Exodus 8 – TCB & CARSA

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 8:1-32

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Puntahan mo ang Faraon at sabihin mo sa kanya, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Paalisin mo ang mga mamamayan ko para makasamba sila sa akin. 2Kung hindi mo sila paaalisin, pupunuin ko ng mga palaka ang iyong bansa. 3Mapupuno ng palaka ang Ilog ng Nilo at papasok ito sa palasyo mo, sa kwarto at kahit sa higaan mo. Papasok din ang mga ito sa bahay ng mga opisyal at mga mamamayan mo, at pati sa mga pugon at sa pinagmamasahan ng harina. 4Tatalunan ka ng mga palaka pati na ang mga mamamayan at ang lahat ng opisyal mo.’ ”

5Sinabi pa ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron na iunat niya ang kanyang baston sa mga ilog, sapa, at mga kanal, at mapupuno ng palaka ang buong Egipto.”

6Kaya iniunat ni Aaron ang kanyang baston sa mga tubig ng Egipto, at lumabas ang mga palaka at napuno ang buong Egipto. 7Pero ginawa rin ito ng mga salamangkero sa pamamagitan ng kanilang salamangka. Napalabas din nila ang mga palaka sa tubig ng Egipto.

8Ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron, at sinabi sa kanila, “Manalangin kayo sa Panginoon na tanggalin niya ang mga palakang ito sa aking bansa, at paaalisin ko ang mga kababayan nʼyo para makapaghandog sila sa Panginoon.”

9Sinabi ni Moises sa Faraon, “Sabihin mo sa akin kung kailan ako mananalangin para sa inyo, sa mga opisyal at sa mga mamamayan mo, para mawala ang mga palakang ito sa inyo at sa mga bahay ninyo. At ang matitira na lang na palaka ay ang mga nasa Ilog ng Nilo.”

10Sumagot ang Faraon, “Ipanalangin mo ako bukas.”

Sinabi ni Moises, “Matutupad ito ayon sa sinabi nʼyo, para malaman nʼyo na walang ibang katulad ng Panginoon naming Dios. 11Mawawala ang lahat ng palaka sa inyo maliban sa nasa Ilog ng Nilo.”

12Pag-alis nila Moises at Aaron sa harap ng Faraon, nanalangin si Moises sa Panginoon na alisin na ang mga palaka na ipinadala niya sa Egipto. 13At ginawa ng Panginoon ang ipinakiusap ni Moises. Namatay ang mga palaka sa mga bahay, mga hardin at sa mga bukid. 14Tinipon ito ng mga Egipcio at ibinunton, dahil ditoʼy bumaho ang buong Egipto. 15Pero nang makita ng Faraon na wala na ang mga palaka, nagmatigas na naman siya, at ayaw niyang makinig kina Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.

Ang Salot na mga Lamok

16Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron na ihampas niya ang kanyang baston sa lupa, at magiging lamok8:16 lamok: o, kuto. ang mga alikabok sa buong lupain ng Egipto.” 17Sinunod nila ito, kaya nang hampasin ni Aaron ng kanyang baston ang lupa, naging lamok ang mga alikabok sa buong lupain ng Egipto. At dumapo ang mga ito sa mga tao at mga hayop. 18Tinangka rin ng mga salamangkero na gayahin ito sa pamamagitan ng kanilang salamangka pero nabigo sila. Patuloy na nagsidapo ang mga lamok sa mga tao at mga hayop.

19Sinabi ng mga salamangkero sa Faraon, “Ang Dios ang may gawa nito!” Pero matigas pa rin ang puso ng Faraon, at hindi siya nakinig kina Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.

Ang Salot na mga Langaw

20Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bumangon ka nang maaga bukas at abangan mo ang Faraon habang papunta siya sa ilog. Sabihin mo sa kanya na ito ang sinasabi ko, ‘Paalisin mo ang mga mamamayan ko para makasamba sila sa akin. 21Kung hindi mo sila paaalisin, padadalhan kita ng maraming langaw, pati na ang mga opisyal at mga mamamayan mo. Mapupuno ng mga langaw ang mga bahay ninyo, at matatabunan ng mga ito ang lupa. 22Pero hindi ito mararanasan sa lupain ng Goshen kung saan naninirahan ang mga mamamayan ko; hindi dadapo ang mga langaw sa lugar na iyon, para malaman nila na akong Panginoon ay nasa lupaing iyon. 23Hindi magiging pareho ang trato ko sa mga mamamayan ko at sa iyong mga mamamayan. Ang himalang ito ay mangyayari bukas.’ ”

24Nagpadala nga ang Panginoon ng maraming langaw sa palasyo ng Faraon at sa mga bahay ng kanyang mga opisyal, at naminsala ang mga ito sa buong lupain ng Egipto.

25Kaya ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron, at sinabi, “Sige, maghandog na kayo sa Dios ninyo, pero rito lang sa Egipto.”

26Sumagot si Moises, “Hindi pwedeng dito kami maghandog sa Egipto, dahil ang mga handog namin sa Panginoon naming Dios ay kasuklam-suklam sa mga Egipcio. At kung maghahandog kami ng mga handog na kasuklam-suklam sa kanila, siguradong babatuhin nila kami. 27Kailangang umalis kami ng tatlong araw papunta sa ilang para maghandog sa Panginoon naming Dios, gaya ng iniutos niya sa amin.”

28Sinabi ng Faraon, “Papayagan ko kayong maghandog sa Panginoon na inyong Dios sa ilang pero huwag kayong lalayo. Ngayon, ipanalangin ninyo ako.”

29Sumagot si Moises, “Pag-alis ko rito, mananalangin ako sa Panginoon. At bukas, mawawala ang mga langaw sa inyo, at sa mga opisyal at mamamayan mo. Pero siguraduhin mo na hindi mo na kami lolokohing muli at pipigilang umalis para maghandog sa Panginoon.”

30Umalis sila Moises at nanalangin sa Panginoon, 31at ginawa ng Panginoon ang pakiusap ni Moises. Umalis ang mga langaw sa lahat ng Egipcio. Walang natira kahit isa. 32Pero nagmatigas pa rin ang Faraon at hindi niya pinaalis ang mga Israelita.

Священное Писание (Восточный перевод), версия с «Аллахом»

Исход 8:1-32

1Вечный сказал Мусе:

– Пойди к фараону и скажи ему: Так говорит Вечный: «Отпусти Мой народ поклониться Мне. 2Если ты откажешься, Я наведу на всю твою страну жаб8:2 Скорее всего, это были лягушки, но данный перевод следует традиции и пишет «жабы».. 3Нил будет кишеть жабами. Они вылезут из реки и окажутся в твоём дворце, в спальне, на постели, в домах твоих приближённых и твоего народа8:3 Или: «и на твоём народе»., в твоих тандырах и в квашнях. 4Жабы будут прыгать на тебя, на твой народ и на твоих приближённых».

5Вечный сказал Мусе:

– Скажи Харуну: «Занеси руку с посохом над реками, каналами и прудами и наведи жаб на египетскую землю».

6Харун занёс руку с посохом над водами Египта, и вылезли жабы и заполнили всю землю. 7Но чародеи с помощью колдовства сделали то же самое. Они тоже навели жаб на Египет. 8Фараон позвал Мусу и Харуна и сказал:

– Помолитесь Вечному, чтобы Он избавил от жаб меня и мой народ, и я отпущу исраильтян принести жертву Вечному.

9Муса сказал фараону:

– Я предоставляю тебе честь выбрать, когда мне помолиться за тебя, за твоих приближённых и народ. После этого жабы уйдут от тебя и из твоих дворцов и останутся только в Ниле.

10– Завтра, – сказал фараон.

Муса ответил:

– Будет по-твоему для того, чтобы ты узнал: нет никого, подобного Вечному, нашему Богу. 11Жабы уйдут от тебя и из твоего дворца, от твоих приближённых и народа. Они останутся только в Ниле.

12Муса и Харун ушли от фараона, и Муса воззвал к Вечному о жабах, которых Он навёл на фараона. 13Вечный исполнил просьбу Мусы. Жабы вымерли в домах, во дворах и на полях. 14Их собирали в кучи, и земля начала испускать зловоние. 15Но когда фараон увидел, что пришло облегчение, его сердце исполнилось упрямством, и он опять не послушал Мусу и Харуна, как и говорил Вечный.

Третье наказание: комары

16Вечный сказал Мусе:

– Скажи Харуну: «Подними посох и ударь по пыли на земле: по всему Египту пыль превратится в комаров».

17Они сделали так. Харун поднял руку с посохом, ударил по пыли. Пыль по всему Египту превратилась в комаров. Комары налетели и на людей, и на скот. 18Чародеи попытались с помощью колдовства навести комаров, но не смогли. Комары облепляли людей и скотину. 19И тогда чародеи сказали фараону:

– Это сделал Аллах.

Но сердце фараона оставалось упрямым. Он не послушал чародеев, как и говорил Вечный.

Четвёртое наказание: мухи

20Вечный сказал Мусе:

– Поднимись завтра рано утром, встань перед фараоном, когда он пойдёт к реке, и скажи ему: Так говорит Вечный: «Отпусти Мой народ поклониться Мне. 21Если не отпустишь, Я пошлю на тебя, на твоих приближённых, на твой народ и в твои дворцы рои мух. Дома египтян наполнятся мухами и вся земля будет покрыта ими. 22Но Я сделаю так, что в земле Гошен, где живёт Мой народ, не будет мух, чтобы ты знал – Я, Вечный, пребываю в той земле. 23Я покажу тебе разницу между Моим и твоим народом. Это знамение будет завтра».

24Вечный так и сделал. Густые рои мух налетели во дворец фараона и в дома его приближённых. Из-за мух погибала вся египетская земля. 25Фараон позвал Мусу и Харуна и сказал:

– Идите, принесите жертву вашему Богу, но только в этой стране, в Египте.

26Но Муса сказал:

– Так делать нельзя. Наши жертвоприношения Вечному, нашему Богу, для египтян – мерзость. Если мы станем совершать обряд жертвоприношения, который противен им, у них на глазах, то они забьют нас камнями. 27Нет, чтобы принести жертву Вечному, нашему Богу, как Он велел, нам нужно удалиться на три дня в пустыню.

28Фараон сказал:

– Я отпущу вас принести жертву Вечному, вашему Богу, в пустыню, но только не уходите далеко. Помолитесь и обо мне.

29Муса ответил:

– Как только я уйду от тебя, я помолюсь Вечному, и завтра мухи оставят тебя, твоих приближённых и народ. Но и ты больше не обманывай, не отпуская народ принести жертву Вечному.

30Муса ушёл от фараона и помолился Вечному. 31Вечный сделал то, что просил Муса: избавил фараона, его приближённых и народ от мух. Ни одной мухи не осталось. 32Но и на этот раз сердце фараона осталось упрямым, и он не отпустил народ.