Bilang 24 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 24:1-25

1Samantala, nang mapag-isip-isip ni Balaam na gusto ng Panginoon na pagpalain ang Israel, hindi na siya nangkulam katulad ng ginawa niya noong una. Sa halip, humarap siya sa disyerto 2at nakita niya ang mga Israelita na nagkakampo ayon sa kani-kanilang lahi. Pagkatapos, pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, 3at sinabi niya, “Ako si Balaam na anak ni Beor, at may malinaw akong pang-unawa.24:3 pang-unawa: sa literal, paningin. 4Narinig ko ang salita ng Dios, at nakakita ako ng isang pangitain na mula sa Makapangyarihang Dios. Nagpatirapa ako at nagpahayag siya sa akin.24:4 nagpahayag siya sa akin: sa literal, binuksan ang aking mga mata. Ito ang aking mensahe:

5‘Anong ganda ng mga toldang tinitirhan ng mga mamamayan ng Israel na mga lahi ni Jacob.

6Katulad ito ng mga nakalinyang palma, o ng mga tanim sa tabi ng ilog.

Katulad din ito ng puno ng aloe na itinanim ng Panginoon, o ng mga puno ng sedro sa tabi ng tubig.

7Umaapaw ang mga tubig sa kanilang mga lalagyan, at nagtatanim sila ng buto sa mga lupang sagana sa tubig.

Ang kanilang hari ay magiging mas makapangyarihan kaysa kay Agag na hari ng Amalekita, at ang kanilang kaharian ay magiging tanyag.

8Inilabas sila ng Dios sa Egipto; para sa kanila, katulad siya ng isang malakas na toro.

Lulupigin nila ang kanilang mga kaaway; tutuhugin sa tulis ng pana at dudurugin ang kanilang mga buto.

9Katulad sila ng mga leon na kapag nakatulog na ay wala nang mangangahas pang gumising sa kanila.

Pagpapalain ang mga nagpapala sa kanila at susumpain ang mga sumusumpa sa kanila.’ ”

10Dahil dito, matindi ang galit ni Balak kay Balaam. Isinuntok niya ang kanyang kamao sa kanyang palad at sinabi, “Ipinatawag kita para sumpain ang aking mga kaaway, pero binasbasan mo pa sila ng tatlong beses. 11Umuwi ka na lang! Nangako ako sa iyong babayaran kita ng malaking halaga, pero hindi pumayag ang Panginoon na matanggap mo ang bayad.” 12Sumagot si Balaam kay Balak, “Hindi baʼt sinabihan ko ang iyong mga mensahero, 13na kahit ibigay mo pa sa akin ang iyong palasyong puno ng pilak at ginto, hindi ako makakagawa ng sarili kong kagustuhan, masama man ito o mabuti. Kung ano ang sinasabi ng Panginoon sa akin, iyon lang ang aking sasabihin. 14Uuwi ako ngayon din sa aking mga kababayan, pero bago ako umalis, paaalalahanan muna kita kung ano ang gagawin ng mga Israelitang ito sa iyong mga mamamayan balang araw.”

Ang Ikaapat na Mensahe ni Balaam

15Pagkatapos, sinabi ni Balaam ang mensaheng ito: “Ako si Balaam na anak ni Beor, at may malinaw akong pang-unawa.24:15 pang-unawa: Tingnan ang “footnote” sa 24:3. 16Narinig ko ang salita ng Kataas-taasang Dios, at nakakita ako ng pangitain mula sa Makapangyarihang Dios. Nagpatirapa ako sa kanya at nagpahayag siya sa akin.24:16 nagpahayag siya sa akin: Tingnan ang “footnote” sa 24:4. Ito ang aking mensahe:

17“May nakita ako sa aking pangitain na hindi pa nangyayari. Sa hinaharap, mamamahala ang isang hari24:17 mamamahala ang isang hari: sa literal, may lilitaw na bituin, may lalabas na setro ng hari. sa Israel mula sa lahi ni Jacob. Ibabagsak niya ang mga Moabita at ang lahat ng lahi ni Set. 18Sasakupin niya ang Edom na kanyang kaaway, na tinatawag din na Seir, habang tumatatag ang Israel. 19Mamumuno ang isang pinuno sa Israel24:19 Israel: sa literal, Jacob. at ibabagsak niya ang mga natirang buhay sa lungsod ng Moab.”

Ang Huling Mensahe ni Balaam

20Pagkatapos, nakita ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Amalekita at sinabi niya, “Ang Amalek noon ang nangunguna sa mga bansa, pero sa huli, babagsak ito.”

21Pagkatapos, nakita na naman ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Keneo at sinabi niya, “Matatag ang inyong tinitirhan, dahil nakapatong ito sa mga bato 22pero babagsak kayo kapag binihag kayo ng Asiria.”

23At sinabi pa ni Balaam ang mensaheng ito, “Kahabag-habag, sino ba ang mabubuhay kung gagawin ito ng Dios? 24Darating ang mga barko mula sa Kitim at sasakupin nila ang mga mamamayan ng Asiria at ng Eber, pero babagsak din ang Kitim.”

25Pagkatapos, umuwi si Balaam at ganoon din si Balak.

New International Reader’s Version

Numbers 24:1-25

1Balaam saw that the Lord was pleased to give his blessing to Israel. So he didn’t try to use evil magic as he had done at other times. Instead, he turned and looked toward the desert. 2He looked out and saw Israel. They had set up their camps tribe by tribe. The Spirit of God came on him. 3Balaam spoke the message he had received from God. He said,

“Here is the message God gave Balaam, the son of Beor.

It’s the message God gave to the one who sees clearly.

4It’s the message God gave to the one who hears the words of God.

He sees a vision from the Mighty One.

He falls down flat with his face toward the ground.

His eyes have been opened by the Lord.

5“People of Jacob, your tents are very beautiful.

Israel, the places where you live are very beautiful.

6“They spread out like valleys.

They are like gardens beside a river.

They are like aloes the Lord has planted.

They are like cedar trees beside a stream.

7Their water buckets will run over.

Their seeds will have plenty of water.

“Their king will be greater than King Agag.

Their kingdom will be honored.

8“God brought them out of Egypt.

They are as strong as a wild ox.

They destroy nations at war with them.

They break their bones in pieces.

They wound them with their arrows.

9Like a male lion they lie down and sleep.

They are like a female lion.

Who dares to wake them up?

“May those who bless you be blessed!

May those who curse you be cursed!”

10Then Balak became very angry with Balaam. He slapped his hands together. He said to Balaam, “I sent for you to put a curse on my enemies. But you have given them a blessing three times. 11Get out of here right away! Go home! I said I’d make you very rich. But the Lord has kept you from getting rich.”

12Balaam answered Balak, “Here is what I told the messengers you sent me. 13I said, ‘Balak could give me all the silver and gold in his palace. Even if I wanted to, I still couldn’t do anything at all that goes beyond what the Lord commands. I must say only what the Lord tells me to say.’ 14Now I’m going back to my people. But come. Let me warn you about what these people will do to your people in days to come.”

Balaam’s Fourth Message From God

15Then Balaam spoke the message he had received from God. He said,

“Here is the message God gave Balaam, the son of Beor.

It’s the message God gave to the one who sees clearly.

16It’s the message God gave to the one who hears the words of God.

The Most High God has given him knowledge.

He sees a vision from the Mighty One.

He falls down flat with his face toward the ground.

His eyes have been opened by the Lord.

17“I see him, but I don’t see him now.

I view him, but he isn’t near.

A star will come from among the people of Jacob.

A king will rise up out of Israel.

He’ll crush the foreheads of the people of Moab.

He’ll crush the heads of all the people of Sheth.

18He’ll win the battle over Edom.

He’ll win the battle over his enemy Seir.

But Israel will grow strong.

19A ruler will come from among the people of Jacob.

He’ll destroy those from the city who are still alive.”

Balaam’s Fifth Message From God

20Then Balaam saw the Amalekites. He spoke the message he had received from God. He said,

“Amalek was the first nation to attack Israel.

But their end will be total destruction.”

Balaam’s Sixth Message From God

21Then Balaam saw the Kenites. He spoke the message he had received from God. He said,

“The place where you live is safe.

Your nest is on a high cliff.

22But you Kenites will be destroyed.

Ashur will take you as prisoners.”

Balaam’s Seventh Message From God

23Then Balaam spoke the message he had received from God. He said,

“Who can live when God does this?

24Ships will come from the shores of Cyprus.

They will bring Ashur and Eber under their control.

But they themselves will also be destroyed.”

25Then Balaam got up and returned home. And Balak went on his way.