Galacia 4 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Galacia 4:1-31

1Ito ang ibig kong sabihin: Habang bata pa ang tagapagmana, wala siyang ipinagkaiba sa mga alipin kahit kanya ang lahat ng ari-arian. 2Itinatagubilin siya sa mga taong nag-aalaga sa kanya at namamahala ng mga ari-arian niya hanggang sa araw na itinakda ng kanyang ama.

3Ganoon din naman ang kalagayan natin bago dumating si Cristo4:3 bago dumating si Cristo: sa literal, noong mga bata pa tayo. – inalipin tayo ng mga panuntunan ng mundong ito. 4Ngunit nang dumating na ang takdang panahon, isinugo ng Dios ang kanyang Anak sa mundo. Ipinanganak siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan 5para palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan, nang sa ganoon ay maging anak tayo ng Dios. 6At dahil mga anak na tayo ngayon ng Dios, isinugo ng Dios ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating puso, kaya makakatawag na tayo sa kanya ng “Ama.” 7Ngayon, hindi na tayo mga alipin kundi mga anak. At kung mga anak tayo ng Dios, tagapagmana rin tayo ng mga pangako niya.

Ang Pagmamalasakit ni Pablo sa mga Taga-Galacia

8Noong hindi nʼyo pa kilala ang Dios, naging alipin kayo ng mga dios-diosan. 9Ngunit ngayong kilala nʼyo na ang Dios (o mas mabuting sabihin na kinilala kayo ng Dios bilang mga anak) bakit bumabalik pa kayo sa walang bisa at mga walang kwentang panuntunan? Bakit gusto ninyong magpaaliping muli sa mga ito? 10May pinapahalagahan pa kayong mga araw, buwan, panahon at mga taon! 11Nag-aalala ako na baka nasayang lang ang lahat ng pagsisikap ko sa inyo.

12Nakikiusap ako sa inyo mga kapatid, na tularan ninyo ako, dahil kahit isa akong Judio, tinalikuran ko ang pagsunod sa Kautusan ng mga Judio at naging katulad ninyong hindi Judio.

Wala kayong kasalanan sa akin. 13Alam naman ninyo na ang pagkakasakit ko ang naging dahilan kaya ko naipangaral sa inyo ang Magandang Balita sa unang pagkakataon. 14Kahit naging pagsubok sa inyo ang sakit ko, hindi nʼyo ako hinamak o itinakwil. Sa halip, tinanggap nʼyo pa nga ako na parang isang anghel ng Dios o parang ako na mismo si Jesu-Cristo. 15Napakasaya natin noon. Ano ang nangyari? Ako mismo ang makakapagpatunay na kung maaari lang noon ay dinukit na ninyo ang inyong mga mata para ibigay sa akin. 16Naging kaaway na ba ninyo ako dahil sinasabi ko ang katotohanan?

17May mga tao riyan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa inyo, pero hindi mabuti ang hangarin nila. Gusto lang nila akong siraan, para sila ang sundin ninyo. 18Hindi masamang magpakita sila ng pagmamalasakit kahit wala ako sa piling nʼyo, bastaʼt mabuti lang ang hangarin nila. 19Minamahal kong mga anak, hanggaʼt hindi nakikita sa inyo ang buhay ni Cristo, maghihirap akong parang isang babaeng nanganganak. 20Kung maaari lang sana, makapunta na ako riyan at makausap kayo nang maayos dahil nag-aalala ako ng labis sa inyo!

Ang Halimbawa ni Sara at Hagar

21Ngayon, sabihin nga ninyo sa akin, kayong mga nais magpailalim sa Kautusan, hindi ba ninyo alam ang sinasabi sa Kautusan? 22Sinasabi roon na may dalawang anak si Abraham. Ang isaʼy anak niya sa kanyang alipin na si Hagar, at ang isa naman ay anak niya sa asawa niya na si Sara. 23Ang kanyang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa karaniwang panganganak. Ngunit ang anak niya sa kanyang asawa ay ipinanganak ayon sa pangako ng Dios. 24Maaari nating tingnan ang dalawang babaeng ito bilang isang paghahalintulad. Kumakatawan sila sa dalawang kasunduan. Si Hagar ay kumakatawan sa kasunduan na ibinigay ng Dios kay Moises sa Bundok ng Sinai. Ipinanganak na mga alipin ang mga anak niya. 25Si Hagar, na kumakatawan sa Bundok ng Sinai sa Arabia ay kumakatawan din sa kasalukuyang Jerusalem. Sapagkat ang mga tao sa Jerusalem ay naging alipin ng Kautusan. 26Ngunit ang asawang si Sara ay hindi alipin, at siya ang kumakatawan sa Jerusalem na nasa langit, at siya ang ating ina dahil hindi tayo alipin ng Kautusan. 27Sapagkat sinasabi sa Kasulatan:

“Matuwa ka, baog na babae, ikaw na hindi pa nagkakaanak!

Humiyaw ka sa kagalakan, ikaw na hindi pa nakakaranas ng sakit sa panganganak.

Sapagkat kahit iniwan ka ng asawa mo,

mas marami ang magiging anak mo kaysa sa babaeng kapiling ang kanyang asawa.”4:27 Isa. 54:1.

28Mga kapatid, mga anak kayo ng Dios ayon sa pangako niya, tulad ni Isaac na ipinanganak ayon sa pangako ng Dios. 29Noong una, si Isaac na ipinanganak ayon sa Espiritu ay inusig ni Ishmael na ipinanganak ayon sa karaniwang panganganak. Ganoon din ang nangyayari ngayon; inuusig tayo ng mga taong nais magpaalipin sa Kautusan. 30Pero ano ba ang sinasabi sa Kasulatan? “Palayasin mo ang babaeng alipin at ang anak niya, dahil ang anak ng babaeng alipin ay hindi maaaring makibahagi sa mamanahin ng anak ng babaeng hindi alipin.”4:30 Gen. 21:10. 31Kaya nga mga kapatid, hindi tayo anak ng babaeng alipin, kundi anak ng babaeng hindi alipin.

New International Reader’s Version

Galatians 4:1-31

1Here is what I have been saying. As long as your own children are young, they are no different from slaves in your house. They are no different, even though they will own all the property. 2People are in charge of the property. And other people are in charge of the children. The children remain under their care until they become adults. At that time their fathers give them the property. 3It is the same with us. When we were children, we were slaves to the basic spiritual powers of the world. 4But then the chosen time came. God sent his Son. A woman gave birth to him. He was born under the authority of the law. 5He came to set free those who were under the authority of the law. He wanted us to be adopted as children with all the rights children have. 6Because you are his children, God sent the Spirit of his Son into our hearts. He is the Holy Spirit. By his power we call God Abba. Abba means Father. 7So you aren’t a slave any longer. You are God’s child. Because you are his child, God gives you the rights of those who are his children.

Paul’s Concern for the Believers in Galatia

8At one time you didn’t know God. You were slaves to gods that are really not gods at all. 9But now you know God. Even better, God knows you. So why are you turning back to those weak and worthless powers? Do you want to be slaves to them all over again? 10You are observing special days and months and seasons and years! 11I am afraid for you. I am afraid that somehow I have wasted my efforts on you.

12I make my appeal to you, brothers and sisters. I’m asking you to become like me. After all, I became like you. You didn’t do anything wrong to me. 13Remember when I first preached the good news to you? Remember I did that because I was sick. 14And my sickness was hard on you. But you weren’t mean to me. You didn’t make fun of me. Instead, you welcomed me as if I were an angel of God. You welcomed me as if I were Christ Jesus himself. 15So why aren’t you treating me the same way now? Suppose you could have torn out your own eyes and given them to me. Then you would have done it. I am a witness to this. 16Have I become your enemy now by telling you the truth?

17Those people are trying hard to win you over. But it is not for your good. They want to take you away from us. They want you to commit yourselves to them. 18It is fine to be committed to something, if the purpose is good. And you shouldn’t be committed only when I am with you. You should always be committed. 19My dear children, I am in pain for you like I was when we first met. I have pain like a woman giving birth. And my pain will continue until Christ makes you like himself. 20I wish I could be with you now. I wish I could change my tone of voice. As it is, I don’t understand you.

Hagar and Sarah

21You who want to be under the authority of the law, tell me something. Don’t you know what the law says? 22It is written that Abraham had two sons. The slave woman gave birth to one of them. The free woman gave birth to the other one. 23Abraham’s son by the slave woman was born in the usual way. But his son by the free woman was born because of God’s promise.

24These things are examples. The two women stand for two covenants. One covenant comes from Mount Sinai. It gives birth to children who are going to be slaves. It is Hagar. 25Hagar stands for Mount Sinai in Arabia. She stands for the present city of Jerusalem. That’s because she and her children are slaves. 26But the Jerusalem that is above is free. She is our mother. 27It is written,

“Be glad, woman,

you who have never had children.

Shout for joy and cry out loud,

you who have never had labor pains.

The woman who is all alone has more children

than the woman who has a husband.” (Isaiah 54:1)

28Brothers and sisters, you are children because of God’s promise just as Isaac was. 29At that time, the son born in the usual way tried to hurt the other son. The other son was born by the power of the Holy Spirit. It is the same now. 30But what does Scripture say? “Get rid of the slave woman. Get rid of her son. The slave woman’s son will never have a share of the family’s property. He’ll never share it with the free woman’s son.” (Genesis 21:10) 31Brothers and sisters, we are not the slave woman’s children. We are the free woman’s children.