Ezra 9 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Ezra 9:1-15

Nagsipag-asawa ng mga Dayuhan ang mga Israelita

1Sinabi pa ni Ezra: Pagkatapos ng pangyayaring iyon, pumunta sa akin ang mga pinuno ng mga Judio at nagsabi, “Marami sa mamamayan ng Israel, pati na ang mga pari at mga Levita, ang namumuhay katulad ng mga tao sa paligid nila. Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na gawain ng mga Cananeo, Heteo, Perezeo, Jebuseo, Ammonita, Moabita, Egipcio, at Amoreo. 2Nagsipag-asawa pa sila at ang mga anak nila ng mga babaeng mula sa mga mamamayang nabanggit. Kaya ang mga mamamayang pinili ng Dios ay nahaluan ng ibang mga lahi. At ang mga pinuno at mga opisyal pa natin ang siyang nangunguna sa paggawa nito.”

3Nang marinig ko ito, pinunit ko ang damit ko, sinabunutan ko ang buhok ko, hinila ko ang balbas ko, at naupo akong tulala. 4Nagtipon sa akin ang mga tao na takot sa mensahe ng Dios ng Israel dahil sa pagtataksil ng mga kapwa nila Israelitang bumalik galing sa pagkabihag. Naupo akong tulala, hanggang sa dumating ang oras ng panggabing paghahandog. 5Pagdating ng oras na iyon, tumigil ako sa pagdadalamhati. Lumuhod akong gutay-gutay ang damit, at nanalangin na nakataas ang mga kamay sa Panginoon na aking Dios. 6Sinabi ko, “Dios ko, hiyang-hiya po ako. Hindi ako makatingala sa inyo sa sobrang hiya, dahil sobra na ang mga kasalanan namin; parang umaapaw na po ito sa ulo namin at umabot na sa langit. 7Simula pa po sa kapanahunan ng mga ninuno namin hanggang ngayon, sobra na ang kasalanan namin; at dahil dito, kami at ang aming mga hari at mga pari ay palaging sinasakop ng mga hari ng ibang mga bansa. Pinatay nila ang iba sa amin, at ang iba naman ay binihag, ninakawan at pinahiya, katulad ng nangyayari sa amin ngayon.

8“At ngayon, sa maikling panahon, kinahabagan nʼyo po kami, Panginoon na aming Dios. Niloob nʼyong may matira sa amin, at pinatira nʼyo kami nang may katiyakan sa lugar na ito na inyong pinili. Binigyan nʼyo po kami ng pag-asa at pinagaan nʼyo ang aming kalagayan sa pagkaalipin. 9Kahit mga alipin kami, hindi nʼyo kami pinabayaan sa pagkaalipin, sa halip ipinapakita nʼyo sa amin ang inyong pag-ibig sa pamamagitan ng mabuting pagtrato ng mga hari ng Persia sa amin. Ginawa nʼyo ito para mabigyan kami ng bagong buhay, at para maipatayo namin muli ang templo nʼyong nagiba, at mabigyan nʼyo po kami ng kalinga dito sa Juda at Jerusalem.

10“Pero ngayong nagkasala kami, O aming Dios, ano pa ang masasabi namin? Sapagkat binalewala namin ang mga utos nʼyo 11na ibinigay nʼyo sa amin sa pamamagitan ng mga propetang lingkod ninyo. Sinabi nila sa amin na ang lupaing pupuntahan namin para angkinin ay maruming lupain dahil sa kasamaan ng mga naninirahan dito. Dinumihan nila ang lahat ng bahagi ng lupaing ito sa pamamagitan ng mga kasuklam-suklam nilang gawain. 12Sinabi rin sa amin ng mga propeta na huwag kaming magsisipag-asawa sa kanila, at huwag kaming tutulong na umunlad sila, para maging matibay at maunlad kami,9:12 maunlad kami: o, makakain kami ng pinakamabubuting ani ng lupain. at para manatili ang pag-unlad na ito sa mga lahi namin magpakailanman. 13Pinarusahan nʼyo kami, O aming Dios, dahil sa mga kasalanan namin. Pero ang parusa nʼyo sa amin ay kulang pa po sa nararapat naming tanggapin, at niloob nʼyo pa na may matirang buhay sa amin. 14Pero sa kabila nito, sinuway ulit namin ang mga utos nʼyo, at nagsipag-asawa kami ng mga taong gumagawa ng mga kasuklam-suklam na gawain. Talagang magagalit kayo sa amin at lilipulin kami hanggang sa wala nang matira sa amin. 15O Panginoon, Dios ng Israel, makatarungan po kayo, sapagkat niloob nʼyo na may matira pang buhay sa amin hanggang ngayon. Inaamin po namin ang aming mga kasalanan, at hindi kami makakatayo sa presensya nʼyo dahil sa mga kasalanang ito.”

Persian Contemporary Bible

عزرا 9:1-15

دعای عزرا

1پس از پايان اين امور، سران قوم اسرائيل پيش من آمدند و گفتند كه قوم و كاهنان و لاويان خود را از قومهای بت‌پرست ساكن اين ديار جدا نكرده‌اند و از اعمال قبيح كنعانی‌ها، حيتی‌ها، فرزی‌ها، يبوسی‌ها، عمونی‌ها، موآبی‌ها، مصری‌ها و اموری‌ها پيروی می‌كنند. 2مردان يهودی از دختران اين قومها برای خود و پسرانشان زنان گرفته‌اند و به اين وسيله قوم مقدس را با قومهای بت‌پرست در هم آميخته‌اند. در اين فساد، سران و بزرگان قوم پيشقدم بوده‌اند.

3وقتی اين خبر را شنيدم، جامه خود را دريدم، موی سر و ريش خود را كندم و متحير نشستم. 4سپس گروهی از كسانی كه به خاطر اين گناه قوم از خدای اسرائيل می‌ترسيدند نزد من جمع شدند و من تا وقت تقديم قربانی عصر، همانطور نشسته ماندم.

5در هنگام قربانی عصر از جای خود بلند شدم و با همان جامهٔ دريده زانو زدم و دستهای خود را به حضور خداوند، خدايم بلند كرده، 6گفتم: «خدايا در نزد تو شرمسارم و خجالت می‌كشم كه در حضورت سر بلند كنم، چون گناهان ما از سر ما گذشته و خطاهای ما سر به فلک كشيده است. 7قوم ما از زمانهای گذشته تا به حال مرتكب گناهان زيادی شده‌اند؛ به همين دليل است كه ما و پادشاهان و كاهنانمان به دست پادشاهان ديگر كشته و اسير و غارت و رسوا شده‌ايم، و اين رسوايی تا امروز هم باقی است. 8و حال مدتی است كه لطف تو ای خداوند، خدای ما، شامل حال ما شده و تو عده‌ای از ما را از اسارت بيرون آورده در اين مكان مقدس مستقر ساخته‌ای و به ما شادی و حيات تازه بخشيده‌ای. 9ما اسير و برده بوديم، ولی تو ما را در حالت بردگی ترک نكردی، بلكه ما را مورد لطف پادشاهان پارس قرار دادی. تو به ما حيات تازه بخشيده‌ای تا بتوانيم خانهٔ تو را بازسازی كنيم و در سرزمين يهودا و شهر اورشليم در امان باشيم.

10‏-11«و حال ای خدای ما، پس از اين همه لطف، چه می‌توانيم بگوييم؟ در حالی که بار ديگر از دستورات تو كه توسط انبيايت به ما داده بودی، سرپيچی كرده‌ايم. آنها به ما گفته بودند كه سرزمينی كه بزودی آن را به تصرف خود در خواهيم آورد زمينی است كه بر اثر اعمال قبيح ساكنان بت‌پرست آن نجس شده است و سراسر آن پر از فساد و پليدی است. 12به ما فرمودند كه دختران خود را به پسران اهالی آنجا ندهيم و نگذاريم پسران ما با دختران ايشان ازدواج كنند و نيز هرگز به آن قومها كمک نكنيم تا بتوانيم از آن سرزمين حاصلخيز بهره‌مند شويم و آن را برای فرزندانمان تا ابد به ارث بگذاريم. 13اما ما مرتكب اعمال زشت و گناهان بزرگی شديم و تو ما را تنبيه كردی. ولی می‌دانيم كمتر از آنچه كه سزاوار بوديم ما را تنبيه نمودی و گذاشتی از اسارت آزاد شويم. 14با وجود اين، باز از دستورات تو سرپيچی نموده‌ايم و با اين قومهای فاسد وصلت كرده‌ايم. حال، بدون شک مورد خشم تو قرار خواهيم گرفت و حتی يكنفر از ما نيز زنده باقی نخواهد ماند. 15ای خداوند، خدای اسرائيل، تو خدايی عادل هستی. ما بازماندگان قوم اسرائيل در حضور تو به گناه خود اعتراف می‌كنيم، هر چند به سبب اين گناه شايسته نيستيم در حضورت بايستيم.»