Gawa 19 – TCB & MTDS

Tagalog Contemporary Bible

Gawa 19:1-41

Ang Pangatlong Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero

1Habang nasa Corinto si Apolos, pumunta si Pablo sa mga bulubunduking lugar ng lalawigan hanggang sa nakarating siya sa Efeso. May nakita siyang mga tagasunod doon. 2Tinanong niya sila, “Natanggap nʼyo na ba ang Banal na Espiritu nang sumampalataya kayo?” Sumagot sila, “Hindi nga namin narinig na may tinatawag na Banal na Espiritu.” 3Nagtanong si Pablo sa kanila, “Sa anong bautismo kayo binautismuhan?” Sumagot sila, “Sa bautismo ni Juan.” 4Sinabi ni Pablo sa kanila, “Ang bautismo ni Juan ay para sa mga taong nagsisisi sa kanilang kasalanan. Ngunit sinabi rin ni Juan sa mga tao na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, na walang iba kundi si Jesus.” 5Nang marinig nila ito, binautismuhan sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. 6At nang ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu. Nakapagsalita sila ng ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan, at may mga ipinahayag silang mensahe mula sa Dios. 7Labindalawang lalaki silang lahat.

8Sa loob ng tatlong buwan, patuloy ang pagpunta ni Pablo sa sambahan ng mga Judio. Hindi siya natatakot magsalita sa mga tao. Nakipagdiskusyon siya at ipinaliwanag sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Dios. 9Pero ang iba sa kanilaʼy matigas talaga ang ulo at ayaw maniwala, at siniraan nila sa publiko ang pamamaraan ni Jesus. Kaya umalis si Pablo sa kanilang sambahan kasama ang mga tagasunod ni Jesus, at araw-araw ay pumupunta siya sa paaralan ni Tyranus para ipagpatuloy ang pakikipagdiskusyon sa harap ng madla. 10Sa loob ng dalawang taon, ganoon ang kanyang ginagawa, kaya ang lahat ng nakatira sa lalawigan ng Asia, Judio at hindi Judio ay nakarinig ng salita ng Dios.

11Maraming pambihirang himala ang ginawa ng Dios sa pamamagitan ni Pablo. 12Kahit mga panyo at mga epron na ginagamit niya ay dinadala sa mga may sakit at gumagaling sila, at lumalabas din ang masasamang espiritu. 13May ilang mga Judio roon na gumagala at nagpapalayas ng masasamang espiritu sa mga taong sinasaniban nito. Sinubukan nilang gamitin ang pangalan ng Panginoong Jesus para palabasin ang masasamang espiritu. Sinabi nila sa masasamang espiritu, “Sa pangalan ni Jesus na ipinangangaral ni Pablo, inuutusan ko kayong lumabas!” 14Ganito rin ang ginagawa ng pitong anak na lalaki ni Esceva. Si Esceva ay isa sa mga namamahalang pari. 15Sinusubukan nilang palabasin ang masamang espiritu sa pangalan ni Jesus. Pero sinagot sila ng masamang espiritu, “Kilala ko si Jesus, ganoon din si Pablo, pero sino naman kayo?” 16At nilundag sila ng taong sinaniban ng masamang espiritu at sinaktan. Wala silang magawa kaya tumakbo sila palabas ng bahay na hubad at sugatan. 17Ang pangyayaring ito ay nabalitaan ng lahat ng Judio at mga hindi Judio na nakatira roon sa Efeso. Natakot sila, at lalo pang naparangalan ang pangalan ng Panginoong Jesus. 18Marami sa mga sumasampalataya ang lumapit at nagtapat ng kanilang masasamang gawain. 19At marami ring mga salamangkero ang nagdala ng kanilang aklat at sinunog nila mismo ang mga ito sa harap ng lahat. Ang halaga ng mga aklat na sinunog ay umabot ng ilang milyon. 20Dahil sa pangyayaring ito, lalo pang lumaganap ang kapangyarihan ng salita ng Dios.

Ang Kaguluhan sa Efeso

21Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, nagpasya si Pablo na dumaan muna sa Macedonia at sa Acaya bago pumunta sa Jerusalem. At ayon sa kanya, kailangan din niyang puntahan ang Roma pagkagaling sa Jerusalem. 22Pinauna niya sa Macedonia ang dalawang tumutulong sa kanya sa gawain ng Dios na sina Timoteo at Erastus, at siyaʼy nagpaiwan muna sa lalawigan ng Asia. 23Nang panahon ding iyon, nagkaroon ng malaking kaguluhan sa Efeso dahil ayaw pumayag ng iba na magturo ang mga mananampalataya tungkol sa pamamaraan ni Jesus.

24May isang platero roon19:24 platero: sa Ingles, silversmith. na nagngangalang Demetrius. Gumagawa siya at ang kanyang mga tauhan ng maliliit na templong yari sa pilak na iginaya sa templo ni Artemis na kanilang diosa, at itoʼy pinagkakakitaan nila nang malaki. 25Kaya ipinatawag niya ang kanyang mga manggagawa at ang iba pang mga platero. At sinabi niya sa kanila, “Mga kaibigan, alam ninyong umaasenso tayo sa ganitong klaseng hanapbuhay. 26Nakita ninyo at narinig ang ginagawa ng taong si Pablo. Sinasabi niya na ang mga dios na ginagawa ng tao ay hindi totoong mga dios. Marami ang naniwala sa kanya rito sa Efeso at sa buong lalawigan ng Asia. 27Kaya nanganganib ang ating hanapbuhay, dahil baka masamain ito ng mga tao. At hindi lang iyan, nanganganib din ang templo ng ating dakilang diosang si Artemis, dahil baka mawalan na ito ng saysay, at hindi na kikilalanin ng mga tao ang diosa na sinasamba hindi lang dito sa Asia kundi maging sa buong mundo.”

28Nang marinig ito ng mga tao, galit na galit sila at nagsigawan, “Makapangyarihan si Artemis ng mga taga-Efeso!” 29At ang kaguluhan ay kumalat sa buong lungsod. Hinuli nila ang mga kasama ni Pablo na sina Gaius at Aristarcus na mga taga-Macedonia. Pagkatapos, sama-sama silang nagtakbuhan sa lugar na pinagtitipunan ng mga tao habang kinakaladkad nila ang dalawa. 30Nais sana ni Pablo na magsalita sa mga tao, pero pinigilan siya ng mga tagasunod ni Jesus. 31Maging ang ilang mga opisyal ng lalawigan ng Asia na mga kaibigan ni Pablo ay nagpasabi na huwag siyang pumunta sa pinagtitipunan ng mga tao.

32Lalo pang nagkagulo ang mga tao. Ibaʼt iba ang kanilang mga isinisigaw, dahil hindi alam ng karamihan kung bakit sila naroon. 33May isang tao roon na ang pangalan ay Alexander. Itinulak siya ng mga Judio sa unahan para magpaliwanag na silang mga Judio ay walang kinalaman sa mga ginagawa nina Pablo. Sinenyasan niya ang mga tao na tumahimik. 34Nang malaman ng mga tao na isa siyang Judio, sumigaw silang lahat, “Makapangyarihan si Artemis ng mga taga-Efeso!” Dalawang oras nilang isinisigaw ang ganoon.

35Nang bandang huli, napatahimik din sila ng namumuno sa lungsod. Sinabi niya sa kanila, “Mga kababayang taga-Efeso, alam ng lahat ng tao na tayong mga taga-Efeso ang siyang tagapag-ingat ng templo ni Artemis na makapangyarihan at ng sagradong bato na nahulog mula sa langit. 36Hindi ito maikakaila ninuman. Kaya huminahon kayo, at huwag kayong pabigla-bigla. 37Dinala ninyo rito ang mga taong ito kahit hindi naman nila ninakawan ang ating templo o nilapastangan ang ating diosa. 38Kung si Demetrius at ang kanyang mga kasamang platero ay may reklamo laban kaninuman, may mga korte at mga hukom tayo. Dapat doon nila dalhin ang kanilang mga reklamo. 39Pero kung may iba pa kayong reklamo, iyan ay kinakailangang ayusin sa opisyal na pagtitipon ng taong-bayan. 40Sa ginagawa nating ito, nanganganib tayong maakusahan ng mga opisyal ng Roma ng panggugulo. Wala tayong maibibigay na dahilan kung bakit natin ginagawa ito.” 41Pagkatapos niyang magsalita, pinauwi niya ang mga tao.

Mushuj Testamento Diospaj Shimi

Hechos 19:1-41

Efesopimi Pablo huillashca

1Apolos Corintopi cajpimi, Pabloca jahua llajtacunata purishpa, Efesoman chayarca. Chaipimi huaquin crijcunahuan tuparca. 2Paicunatami:

—Cancuna crij tucushpaca, ¿jucha illaj Espiritutaca chasquircanguichijchu?— nishpa tapurca.

Chashna tapujpica:

—Jucha illaj Espíritu tiyashcataca, mana uyashcanchijllapishchu— nircacunami.

3Shina nijpi Pabloca:

—¿Shinashpaca, imata crijpitaj cancunataca bautiźarca?— nijpi paicunaca:

—Juan yachachishcata chasquijllapimi bautiźarca— nircacuna.

4Shina nijpimi, Pabloca:

—Juanca paipajman shamujcunataca: “Ñucapaj qʼuipa shamujta cringuichij” nircami. Chashna nishpami, Diospajman cutirijcunataca bautiźarca. Jesustaca, Quishpichij Cristo cashcata crichun nishpami chashna nirca— nishpami alli entendichirca.

5Pablo chashna huillajta uyashpaca, Apunchij Jesuspaj shutipimi bautiźarircacuna. 6Chai qʼuipa Pablo paicunapaj jahuapi maquita churajpimi, jucha illaj Espíritu paicunata japirca. Chaimantami shujtaj rimaicunata rimarcacuna, Dios ima nishcatapish huillarcacunami. 7Paicunaca, chunga ishqui shinallami carca.

8Pabloca, quimsa quillatami chai pueblopica, Taita Dios mandacunta paicunapish crichun, tandanacuna huasipi, mana manchashpa, alli huillarca. 9Chashna huillajpipish taucacunami rumi shungu tucushpa, manataj crishun nircacuna. Crinapaj randica tucuicunapaj ñaupajpimi, ‘Jesuspaj Ñanta catinaca mana allichu’ nishpa rimarcacuna. Chaimantami Pabloca crijcunapuralla raquirishpa, Tirano shuti runa yachachina huasipi tandanacunata callarirca. Chaipimi, punllanta parlanacushpa yachachij carca. 10Chashnami chai Asia llajtapica, Pabloca ishqui huatata causarca. Apunchij Jesusmanta alli huillaita Pablo chai huatacunapi huillashcataca tucui judiocunapish, griegocunapishmi uyarca.

11Taita Diosca Pablotaca, jatun milagrocunatapishmi rurachij carca. 12Chaimantami tucuicuna churanacunata, linsocunata Pablopi tupachishpaca, ungushcacunapaj jahuapi churagrijcuna carca. Chashna rurajpica, ima ungüihuan cajcunapish alliyarcallami. Millai espiritucunapish llujshircallami.

13Supaicunata llujshichishpa purij maijan judiocunaca, paicunapish Apunchij Jesuspaj shutipimi, supaicunata llujshichishun yuyarcacuna. Chashna yuyashpami supaicunataca: «¡Pablo huillacushca Jesuspaj shutipimi cancunataca llujshichij nini!» nircacuna. 14Judío curacunata mandaj Esceva shuti curapaj canchis churicunami chashna rurajcuna carca.

15Paicunatami, millai supaica cashna nirca:

«Jesustaca rijsinimi, Pablo pipaj cashcatapish yachanimi. Ashtahuanpish cancunaca, ¿pipishchari canguichij?» nircami. 16Chashna nishcahuan jatarishpami, chai millai supaihuan caj runaca, tucui paicunata churanacunatapish llatanashpa, mana jahuallata macarca. Chashna pairaj mishajpimi chai huasimantaca, lluchulla callparcacuna.

17Chashna tucushcataca, Efesopi causajcunaca judiocuna, griegocuna, tucuicunami yachaj chayarcacuna. Chaimantami achcata mancharcacuna. 18Chaita ricushpaca, crijcunapish taucacunami paicuna ñaupa imalla mana alli rurashcata huillanaman shamurcacuna. 19Chashnallataj, yumbu ruraicunata rurajcunapish taucacunami, paicunapaj librocunata apamushpa, tucuicunapaj ñaupajpi rupachircacuna. Chai rupachishca librocuna mashna valishcata yupajpica, chunga huaranga cullquimi tucurca. 20Chashnami maipipish, Apunchij Jesusmanta huillashca shimicunaca tucuita rurai tucuj cashcata ricurcacuna. Crijcunapish ashtahuanmi sinchiyarcacuna.

21Tucui chaicunata rurashca qʼuipami Pabloca, Macedonia, Acaya llajtacunapi crijcunata ricuihuan, Jerusalenman rinata yuyarirca. «Chaimanta tigrashpatajca, Romaman rishami» nishpa, chai yuyaillami carca. 22Chashna yuyashpami, paita ayudaj Timoteohuan, Erastohuan ishquitaca Macedoniaman cacharca. Paica chai Asia llajtallapitajmi, ashacama saquirirca.

Efesopica Demetriomi huillanata jarcashca

23Chai punllacunami Efesopica, Jesuspaj Ñanta catinamanta huillacujta jarcangapaj achca gentecunata jatarichircacuna. 24Cullquita imatapish ruraj Demetrio shuti runami chaita callarichirca. Paica cullquihuanmi, Diana shuti huarmi diosta yuyarina uchilla huasicunata ruraj carca. Chaicunata paipaj rurajcunapish achca cullquiyujcunami tucurcacuna. 25Pai shinallataj chai shinacunata ruraj shujtajcunatapish tandachishpami, cashna nirca:

—Uyaichij tiocuna, cancunallataj allimi yachanguichij. Caicunata rurashpallami, ñucanchijca, alli cullquiyuj tucushcanchij. 26Shinallataj chai Pablo imallata nishpa puricujtapish cancunallataj uyashcanguichijmi. Paica, ‘Maquihuan rurashcallacunaca mana diostajchu’ nishpami puricun. Mana cai Efesollapichu chashna nishca, ashtahuanpish tucui Asia llajtapimari, achcacunata chashna crichishpa puricun. 27Pai chashnalla catijpica, mana ñucanchij cullqui japinalla tucurigrinchu. Ashtahuancarin, ñucanchij Diana shuti jatun diostamari, tucuicuna cungarishpa, paipaj huasitapish shitashcata saquigrincuna. Tucui Asia llajtapi causajcunapish, mai shujtaj llajtacunapi causajcunapish adorashca cashca jahuamari chashna tucugrin— nircami.

28Chaita huillajpica, mana jahuallata pʼiñarishpami:

—¡Efesopi causajcunapaj Diana diosca jatunmari!— nishpa caparircacuna.

29Chaita uyashpami, tucui chai pueblopi causajcunaca musparishpa jatarircacuna. Chaimantaca Macedoniamanta Pablohuan shamuj Gayotapish, Aristarcotapish japishpami, tucuicuna huaicashpa teatroman aparcacuna. 30Tucui chai ucupi cajcunaman huillangapaj Pablo yaicusha nijpica, crijcunami mana cacharircacuna. 31Asia llajtata maijan mandajcunapish Pablopaj alli rijsishcacuna cashpami, ‘Ama teatromanca yaicupangui’ ninaman cacharcacuna.

32Chaipi tandanacushca gentecunaca musparishpami, shujcunaca shujta, shujtajcunaca shujta capariricurcacuna. Ashtahuancarin, imapaj tandanacushcatapish mana yacharcacunachu. 33Chai gentecunapaj chaupimantami judiocunaca, imamanta chashna caparicushcata tucuicunaman huillachun, Alejandrota tʼangashpa, ñaupajman cacharcacuna. Alejandroca tucuicunapaj ñaupajpi shayarishpami, upallachun maquihuan jarcarca. Gentecuna ama ashtahuan pʼiñarichunmi alli huillasha yuyarca. 34Ashtahuanpish Alejandrota, judiocunapura cashcata rijsishpacarin:

—¡Efesopi causajcunapaj Diana diosca jatunmari!— nishpami, tucuicuna shuj shinalla, ishqui horas shinata caparicurcallacuna.

35Chai pueblota mandana huasipi jatun quillcaj runa shamushpami, tucuicunata upallachishpa cashna nirca:

—Efesopi causajcuna, jatun Diana diospaj huasita tucui caipi causajcuna cuidacuj cashcataca, tucuicunallatajmi yachancuna. Dianaca Júpiter nishca diosmantami urmarca. 36¿Pitaj chaitaca, ‘Mana chashnachu’ ningari? Chashna cashcamantaca, ña upallapaichij. Ñataj manapish alli yachashpa, pita imata ruranguichijman. 37Cancuna pushamushca runacunaca, ima mana millaita mana rurashcachu. Cancunapaj diostapish mana cʼamishcachu. 38Demetriotapish, paipajta rurajcunatapish pi pʼiñachijpica, juezcuna tiyanmi, paicunaman huillagrichunlla. Paicunapaj ñaupajpi chʼimbapura imatapish huillanacugrichunlla. 39Cancuna ima shujtaj allichinata charijpipish, mandashcapi nishca shina tucuicunata tandachishpa, alli yuyarinacushpa allichishunllami. 40Cunan cashna jatarishcata tapujpica, ñucanchijca llaquimari tucushun. ‘¿Imamantataj jatarircanguichij?’ nishpa, juchachij imajpica, ¿imatataj nishunri?— nircami.

41Chashna nishcahuan, chai tandanacushcacunataca, ‘Ña richijlla’ nishpa cacharcallami.