Bilang 12 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

Bilang 12:1-16

Ang Reklamo nila Miriam at Aaron

1Ngayon, siniraan nila Miriam at Aaron si Moises dahil nakapag-asawa siya ng isang taga-Cush.12:1 taga-Cush: sa Hebreo, taga-Etiopia. 2Sinabi nila, “Sa pamamagitan lang ba ni Moises nakikipag-usap ang Panginoon? Nakikipag-usap din siya sa amin.” Pero narinig ito ng Panginoon.

3(Mapagpakumbaba si Moises higit sa lahat ng mga tao sa mundo.)

4Kaya nakipag-usap agad ang Panginoon kina Moises, Aaron at Miriam, “Lumabas kayong tatlo at pumunta sa Toldang Tipanan.” Kaya pumunta silang tatlo sa Tolda. 5Pagkatapos, bumaba ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi at tumayo sa pintuan ng Toldang Tipanan, at tinawag sina Aaron at Miriam. Paglapit ng dalawa, 6sinabi ng Panginoon, “Pakinggan ninyo ito: Kung may propeta ako na nasa inyo, nakikipag-usap ako sa kanya sa pamamagitan ng pangitain at panaginip. 7Pero hindi ako ganoon makipag-usap ako sa aking lingkod na si Moises na mapagkakatiwalaang pinuno ng aking mga mamamayan. 8Kung makikipag-usap ako sa kanya, parang magkaharap lang kami dahil ang aking sinasabi sa kanya ay malinaw talaga. Parang nakikita niya ako. Kaya bakit hindi kayo natakot magsalita ng masama laban sa aking lingkod na si Moises?”

9Nagalit ang Panginoon sa kanila, at umalis siya. 10Nang umalis na ang ulap sa ibabaw ng Tolda, tinubuan si Miriam ng malubhang sakit sa balat,12:10 malubhang sakit sa balat: sa ibang salin ng Biblia, ketong. Ang salitang Hebreo nito ay ginagamit sa ibaʼt ibang klase ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13. at namuti ang kanyang balat. Pagkakita ni Aaron sa kanya, 11sinabi ni Aaron kay Moises, “Pakiusap kapatid12:11 kapatid: sa literal, panginoon. ko, huwag po ninyo kaming pahirapan dahil sa aming kasalanang nagawa namin nang may kahangalan. 12Huwag ninyong hayaang maging tulad si Miriam ng isang batang patay nang ipinanganak at bulok ang kalahating katawan.”

13Kaya nagmakaawa si Moises sa Panginoon, “O Dios ko, nakikiusap po ako sa inyo na pagalingin ninyo si Miriam.” 14Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Hindi baʼt kapag dinuraan siya ng kanyang ama sa mukha para pasamain siya ay pagdurusahan niya ang kahihiyan sa loob ng pitong araw? Kaya palabasin siya sa kampo sa loob ng pitong araw, pagkatapos ng pitong araw, maaari na siyang makabalik.”

15Kaya pinalabas si Miriam sa kampo sa loob ng pitong araw. Hindi nagpatuloy ang mga tao sa paglalakbay hanggang sa makabalik si Miriam sa kampo. 16Pagkatapos noon, umalis sila sa Hazerot, at nagkampo sa disyerto ng Paran.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

民数记 12:1-16

米利暗受罚

1米利暗亚伦摩西娶了一个古实的女子而批评他,说: 2“难道耶和华只借着摩西说话吗?祂不也借着我们说话吗?”耶和华听见了这话。 3其实摩西为人十分谦和,比世上任何人都谦和。 4耶和华立刻对摩西亚伦米利暗说:“你们三人都到会幕去。”他们就去了。 5耶和华在云柱中降临,站在会幕门口呼唤亚伦米利暗,二人就走到前面。 6耶和华说:“你们听我说,你们中间若有先知,我耶和华必在异象中向他显现,在梦中跟他说话。 7但我不是这样对待我的仆人摩西,他是我子民中最忠心的人, 8我跟他面对面说话,清清楚楚,不用谜语,他看得见我的形象。你们怎敢批评我的仆人摩西?” 9耶和华向他们发怒,然后离去。 10云彩从会幕上离开的时候,米利暗身上患了麻风病,像雪一样白。亚伦见状, 11便对摩西说:“我主啊,求你不要因我们愚昧犯罪而惩罚我们。 12求你不要让她像那一出母腹便半身腐烂的死胎。” 13于是,摩西呼求耶和华:“上帝啊,求你医治她!” 14耶和华对摩西说:“如果她父亲在她脸上吐唾沫,她岂不也要蒙羞七天吗?现在把她关在营外,七天后再让她回来。” 15于是,米利暗被关在营外七天,民众等她回营后才继续前行。 16他们离开哈洗录,到巴兰旷野安营。