Ezekiel 21 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

Ezekiel 21:1-32

Ang Babilonia ay Gagamitin ng Panginoon Bilang Espada para Parusahan ang Israel

1Sinabi sa akin ng Panginoon, 2“Anak ng tao, humarap ka sa Jerusalem at magsalita ka laban sa Israel at sa mga sambahan nito. 3Sabihin mo sa kanila na ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito: Kalaban ko kayo! Bubunutin ko ang aking espada at papatayin ko kayong lahat, mabuti man o masama. 4Oo, papatayin ko kayong lahat mula sa timog hanggang sa hilaga. 5At malalaman ng lahat na ako ang Panginoon. Binunot ko na ang aking espada at hindi ko ito ibabalik sa lalagyan hanggaʼt hindi natatapos ang pagpatay nito.

6“Kaya anak ng tao, umiyak ka nang may pagdaramdam at kapaitan. Iparinig sa kanila ang pag-iyak mo. 7Kapag tinanong ka nila kung bakit ka umiiyak, sabihin mong dahil sa balitang lubhang nakakatakot, nakakapanghina, nakakayanig at nakakahimatay. Hindi magtatagal at mangyayari ito. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

8Sinabi pa ng Panginoon sa akin, 9-10“Anak ng tao, sabihin mo ang ipinapasabi ko sa mga tao. Sabihin mong ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito: Hinasa ko na ang espada ko para patayin kayo. Pinakintab ko ito nang husto para kuminang na parang kidlat. Ngayon, matutuwa pa ba kayo? Kukutyain nʼyo pa ba ang mga turo at pagdidisiplina ko sa inyo? 11Hinasa ko naʼt pinakintab ang espada, at nakahanda na itong gamitin sa pagpatay.

12“Anak ng tao, umiyak ka nang malakas at dagukan mo ang iyong dibdib dahil ang espadang iyon ang papatay sa mga mamamayan kong Israel, pati na sa kanilang mga pinuno. 13Isang pagsubok ito sa mga mamamayan ko. Huwag nilang iisipin na hindi ko gagawin ang pagdidisiplinang ito na kinukutya nila. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito. 14Kaya, anak ng tao, sabihin mo ang ipinasasabi ko sa iyo. Isuntok mo ang iyong kamao sa iyong palad sa galit, at kumuha ka ng espada at itaga ito ng dalawa o tatlong ulit. Ito ang tanda na marami sa kanila ang mamamatay sa digmaan. 15Manginginig sila sa takot at maraming mamamatay sa kanila. Ilalagay ko ang espada sa pintuan ng kanilang lungsod para patayin sila. Kumikislap ito na parang kidlat at handang pumatay. 16O espada, tumaga ka sa kaliwa at sa kanan. Tumaga ka kahit saan ka humarap. 17Isusuntok ko rin ang aking kamao sa aking palad, nang sa gayoʼy mapawi ang galit ko. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

18Sinabi sa akin ng Panginoon, 19“Anak ng tao, gumawa ka ng mapa at iguhit mo ang dalawang daan sa mapa na siyang dadaanan ng hari ng Babilonia na may dalang espada. Ang daang iguguhit mo ay magsisimula sa Babilonia. Maglagay ka ng karatula sa kanto ng dalawang daan para malaman kung saan papunta ang bawat daang ito. 20Ang isa ay papuntang Rabba, ang kabisera ng Ammon at ang isa naman ay papuntang Jerusalem, ang kabisera ng Juda na napapalibutan ng mga pader. 21Sapagkat tatayo ang hari ng Babilonia sa kanto ng dalawang daan na naghiwalay at aalamin niya kung aling daan ang dadaanan niya sa pamamagitan ng palabunutan ng mga palaso, pagtatanong sa mga dios-diosan, at pagsusuri sa atay ng hayop na inihandog. 22Ang mabubunot ng kanyang kamay ay ang palasong may tatak na Jerusalem. Kaya sisigaw siya at mag-uutos na salakayin ang Jerusalem at patayin ang mga mamamayan doon. Maglalagay siya ng malalaking troso na pangwasak ng pintuan ng Jerusalem. Tatambakan nila ng lupa ang tabi ng pader ng lungsod para makaakyat sila sa pader. 23Hindi makapaniwala ang mga taga-Jerusalem na mangyayari ito sa kanila dahil may kasunduan sila sa Babilonia. Pero ipapaalala ng hari ng Babilonia ang tungkol sa kasalanan nila at pagkatapos ay dadalhin silang bihag.

24“Kaya ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabi: Ang inyong kasalanan ay nahayag at ipinakita ninyo ang inyong pagiging rebelde at makasalanan. At dahil sa ginagawa ninyong ito, ipapabihag ko kayo.

25“Ikaw na masama at makasalanang pinuno ng Israel, dumating na rin ang oras ng pagpaparusa sa iyo. 26Ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Alisin mo ang turban at korona mo dahil ngayon, magbabago na ang lahat. Ang mga hamak ay magiging makapangyarihan at ang mga makapangyarihan ay magiging hamak. 27Wawasakin ko ang Jerusalem! Hindi ito maitatayong muli hanggang sa dumating ang pinili ko na maging hukom nito. Sa kanya ko ito ipagkakatiwala.

28“At ikaw anak ng tao, sabihin mo sa mga taga-Ammon na humahamak sa mga taga-Israel na ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito sa kanila: Ang espada ay handa nang pumatay. Pinakintab ko na ito at kumikislap na parang kidlat. 29Hindi totoo ang pangitain nila tungkol sa espada. Ang totoo, handang-handa na ang espada sa pagputol ng leeg ng mga taong masama. Dumating na ang oras ng pagpaparusa sa kanila. 30Ibabalik ko kaya ang espada sa lalagyan nito nang hindi ko kayo napaparusahan? Hindi! Parurusahan ko kayo sa sarili ninyong bansa, sa lugar na kung saan kayo ipinanganak. 31Ibubuhos ko sa inyo ang matindi kong galit at ibibigay ko kayo sa malulupit na mga tao na bihasang pumatay. 32Magiging panggatong kayo sa apoy, at ang inyong mga dugo ay mabubuhos sa inyong lupa at hindi na kayo maaalala pa. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

Езекиил 21:1-32

1Было ко мне слово Вечного:

2– Смертный, обрати лицо к Иерусалиму и пророчествуй против святилища. Пророчествуй о земле Исраила 3и скажи ей: Так говорит Вечный: «Я твой противник. Я вытащу меч из ножен и истреблю и твоих праведников, и твоих злодеев. 4Так как Я стану истреблять и праведников, и злодеев, Мой меч обнажится на всякую плоть с юга до севера. 5И всякая плоть узнает, что Я, Вечный, извлёк меч из ножен; больше он в них не вернётся».

6Итак, стони, смертный! Стони перед ними с разбитым сердцем и в тоске. 7Когда они спросят тебя: «Почему ты стонешь?» – отвечай: «Из-за вестей, что идут. Все сердца изнемогут, все руки потеряют силу; всякий дух ослабнет и всякое колено задрожит, как вода». Это придёт и непременно сбудется, – возвещает Владыка Вечный.

Вавилон – меч правосудия Аллаха

8Было ко мне слово Вечного:

9– Смертный, пророчествуй и скажи: Так говорит Вечный:

«Меч, меч

наточен и очищен –

10наточен для резни,

очищен, чтобы сверкать, как молния!»

– Как нам радоваться жезлу царя, если меч сильнее любой подобной деревяшки?

11– Меч дан, чтобы его очистили,

чтобы в руке зажали;

и наточен он, и очищен,

чтобы лечь губителю в руку.

12Смертный, кричи и плачь,

ведь он обратится на Мой народ;

на вождей Исраила он обратится.

Под меч они будут брошены

вместе с Моим народом.

Так бей себя в грудь от горя.

13Ведь испытание непременно придёт: и что, если жезл царя, который будет уничтожен мечом, прекратит своё существование? – возвещает Владыка Вечный.

14– Так пророчествуй, смертный,

бей о ладонь ладонью.

Пусть меч ударит дважды, трижды –

это меч для резни,

меч для великой бойни;

меч идёт к ним со всех сторон,

15чтобы сердцам изнемочь,

и умножиться павшим.

Лезвие меча

Я приставил ко всем их вратам.

Увы! Он сделан, чтобы сверкать,

он очищен для бойни.

16Бей направо, рази налево,

куда бы ни обратилось лезвие!

17Я тоже ударю о ладонь ладонью

и утолю Свой гнев.

Я, Вечный, сказал это.

18Было ко мне слово Вечного:

19– А ты, смертный, начерти две дороги, по которым пойдёт меч царя Вавилона; обе они пусть начинаются в одной земле. А там, где дорога поворачивает к городу, поставь путевой знак. 20Проведи одну дорогу, по которой пойдёт меч царя Вавилона, в аммонитскую столицу Раббу, а другую – в Иудею и укреплённый Иерусалим. 21Ведь царь Вавилона остановится у развилки, на распутье двух дорог, чтобы поворожить: он будет трясти стрелы, спрашивать своих домашних божков и разглядывать печень. 22В его правую руку попадётся жребий «на Иерусалим», чтобы поставить там стенобитные орудия, дать приказ убивать, издать боевой клич, приставить к воротам тараны, сделать насыпь и возвести осадные валы. 23Тем, кто поклялся ему в верности, это покажется ложным знамением, но он напомнит им об их вине и возьмёт их в плен.

24Поэтому так говорит Владыка Вечный:

– Вы напомнили о своей вине, ваш мятеж и ваши грехи стали явными во всём, что вы делаете. За это вас уведут в плен.

25А тебе, недостойный, преступный исраильский вождь, чей день настал, чей час наказания пробил, 26так говорит Владыка Вечный:

– Сними головной убор, сложи венец. Как было, так больше не будет: те, кто внизу, будут возвышены, а те, кто наверху, будут унижены. 27Гибель, гибель, гибель! Я наведу её! Не возродится эта земля, пока не придёт Тот, Кому она по праву принадлежит; Ему Я отдам её.

28– А ты, смертный, пророчествуй и скажи: Так говорит Владыка Вечный об аммонитянах и их оскорблениях:

«Меч, меч

обнажён для бойни,

начищен пожирать

и сверкать, словно молния!

29Несмотря на пустые видения о тебе

и лживые гадания,

он обрушится на шеи

обречённых на смерть злодеев,

чей день настал,

чей час наказания пробил.

30Верни его в ножны!

Там, где был сотворён ты,

в земле твоего рождения,

Я буду тебя судить.

31Я изолью на тебя Свою ярость,

пылающим гневом повею на тебя.

Я отдам тебя людям жестоким,

людям, приученным убивать.

32Будешь ты топливом для костра,

будет кровь твоя литься на землю,

вспоминать о тебе не будут;

ведь Я, Вечный, так сказал».