Ezekiel 28 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Ezekiel 28:1-26

Ang Mensahe Laban sa Hari ng Tyre

1Sinabi sa akin ng Panginoon, 2“Anak ng tao, sabihin mo sa pinuno ng Tyre na ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabi: Sa pagmamataas moʼy sinasabi mo na isa kang dios na nakaupo sa trono sa gitna ng karagatan. Pero ang totoo, kahit na ang tingin mo sa iyong sarili ay marunong katulad ng isang dios, tao ka lang at hindi dios. 3Iniisip mong mas marunong ka pa kaysa kay Daniel at walang lihim na hindi mo nalalaman. 4Sa pamamagitan ng iyong karunungan at pang-unawa ay yumaman ka, at nakapag-imbak ng mga ginto at pilak sa iyong taguan. 5Dahil magaling ka sa pangangalakal, lalo pang nadagdagan ang kayamanan mo at dahil ditoʼy naging mapagmataas ka. 6Kaya ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing, dahil ang tingin mo sa sarili ay isa kang dios, 7ipapalusob kita sa mga dayuhan, sa pinakamalulupit na bansa. Wawasakin nila ang naggagandahang ari-ariang nakuha mo sa pamamagitan ng iyong karunungan. At mawawala ang karangalan mo. 8Masaklap ang magiging kamatayan mo, at ihahagis ka nila sa kailaliman ng karagatan. 9Masasabi mo pa kayang isa kang dios, sa harap ng mga papatay sa iyo? Para sa kanila, tao ka lang at hindi dios. 10Kaya mamamatay ka ng tulad ng kamatayan ng mga taong hindi naniniwala sa akin,28:10 hindi … sa akin: sa literal, mga hindi tuli. sa kamay ng mga dayuhan. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

11May sinabi pa ang Panginoon sa akin, 12“Anak ng tao, managhoy ka para sa hari ng Tyre. Sabihin mo sa kanya na ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabi: Noon, larawan ka ng isang walang kapintasan, puspos ng kaalaman at kagandahan. 13Nasa Eden ka pa noon, sa halamanan ng Dios. Napapalamutian ka ng sari-saring mamahaling bato gaya ng rubi, topaz, esmeralda, krisolito, onix, jasper, safiro, turkois at beril. Napapalamutian ka rin ng ginto na inihanda para sa iyo noong araw ng kapanganakan mo. 14Hinirang kita bilang kerubin na magbabantay sa banal kong bundok. Lumalakad ka sa gitna ng nagniningning28:14 nagniningning: o, nag-aapoy. Ganito rin sa talatang 16. na bato. 15Walang maipipintas sa pamumuhay mo mula pa nang isinilang ka hanggang sa maisipan mong gumawa ng masama. 16Ang pag-unlad mo sa pangangalakal ang naging dahilan ng pagmamalupit mo at pagkakasala. Kaya pinalayas kita sa aking banal na bundok; pinaalis kita mula sa nagniningning na mga bato. 17Naging mayabang ka dahil sa kagandahan mo, at ang karunungan moʼy ginamit mo sa paggawa ng masama para maging sikat ka. Ito ang dahilan kung bakit ibinagsak kita sa lupa sa harap ng mga hari, upang magsilbing babala sa kanila. 18Dahil sa napakarami mong kasalanan at pandaraya sa pangangalakal, dinungisan mo ang mga lugar kung saan ka sumasamba. Kaya sa harap ng mga nakatingin sa iyo, sinunog ko ang lugar mo at nasunog ka hanggang sa maging abo sa lupa. 19At ang lahat ng mga nakakakilala sa iyo ay nagulat sa sinapit mo. Nakakatakot ang naging wakas mo, at lubusan ka nang mawawala.”

Ang Mensahe Laban sa Sidon

20Sinabi sa akin ng Panginoon, 21“Anak ng tao, humarap ka sa Sidon at sabihin mo ito laban sa kanya. 22Sabihin mong ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Sidon, kalaban kita. Pupurihin ako ng mga tao sa oras na parusahan kita, at malalaman nila na ako ang Panginoon. Sa ganitong paraan malalaman mo kung gaano ako kabanal. 23Padadalhan kita ng mga salot at dadanak ang dugo sa mga lansangan mo. Kabi-kabila ang sasalakay sa iyo, maraming mamamatay sa mga mamamayan mo. At malalaman nila na ako ang Panginoon.

24“At mawawala na ang mga kalapit-bansa ng Israel na nangungutya sa kanila, na parang mga tinik na sumusugat sa kanilang damdamin. At malalaman nilang ako ang Panginoong Dios.”

25Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Titipunin ko na ang mga mamamayan ng Israel mula sa mga bansang pinangalatan nila. Sa pamamagitan ng gagawin kong ito, maipapakita ko ang aking kabanalan sa mga bansa. Titira na sila sa sarili nilang lupain, ang lupaing ibinigay ko sa aking lingkod na si Jacob. 26Ligtas silang maninirahan doon. Magtatayo sila ng mga bahay at magtatanim ng mga ubas. Wala nang manggugulo sa kanila kapag naparusahan ko na ang lahat ng kalapit nilang bansa na kumukutya sa kanila. At malalaman nila na ako ang Panginoon na kanilang Dios.”

New International Reader’s Version

Ezekiel 28:1-26

A Prophecy Against the King of Tyre

1A message from the Lord came to me. The Lord said, 2“Son of man, speak to Ethbaal. He is the ruler of Tyre. Tell him, ‘The Lord and King says,

“ ‘ “In your proud heart

you say, ‘I am a god.

I sit on the throne of a god

in the Mediterranean Sea.’

But you are only a human being. You are not a god.

In spite of that, you think you are as wise as a god.

3Are you wiser than Daniel?

Isn’t even one secret hidden from you?

4You are wise and understanding.

So you have become very wealthy.

You have piled up gold and silver

among your treasures.

5You have used your great skill in trading

to increase your wealth.

You are very rich.

So your heart has become proud.” ’ ”

6The Lord and King says,

“You think you are wise.

In fact, you claim to be as wise as a god.

7So I am going to bring outsiders against you.

They will not show you any pity at all.

They will use their swords against your beauty and wisdom.

They will strike down your shining glory.

8They will bring you down to the grave.

You will die a horrible death

in the middle of the sea.

9Then will you say, ‘I am a god’?

Will you say that to those who kill you?

You will be only a human being to those who kill you.

You will not be a god to them.

10You will die just like those who have not been circumcised.

Outsiders will kill you.

I have spoken,” announces the Lord and King.

11A message from the Lord came to me. The Lord said, 12“Son of man, sing a song of sadness about the king of Tyre. Tell him, ‘The Lord and King says,

“ ‘ “You were the model of perfection.

You were full of wisdom.

You were perfect and beautiful.

13You were in Eden.

It was my garden.

All kinds of jewels decorated you.

Here is a list of them:

carnelian, chrysolite and emerald,

topaz, onyx and jasper,

lapis lazuli, turquoise and beryl.

Your settings and mountings were made out of gold.

On the day you were created,

they were prepared.

14I appointed you to be like a guardian angel.

I anointed you for that purpose.

You were on my holy mountain.

You walked among the gleaming jewels.

15Your conduct was without blame

from the day you were created.

But soon you began to sin.

16You traded with many nations.

You harmed people everywhere.

And you sinned.

So I sent you away from my mountain in shame.

Guardian angel, I drove you away

from among the gleaming jewels.

17You thought you were so handsome

that it made your heart proud.

You thought you were so glorious

that it spoiled your wisdom.

So I threw you down to the earth.

I made an example out of you in front of kings.

18Your many sins and dishonest trade

made your holy places impure.

So I made you go up in flames.

I turned you into nothing but ashes on the ground.

I let everyone see it.

19All the nations that knew you

are shocked because of what happened to you.

You have come to a horrible end.

And you will be gone forever.” ’ ”

A Prophecy Against Sidon

20A message from the Lord came to me. The Lord said, 21“Son of man, turn your attention to the city of Sidon. Prophesy against it. 22Say, ‘The Lord and King says,

“ ‘ “Sidon, I am against your people.

Among you I will display my glory.

I will punish your people.

Among you I will prove that I am holy.

Then you will know that I am the Lord.

23I will send a plague on you.

I will make blood flow in your streets.

Those who are killed will fall inside you.

Swords will strike your people on every side.

Then they will know that I am the Lord.

24“ ‘ “The people of Israel will no longer have neighbors who hate them. Those neighbors will not be like sharp and painful thorns anymore. Then Israel will know that I am the Lord and King.” ’ ”

25The Lord and King says, “I will gather the people of Israel together from the nations where they have been scattered. That will prove that I am holy. I will let the nations see it. Then Israel will live in their own land. I gave it to my servant Jacob. 26My people will live there in safety. They will build houses. They will plant vineyards. They will live in safety. I will punish all their neighbors who told lies about them. Then Israel will know that I am the Lord their God.”