Ester 2 – TCB & TNCV

Tagalog Contemporary Bible

Ester 2:1-23

Naging Reyna si Ester

1Nang mawala na ang galit ni Haring Ahasuerus, naalala niya si Vasti at ang ginawa nito, at ang kautusan na nilagdaan niya laban dito. 2Sinabi ng mga pinunong naglilingkod sa kanya, “Mahal na Hari, bakit po hindi kayo maghanap ng magagandang dalagang birhen? 3Pumili po kayo ng mga pinuno sa bawat probinsyang nasasakupan ng kaharian ninyo para maghanap ng magagandang dalagang birhen at dalhin dito sa lungsod ng Susa, sa tahanan ng mga kababaihan. Ipaasikaso ninyo sila kay Hegai na isa sa mga pinuno ninyong mataas ang katungkulan, na nangangalaga sa tahanan ng mga kababaihan. Siya na po ang bahalang magbigay sa mga dalaga ng mga pangangailangan nila para sa pagpapaganda. 4At ang dalaga pong magugustuhan ninyo ang siyang ipapalit ninyo kay Vasti bilang reyna.” Nagustuhan ng hari ang payong ito kaya sinunod niya.

5Nang panahong iyon, may isang Judio na nakatira sa lungsod ng Susa. Ang pangalan niyaʼy Mordecai na anak ni Jair, na apo ni Shimei na anak ni Kish, na kabilang sa lahi ni Benjamin. 6Isa siya sa mga bihag ni Haring Nebucadnezar na dinala sa Babilonia mula sa Jerusalem, kasama ni Haring Jehoyakin2:6 Jehoyakin: o, Jeconia. ng Juda. 7Si Mordecai ay may pinsang dalaga. Nang itoʼy maulila, inalagaan niya ito, pinalaki at itinuring na parang sarili niyang anak. Ang pangalan niya ay Hadasa na tinatawag ding Ester. Maganda si Ester at maganda rin ang hugis ng katawan nito.

8Nang maihayag ang utos ng hari, maraming dalaga ang dinala sa palasyo ng hari roon sa Susa. Ang isa sa kanila ay si Ester. Ipinaasikaso sila kay Hegai dahil ito nga ang nangangasiwa sa mga babaeng dinadala roon. 9Tuwang-tuwa si Hegai kay Ester, kaya mabuti ang pakikitungo niya rito. Binigyan niya agad ng pagkain si Ester at ng mga kailangan nito sa pagpapaganda. Ipinili niya ito ng pinakamagandang kwarto at binigyan ng pitong katulong na babae.

10Hindi sinabi ni Ester na isa siyang Judio, dahil pinagbilinan siya ni Mordecai na huwag itong sasabihin. 11Araw-araw namang dumaraan si Mordecai malapit sa bakuran ng bahay na tinitirhan ng mga dalaga para malaman ang kalagayan ni Ester (at kung ano na ang mga nangyayari sa kanya).

12Bago humarap ang isang babae sa hari, kinakailangang matapos niya ang isang taon ng pagpapaganda. Sa unang anim na buwan, magpapahid siya ng langis ng mira sa katawan, at sa susunod na anim na buwan, magpapahid naman ng mga pabango at iba pang pampaganda. 13At bago siya pumunta sa hari, bibigyan siya ng anumang damit at alahas na gusto niyang isuot para sa pagharap sa hari. 14Pupunta siya sa hari pagsapit ng gabi at kinabukasan, dadalhin siya sa tirahan ng mga asawa ng hari na pinamamahalaan ni Shaasgaz na isa sa mga pinunong mataas ang katungkulan. Siya ang namamahala sa mga asawa ng hari. Walang sinuman sa kanila ang makakabalik sa hari maliban lang kung magustuhan siya at ipatawag ng hari.

15-16Nang ikasampung buwan, buwan ng Tibet, at ikapitong taon ng paghahari ni Ahasuerus, dumating ang araw na si Ester2:15-16 Ester: sa Hebreo, anak ni Abihail na tito ni Mordecai, at pinalaki ni Mordecai bilang sarili niyang anak. na ang haharap sa hari sa palasyo. Sinunod ni Ester ang payo ni Hegai, ang pinunong nangangalaga sa kanila sa tahanan ng mga babae. Isinuot niya ang damit na sinabi ni Hegai na isuot niya. Ganoon na lang ang paghanga at pagpuri ng mga nakakita sa kanya, at dinala siya sa palasyo ng hari.

17Nagustuhan ng hari si Ester ng higit kaysa sa ibang mga dalaga na dinala sa kanya. Tuwang-tuwa siya kay Ester, at mabuti ang trato niya sa kanya. Kinoronahan niya ito at ginawang reyna bilang kapalit ni Vasti. 18Nagdaos ang hari ng malaking handaan para parangalan si Ester. Inanyayahan niya ang lahat ng pinuno niya at ang iba pang naglilingkod sa kanya. Nang araw na iyon, ipinag-utos niya sa lahat at sa buong kaharian na magdiwang ng isang pista opisyal, at nagbigay siya ng maraming regalo sa mga tao.

Iniligtas ni Mordecai ang Hari

19Sa pangalawang pagtitipon ng mga dalaga, si Mordecai ay isa nang opisyal na nakapwesto sa pintuan ng palasyo. 20Hindi pa rin sinasabi ni Ester na isa siyang Judio, tulad ng bilin ni Mordecai. Sinusunod pa rin ni Ester si Mordecai katulad noon, nang siyaʼy nasa pangangalaga pa nito.

21Nang panahong si Mordecai ay isa nang opisyal na nakapwesto sa pintuan ng palasyo, may dalawang pinuno ng hari na ang mga pangalan ay Bigtana2:21 Bigtana: o, Bigtan. at Teres. Sila ang mga guwardya ng pintuan ng kwarto ng hari. Galit sila kay Haring Ahasuerus, at nagplano silang patayin ito. 22Pero nalaman ni Mordecai ang planong ito, kaya sinabi niya ito kay Reyna Ester. Sinabi naman ito ni Ester sa hari at ipinaalam din niya sa kanya na si Mordecai ang nakatuklas sa planong pagpatay. 23Ipinasiyasat ito ng hari. At nang mapatunayang totoo ito, ipinatuhog niya sina Bigtan at Teres sa nakatayong matulis na kahoy. At ang pangyayaring itoʼy ipinasulat ng hari sa aklat ng kasaysayan ng kaharian.

Thai New Contemporary Bible

เอสเธอร์ 2:1-23

เอสเธอร์ได้รับเลือกเป็นราชินี

1ต่อมาเมื่อพระพิโรธของกษัตริย์เซอร์ซีสสงบลงแล้ว พระองค์ทรงคิดถึงพระนางวัชที ตลอดจนสิ่งที่พระนางได้ทำและพระราชโองการของพระองค์เองเกี่ยวกับพระนาง 2แล้วข้าราชบริพารส่วนพระองค์จึงทูลเสนอว่า “ควรเฟ้นหาหญิงสาวพรหมจารีผู้งดงามมาถวายกษัตริย์ 3ขอทรงตั้งเจ้าพนักงานในแต่ละมณฑลของอาณาจักรของพระองค์ให้เฟ้นหาตัวหญิงสาวโฉมงามทั้งหมด และนำตัวมายังฮาเร็มในป้อมเมืองสุสา ให้อยู่ในความดูแลของเฮกัยขันทีของกษัตริย์ซึ่งรับผิดชอบเกี่ยวกับเหล่าสตรี และให้พวกนางรับการประทินโฉม 4หลังจากนั้นให้สตรีซึ่งฝ่าพระบาทโปรดปรานเป็นราชินีแทนพระนางวัชที” กษัตริย์ก็พอพระทัยความคิดนี้และให้ลงมือปฏิบัติ

5ครั้งนั้นในป้อมเมืองสุสา มีชายชาวยิวจากเผ่าเบนยามินคนหนึ่งชื่อโมรเดคัย ผู้เป็นบุตรของยาอีร์ ผู้เป็นบุตรของชิเมอี ผู้เป็นบุตรของคีช 6เขาถูกจับมาเป็นเชลยเมื่อครั้งกษัตริย์เนบูคัดเนสซาร์แห่งบาบิโลนทรงกวาดต้อนเชลยมาจากเยรูซาเล็มพร้อมกษัตริย์เยโฮยาคีน2:6 ภาษาฮีบรูว่าเยโคนิยาห์เป็นอีกรูปหนึ่งของเยโฮยาคีนแห่งยูดาห์ 7โมรเดคัยมีลูกพี่ลูกน้องเป็นหญิงสาวรูปโฉมงามน่ารักชื่อ ฮาดัสสาห์หรือเอสเธอร์ เขาเลี้ยงดูนางเป็นบุตรสาวบุญธรรมหลังจากที่บิดามารดาของนางสิ้นชีวิต

8เนื่องด้วยพระราชโองการของกษัตริย์ หญิงสาวหลายคนจึงถูกนำมาอยู่ที่ป้อมเมืองสุสาในความดูแลของเฮกัย และเอสเธอร์ก็ถูกนำมาที่พระราชวังของกษัตริย์และอยู่ในความดูแลของเฮกัยผู้ดูแลฮาเร็มเช่นกัน 9เฮกัยเอ็นดูและพอใจเอสเธอร์มาก เขาจึงรีบจัดหาเครื่องประทินโฉมและอาหารพิเศษให้นางทันที ทั้งจัดเด็กหญิงเจ็ดคนซึ่งคัดเลือกจากพระราชวังมาคอยรับใช้นาง และให้นางกับสาวใช้ย้ายไปอยู่ที่ที่ดีที่สุดในฮาเร็ม

10เอสเธอร์ไม่ได้เปิดเผยเรื่องเชื้อชาติและภูมิหลังครอบครัวของนางเพราะโมรเดคัยสั่งห้ามไว้ 11ทุกวันโมรเดคัยจะเดินวนเวียนแถวๆ ลานฮาเร็ม เพื่อถามข่าวคราวและความเป็นไปของเอสเธอร์

12ก่อนถึงเวรที่หญิงสาวแต่ละคนเข้าเฝ้ากษัตริย์เซอร์ซีส พวกนางจะต้องรับการประทินโฉมครบสิบสองเดือนตามที่กำหนดไว้คือ หกเดือนแรกบำรุงด้วยน้ำมันมดยอบ จากนั้นบำรุงด้วยน้ำหอมและเครื่องประทินผิวอีกหกเดือน 13เมื่อถึงรอบที่แต่ละคนจะเข้าเฝ้ากษัตริย์ จะขอนำอะไรจากฮาเร็มไปพระราชวังด้วยก็ได้ 14ในเวลาเย็นนางจะเข้าวัง และเช้าวันรุ่งขึ้นจะกลับไปอยู่อีกตำหนักหนึ่งในฮาเร็มซึ่งอยู่ในความดูแลของชาอัชกาสขันทีของกษัตริย์ผู้คอยดูแลพวกสนม นางจะไม่ได้เฝ้ากษัตริย์อีกเว้นเสียแต่ว่าพระองค์ทรงโปรดและเอ่ยนามเรียกตัวนางมาเข้าเฝ้า

15เมื่อถึงรอบของเอสเธอร์ที่จะเข้าเฝ้ากษัตริย์ (หญิงสาวที่โมรเดคัยรับเป็นบุตรบุญธรรม นางเป็นบุตรสาวของอาบีฮายิล ผู้เป็นลุงของโมรเดคัย) นางไม่ได้ขอสิ่งใดนอกจากที่ขันทีเฮกัยผู้ดูแลฮาเร็มแนะนำ และทุกคนที่เห็นเอสเธอร์ก็ชื่นชอบนาง 16เอสเธอร์ถูกนำมาเข้าเฝ้ากษัตริย์เซอร์ซีสในพระราชวังเมื่อเดือนเทเบท ซึ่งเป็นเดือนที่สิบปีที่เจ็ดแห่งรัชกาล

17กษัตริย์พอพระทัยเอสเธอร์มากกว่าหญิงอื่นทั้งปวง พระองค์โปรดปรานและพอพระทัยนางมากกว่าหญิงพรหมจารีคนอื่นๆ จึงสวมมงกุฎให้และตั้งนางเป็นราชินีแทนพระนางวัชที 18และกษัตริย์ทรงจัดงานเลี้ยงใหญ่ประทานแก่ขุนนางและข้าราชบริพารทั้งปวงเพื่อเอสเธอร์ พระองค์ทรงประกาศวันหยุดทั่วทุกมณฑล และประทานของขวัญด้วยพระทัยกว้างขวาง

โมรเดคัยทูลเรื่องแผนการของคนร้าย

19เมื่อมีการเฟ้นตัวหญิงสาวพรหมจารีครั้งที่สอง โมรเดคัยนั่งประจำอยู่ที่ประตูพระราชวัง 20แต่เอสเธอร์ยังคงไม่เปิดเผยเชื้อชาติและภูมิหลังครอบครัวของพระนางตามที่โมรเดคัยสั่งไว้ พระนางยังคงปฏิบัติตามคำสั่งของโมรเดคัยเหมือนตอนที่เขายังเลี้ยงดูพระนาง

21ในช่วงที่โมรเดคัยนั่งประจำอยู่ที่ประตูพระราชวัง ข้าราชการสองคนซึ่งเป็นยามเฝ้าประตู คือบิกธานา2:21 ภาษาฮีบรูว่าบิกธานเป็นอีกรูปหนึ่งของบิกธานาและเทเรช มีเรื่องแค้นเคืองและคบคิดกันจะลอบปลงพระชนม์กษัตริย์เซอร์ซีส 22แต่โมรเดคัยล่วงรู้และนำความไปแจ้งพระนางเอสเธอร์ พระนางจึงขึ้นกราบทูลกษัตริย์และทูลว่าเป็นความดีความชอบของโมรเดคัย 23มีการสอบสวนเรื่องนี้และพบว่าเป็นความจริง ข้าราชบริพารทั้งสองจึงถูกแขวนคอที่ตะแลงแกง2:23 หรือถูกแขวน(หรือถูกเสียบ)ไว้บนเสาเหมือนที่อื่นๆ ในพระธรรมเอสเธอร์ เรื่องราวทั้งหมดบันทึกอยู่ในจดหมายเหตุรัชกาลกษัตริย์เซอร์ซีส