Amos 2 – TCB & CST

Tagalog Contemporary Bible

Amos 2:1-16

Ang Parusa sa Bansang Moab

1Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Moab: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Moab, parurusahan ko sila. Sapagkat sinunog nila ang mga buto ng hari ng Edom hanggang sa maging abo ito. 2Kaya susunugin ko ang Moab pati na ang matitibay na bahagi ng Keriot.2:2 Keriot: Itoʼy lugar na sakop ng Moab. Mamamatay ang mga taga-Moab habang nagsisigawan at nagpapatunog ng mga trumpeta ang kanilang mga kaaway na sumasalakay sa kanila. 3Mamamatay pati ang kanilang hari at ang lahat ng kanyang mga opisyal. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Ang Parusa sa Bansang Juda

4Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Juda: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Juda, parurusahan ko sila. Sapagkat itinakwil nila ang aking mga kautusan at hindi nila sinunod ang aking mga tuntunin. Iniligaw sila ng paglilingkod nila sa mga dios-diosan na pinaglingkuran din ng kanilang mga ninuno. 5Kaya susunugin ko ang Juda pati na ang matitibay na bahagi ng Jerusalem.”

Ang Parusa sa Bansang Israel

6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Israel: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Israel,2:6 Israel: Noong mahati sa dalawang kaharian ang Israel (1 Hari 2), ang isa ay tinawag na Israel at ang isa ay Juda. parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbibili nila bilang alipin ang mga taong walang kasalanan dahil lamang sa kanilang utang. Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirap kahit na isang pares lang na sandalyas ang utang. 7Ginigipit nila ang mga mahihirap at hindi binibigyan ng katarungan. Mayroon sa kanila na mag-amang nakikipagtalik sa iisang babae. Dahil dito nilalapastangan nila ang aking banal na pangalan. 8Natutulog sila sa kanilang sambahan2:8 sa kanilang sambahan: sa literal, sa tabi ng bawat altar. na suot ang damit na isinangla sa kanila ng mga mahihirap.2:8 Ayon sa Exo. 22:26-27 at sa Deu. 24:12-13, ang damit na isinangla ng dukha ay dapat ibalik sa kanya kinagabihan. At nag-iinuman sila sa aking templo ng alak na binili galing sa ibinayad ng mga mahihirap na may utang sa kanila. 9Pero ako, ang ginawa ko para sa kanila na mga taga-Israel, nilipol ko ang mga Amoreo, kahit na kasintaas sila ng punong sedro at kasintibay ng punong ensina. Nilipol ko silang lahat at walang itinirang buhay. 10Inilabas ko rin sa Egipto ang mga ninuno ng mga taga-Israel at pinatnubayan ko sila sa ilang sa loob ng 40 taon upang makuha nila ang lupain ng mga Amoreo. 11Pinili ko ang ilan sa mga anak nila na maging propeta at Nazareo. Mga taga-Israel, hindi baʼt totoo itong sinasabi ko? 12Pero ano ang ginawa ninyo? Pinainom ninyo ng alak ang mga Nazareo2:12 Pinainom ninyo ng alak ang mga Nazareo: upang hindi nila matupad ang kanilang panata sa Dios na hinding-hindi sila iinom ng alak. at pinagbawalan ninyo ang mga propeta na sabihin ang ipinapasabi ko. 13Kaya makinig kayo! Pahihirapan ko kayo katulad ng kariton na hindi na halos makausad dahil sa bigat ng karga. 14Kaya kahit na ang mabilis tumakbo sa inyo ay hindi makakatakas, ang malalakas ay manghihina, at ang mga sundalo ay hindi maililigtas ang kanilang sarili. 15Kahit na ang mga sundalong namamana sa labanan ay uurong. Ang mga sundalong mabilis tumakbo ay hindi makakatakas, at silang mga nakasakay sa kabayo ay hindi rin makakaligtas. 16Sa araw na iyon, kahit ang pinakamatapang na sundalo ay tatakas na nakahubad. Ako, ang Panginoon, ang nagsabi nito.”

Nueva Versión Internacional (Castilian)

Amós 2:1-16

1Así dice el Señor:

«Los delitos de Moab han llegado a su colmo;

por tanto, no revocaré su castigo:

Porque quemaron los huesos del rey de Edom

hasta reducirlos a ceniza,

2yo enviaré fuego sobre Moab,

que consumirá las fortalezas de Queriot,

y morirá Moab en medio del estrépito

de gritos de guerra y toques de trompeta.

3Destruiré al gobernante en medio de su pueblo,

y junto con él mataré a todos sus oficiales»,

dice el Señor.

4Así dice el Señor:

«Los delitos de Judá han llegado a su colmo;

por tanto, no revocaré su castigo:

Porque, dejándose descarriar por sus mentiras,

tras las cuales anduvieron sus antepasados,

rechazaron la ley del Señor

y no obedecieron sus preceptos.

5Por eso yo enviaré fuego contra Judá,

que consumirá las fortalezas de Jerusalén».

Juicio contra Israel

6Así dice el Señor:

«Los delitos de Israel han llegado a su colmo;

por tanto, no revocaré su castigo:

Venden al justo por monedas,

y al necesitado, por un par de sandalias.

7Pisotean la cabeza de los desvalidos

como si fuera el polvo de la tierra,

y pervierten el camino de los pobres.

Padre e hijo se acuestan con la misma mujer,

profanando así mi santo nombre.

8Junto a cualquier altar

se acuestan sobre ropa que tomaron en prenda,

y el vino que han cobrado como multa

lo beben en la casa de su Dios.2:8 su Dios. Alt. sus dioses.

9»Todo esto, a pesar de que por ellos

yo destruí a los amorreos;

destruí su fruto arriba

y sus raíces abajo,

aunque eran altos como el cedro

y fuertes como la encina.

10»Yo mismo os hice subir desde Egipto,

y os conduje cuarenta años por el desierto,

a fin de conquistar para vosotros

la tierra de los amorreos.

11También levanté profetas de entre vuestros hijos

y nazareos de entre vuestros jóvenes.

¿Acaso no fue así, israelitas?

—afirma el Señor—.

12Pero vosotros les hicisteis beber vino a los nazareos

y les ordenasteis a los profetas que no profetizaran.

13»Pues bien, voy a aplastaros

como aplasta una carreta cargada de trigo.

14Entonces no habrá escapatoria para el ágil,

ni el fuerte podrá valerse de su fuerza,

ni el valiente librará su vida.

15El arquero no resistirá,

ni escapará con vida el ágil de piernas,

ni se salvará el que monta a caballo.

16En aquel día huirá desnudo

aun el más valiente de los guerreros»,

afirma el Señor.