Ezra 8 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Ezra 8:1-36

Ang mga Bumalik Galing sa Pagkabihag Kasama ni Ezra

1Sinabi ni Ezra, “Ito ang mga pinuno ng mga pamilya na sumama sa akin sa Jerusalem galing sa Babilonia, noong panahon ng paghahari ni Haring Artaserses:

2si Gershom, na galing sa pamilya ni Finehas;

si Daniel, na galing sa pamilya ni Itamar;

3si Hatush na anak ni Shecania, na galing sa pamilya ni David;

si Zacarias at ang 150 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Paros (mayroong talaan ng mga ninuno nila);

4si Eliehoenai na anak ni Zerahia at ang 200 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Pahat Moab;

5si Shecania na anak ni Jahaziel at ang 300 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Zatu;

6si Ebed na anak ni Jonatan at ang 50 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Adin;

7si Jeshaya na anak ni Atalia at ang 70 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Elam;

8si Zebadia na anak ni Micael at ang 80 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Shefatia;

9si Obadias na anak ni Jehiel at ang 218 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Joab;

10si Shelomit na anak ni Josifia at ang 160 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Bani;

11si Zacarias na anak ni Bebai at ang 28 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Bebai;

12si Johanan na anak ni Hakatan at ang 110 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Azgad;

13si Elifelet, si Jeuel, at si Shemaya at ang 60 lalaking kasama nila, na galing sa pamilya ni Adonikam;

14si Utai at si Zacur at ang 70 lalaking kasama niya, na galing sa pamilya ni Bigvai.”

Ang Pagbalik nina sa Ezra sa Jerusalem

15Tinipon ko ang sasama sa akin sa Jerusalem doon sa ilog na dumadaloy papunta sa lugar ng Ahava. Nagkampo kami roon ng tatlong araw. Nang tingnan ko ang talaan ng mga tao na sasama sa akin, pati na ang mga pari, nalaman kong walang mga Levita roon. 16Kaya ipinatawag ko ang mga pinuno ng grupo na sina Eliezer, Ariel, Shemaya, Elnatan, Jarib, Elnatan, Natan, Zacarias, at Meshulam, at ang dalawang matalinong tao na sina Joyarib at Elnatan. 17Pinapunta ko sila kay Iddo na pinuno ng lugar ng Casifia para hilingin sa kanya at sa mga kamag-anak niyang utusan sa templo na magpadala sila ng mga tao na maglilingkod sa templo ng Dios. 18Dahil tinulungan kami ng Dios, ipinadala nila sa amin si Sherebia, kasama ang kanyang mga anak at mga kapatid niyang lalaki, na ang kabuuang bilang ay 18. Si Sherebia ay maabilidad na tao at mula siya sa pamilya ni Mahli na lahi ni Levi. Si Levi ay anak ni Israel. 19Ipinadala rin nila si Hashabia at ang mga kapatid at mga pamangkin nitong lalaki na 20 ang bilang, kasama si Jeshaya na galing sa pamilya ni Merari. 20Ipinadala pa nila ang 220 utusan sa templo. Ang mga utusan sa templo ay pinili noon ni Haring David at ng mga opisyal niya para tumulong sa mga Levita. Nakalista lahat ang mga pangalan nila.

Nag-ayuno at Nanalangin Sina Ezra

21Doon sa tabi ng Ilog Ahava, sinabi ko sa grupo na mag-ayuno kami at magpakumbaba ng mga sarili namin sa presensya ng aming Dios para hilingin sa kanya na ingatan kami sa paglalakbay, pati ang aming mga anak at mga ari-arian. 22Sapagkat nahihiya akong humingi sa hari ng mga sundalo at mangangabayo na magbabantay sa amin laban sa mga kalaban habang naglalakbay kami, dahil sinabi na namin sa hari na tinutulungan ng aming Dios ang lahat ng nagtitiwala sa kanya, pero galit na galit siya sa mga nagtatakwil sa kanya. 23Kaya nag-ayuno at nanalangin kami sa aming Dios na ingatan niya kami, at tinugon niya ang dalangin namin.

Ang mga Handog para sa Templo

24Pumili ako ng 12 tao mula sa mga namumunong pari, hindi kabilang sina8:24 hindi kabilang sina: o, na sina. Sherebia, Hashabia, at ang sampu sa kamag-anak nila. 25Pagkatapos, ipinagkatiwala ko sa kanila ng walang kulang8:25 ipinagkatiwala ko sa kanila ng walang kulang sa literal, tinimbang ko at ipinagkatiwala sa kanila. ang mga pilak, ginto, at mga kagamitang ibinigay ng hari, at ng mga tagapayo niya at mga opisyal, at ng maraming Israelita, bilang tulong sa templo ng aming Dios. 26-27Ito ang aking ipinagkatiwala sa kanila:

22 toneladang pilak

3 toneladang kasangkapang pilak

3 toneladang ginto

20 gintong mangkok na mga waloʼt kalahating kilo,

2 tansong mangkok8:26-27 mangkok: sa Hebreo, kagamitan. na pinakintab na kasinghalaga ng mga mangkok na ginto.

28Sinabi ko sa mga pari, “Kayo at ang mga kagamitang ito ay ibinukod para sa Panginoon. Ang mga pilak at ginto ay handog na kusang-loob para sa Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno. 29Ingatan nʼyo itong mabuti hanggang sa madala nʼyo ito sa mga bodega templo ng Panginoon sa Jerusalem na walang kulang,8:29 na walang kulang: sa literal, na tinimbang. Ganito rin sa talatang 30,32. sa harap ng mga namumunong pari, mga Levita, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga Israelita.”

30Kaya kinuha ng mga pari at ng mga Levita ang mga pilak, ginto, at ang mga kagamitan, na walang kulang, para dalhin sa templo ng aming Dios sa Jerusalem.

Ang Pagbalik sa Jerusalem

31Umalis kami sa Ilog Ahava at naglakbay papuntang Jerusalem nang ika-12 araw ng unang buwan. Tinulungan kami ng aming Dios at iningatan kami sa mga kalaban at tulisan habang naglalakbay kami. 32Pagdating namin sa Jerusalem, nagpahinga muna kami ng tatlong araw.

33Nang ikaapat na araw, pumunta kami sa templo ng aming Dios at ipinagkatiwala namin ang mga pilak, ginto, at mga kagamitan ng walang kulang kay Meremot na pari na anak ni Uria. Kasama niya si Eleazar na anak ni Finehas at ang dalawang Levita na sina Jozabad na anak ni Jeshua at Noadia na anak ni Binui. 34Binilang at tinimbang ito lahat, at inilista.

35Pagkatapos, ang lahat ng bumalik galing sa pagkabihag ay nag-alay sa Dios ng Israel ng mga handog na sinusunog: 12 toro para sa buong Israel, 96 na lalaking tupa, at 77 batang lalaking tupa. Nag-alay din sila ng 12 lalaking kambing bilang handog sa paglilinis. Ang lahat ng ito ay ang mga handog na sinusunog para sa Panginoon. 36Ibinigay din nila sa mga gobernador at mga opisyal ng lalawigan sa kanluran ng Eufrates ang dokumento kung saan nakasulat ang utos ng hari. At ang mga pinunong ito ay tumulong sa mga mamamayan ng Israel at sa templo ng Dios.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

以斯拉记 8:1-36

归回之人

1亚达薛西王年间,与我一起从巴比伦上到耶路撒冷之人的族长和家谱如下: 2非尼哈的子孙有革顺以他玛的子孙有但以理大卫的子孙有哈突3巴录的后裔、示迦尼的子孙有撒迦利亚及一百五十名同族谱的男子; 4巴哈·摩押的子孙有西拉希雅的儿子以利约乃及二百名男子; 5萨土8:5 萨土”七十士译本有此名字,希伯来文则无。的子孙有雅哈悉的儿子示迦尼及三百名男子; 6亚丁的子孙有约拿单的儿子以别及五十名男子; 7以拦的子孙有亚他利雅的儿子耶筛亚及七十名男子; 8示法提雅的子孙有米迦勒的儿子西巴第雅及八十名男子; 9约押的子孙有耶歇的儿子俄巴底亚及二百一十八名男子; 10巴尼8:10 巴尼”七十士译本有此名字,希伯来文则无。的后裔、约细斐的子孙有示罗密及一百六十名男子; 11比拜的后裔有比拜的儿子撒迦利亚及二十八名男子; 12押甲的后裔有哈加坦的儿子约哈难及一百一十名男子; 13稍后归回的亚多尼干的子孙有以利法列耶利示玛雅及六十名男子; 14比革瓦伊的子孙有乌太撒布及七十名男子。

以斯拉为圣殿召集利未人

15我把他们召集在流向亚哈瓦的河边,我们在那里扎营三天。我察看民众和祭司,发现他们当中没有利未人。 16于是,我派人叫来首领以利以谢亚列示玛雅以利拿单雅立以利拿单拿单撒迦利亚米书兰及两位教师约雅立以利拿单17我派他们去见迦西斐雅的首领易多,请他们告诉易多及其做殿役的亲族带一些人来我们上帝的殿里事奉。 18我们的上帝施恩帮助我们,他们给我们带来一位能干的人示利比及其弟兄和儿子共十八人。示利比以色列的儿子利未的后裔抹利的子孙。 19他们还带来哈沙比雅米拉利的子孙耶筛亚,以及哈沙比雅的弟兄和儿子共二十人。 20此外还有二百二十名殿役,他们都是被点名指派的。从前大卫和众官员曾指派殿役服侍利未人。

以斯拉带领百姓禁食

21然后,我在亚哈瓦河边宣布禁食,为要在我们的上帝面前谦卑下来,祈求祂保护我们、我们的儿女及财物一路平安。 22我羞于求王派步兵和骑兵沿途帮助我们御敌,因为我们曾经告诉王:“我们的上帝会施恩帮助寻求祂的人,但会向背弃祂的人发烈怒。” 23因此,我们为这事禁食、寻求我们的上帝,祂应允了我们。

献给圣殿的礼物

24我选出十二位祭司长:示利比哈沙比雅和他们的十个弟兄。 25王及其谋士和将领,以及所有在场的以色列人献给我们上帝殿的金银和器皿,我都秤了交给他们。 26我交给他们的有二十二吨银子、三点四吨银器、三点四吨金子、 27共重八公斤半的二十个金碗和两件贵重如金子的上等精铜器皿。 28我对他们说:“你们和这些器皿是献给耶和华的,金银是自愿献给你们祖先的上帝耶和华的礼物。 29你们要好好保管,护送到耶路撒冷耶和华殿的库房里,要在祭司长、利未人和以色列的各族长面前过秤。” 30于是,祭司和利未人接过这些称过的金银和器皿,要带去耶路撒冷我们上帝的殿里。

返回耶路撒冷

31一月十二日,我们从亚哈瓦河边出发上耶路撒冷。我们的上帝施恩帮助我们,救我们脱离仇敌和路上埋伏之人的攻击。 32耶路撒冷后,我们休息了三天。 33第四天,我们在我们上帝的殿里把金银和器皿过秤,交给乌利亚的儿子米利末祭司。在场的还有非尼哈的儿子以利亚撒利未耶书亚的儿子约撒拔宾内的儿子挪亚底34每样东西都被数过、称过,其重量都被记录下来。

35从流亡之地归回的人又献燔祭给以色列的上帝,为全体以色列人献上十二头公牛、九十六只公绵羊和七十七只绵羊羔,并献上十二只公山羊作赎罪祭。这些都是献给耶和华的燔祭。 36他们将王的谕旨交给王的总督和幼发拉底河西的省长,众官员都为民众和上帝殿的工作提供帮助。