Efeso 3 – TCB & KJV

Tagalog Contemporary Bible

Efeso 3:1-21

Ang Plano ng Dios sa mga Hindi Judio

1Akong si Pablo ay nabilanggo dahil sa paglilingkod ko kay Cristo sa pamamagitan ng pagtuturo na kayong mga hindi Judio ay kasama rin sa mga pagpapala ng Dios. 2Siguradong nabalitaan nʼyo na dahil sa biyaya ng Dios, ipinagkatiwala niya sa akin ang pagpapahayag ng biyaya niya para sa inyo. 3Gaya ng nabanggit ko sa sulat na ito,3:3 Gaya … sulat na ito: o, Gaya ng nabanggit ko sa isa kong sulat. ang Dios mismo ang nagpahayag sa akin tungkol sa kanyang lihim na plano para sa inyo. 4Habang binabasa nʼyo ang sulat kong ito,3:4 Habang … sulat kong ito: o, Kung mabasa nʼyo ang sulat kong iyon. malalaman nʼyo ang pagkakaunawa ko tungkol sa lihim na plano ng Dios para sa inyo sa pamamagitan ni Cristo. 5Hindi inihayag ng Dios ang planong ito sa mga tao noon, pero ipinahayag na niya ngayon sa mga banal3:5 banal: o, pinili. na apostol at mga propeta sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. 6At ito nga ang plano ng Dios: na sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga hindi Judio ay tatanggap ng mga pangako ng Dios kasama ng mga Judio, at magiging bahagi rin sila ng iisang katawan dahil sa pakikipag-isa nila kay Cristo Jesus.

7Dahil sa biyaya ng Dios, naging tagapangaral ako ng Magandang Balitang ito sa pamamagitan ng kapangyarihan niya. 8Kahit ako ang pinakahamak sa lahat ng mga mananampalataya,3:8 mananampalataya: sa Griego, hagios, Tingnan ang “footnote” sa 1:1. ipinagkaloob pa rin sa akin ng Dios ang pribilehiyong ipangaral sa mga hindi Judio ang hindi masukat na biyayang galing kay Cristo, 9at ipaliwanag sa lahat kung paano maisasakatuparan ang plano ng Dios. Noong unaʼy inilihim ito ng Dios na lumikha ng lahat ng bagay, 10para sa pamamagitan ng iglesya ay maipahayag ngayon sa mga namumuno at may kapangyarihan sa kalangitan ang karunungan niyang nahahayag sa ibaʼt ibang paraan. 11Ito na ang plano niya sa simula pa lang, at natupad niya ito sa pamamagitan ni Cristo Jesus na Panginoon natin. 12Sa pananampalataya natin kay Cristo Jesus at pakikipag-isa sa kanya, tayo ngayon ay malaya nang makakalapit sa Dios nang walang takot o pag-aalinlangan. 13Kaya huwag sana kayong panghinaan ng loob dahil sa mga paghihirap na dinaranas ko, dahil para ito sa ikabubuti3:13 ikabubuti: o, ikararangal. ninyo.

Ang Pag-ibig ni Cristo

14Tuwing naaalala ko ang plano ng Dios, lumuluhod ako sa pagsamba sa kanya. 15Siya ang Ama ng mga nasa langit at nasa lupa na itinuturing niya na kanyang buong pamilya. 16Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espiritwal nʼyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu 17para manahan si Cristo sa mga puso nʼyo dahil sa inyong pananampalataya. Ipinapanalangin ko rin na maging matibay kayo at matatag sa pag-ibig ng Dios, 18-19para maunawaan nʼyo at ng iba pang mga pinabanal3:18-19 pinabanal: Tingnan ang “footnote” sa 1:1. kung gaano kalawak, at kahaba, at kataas, at kalalim ang pag-ibig ni Cristo sa atin. Maranasan nʼyo sana ito, kahit hindi ito lubusang maunawaan, para maging ganap sa inyo ang katangian ng Dios. 20Purihin natin ang Dios na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin. 21Purihin natin siya magpakailanman dahil sa mga ginawa niya para sa iglesya na nakay Cristo Jesus. Amen.

King James Version

Ephesians 3:1-21

1For this cause I Paul, the prisoner of Jesus Christ for you Gentiles, 2If ye have heard of the dispensation of the grace of God which is given me to you-ward: 3How that by revelation he made known unto me the mystery; (as I wrote afore in few words, 4Whereby, when ye read, ye may understand my knowledge in the mystery of Christ) 5Which in other ages was not made known unto the sons of men, as it is now revealed unto his holy apostles and prophets by the Spirit; 6That the Gentiles should be fellowheirs, and of the same body, and partakers of his promise in Christ by the gospel: 7Whereof I was made a minister, according to the gift of the grace of God given unto me by the effectual working of his power. 8Unto me, who am less than the least of all saints, is this grace given, that I should preach among the Gentiles the unsearchable riches of Christ; 9And to make all men see what is the fellowship of the mystery, which from the beginning of the world hath been hid in God, who created all things by Jesus Christ: 10To the intent that now unto the principalities and powers in heavenly places might be known by the church the manifold wisdom of God, 11According to the eternal purpose which he purposed in Christ Jesus our Lord: 12In whom we have boldness and access with confidence by the faith of him. 13Wherefore I desire that ye faint not at my tribulations for you, which is your glory. 14For this cause I bow my knees unto the Father of our Lord Jesus Christ, 15Of whom the whole family in heaven and earth is named, 16That he would grant you, according to the riches of his glory, to be strengthened with might by his Spirit in the inner man; 17That Christ may dwell in your hearts by faith; that ye, being rooted and grounded in love, 18May be able to comprehend with all saints what is the breadth, and length, and depth, and height; 19And to know the love of Christ, which passeth knowledge, that ye might be filled with all the fulness of God.

20Now unto him that is able to do exceeding abundantly above all that we ask or think, according to the power that worketh in us, 21Unto him be glory in the church by Christ Jesus throughout all ages, world without end. Amen.