Ezekiel 3 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

Ezekiel 3:1-27

1Sinabi pa ng tinig sa akin, “Anak ng tao, kainin mo ang aklat na ito, puntahan mo ang mga mamamayan ng Israel at magsalita ka sa kanila.” 2Kaya ibinuka ko ang bibig ko at isinubo niya sa akin ang nakabilot na aklat. 3Sinabi niya sa akin, “Sige, kainin mo iyan at magpakabusog ka.” Kinain ko ang aklat, matamis ang lasa nito gaya ng pulot.

4Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, puntahan mo ang mga mamamayan ng Israel at sabihin mo sa kanila ang ipinapasabi ko sa iyo. 5Hindi kita isinusugo sa mga taong iba ang wika at mahirap maintindihan, kundi sa mga mamamayan ng Israel. 6Sapagkat kung susuguin kita sa mga taong iba ang wika at mahirap maintindihan, tiyak na pakikinggan ka nila. 7Pero ang mga mamamayan ng Israel ay hindi makikinig sa iyo, dahil ayaw nilang makinig sa akin. Lahat sila ay matitigas ang ulo at mga lapastangan. 8Pero gagawin kitang mas matigas at mas manhid kaysa sa kanila 9katulad ng isang batong matigas. Kaya huwag kang matatakot sa kanila, dahil nalalaman mo na rebelde silang mamamayan.”

10Sinabi pa niya sa akin, “Anak ng tao, makinig kang mabuti at isapuso ang lahat ng sinasabi ko sa iyo. 11Puntahan mo ang mga kababayan mo na kasama mong binihag at sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang mensahe ng Panginoong Dios,’ makinig man sila o hindi, sabihin mo ang ipinapasabi ko.”

12Pagkatapos, binuhat ako ng Espiritu at may narinig akong tinig na dumadagundong sa likuran ko na nagsasabi, “Purihin ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa langit.” 13At narinig ko rin ang pagaspas ng mga pakpak ng apat na buhay na nilalang at ang ingay ng mga gulong na parang ingay ng malakas na lindol. 14Binuhat ako ng Espiritu at dinala sa malayo. Masamang masama ang loob ko at galit na galit, pero tinulungan akong magtimpi ng Panginoon.

15Nakarating ako sa Tel Abib, sa tabi ng Ilog ng Kebar, sa tinitirhan ng mga bihag. Nanatili ako roon sa loob ng pitong araw. Nabigla ako sa mga bagay na nakita ko.

16Pagkatapos ng pitong araw, sinabi sa akin ng Panginoon, 17“Anak ng tao, ginawa kitang bantay ng mga mamamayan ng Israel. Kaya ang anumang marinig mo sa akin ay sabihin mo sa kanila. 18Kapag sinabi kong mamamatay ang taong masama, pero hindi mo siya binalaan o pinagsabihang lumayo sa kasamaan para maligtas, mamamatay ang taong iyon dahil sa kanyang kasalanan at pananagutan mo sa akin ang kamatayan niya. 19Pero kung pinagsabihan mo siya at hindi siya lumayo sa kasamaan, mamamatay siya dahil sa kanyang kasalanan, pero wala kang pananagutan sa akin. 20Kapag ang taong matuwid ay tumalikod sa kanyang pagiging matuwid at hahayaan ko siya sa ganoong kalagayan, mamamatay siya. Kung hindi mo siya pinagsabihan, mamamatay nga siya dahil sa kanyang kasalanan at hindi ko aalalahanin ang kanyang mabubuting gawa. Pero pananagutan mo sa akin ang kanyang kamatayan. 21Ngunit kung pinagsabihan mo siyang tumigil na sa pagkakasala at nakinig sa iyo, hindi siya mamamatay at wala kang pananagutan sa akin.”

22Pinuspos ako ng kapangyarihan ng Panginoon at sinabi niya sa akin, “Tumayo kaʼt pumunta sa kapatagan, dahil may sasabihin ako sa iyo roon.” 23Kaya pumunta agad ako sa kapatagan at nakita ko ang makapangyarihang presensya ng Panginoon katulad ng nakita ko sa pampang ng Ilog ng Kebar at akoʼy nagpatirapa. 24Pagkatapos, pinuspos ako ng Espiritu, pinatayo at sinabihan, “Umuwi ka at magkulong sa bahay mo! 25Doon ay gagapusin ka ng lubid para hindi mo makasama ang mga kababayan mo. 26Gagawin kitang pipi para hindi mo mapagsabihan ang mga rebeldeng mamamayang ito. 27Pero sa oras na kausapin kita, makakapagsalita kang muli. At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang mensahe ng Panginoong Dios.’ May mga makikinig sa iyo pero mayroon ding hindi makikinig dahil mga rebelde silang mamamayan.”

Persian Contemporary Bible

حزقيال 3:1-27

1او همچنين فرمود: «ای انسان خاكی، آنچه را كه به تو می‌دهم، بخور. اين طومار را بخور! بعد برو و پيغام آن را به قوم اسرائيل برسان.»

2پس دهانم را باز كردم و او طومار را در دهانم گذاشت تا بخورم. 3سپس گفت: «همه را بخور و شكمت را از آن پر كن!» من نيز آن را خوردم؛ طعمش مثل عسل شيرين بود.

4آنگاه گفت: «ای انسان خاكی، بيا و نزد خاندان اسرائيل برو و سخنان مرا به ايشان بگو. 5تو را به سرزمينی دور و بيگانه نمی‌فرستم كه نتوانی زبانشان را بفهمی. 6تو نزد قبايلی كه زبانهای عجيب و غريب و مشكل دارند، نمی‌روی؛ هر چند اگر نزد آنها می‌رفتی، به تو گوش می‌دادند. 7تو را نزد قوم اسرائيل می‌فرستم، ولی ايشان به سخنان تو توجهی نخواهند كرد، چون از من روگردان هستند. ايشان همگی سنگدل و سرسخت می‌باشند. 8بنابراين، اينک تو را نيز مانند آنها سرسخت می‌سازم، 9تا در مقابل ايشان مثل الماس، سخت و مانند صخره، محكم باشی. پس، از اين ياغيان نترس!

10«ای انسان خاكی، تمام سخنان مرا در فكر و دل خود جای بده و به آنها توجه كن. 11آنگاه نزد قومت كه در تبعيد هستند برو و چه گوش بدهند و چه ندهند، كلام مرا به ايشان اعلام نما.»

12سپس روح خدا مرا از زمين بلند كرد و من از پشت سر خود صدای غرش عظيمی را شنيدم كه می‌گفت: «جلال خداوند در آسمان ستوده شود.» 13اين غرش از به هم خوردن بالهای موجودات و چرخهای كنار آنها برمی‌خاست.

14‏-15روح، مرا برداشت و به تل ابيب، كنار رود خابور، نزد يهوديان تبعيدی برد. من با تلخی و با خشم رفتم، ولی سنگينی حضور خداوند را احساس می‌كردم. در حالی كه غرق در حيرت و انديشه بودم، هفت روز در ميان ايشان نشستم.

خداوند حزقيال را دیدبان مقرر می‌كند

16در پايان آن هفت روز، خداوند به من فرمود:

17«ای انسان خاكی، من تو را دیدبان اسرائيل كرده‌ام تا هرگاه هشداری برای قومم داشته باشم، تو آن را به ايشان برسانی. 18اگر من به شخص بدكاری هشدار بدهم كه محكوم به هلاكت است، و تو اين هشدار را به او نرسانی، او توبه نخواهد كرد و نجات نخواهد يافت. در اين صورت او به سبب گناهش هلاک خواهد شد؛ اما من تو را مسئول هلاكت او خواهم دانست و انتقام خون او را از تو خواهم گرفت. 19ولی اگر به او هشدار دهی، و او باز به گناه خود ادامه دهد و توبه نكند، آنگاه او در گناهان خود خواهد مرد؛ اما تو مسئول نخواهی بود. 20اگر شخص پاک و درستكاری، بدكار و گناهكار شود و تو او را از عاقبت كارش آگاه نسازی، من او را هلاک می‌كنم و او در گناهانش خواهد مرد و اعمال خوب گذشته‌اش نيز تأثيری در محكوميتش نخواهد داشت؛ اما من تو را مسئول هلاكت او خواهم دانست و تو را مجازات خواهم نمود، 21ولی اگر به او اخطار كنی و او توبه كند، زنده خواهد ماند و تو نيز جان خود را نجات خواهی داد.»

22در آنجا بار ديگر سنگينی حضور خداوند را احساس كردم. او به من فرمود: «برخيز و به بيابان برو و من در آنجا با تو سخن خواهم گفت.» 23من نيز برخاستم و رفتم. در آنجا شكوه و جلال خداوند را ديدم، درست همانگونه كه در رؤيای اول ديده بودم! آنگاه به روی خود به خاک افتادم.

24سپس روح خدا داخل من شد و مرا از زمين بلند كرد و چنين فرمود: «به خانه‌ات برو و خود را در آنجا زندانی كن. 25تو را با طناب خواهند بست تا نتوانی حركت كنی. 26زبانت را به كامت خواهم چسباند تا نتوانی اين ياغيان را توبيخ و نصيحت كنی. 27اما هرگاه پيغامی به تو بدهم، زبانت را خواهم گشود تا بتوانی سخن بگويی و كلام مرا به ايشان اعلام نمايی. بعضی به تو گوش خواهند داد و برخی گوش نخواهند داد، چون قومی ياغی هستند.»