Colosas 2 – TCB & SZ-PL

Tagalog Contemporary Bible

Colosas 2:1-23

1Nais kong malaman nʼyo kung gaano kalaki ang paghihirap ko para sa inyo, ganoon din sa mga nasa Laodicea at sa lahat ng hindi pa nakakakilala sa akin nang personal. 2Ginagawa ko ito para palakasin ang loob ninyong lahat at pag-isahin kayo sa pag-ibig. Sa ganoon, malalaman at mauunawaan nʼyo nang lubos ang lihim na plano ng Dios tungkol kay Cristo. 3Si Cristo ang pinagmumulan ng lahat ng karunungan at kaalaman.

4Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para hindi kayo malinlang ninuman sa pamamagitan ng magagaling nilang pangangatwiran. 5Kahit wala ako riyan sa inyo, lagi kayong nasa isipan ko. At masaya ako dahil maayos ang pamumuhay nʼyo at matatag ang inyong pananampalataya kay Cristo.

Si Cristo ang Dapat Nating Sundin

6Dahil tinanggap nʼyo na si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo nang karapat-dapat sa kanya. 7Patuloy kayong lumago at tumibay sa kanya. Magpakatatag kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at maging mapagpasalamat din kayo.

8Mag-ingat kayo nang hindi kayo madala ng walang kabuluhan at mapandayang pilosopiya. Mga tradisyon lang ito at mga pamamaraan ng mundo, at hindi mula kay Cristo. 9Kaya huwag kayong padadala, dahil ang kapuspusan ng Dios ay nananahan sa katawan ni Cristo. 10At naging ganap kayo sa pakikipag-isa nʼyo sa kanya, na siyang pangulo ng lahat ng espiritung namumuno at may kapangyarihan.

11Dahil sa pakikipag-isa nʼyo kay Cristo, tinuli na kayo. Ang pagtutuli na ito ay hindi pisikal kundi espiritwal – ang pag-aalis ng masasamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Cristo. 12Inilibing kayong kasama ni Cristo nang bautismuhan kayo. At dahil nakay Cristo na kayo, muli kayong binuhay na kasama niya, dahil nananalig kayo sa kapangyarihan ng Dios na bumuhay sa kanya. 13Noong una, itinuring kayong mga patay ng Dios dahil sa mga kasalanan ninyo. Pero ngayon, binuhay kayo ng Dios kasama ni Cristo. Pinatawad niya ang lahat ng kasalanan natin. 14May pananagutan dapat tayo sa Dios dahil hindi natin matupad ang Kautusan. Pero inalis ito ng Dios sa pamamagitan ng pagkapako ni Cristo sa krus. Kaya hindi na tayo parurusahan. 15Doon din sa krus nilupig ng Dios ang mga espiritung namumuno at may kapangyarihan, at ipinakita sa lahat na ang mga ito ay bihag na niya.

16Kaya nga, huwag na kayong padadala sa mga tao na nagsasabi sa inyo kung ano ang hindi dapat kainin o inumin, o kung ano ang dapat gawin tuwing kapistahan, Pista ng Pagsisimula ng Buwan, o Araw ng Pamamahinga. 17Anino lang ang mga ito ng inaasahan noon na darating, at si Cristo ang katuparan nito. 18Huwag kayong padadaya sa mga taong humihikayat na kailangan ninyong pagkaitan ang sarili nʼyo at sambahin ang mga anghel. Pinaninindigan nila ang mga ito dahil sa mga pangitain nila na pagyayabang lang, walang kabuluhan, at gawa-gawa lang ng makamundo nilang pag-iisip. 19Wala silang kaugnayan kay Cristo na siyang ulo natin. Siya ang nag-uugnay-ugnay at nag-aalaga sa atin na kanyang katawan sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na bahagi nito. Sa ganoon, lumalago tayo nang naaayon sa Dios.

Ang Bagong Buhay Kay Cristo

20Namatay kayong kasama ni Cristo, at pinalaya sa mga walang kabuluhang pamamaraan ng mundo, kaya bakit namumuhay pa rin kayo na parang mga makamundo? Bakit sumusunod pa rin kayo sa mga tuntuning tulad ng, 21“Huwag hahawak nito,” “Huwag titikim niyon,” “Huwag hihipo niyan”? 22Ang mga itoʼy batay lang sa utos at turo ng tao tungkol sa mga bagay na nawawala pagkatapos kainin o inumin. 23Sa unang tingin, parang may karunungan ang mga ganitong katuruan tungkol sa gusto nilang pagsamba, pagpapakumbaba, at pagpapahirap sa sariling katawan. Pero ang totoo, wala namang naitutulong ang mga ito sa pagpipigil sa masasamang hilig ng laman.

Słowo Życia

Kolosan 2:1-23

1Chciałbym, żebyście wiedzieli, jak ciężką walkę toczę o was oraz o wierzących z Laodycei, a także o tych wszystkich, którzy osobiście mnie nie znają. 2Pragnę, abyście wszyscy byli zachęceni i zjednoczeni w miłości, byście w pełni zrozumieli i poznali Bożą tajemnicę—Chrystusa. 3To w Nim bowiem kryją się niewyczerpane bogactwa mądrości i wiedzy.

4Mówię o tym po to, aby nikt nie oszukał was błyskotliwą mową. 5Chociaż bowiem jestem daleko, sercem jestem z wami i cieszę się, widząc, że jesteście zdyscyplinowani i nieugięcie wierzycie Chrystusowi.

Wolność od ludzkich nakazów

6Skoro uznaliście Chrystusa za swojego Pana, naśladujcie Go! 7Zapuśćcie w Nim duchowe korzenie, budujcie na Nim swoje życie i coraz bardziej Mu wierzcie—tak jak was nauczono. Bądźcie też Mu wdzięczni!

8Uważajcie, aby nikt z was nie padł ofiarą zwodniczej filozofii lub bezsensownych oszustw, które mają swoje źródło w ludzkich koncepcjach, a nie w nauce Chrystusa, 9w którym Bóg jest obecny w całej pełni. 10W Jezusie macie wszystko, czego potrzebujecie. To Jemu bowiem podlegają wszystkie duchowe moce. 11W Nim zostaliście obrzezani, ale nie fizycznie, lecz duchowo—On bowiem odciął od was waszą grzeszną naturę. 12Przez chrzest zostaliście razem z Chrystusem pogrzebani, ale również razem z Nim ożywieni, bo uwierzyliście w moc Boga, który wskrzesił Go z martwych. 13Byliście martwi, pogrążeni w grzechach i nie należeliście do Boga. Lecz On ożywił was razem z Chrystusem i przebaczył wam wszystkie grzechy. 14On wycofał oskarżenie przeciwko nam i przybił je razem z Chrystusem do krzyża. 15W ten sposób obezwładnił zbuntowane duchowe moce i publicznie je ośmieszył, prowadząc je jak jeńców w zwycięskim orszaku Chrystusa.

16Nie pozwólcie więc, aby ktokolwiek potępiał was z powodu tego, co jecie i pijecie, lub krytykował za to, że nie obchodzicie nowiu księżyca, szabatu czy innych świąt. 17Przepisy dotyczące pokarmów i świąt były przecież tylko zapowiedzią nadchodzącej rzeczywistości, a ona należy do Chrystusa. 18Nie dajcie się więc krytykować komuś, kto poprzez poniżanie się chce zademonstrować innym swoją duchowość, lub kto oddaje cześć aniołom. Ludzie tacy twierdzą, że kierują się jakimś szczególnym objawieniem, otrzymanym od Boga, w rzeczywistości jednak bezpodstawnie wywyższają się z powodu swoich dokonań. 19Tacy ludzie nie trzymają się Chrystusa, czyli Głowy, dzięki której cały kościół, będący Jego ciałem, odżywiany i połączony w całość, wzrasta, dzięki mocy Boga.

20Razem z Chrystusem umarliście i zostaliście uwolnieni spod panowania mocy tego świata. Dlaczego więc teraz, jak ludzie należący do świata, poddajecie się jego nakazom: 21„Nie jedz! Nie próbuj! Nawet tego nie dotykaj!”? 22Przecież wszelki pokarm jest przeznaczony do jedzenia! 23Takie nakazy mogą z pozoru wydawać się mądre, bo sprawiają, że ludzie uczestniczą w religijnych obrzędach, poniżają się i odmawiają sobie przyjemności. Tak naprawdę nie są one jednak w stanie nikomu pomóc w opanowaniu ludzkich, grzesznych pragnień.