Bilang 20 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 20:1-29

Ang Tubig na Lumabas sa Bato

(Exo. 17:1-7)

1Noong unang buwan, dumating ang buong mamamayan ng Israel sa ilang ng Zin, at nagkampo sila sa Kadesh. Doon namatay si Miriam at inilibing.

2Walang tubig doon, kaya nagtipon na naman ang mga tao laban kina Moises at Aaron. 3Nakipagtalo sila kay Moises at sinabi, “Mabuti pang namatay na lang kami kasama ng mga kababayan naming namatay noon sa presensya ng Panginoon. 4Bakit dinala mo kaming mga mamamayan ng Panginoon dito sa disyerto? Para ba mamatay kasama ng aming mga alagang hayop? 5Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Egipto at dinala kami rito sa walang kwentang lugar na kahit trigo, igos, ubas o pomegranata ay wala? At walang tubig na mainom!”

6Kaya iniwan nina Moises at Aaron ang mga mamamayan, at nagpunta sila sa Toldang Tipanan at nagpatirapa sila para manalangin. Pagkatapos, nagpakita sa kanila ang makapangyarihang presensya ng Panginoon. 7Sinabi ng Panginoon kay Moises, 8“Kunin mo ang iyong baston at tipunin ninyo ni Aaron ang buong mamamayan. At habang nakatingin sila, utusan mo ang bato na maglabas ng tubig, at mula dito aagos ang tubig. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ninyo ng tubig ang mamamayan para makainom sila at ang kanilang mga hayop.”

9Kaya kinuha ni Moises ang baston sa presensya ng Panginoon, doon sa may Toldang Tipanan, ayon sa iniutos ng Panginoon sa kanya. 10Pagkatapos, tinipon nina Aaron ang buong mamamayan sa harapan ng bato, at sinabi ni Moises sa kanila, “Makinig kayong mga suwail, dapat ba namin kayong bigyan ng tubig mula sa batong ito?” 11Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kanyang baston, pinalo ng dalawang beses ang bato, at bumulwak ang tubig mula rito, at uminom ang mamamayan at ang kanilang mga hayop.

12Pero sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Dahil sa hindi kayo naniwala sa akin na ipapakita ko sa inyo ang aking kabanalan sa harap ng mga Israelita, hindi kayo ang mamumuno sa pagdadala ng mga mamamayang ito sa lupaing ibibigay ko sa kanila.”

13Ang lugar na ito ay tinatawag na Meriba20:13 Meriba: Ang ibig sabihin sa, pagtatalo. dahil nakipagtalo ang mga Israelita sa Panginoon sa lugar na ito, at dito rin ipinakita ng Panginoon ang kanyang kabanalan.

Hindi Pinayagan ng mga taga-Edom na Dumaan ang mga Israelita

14Habang naroon pa ang mga Israelita sa Kadesh, nagsugo si Moises ng mga mensahero sa hari ng Edom na nagsasabi, “Ito ang mensahe mula sa iyong kamag-anak, ang mamamayan ng Israel: Nalalaman mo ang lahat ng kahirapan na aming napagdaanan. 15Pumunta ang aming mga ninuno sa Egipto, at matagal silang nanirahan doon. Inapi kami at ang aming mga ninuno ng mga Egipcio, 16pero humingi kami ng tulong sa Panginoon at pinakinggan niya kami at pinadalhan ng anghel na naglabas sa amin sa Egipto.

“Ngayon, naririto kami sa Kadesh, ang bayan sa tabi ng iyong teritoryo. 17Kung maaari, payagan mo kaming dumaan sa inyong lupain. Hindi kami dadaan sa inyong mga bukid o ubasan o iinom sa inyong mga balon. Dadaan lang kami sa inyong pangunahing daan20:17 pangunahing daan: sa literal, daanan ng hari. at hindi kami dadaan sa ibang mga daan hanggang sa makalabas kami sa inyong teritoryo.”

18Pero ito ang sagot ng hari ng Edom, “Huwag kayong dadaan dito sa amin. Kung dadaan kayo, sasalakayin namin kayo at papatayin.” 19Sumagot ang mga Israelita, “Dadaan lang kami sa pangunahing daan; at kung makakainom kami at ang aming mga hayop ng inyong tubig, babayaran namin ito. Dadaan lang kami sa inyo.”

20Sumagot muli ang hari ng Edom:

“Hindi kayo maaaring dumaan dito!” Pagkatapos, tinipon ng hari ng Edom ang kanyang malalakas na sundalo para makipaglaban sa mga Israelita. 21Dahil ayaw magpadaan ng mga taga-Edom sa kanilang teritoryo, humanap na lang ang mga Israelita ng ibang madaraanan.

Namatay si Aaron

22Umalis ang buong mamamayan ng Israel sa Kadesh, at pumunta sa Bundok ng Hor. 23Doon sa Bundok ng Hor, malapit sa hangganan ng Edom, sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, 24“Dumating na ang panahon Aaron na isasama ka na sa piling ng mga yumao mong ninuno. Hindi ka makakapasok sa lupaing ibibigay ko sa mga Israelita dahil sumuway kayong dalawa ni Moises sa aking utos doon sa bukal ng Meriba. 25Ngayon, Moises, dalhin mo si Aaron at ang anak niyang si Eleazar sa Bundok ng Hor. 26Pagkatapos, hubaran mo si Aaron ng kanyang damit pampari at ipasuot ito sa anak niyang si Eleazar, dahil mamamatay si Aaron doon sa bundok at isasama na sa piling ng mga yumao niyang ninuno.”

27Sinunod ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon. Umakyat sila sa Bundok ng Hor, habang nakatingin ang buong mamamayan. 28Pagkatapos, hinubad ni Moises ang damit pampari ni Aaron, at ipinasuot niya ito kay Eleazar. At namatay si Aaron doon sa itaas ng bundok. Pagkatapos, bumaba sila Moises at Eleazar mula sa bundok. 29Nang malaman ng buong mamamayan na patay na si Aaron, nagluksa sila para sa kanya sa loob ng 30 araw.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

民数记 20:1-29

磐石出水

1一月,以色列全体会众抵达旷野,在加低斯安营。米利暗离世,葬在那里。 2会众没有水喝,就聚集起来反对摩西亚伦3他们埋怨说:“还不如当初跟我们的弟兄一起死在耶和华面前! 4你们为什么领耶和华的会众到这旷野来,要叫我们和牲畜都死在这里吗? 5你们为什么把我们领出埃及,带到这不毛之地?这里没有五谷、无花果树、葡萄树和石榴树,甚至没有水喝。” 6摩西亚伦离开会众到会幕门口,俯伏在地。耶和华的荣光向他们显现。 7耶和华对摩西说: 8“你拿着杖和你哥哥亚伦招聚会众,当着他们的面吩咐磐石流出水来,水就会从磐石流出,供会众和牲畜喝。” 9摩西遵命而行,从耶和华面前取了杖, 10然后和亚伦把会众招聚到磐石前,说:“你们这些叛逆之徒听着,非要我们叫磐石给你们流出水来吗?” 11接着,摩西举起手中的杖击打磐石两下,水便喷涌而出,会众和牲畜都喝了。

12耶和华对摩西亚伦说:“你们对我没有足够的信心,没有当着以色列人的面尊我为圣,所以你们不得带领会众进入我将要赐给他们的土地。” 13这地方叫米利巴泉,因为以色列人在那里埋怨耶和华,耶和华就向他们彰显了祂的圣洁。

以东王不借路

14摩西加低斯派使者去见以东王,说:“你的弟兄以色列人说,你知道我们遭遇的种种困难。 15我们祖先到埃及寄居多年,我们世代受埃及人虐待。 16但我们呼求耶和华,祂就垂听了我们的声音,差遣天使把我们领出埃及。现在我们来到你边境的加低斯城, 17求你容我们借道贵国。我们不会踏入田地和葡萄园,也不会喝井里的水,只走大路,不会偏离,直到走出贵国。” 18以东王却说:“你们不可从我这里经过,否则我必兵戎相见。” 19以色列人说:“我们只走大路,倘若我们和牲畜喝了你的水,我们会付钱。我们别无他求,只求步行穿过贵国。” 20以东王仍然不准,还率领大军严阵以待。 21由于无法从以东穿过,以色列人只好绕道。

亚伦离世

22以色列全体会众从加低斯出发,来到何珥山。 23耶和华在位于以东边界的何珥山对摩西亚伦说: 24亚伦要去他祖先那里了,他不能进入我赐给以色列人的土地,因为你们在米利巴泉违背了我的命令。 25摩西啊,你要带亚伦和他儿子以利亚撒何珥山, 26亚伦的圣衣脱下来给他儿子以利亚撒穿上,因为亚伦将死在那里。” 27摩西遵命而行。他们三人就当着全体会众的面上了何珥山。 28摩西亚伦的圣衣脱下,给以利亚撒穿上。随后亚伦在山顶离世。摩西以利亚撒便下了山。 29以色列全体会众得知亚伦离世,就为他哀悼了三十天。