Ang Pagpunta ni Pablo sa Macedonia at Grecia
1Nang matapos na ang gulo, ipinatawag ni Pablo ang mga tagasunod ni Jesus. Pinayuhan niya sila na magpakatatag, at pagkatapos niyang magpaalam sa kanila, pumunta siya sa Macedonia. 2Maraming lugar ang kanyang pinuntahan sa Macedonia, at pinalakas niya ang loob ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pangangaral sa kanila. Pagkatapos, pumunta siya sa Grecia, 3at nanatili siya roon ng tatlong buwan. Nang bibiyahe na sana siya papuntang Syria, nalaman niya ang plano ng mga Judio na patayin siya. Kaya nagpasya siyang bumalik at sa Macedonia dumaan. 4Sumama sa kanya si Sopater na taga-Berea na anak ni Pyrhus, sina Aristarcus at Secundus na mga taga-Tesalonica, si Gaius na taga-Derbe, si Timoteo, at sina Tykicus at Trofimus na mga taga-Asia.20:4 taga-Asia: Hindi ito ang Asia na kilala ngayon, kundi bahagi ito ng bansang kilala ngayon na Turkey. 5Pagdating namin sa Filipos, nauna sila sa amin sa Troas at doon nila kami hinintay. 6Pinalampas muna namin ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa bago kami bumiyahe galing sa Filipos. Limang araw ang biyahe namin at nagkita kaming muli sa Troas. Nanatili kami roon ng pitong araw.
Ang Huling Pagdalaw ni Pablo sa Troas
7Nang Sabado ng gabi,20:7 Sabado ng gabi: sa literal, Unang araw ng linggo. nagtipon kami sa paghahati-hati ng tinapay. At dahil bibiyahe si Pablo kinabukasan, nangaral siya hanggang hatinggabi. 8Maraming ilaw sa itaas ng silid na pinagtitipunan namin. 9May isang binata roon na ang pangalan ay Euticus na nakaupo sa bintana. At dahil sa haba ng pagsasalita ni Pablo, inantok siya at nakatulog nang mahimbing, at nahulog siya sa bintana mula sa pangatlong palapag. Patay na siya nang buhatin nila. 10Pero bumaba si Pablo at dinapaan niya si Euticus at niyakap. Sinabi niya sa mga tao, “Huwag kayong mag-alala, buhay siya!” 11At bumalik si Pablo sa itaas, hinati-hati ang tinapay at kumain. Pagkatapos, nangaral pa siya hanggang madaling-araw. At saka siya umalis. 12Ang binatang nahulog ay iniuwi nilang buhay, at lubos silang natuwa.
Mula sa Troas Papuntang Miletus
13Sumakay kami ng barko papuntang Asos. Doon namin tatagpuin si Pablo, dahil sinabi niyang maglalakad lang siya papunta roon. 14Nang magkita kami sa Asos, pinasakay namin siya at pumunta kami sa Mitilene. 15Mula sa Mitilene, tumuloy kami sa Kios, at nakarating kami roon kinabukasan. Nang sumunod na araw, nasa Samos na kami, at makaraan ang isa pang araw ay narating namin ang Miletus. 16Hindi kami dumaan sa Efeso, dahil ayaw ni Pablo na maggugol ng oras sa lalawigan ng Asia. Nagmamadali siya dahil gusto niyang makarating sa Jerusalem bago dumating ang Araw ng Pentecostes.
Ang Pamamaalam ni Pablo sa mga Namumuno ng Iglesya sa Efeso
17Habang nasa Miletus si Pablo, may pinapunta siya sa Efeso para sabihin sa mga namumuno sa iglesya na makipagkita sa kanya. 18Pagdating nila, sinabi ni Pablo sa kanila, “Alam ninyo kung paano akong namuhay noong kasama pa ninyo ako, mula nang dumating ako sa lalawigan ng Asia. 19Naglingkod ako sa Panginoon nang may kapakumbabaan at pagluha.20:19 pagluha: Marahil dahil sa kanyang pagdadalamhati para sa mundo. Maraming kahirapan ang tiniis ko dahil sa masasamang balak ng mga Judio laban sa akin. 20Alam din ninyo na wala akong inilihim sa inyo sa aking pagtuturo tungkol sa mga bagay na para sa inyong ikabubuti, na itinuro ko sa publiko at sa bahay-bahay. 21Pinaalalahanan ko ang mga Judio at mga hindi Judio na kailangan nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik-loob sa Dios, at sumampalataya sa ating Panginoong Jesus. 22Ngayon, pupunta ako sa Jerusalem dahil ito ang utos ng Banal na Espiritu sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. 23Ang alam ko lang, kahit saang lungsod ako pumunta, pinapaalalahanan ako ng Banal na Espiritu na bilangguan at pag-uusig ang naghihintay sa akin. 24Pero hindi mahalaga sa akin kung ano man ang mangyari sa akin, matapos ko lamang ang gawain na ibinigay sa akin ng Panginoong Jesus, na maipangaral ang Magandang Balita tungkol sa biyaya ng Dios.
25“Napuntahan ko kayong lahat sa aking pangangaral tungkol sa paghahari ng Dios, at ngayon alam kong hindi na tayo magkikita pang muli. 26Kaya sasabihin ko sa inyo ngayon, na kung mayroon sa inyo na hindi maliligtas, wala na akong pananagutan sa Dios. 27Sapagkat wala akong inilihim sa inyo sa aking pagtuturo tungkol sa buong layunin at plano ng Dios. 28Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng mga mananampalatayang20:28 lahat ng mga mananampalataya: sa literal, buong kawan. pinababantayan sa inyo ng Banal na Espiritu. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Dios na kanyang tinubos sa pamamagitan ng sariling dugo. 29Sapagkat alam kong pagkaalis koʼy may mga tagapagturo riyan na katulad ng mga lobo na papasok sa inyo at sisira sa inyong grupo. 30Darating din ang panahon na may magtuturo ng kasinungalingan mula mismo sa inyong grupo at ililigaw nila ang mga tagasunod ni Jesus para sila ang kanilang sundin. 31Kaya mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong sa loob ng tatlong taon, walang tigil ko kayong pinaalalahanan araw at gabi nang may pagluha.
32“At ngayon, ipinagkakatiwala ko kayo sa Dios at sa kanyang salita na tungkol sa kanyang biyaya. Makapagpapatibay ito sa inyong pananampalataya at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Dios para sa lahat ng taong itinuring niyang sa kanya. 33Hindi ko hinangad ang inyong mga kayamanan at mga damit. 34Alam ninyong nagtrabaho ako para matustusan ang mga pangangailangan namin ng aking mga kasamahan. 35Ginawa ko ito upang maipakita sa inyo na sa ganitong pagsusumikap ay matutulungan natin ang mga dukha. Lagi nating alalahanin ang sinabi ng Panginoong Jesus na mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.”
36Pagkatapos magsalita ni Pablo, sama-sama silang lumuhod at nanalangin. 37Umiyak silang lahat, at niyakap nila si Pablo at hinalikan. 38Labis nilang ikinalungkot ang sinabi ni Pablo na hindi na sila magkikitang muli. Pagkatapos, inihatid nila si Pablo sa barko.
سفر پولس به مقدونيه و يونان
1وقتی سروصداها خوابيد، پولس به دنبال مسيحيان فرستاد و پس از موعظه و تشويق، از آنان خداحافظی كرد و به طرف مقدونيه به راه افتاد. 2سر راه خود به هر شهری كه میرسيد، برای مسيحيان موعظه میكرد. به اين ترتيب، به يونان رسيد 3و سه ماه در آنجا اقامت نمود. سپس، خواست با كشتی به سوريه برود، اما وقتی فهميد يهوديان توطئه چيدهاند كه او را بكشند، تصميم گرفت از راه مقدونيه مراجعت كند.
4چند نفر نيز تا آسيا همراه او رفتند كه عبارت بودند از سوپاترس اهل بيريه، ارسترخوس و سكندس اهل تسالونيكی، گايوس اهل دربه، تيموتائوس، تيخيكوس و تروفيموس كه همه به شهرهای خود در آسيا باز میگشتند. 5ايشان جلوتر رفتند و در تروآس منتظر ما ماندند. 6پس از عيد پِسَح، از شهر فيليپی واقع در شمال يونان سوار كشتی شديم و پنج روز بعد به بندر تروآس در آسيا رسيديم و يک هفته در آنجا مانديم.
آخرين ديدار پولس از تروآس
7يكشنبه برای مراسم شام مقدس دور هم جمع شديم و پولس برای ما موعظه میكرد؛ و چون روز بعد میخواست از آن شهر برود، تا نيمههای شب صحبت كرد. 8در بالاخانهای كه جمع بوديم، چراغهای بسياری روشن بود. 9همينطور كه پولس سخن را طول میداد، جوانی به نام افتيخُس كه كنار پنجره نشسته بود، خوابش برد و از طبقهٔ سوم پايين افتاد و مرد. 10-12پولس پايين رفت و او را در آغوش گرفت و گفت: «ناراحت نباشيد او صحيح و سالم است!» همينطور نيز بود! همه خوشحال شدند و با هم به بالاخانه بازگشتند و شام مقدس را خوردند. پولس باز سخن را ادامه داد تا كمكم هوا روشن شد. آنگاه ايشان را ترک گفت.
ديدار پولس با کشيشان افسس
13پولس میخواست از راه خشكی به اَسوس برود و ما پيش از او با كشتی به آن شهر رفتيم. 14در اسوس به هم رسيديم و با كشتی به مِتيلينی رفتيم. 15روز بعد، از جزيرهٔ خيوس گذشتيم و روز دوم به بندر ساموس رسيديم، و روز سوم وارد ميليتوس شديم. 16پولس نمیخواست اين بار در شهر افسس توقف نمايد، چون عجله داشت كه اگر ممكن باشد، برای عيد پنتیکاست در اورشليم باشد. 17اما وقتی در ميليتوس از كشتی پياده شديم، برای كشيشان كليسای افسس پيغام فرستاد كه بيايند در كشتی او را ببينند.
18وقتی آمدند، به آنان گفت: «شما میدانيد از روزی كه به آسيا قدم گذاشتم تا به حال، 19با كمال فروتنی و اشک و آه به خداوند خدمت كرده و هميشه با خطر مرگ روبرو بودهام، چون يهوديان برای كشتن من توطئه میچيدند. 20با وجود اين، چه در ميان مردم و چه در خانهها، هميشه حقيقت را به شما گفته و هرگز كوتاهی نكردهام. 21به يهوديان و غيريهوديان نيز اعلام میكردم كه لازم است از گناه دست بكشند و از راه ايمان به خداوند ما عيسی مسيح، به سوی خدا بازگردند.
22«اكنون به دستور روح خداوند میخواهم به اورشليم بروم و نمیدانم بر من چه خواهد گذشت، 23بهجز اينكه روحالقدس در هر شهر به من میگويد كه زندان و زحمت در انتظارم میباشد. 24ولی زندگی وقتی برايم ارزش دارد كه آن را در راه خدمتی كه عيسای خداوند به من سپرده است صرف كنم و آن را به كمال رسانم، يعنی پيغام خوش انجيل را به ديگران برسانم و بگويم كه خدا مهربان است و همه را دوست دارد.
25«میدانم كه بعد از اين، هيچكدام از شما كه پيغام خدا را بارها به شما اعلام كردهام، ديگر مرا نخواهيد ديد. 26بگذاريد بگويم كه خون كسی به گردن من نيست و اگر كسی از فيض خدا محروم مانده، من مقصر نيستم. 27چون در حق كسی كوتاهی نكردم، بلكه پيغام خدا را به همه رساندم.
28«پس مواظب خودتان باشيد و از گلهٔ خدا يعنی ايماندارانی كه مسيح به قيمت خون خود خريده است نگهداری كنيد و كلام خدا را به ايشان تعليم دهيد؛ زيرا روحالقدس شما را ناظر و مسئول مقرر فرمود. 29میدانم وقتی بروم معلمين دروغين مانند گرگان درنده به جان شما خواهند افتاد و به گله رحم نخواهند كرد. 30بعضی از ميان خود شما نيز حقيقت را وارونه جلوه خواهند داد تا مردم را به دنبال خود بكشند. 31پس، مواظب خود باشيد! فراموش نكنيد در اين سه سالی كه با شما بودم، پيوسته از شما مواظبت میكردم و شبانه روز برای شما در دعا اشک میريختم.
32«و حال شما را به دست خدا و كلام پرقدرت او میسپارم كه قادر است ايمان شما را بنا كند و تمام بركاتی را كه مخصوص برگزيدگان اوست، به شما بدهد.
33«میبينيد كه من هرگز نه طمع پول داشتم و نه طمع لباس، 34بلكه با اين دستها هميشه كار میكردم تا خرج خود و همراهانم را تأمين كنم. 35از لحاظ كار سخت و كمک به فقرا نيز پيوسته برای شما نمونه بودم، چون كلمات عيسای خداوند را به خاطر داشتم كه فرمود: دادن بهتر از گرفتن است.»
36وقتی سخن پولس تمام شد، زانو زد و با ايشان دعا كرد. 37سپس، همه گريهٔ بسيار كردند و پولس را در آغوش كشيده، بوسيدند. 38آنچه كه بيشتر از همه آنان را اندوهگين ساخت، اين گفتهٔ پولس بود كه گفت: «ديگر مرا نخواهيد ديد». آنگاه او را تا كشتی بدرقه كردند.