacuna. 28Chaimantami barcomanta yacu ucu allpaman medishpaca, quimsa chunga sujta rigra jundalla illashcata ricurcacuna. Cutin ashtahuan chaininijman medijpica, ishqui chunga canchis rigra jundallami illashca carca. 29Chaimantaca, rumicunapi barco ama huajtarichunmi, barcota charij chuscu fierrocunahuan huashaman cacharishpa, ña utca achijyachun shuyarcacuna. 30Barcota purichijcunaca, chai barcota shitashpa rinatami yuyarcacuna. Chashna yuyaihuanmi, barcota charij ñaupaj fierrocunata uriyachicuj shinalla, uchilla canoataraj yacuman uriyachi callarircacuna. 31Chaimantami Pabloca patsaj soldadocunata mandajtapish, caishuj soldadocunatapish: «Cai barcota purichijcuna shitashpa rijpica, cancunaca huañunguichijmi» nirca. 32Chashna nijpi soldadocunaca, huatashca huascacunata pʼitishpami, chai uchilla canoataca, yacupi richun saquircacuna.

33Ña achijyamujpimi Pabloca, tucuicunata cashna nirca: «Imallatapish micupaichij. Ña ishqui semanatamari imata mana micushca, mana dormishcapish canguichij. 34Chaimanta cunanca, ama ima tucungapaj imallatapish micupaichigari. Cancunaca, shuj ajchallapish mana chingaringuichijchu» nircami. 35Chashna nishpa Pabloca, tandata japishpami, tucuicunapaj ñaupajpi Taita Diosta pagui nirca. Chai qʼuipaca chaupishpami micui callarirca. 36Pai micujta ricushpaca, paicunapish micunachishpami, tucuicuna micurcacuna. 37Chai barcopica, 276mi carcanchij. 38Ña mana nijta micushpaca, barco pʼanguillayachun nishpami, trigotaca yacuman shitarcacuna.

39Ña achijyajpica barcota purichijcunaca, mai llajtapi cashcatapish mana yacharcacunachu. Shina cashpapish, chaipi barco shayarinalla yuyachijpimi, chaiman cʼuchuyachishun yuyarcacuna. 40Yacuman cacharishca fierrocunata charicuj huascacunata pʼitishpa, chai fierrocunataca yacullapitajmi saquircacuna. Barcota pushaj caspitapish cacharishpa, barcota purichij ñaupaj lado linsotapish chutajpimi, huairaca barcota allpaman cʼuchuyachi callarirca. 41Allpaman ñalla cʼuchuyacushpaca, ishqui ladomanta yacu tupanacushpa tandachishca tʼiyupimi, ñaupaj ladoca pambarirca. Chaimanta mana llujshi tucujpimi, barco huasha ladotaca yacu jatarishpa, huajtashpa pʼaquirca.

42Chashna tucucujpimi, soldadocunaca preźu apacushcacunataca, ama huambushpa miticugrichun, huañuchishun nircacuna. 43Patsaj soldadocunata mandajca, Pablota paicuna ama huañuchichunmi, huambunata yachajcunaraj, huambushpa allpaman llujshichun nirca. 44Caishujcunatapish, tablacunapi, barco pʼaquirishca caspicunapi huambushpa llujshichunlla nircami.

Chashnami shujllapish mana huañushpa, tucuicuna allpaman llujshircacuna.